Ang Boyfriend kong Sikat

By IM_Missing_U

170K 3.7K 478

Iniwan mo ako! Nandiyan siya sa mga oras na mag-isa ako! Tapos ngayon babalik ka at basta na lang akong kukun... More

Prologue
C1- THE BEGINNING OF THE BROKEN HEART
C2- FIRST ENCOUNTER? SPELL HUMILIATED, P-A-O.
C3- STILL HURTING
C4- THE FAMOUS BAND
C5- CAN'T STOP FROM BEING HURT
C6- THE VOICE
C7- SO MANY REALIZATIONS
C8- CJ'S ACT
C9- MYSTERIES
C10- JSEN'S FINAL DECISION
C11- THAT VOICE AGAIN
C12- OVERHEARD CONFESSION
C13- CONCERT
C14- UNEXPECTED DECISION
C15- YOUR GUARDIAN ANGEL
C16- NIGHT CHANGES (JSEN'S CHANGES)
C17- A DATE WITH JSEN (1)
C18- A DATE WITH JSEN (2)
C19- A DATE WITH JSEN (3)
C20- A DATE WITH JSEN (4)
C21 - START OF MOVING ON
C22 - A Day With Him
C23 - Ang Batang Babae..
C24 - Remembering Her
C25 - Pain and Memories
C27 - Let's clear it up
C28 - Their Sides
C29 -
C30 - THE LEAD VOCALIST Part 1
C31 - THE LEAD VOCALIST Part 2
C32 - WHO IS MOMOXINE CLARKSON
C33 - PART 1
C34 - PART 2
C35 - CJ's P.O.V
C36 - NASIRANG PLANO
C37 - AKO SI MOMOXINE CLARCKSON
Epilogue

C26 - PANGAKO

2.7K 69 5
By IM_Missing_U

At dahil mahal ko kayong mga readers ko! hahaha :*** 

XoXo

Meow, Nicole <3 

xxxxxxxxxxx

CHAPTER TWENTY~SIX - PANGAKO

Michy's P.O.V 

"Oh apo dahan-dahan lang ha baka mamaya mawalan ka nanaman ng malay nakuu," sabi sakin ni Lola habang inaalalayan pa ako, 

"Lola ano kaba! dapat nga ikaw ang inaalalayan namin kasi ikaw na itong matanda na" sabi ko habang natatawa, 

"Malakas naman ako! hindi naman ako katulad mo na bata pa ayan na hinihimatay na! haha-- *Cough Cough!*--"

"--Hala! Lola! Lola! " inalayan ko sya

"Lola! Lola" sabi ni Ian , pinuntahan nya si Lola at inalalayan din ito. Nasa gilid ko kasi sya kanina . 

"Haha! Kayo naman! Wag kayong mag-alala inubo lang si lola! haha" natawa nalang kami kasi parang ang lakas-lakas pa nga naman ni Lola, Pero syempre no one can tell kung kailan matatapos ang buhay ng tao. Pero wag naman sana... 

Sumakay na kami sa tricycle para umuwi na sa bahay. Syempre sa bahay ni Lola. Habang nasa byahe kami napatingin ako sa dako ni Ian na nakaupo sa may tabi ng driver. Tinititigan ko lang sya. Muka atang ang saya-saya ni Ian? Ano kayang nangyari dito ? Kanina kasi umalis sya . Nagtampo ako nun hindi man lang nagpaalam sakin -3-. Aba syempre! Ah basta! >3>

Ng makita kong nahuli ni Ian na nakatingin ako sakanya iniwas ko na kaagad ang tingin ko at nagpanggap na nakatingin lang sa daan. WAAAAA! Ano bang nangyayari sakin?? Hindi naman ako ganito dati ah??? >////< 

Nakarating naman kami sa bahay ng walang nangyayari >'///> Mabuti na yun noh. Pumasok na kami sa loob at naupo muna sa salas. 

Katabi ko si Lola. In other term pinag-gigitnaan namin si Lola. Sumandal ako sa balikat ni Lola. Si lola naman sinusuklay yung buhok ko . 

