The Dark Sun

By DarkRavien

68.5K 3.7K 415

Si Dravius na isang nilalang sa Irebus, taglay ang kapangyarihang walang kinabibilangan sa alinmang mga lahi... More

Prologue
Ang Pagsilang
Dravius at ang Unos
Karahasan at Kabaitan
Mizrathel
Tadhana
Lost
Silverius
Erectus
Bampira
Run
Pain = Danger = Death
Hunter
Oculus
Mga Hangarin
Pagluha at Hinagpis
Ang Prinsepe ng Yelo
Apat Laban sa Siyamnapu't siyam
Ang Konseho
Deadly
Lotus
Ang Pagpapaubaya
Ang Rurok ng Kapangyarihan
Mga Hakbang
Muling Paghaharap
Kadiliman Laban sa Kadiliman
Sabay Tayong Babagsak
Pagbagsak ng mga Luha
Ang Puwang Sa Puso
Seal
Paghaharap
Banta
Goldur
Ang Ikalawang Hakbang
Ikatlong Hakbang...
Sa Paglipas ng Siyamnapung Kadiliman
Si Kamatayan
Ganti ng Isang Kaibigan
Ang Pagbagsak ng Mardés
Ang Pagdurusa ni Korra
Pagbawi Sa Kastilyo
Muling Pagkikita
Hari
Tulong
Ang Laban ng Tatlong Hari
Bagong Nilalang
Eklipse
Kaguluhan
Goldur?
Ang Huwad
Paglipol
Hari Laban sa Diyos
Katapusan
Bagong Simula

Vlance

1.1K 68 1
By DarkRavien

Cassiopeia

Ilang oras na ang lumipas magmula nung may nangyari kay Dravius at hanggang ngayon ay wala pa rin siyang kamalayan. Matapos niya tilang matulala kanina ay oras ang lumipas at nahintakutan ako nang paunti-unti ay lumabas ang mapupulang likido sa kanyang mga mata, tanda ng labis na sakit at pighating nakikita na  kanyang dinamdam.

"Ugh!"

Isang ungol ang kumawala sa kanya habang natutulog at tila siya'y nananaginip.

"Ugh!"

Lumabas ang mga pawis sa kanyang katawan at nakita ko ang pagkuyom ng kanyang mga palad habang nakapikit.

"Magbabayad kayo... "
Bulong niya...

"Dravius..."
Tawag ko sa kanya saka ko hinawakan ang kanyang kamay at saka ko siya pinilit na magising. Niyugyog ko ang kanyang braso ngunit-

"Ack!"
Napakasakit ng aking leeg ng sakalin niya ako sa leeg.

"D-Dravius, b-bitaw, h-hindi a-ako ma-makahinga!"
Napakasakit ng pagkakasakal niya sa akin na halos hindi ko na alam kung papaano ang huminga.

"Cassiopeia!"

"V-vlance..."
Mabuti at dumating si Vlance.

"Paaak!"
=_=

"Aray! Sino ba ang nananapak!"
Napasigaw ang natutulog na si Dravius ng sapakin siya ni Vlance ng pagkalakas-lakas, mabuti na lamang at nagising ito, ewan ko ba kung matutuwa ako.

"Ahhh, k-kasi, si Cassiopeia, sinasakal mo habang tulog ka."
Paliwanag naman ni Vlance.

Namutawi naman sa mukha ni Dravius ang pagkabigla, pag-aalala at pagsisisi.

"Nasaktan ka ba? Pasensya na hindi ko sinasadya."
Lumapit ito saakin at ginawaran ako ng isang mahigpit na yakap.

Vlance

Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa babaeng ito.

Eh kasi habang niyayakap siya ng lalaking nanakal habang tulog, naku, kilig na kilig pa.

"Ahh, kain na pala tayo."
Panira ko sa kanilang madamdaming sandali.

"Ahh, hehe, kain na daw."
Wika ni Cassiopeia habang pilit na tinutulak ang lalaking ginagamit ang pagkakataon upang makayakap.

Bahala na nga sila diyan.

---

"Ikaw lang ba mag-isa dito Vlance?"
Tanong ni Cass habang nandito kami sa hapag-kainan.

"Oo."
Simpleng sagot ko sabay subo ng masarap na pagkaing aking niluto.

"Eh, nasaan ang mga magulang mo?"
Tanong naman ni Dravius.

"Wala na, namatay sila 20 taon na ang nakakalipas."
Simpleng sagot ko ulit.

"Bakit, ilang taon ka na pala?"
Tanong naman ng mausyusong lalake.

"22, dalawang taong gulang ako nung mamatay sila."