"Oh apo? Napagod kaba? Gusto mo ba munang mahiga sa kwarto nyo?" pagtatanong sakin ni Lola. Umiling lang ako bilang sign ng 'No'. Hindi na naman sumagot pa si Lola. 

"Lola basta kahit anong mangyari nandito lang kami ni Ian para samahan ka dito . Hindi ka namin iiwan Lola" ewan ko kung bakit bigla nalang yan lumalabas sa bibig ko. Ang weird ko ata ngayon?. 

Naramdaman ko nalang na niyakap ako ni Lola gamit ang isa nyang kamay. NAkapikit lang ako non. 

"Oh sya sya. Pahinga na muna kayo sa kwarto nyo, Kailangan nyong magpahinga." Humarap si Lola kay Ian "Lalo kana" at dun tumayo na sya at pumunta sa kwarto nya. Napatingin naman ako sa kakasaradong pintuan ng kwarto ni Lola. Anong nangyayari kay Lola?. NApakunot nalang ang noo ko

"Michy" nilingon ko ang tumawag ng pangalan ko pero ng pagkalingon ko naman ay sobrang lapit ng muka ni Ian sa akin. Nagulat ako sa istura nya. Bakit parang masaya sya na malungkot sa loob?. 

"B-bakit? " nakatingin lang ako ng daretso sa mga mata nya. Ganon din sya. Ewan ko pero parang may iba sa nararamdaman ko ngayon. 

"Tara pahinga na tayo" sabi nya sabay tayo at inabot ang kamay nya sa harap ko. Sinundan ko lang sya ng tingin. Una parang naguguluhan pa ako sa kinikilos nya pero nilagay ko nalang ang kamay ko sa ibabaw ng kamay nya at hinigit na nya ako patayo. Pumunta na kami sa kwarto ng walang nag-iimikan. Pero hindi natanggal ang pagkakahawak ng kamay namin sa isat isa.

Pagkapasok palang ng kwarto ay niyakap ako bigla ni Ian

"I-ian" ewan ko parang biglang nabuhay ang katawan ko sa ginawa nya. Ang lakas-lakas ng tibok ng puso ko. Ewan ko kung bakit. Niyayakap nya ako from behind na halos ramdam ko ang hininga nya sa leeg ko.

"Michy kapag ba kahit anong mangyari lagi ka parin bang nasa tabi ko? .Hindi mo naman ako iiwan diba? . diba ?"

hindi ko alam ang sasabihin ko. Naguguluhan na talaga ako sa inaasta ni Ian ngayong araw na ito. Saan ba sya pumunta kanina?. 

"Oo naman" hindi ko alam kung saan nanggaling yang sinabi ko. Ewan ko kung bakit yan ang lumabas sa bibig ko. 

Mas lalong humigpit ang pagkakayakap nya sa akin. Napapikit nalang ako at yinakap ang sarili ko na nakapatong sa ibabaw ng yumayakap ng braso sakin ni Ian. Ang sarap sa pakiramdam ng ganito. Parang gusto kong lagi nalang kaming ganito. Kung pwede lang.. 

*Knock knock* 

Napatigil kami ni Ian ng may kumakatok sa labas ng bahay. Napahiwalay ako kay ian at akmang bubuksan ko na yung pintuan ng kwarto namin ng pigilan nya ako gamit ng kamay nya na humawak sa kamay ko na nakahawak sa doorknob. 

Liningon ko sya at nakita ang muka nyang seryoso. Magkatitigan lang kami ng mga sandaling iyon

*knock knock knock*

Napaiwas kami ng tingin pareho at pareho kaming napatingin sa kaliwa namin. Pero hindi parin pala naaalis ang kamay namin pareho. Ako na ang umalis ng kamay ko . NApatingin naman si ian sa kamay nya . Hinawakan ko ang kamay ko na inalis ko sa doorknob at napayuko nalang. Awkward.

"A-ako na ang magbubukas" yun lang ang sinabi nya tyaka lumabas ng kwarto. 

Narinig ko nalang ang pagbukas nya ng pintuan ng bahay. Pero pagkatapos non. Wala na... Wala na akong narinig pa. Parang ang tahimik ata ? . Ano kayang nangyayari?. 

At dahil sa curious ako dahan-dahan kong binuksan ang pintuan ng kwarto namin para hindi ako marinig ni Ian 

"Anong kailangan mo" naririnig kong sabi ni Ian habang onti nalang ay makakalabas na ako ng tuluyan sa kwarto. 

"Kilala mo kung sino ang kailangan ko" sabi ng isang pamilyar na boses sa akin. Teka. Nabibingi lang ata ako?. sino ba kasi yung kausap ni Ian?. Naglakad ako papunta sa kanila at--

"NAsaan si Paolline?"  sabi ng kausap ni Ian. Napatigil ako sa harap nila sa hindi kalayuan sakanila. Napatulala nalang ako habang pabilis ng pabilis ang pagtibok ng puso ko . Hindi ito totoo... Sabihin nyo sakin ... Hindi ito totoo.

"I-ian.... si-sino yang k-kausap mo?" pinipilit kong ayusin ang pananalita ko. Dapat ko munang masiguradong sya iyon bago ako mag-isip ng kung anu-ano. Pero parang hinahamon talaga ako ng panahon...

Sabay silang nilingon ako. At ang tanging tinitignan ko.. Ang taong kausap ni Ian.. ang taong kumakatok sa bahay . ang taong.. ang taong ang hirap paniwalanaan na nandito ngayon sa harapan ko... 

" t-thyler?...... " hindi ko alam kung anung gagawin ko. Pareho lang kaming nakatingin sa isat isa. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o mabaliw. A-anong ginagawa nya dito?. 

"Paolline.. Paolline pwede ba tayong mag--usa----" 

Lalapitan na sana ako ni thyler pero naitulak sya ni Ian na kinabigla ko at nilapitan ako ni Ian at hinawakan ako sa kamay at nilagay ako sa likod nya. 

Naguguluhan ako sa mga nangyayari, Magkakilala sila?. Paano? .Paanong? 

"Umalis kana .. " yun lang ang narinig kong sabi ni Ian kay thyler. Nakikita kong magkatinginan lang ang dalawa, At dahil sa nasa likod ako ni ian si thyler lang ang nakikita ko . 

"Bakit ako aalis? hindi naman ikaw ang pakay ko dito" sabi ni thyler. 

"Umalis ka na dito dahil wala ka sa teritoryo mo para gawin mo ang gusto mong gawin" nangangalaiti na sa galit ang boses ni Ian. Napahigpit ako ng hawak sa kamay nya. 

"Sa umpisa palang teritoryo ko na sya" naguguluhan ako sa sinabi ni thyler . 

"wala ka ng teritoryo sakanya dahil matagal na syang hindi sayo" mahinahong sabi ni Ian pero bakas dito na galit na galit na sya

"Bakit? sayo ba sya? ang pagkakaalam ko... " sabi ni thyler habang naglilibot ng tingin na parang nang-aasar sabay tingin ulit kay ian at ngumiti  "Hindi" 

Lalong humigpit ang pagkakahawak ni Ian sa kamay ko. Kinakabahan na ako. A-ano bang nangyayari sa dalawa?. 

"anong nangyayari dito" 

Napalingon kaming lahat sa nagsalita. 

"lola.." sabi ko. tinitignan nya kami isa-isa na para bang nagsasabi na 'Umamin na kayo' look.

"Lola pumasok na muna kayo sa loob ng kwarto nyo " sabi ni Ian sabay dala din sakin papalapit kay Lola. 

Ng maramdaman kong may humawak ng braso ko dahilan para mapatigil ako kaya naman napalingon si Ian sakin at pareho kaming napalingon sa lalaking humawak ng braso ko. Si.... 

*BOOGSH! * 

..Thyler.. 

"IAAAAAAAN! " napasigaw ako sa gulat ng suntukin ni Ian si thyler sa muka dahilan na matanggal ni thyler ang kamay nya sa pagkakahawak sa braso ko . Nilingon ko si Ian at pinipigilan syang lalong lapitan si Thyler. Ramdam ko na ang galit nila sa isat isa. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Natataranta na ako.