"Ganun ba, pasensya na."
Pakikiramay ni Cass.

"Ano ka ba, wala yun, saka matagal na panahon na naman ang lumipas."

---

Isang tahimik na sandali sa pagitan naming tatlo, maganang kumain ang mga bago kong kaibigan. Gusto ko ang ganitong pakiramdam noon pa, ang magkaroon ng mga kaibigan, parang pamilya lamang na pinag-ugnay, hindi ng malapot na dugo kundi ng malalim na ugnayan.

---

Dravius

Malamig pa rin ang temperatura at nagbabagsakan pa rin ang nyebe mula sa kalangitan.

"Aalis na tayo dito."

Pahayag ko sa kanila habang kami ay abala sa pamamahinga habang nakatutok sa tsiminea na nagbubuga ng mainit na apoy.

"Ngunit kakaiba ang pamamalakad ng konseho ng mga bampira rito." Vlance.

"Kakaiba?" Tanong ni Cassiopeia.

"Ang sinumang pumasok sa loob ng kaharian ay mahihirapang makalabas, hindi ba kayo nagtataka sa madaliang paraan ng inyong pagpasok? Dahil ang lahat ay obligadong magtrabaho para sa kaharian."

"Napakalupit talaga ng mga bampira..." Galit na turan ni Cassiopeia.

"Kung ganun, kailangan muna nating pasukin at alamin ang mga pasikot-sikot dito."

Napangiti ako ng mailarawan ko sa aking isipan ang mga bagay na aming gagawin.

"Huwag mong sasabihin na magiging trabahador tayo ng kaharian, at magsisilbi para sa hari?" Vlance.

"Bakit hindi, magiging isa tayong hunter..."
Pinal na aking pahayag.

---

Maaga pa lamang ay nakapaghanda na kami ng aming sarili.

Suot ko ngayon ang itim na diyaket na gawa sa makapal na uri ng tela at pinaibabawan ng isa pang diyaket sa ganoon ring kulay na gawa naman sa makapal ng balat ng oso, ang aking mga kamay ay mayroong nakatapal na itim na mga gwantes na komportable sa kamay, sa pang-ibaba naman ay isang itim na botang pandigma at isang itim na pantalong yari sa mamahaling katad habang ang aking kambal na sandata ay nakasukbit sa aking likuran, mga maliliit na palakol na may talim sa magkabila ang mga iyon.

Magkakatulad lamang ang aming suot maliban sa kulay at sandata, kulay-kape kasi ang kay Cassiopeia na may dalawang maliliit na katana ang nakasukbit sa kanyang binti,at mistulang taong nyebe na binuhusan ng suka naman si Vlance sa kulay puti niyang kasuotan at-

"Nasaan ang sandata mo Vlance?"
Tanong ko naman kasi wala nga siyang sandata.

"Mabigat kasi kaya eto."

Ipinakita nita naman sa amin ang kanyang palad saka unti-unti ay nahulma doon ang isang balaraw na gawa sa yelo.

"Wow, ang ganda naman niyan, turuan mo ako niyan ah!"
Aliw na aliw naman si Cass habang pinapanood ito.

"Hehe, oo naman, madali lang to." Vlance.

"Aalis na tayo, maghanda na kayo."
Sabi ko sa kanilang dalawa saka umuna na akong lumabas, sa totoo lang, maganda talaga ang gawa ni Vlance, makasubok nga nun minsan ^_^

---

Malayo-layo rin ang tinahak namin patungong kapitolyo ng Calvarus. Malamig ang paligid na medyo madilim dahil sa naglalaglagang nyebe.

Ang mga malalaking kabahayan na gawa sa bato ay pawang nakapinid at tanging mga ilaw lamang mula sa mga salaming bintana ang makikita.

Magkagayunman, hindi nito maitatago ang kagandahang taglay ng paligid dahil sa mga maliliit na nilalang na malayang lumilipad sa paligid habang nagtataglay ng iba ibang kulay.

Dito na lamang namin inaaliw ang aming mga sarili habang naglalakad sa gitna ng nakakabinging katahimikan ng paligid.

Ako marahil ay kinakabahan sa mga posibleng mangyari pagdating namin duon sa aming patutunguhan, naglalaro sa aking balintataw ang mga imahe ng mga bagay na maaring mangyari maya-maya lamang.

---

"Kabayo?" Cass

"Hindi." Vlance

"Kambing?" Cass

"Hindi." Vlance

Ilang metro na lamang ang layo namin sa kapitolyo at taliwas sa nakakabinging katahimikan ang nakakabinging ingay rito.

Ang aking mga kasama ay abala sa paglalaro ng ewan.