"WAG NA WAG MONG HAHAWAKAN SI MICHY!" 

sigaw ni Ian kay thyler. Ako naman ito pigil lang ng pigil sakanya. Nililingon ko naman si thyler. Nakaupo sya ngayon sa sahig habang pinupunasan ang labi nyang may dugo. Gusto kong lapitan si thyler kaya lang baka lalong magsuntukan ang dalawa.

"UMALIS KANA DITO !" sigaw nanaman ni Ian

"Ian pls tama na" sabi ko habang tinittigan sya sa mata pero ayaw nya akong titigan. Ayaw nya paring tumigil sa kakagalaw 

"Ano ba ito! wag kayo dito mag-ayaw!" sigaw ni Lola habang natataranta narin. Natataranta ako at kinakabahan, Hindi dahil kala ian. Kundi dahil kay Lola. Baka atakihin sya sa puso. Oh baka mahimatay sya.. Baka mahilo pa.. 

"ANO BANG PROBLEMA MO ADRIAN!? KAKAUSAPIN KO LANG SI PAOLLINE! " sigaw ni thyler 

Adrian ? . Si ian ba ang tinutukoy ni Thyler? ..Magkakilala sila?... 

"WALA KAYONG DAPAT PAG-USAPAN!" sabi ni ian kay thyler. Ako naman awat lang ng awat sa kanilang dalawa. Pero kada pipigilan ko si thyler si Ian hihigitin naman ako palayo kay thyler.

"wag kang lalapit sakanya" narinig kong bulong nya . Tinitigan ko sya. Nakatingin lang sya ng seryoso kay thyler. Nilingon ko si thyler ganon din sya kay Ian. Nilingon ko ng nilingon ang dalawa . 

"Toto mas mabuti pa sigurong umuwi kana lang" sabi ni Lola habang pinapalabas ng bahay si thyler 

"Lola plss. Gusto ko lang makausap si Paolline" sabi ni thyler kay Lola. Napatingin ako kay Ian. Maayos na naman sya . Pero yung tingin ko...

Napatingin din sa akin si Ian at napakunot ng noo " BAkit ganyan ka makatingin ?" 

Hindi ko alam.. Pero lumayo ako ng kaunti sakanya dahilan para mas lalong kumunot ang noo nya. Hahawakan nya sana ako pero lumayo ako ng lumayo

"M-michy?" naguguluhan na sya sa kinikilos ko . Palayo lang ako ng palayo sakanya. 

"Umamin nga kayo" ng dahil sa pagsalita ko tumigil silang lahat at tumingin sa akin

Nilingon ko sila thyler at lola " Bakit kayo magkakilala?" nilingon ko ulit si Ian. Napatingin lang din sya sa akin. Nilingon ko si thyler

"At bakit ka nandito?.. Bakit mo ako iniwan ng basta-basta nalang? "  biglang humina ang boses ko sa sunod kong  sinabi.. "Bakit bumalik kapa?" 

ang lulungkot ng muka nila. Si thyler napa yuko si Ian naman napatingin lang sa kawalan. Si Lola nakikinig lang. Napayuko ako at nagpupunas ng luha. 

Tumingala ako at tinignan silang lahat 

"Pao" nilingon ko ang nag-iisang taong tumatawag sa akin sa pangalan na iyan..

"Maniwala ka.. Hindi ko ginusto ang nangyari sa atin.. Pls let me explain?---" 

"Michy" napalingon naman ako sa nag-iisa lang ding taong tumatawag sa akin sa pangalan na iyan..

"Michy pls dont listen to him. Ako na magpapaliwanag ng lahat... pls.. Plss not now...--"

"Pao" nilingon ko ulit si thyler " Plss kahit ngayon lang...Kahit ngayong araw lang na ito.. pagbigyan mo ako plss--" 

"Michy" nilingon ko ulit si Ian "Plss no.. Nangako ka sakin.. Wag--" 

"Pao" Nilingon ko ulit si thyler " Plss hindi kita guguluhin pagkatapos nito, Plss--"

"No" nilingon ko si ian " Hindi , wag michy---"

"Pao--" 

"AHHHHHH!" 

Pareho silang napatigil sa pagsasalita. Napatakip na lang ang dalawa kong kamay sa dalawa kong tenga 

"ANO BA! RINDING-RINDI NA AKO! NAKAKASAWA NA ! " naiiyak na ako habang nakapikit . Ayoko ng makinig, ayoko ng magsalita, ayoko ng maniwala... ayoko ng masaktan.. 

Tumingala ako at umayos ng tayo. Lahat sila nakatingin lang sakin..

"Pao--"

"Mich--" 

Hindi ako umimik. Huminga ako ng malalim.. 

"sasama muna ako ngayon... " nilingon ko si Ian "sana maintindihan mo" 

Gulat na gulat si Ian sa sinabi ko. Tama toh..Alam ko kung ano ang ginagawa ko.. alam ko.. kung ano ang dapat kong gawin..

"Michy" hahawakan sana ako ni Ian pero tumalikod na ako at lumapit kay thyler . Tumango lang ako sakanya. Tinitigan lang nya ako at tumungo rin. Hinarap ko si Lola na nasa gilid ko lang. 

"Lola.." niyakap ko sya.. Hindi gumagalaw si Lola.. gusto nang lumabas ng mga luha ko pero pinigilan ko "Babalik ako Lola.. Pangako yan" mahina kong sabi , Kakalas na sana ako sa yakap ko kay Lola pero niyakap nya ako kaya tumigil ako . 

"Nirerespeto ko ang desisyon mo apo.. Basta tandaan mo.. Nandito lang ako" 

"mmmm " tumango-tango ako kay Lola habang magkayakap kami. Ako na ang kumalas at nagkatingin lang kami ni Lola.  Humarap na ulit ako kay thyler at sabay na kaming lumabas sa bahay.. sa bahay kung saan nagsimula ang lahat.. 

I never bother to Look at Ian... dahil kapag ginawa ko iyon.. Baka hindi ko magawa ito at mahirapan akong tanggapin ang katotohanan... Ngayon lang.. 

Inalalayan ako ni thyler na sumakay sa sasakyan. Pagkasakay ko ay muli kong nilingon ang bahay at pagkatapos non nawala na ang bahay sa paningin ko.. 


Does all truth hurts? hindi naman diba? Mas ok ng masaktan ako sa katotohanan kaysa sa maging masaya sa kasinungalingan. Gusto kong matapos ito, gusto ko ng malinawan ang lahat. Not all truth Hurts.. sana...


babalik ako...wag kang mag-alala .. TUTUPAD AKO SA PANGAKO.. 

 ~ABANGAN...

 GHAAAAA! Sorry sa matagal kong pag-update! and sorry for making this a story ON HOLD pero ang tangin masasabi ko lang ay hindi ako makakapag-update ng linggo-linggo. Baka minsan nalang ako makapag-update. I'm ready to finish this story. Matatapos ko toh, Tiwala lang guys :) . Sana walang nagsawang magbasa ng story kong ito, MAHAL NA MAHAL KO ANG MGA READERS KO NITO! YOU'RE THE BEST GUYS! \m/ 

Meow, Nicole *-* Lablab <3 

Continue Reading

You'll Also Like

288 66 45
Isang water god si suho at balang araw ay magiging hari ito ng sanlibutsn.. hanggang sa nagkarun siya mosyon na hanapin ang mga nawawalang bato ng k...
86.8K 1.5K 42
Synopsis: Helena University #1 Meet Virgo, ang simpleng dalaga na nais lamang mapansin ng kanyang ina at mahalin siya kagaya ng pagmamahal noon sa ka...
40K 1K 37
[Revising!]Nahihiya ako!Ang dami na kaseng reads nitong story na tuh kahit ang gulo ng plot nito kaya irerevise ko po muna. Thank you! Thank you so m...
1.4M 56.5K 74
UNEDITED Only Girl Series #2 Isang Babae ang papasok sa isang magulo, basag ulo, maingay ngunit mga guwapong nilalang. Sa kaniyangg pamamalagi sa Se...