Nakarating na kami sa kapitolyo at natuon sa amin ang mga mababagsik na mga mata ng mga naglalakihang nilalang na naroon, hula ko'y mga taong lobo sila.

"Pusa?"

"Hindi rin."

Ngunit patuloy pa rin ang kulitan ng dalawa sa aking likuran.

Mga lalaking may napakalaking hubog ng katawan at may hawak na iba't-ibang uri ng mga delikadong sandata ang hawak nila.

May isang lalaking parang mananakal sa uri ng tingin nito sa amin. May balbas ito na parang kambing at patulis ang buhok nito sa ulo at may hawak na napakalaking palakol at nahiya ang dalawang maliliit na palakol ko.

"Eh ano pa ba ang nilalang na mabagsik na may balabas?"
Napalakas na sabi ni Cass habang nakikipaglaro kay Vlance kaya hindi nila namalayang napatayo ang naturang lalaki at pumagilid naman ang mga nilalang na nakaharang dito, waring binibigyan ng daanan ang naturang nilalang.

Lumingon ako sa kanila at pilit silang pinapatahimik ngunit mistulang hangin lamang ako na hindi nila napapansin.

Lumingon naman si Vlance sa paligid at kung minamalas ka nga naman,

"Siya," sabay turo sa nilalang na ngayo'y umuusok na ang ilong.

"Hahaha, tama ka Vlance! Nakita na natin ang nilalang na mabagsik at may balabas! Ang galing mo!"
Isinigaw pa ni Cass ang mga salitang iyon at siguradong dinig iyon ng lahat ng mangangaso sa paligid at nagsimulang magkaroon ng ingay mula sa mga halakhak ng bawat isa, maliban sa isa.

"Palagay ko, problema to." Bulong ko sa hangin...

"Grrr,"
Yumanig ang paligid mula sa mabagsik na ungol ng nilalang na iyon at doon lamang natauhan ang lahat pati na sina Cassiopeia at Vlance.

Ang mga manonood ay umatras kaya nabuo ang isang bilog kung saan kaming tatlo ang nasa gitna kasama ang mabagsik na nilalang.

"Anong karapatan niyong lapastanganin ako!?"
Mistulang dagungdong ang tinig nito.

"Ahhh, pasensya na, pasensya na talaga..."
Hinging paumanhin ni Vlance habang yumuyuko.

"Ahh, heto po... pasensya na."
Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa inasta ni Cass.

Dahil sa taranta nito ay nakagawa siya ng dilaw na bulaklak at ibinigay niya sa nilalang.

Nagtawanan naman ang mga nilalang sa paligid.

"Grrr!"
Mas lalo pang nayamot ang naturang nilalang kaya naman ay kinuha nito ang napakalaking palakol sa likuran at senyales ito na handa na siyang lumaban.

Kalma lang, walang magagawa ang pagkataranta.
Paulit-ulit na bumubulong sa aking isipan.

Napakapit sa aking kanang braso at siya'y nagtago sa aking likuran.

Nang lingunin ko si Vlance, hindi nakatakas sa aking mga mata ang pagkabuo ng sandata sa kanang kamay nito, isang kristal na espada.

"Hiya!!!"
Sumugod sa aming pwesto ang naturang nilalang at mabilis na iniwasiwas nito ang napakalaking sandata sa aming dako, ngunit dahil sa aking bilis ay agad ko itong nasangga gamit ang aking dalawang maliliit na palakol.

Humugot naman ulit ito ng pwersa at muling ihahataw ang hawak nitong napakalaking palakol ngunit mabilis itong nasangga ng sandata ni Vlance na isang espadang gawa sa kristal.

"Ako ang harapin mo..." Napakalamig na turan ng huli.

Nanatili lamang kaming nakatayo ni Cass habang pinapanood silang dalawa.

Naunang sumugod si Vlance at hindi ko maikakailang nakakamangha ang kanyang ginagawa, mas lalo pang lumaki ang kanyang sandata at mabilis na inihataw sa kalaban na siya namang mabilis na dumepensa ngunit napapansin ko ang maya't mayang pag-atras nito ng maulit muli ang pag-atake ni Vlance. Nang makakuha ng pagkakataon, mabilis na natibag ang napakalaking sandata ni Vlance at naging isa na lamang itong napakaliit na balaraw (double bladed dagger) saka siya mabilis na pumaikot sa lalake at itinarak ito sa bandang batok.

Cassiopeia

Sadyang nakakamangha ang galing ni Vlance sa pakikipaglaban ngunit hindi ko aakalaing ang kanyang mga galaw ay singbangis ng mga lobong hayok sa labanan.

Nagtalsikan ang mapupulang likido sa maputing nyebe. Natahimik ang lahat dahil sa pangyayari. Gumagalaw pa ang nilalang na nakahandusay sa sahig habang si Vlance ay nakatalikod rito.

Nang kanyang maramdaman ang paggalaw nito, hinarap niya ito at duon ko nakita sa kanyang mga  mata ang kamatayan.

Napakalamig ng kanyang titig na siyang nagpalambot ng aking tuhod at mas humigpit pa ang hawak ko kay Dravius.

Ikinumpas ni Vlance abg kanyang kamay at ng tingnan ko ang nakahandusay na katawan ng lalake, waring ako ang nakakaramdam ng sakit dahil sa unti unting paglubog ng kristal na balaraw ni Vlance hanggang sa lumabas ito sa lalamunan ng lalake.

Tumalikod muna si Vlance at nang lumingon ito sa amin ay mistulang ibang tao na siya, nagbalik nang muli ang Vlance na aming nakilala.

Ngumiti ito sa amin na parang walang nangyaring karumaldumal sa pagitan niya at ng nilalang na kanyang pinaslang.

"Tara na?" Aya niya sa amin saka siya ngumiti na parang bata na siya namang alanganin kong sinuklian ng ngiti.

---

Pagsasalaysay

Nagbigay daan ang bawat nilalang na nadadaanan ng grupo ni Dravius, takot ang mga ito na sila'y makabangga man lamang ngunit isang nilalang sa ilalim ng itim na manto na nakasaksi ng buong pangyayari ay mabilis na umalis pabalik sa kanyang mga kasamahan.

---

"Magpaparehistro ba kayo?"
Isang tanong mula sa matandang lalake sa grupo nila Dravius habang nagsusulat ito sa kanyang mga papeles.

"Opo."
Magalang na sagot ni Cass.

"Kung ganoon, ito ang papel na inyong pupunan ng mga impormasyon niyo."
Saka ibinigay sa kanila ang tatlong piraso ng papel.

Minuto ang lumipas saka nila ibinalik ang mga papeles sa matandang tagapamahala.

Ngumiti ito sa kanila at inaya sila sa loob ng isang silid.

Nang makapasok ay labis na namangha ang tatlo dahil sa mga lamang naroroon. Mga singsing iyon na gawa sa iba't-ibang materyales tulad ng kahoy, metal, ginto at kung ano-ano pang mineral.

"Pumili kayo ng tatlong magkakatulad na singsing." Wika ng matanda na siya namang kanilang tinalima.

Mistulang iisa ang kanilang isipan ng sabay-sabay nilang sukatin ang mga singsing sa hanay ng mga ginto.

Nang makapili na ay ibinigay nila ito sa matanda.

"Hintayin niyo ako rito."
Saka naman pumasok ang matanda sa isa pang pintuan.

"Ano kaya ang magagawa ng mga singsing na iyon?"
Takang tanong ni Dravius.

"Gagawa sila ng marka ng bawat grupo."
Balewalang saad ni Vlance na animo'y alam na alam ang tungkol sa mga bagay na iyon.

"Ahh, ang astig nun!"
Nakangiting turan ni Dravius habang iniisip kung ano ang magiging marka ng grupo nila.

Minuto pa ang lumipas at lumabas na ang matanda na nakangiti gaya ng lagi nitong ginagawa.

"Ito na ang para sa inyo." Saka ibinigay sa kanila ang mga singsing.

May kagalakan naman nila itong tiningnan ngunit ang kaninang napakalawak na mga ngiti sa kanilang mga labi ay napawi.

Nagkaroon lamang ng isang napakaliit na bilog na bato na kulay pula ang singsing. Napakasimple nito kumpara sa ibang simbolo.

"Ayos na."
Matamlay na saad ni Dravius.

---

Sa kanilang paglabas sa patalaan ay opisyal na silang mga ganap na hunter.

Ngunit hindi normal ang mga ginagawa rito sapagkat sa lahat ng mga hunter, isa itong kumpetisyon at labanan sa pwesto ng pinakamalakas na grupo.

---

Sa Konseho ng Calvarus

"Mahal na Haring Galvius," saka ito yumuko sa nilalang sa kanyang harapan habang nakahawak sa kopetang naglalaman ng bapakapulang likido.

"Magsalita ka." Malalim na tinig ng isang lalake.

"Nais pong makipag-usap ng hari ng Timog, si Haring Vladimir."

"Iparating mong bukas na bukas ay handa ako sa kanyang pagdating, makakaalis ka na."
Yun lamang ang kanyang iniwika saka ito tumalikod.

"Magkikita tayong muli, Vladimir."
At isang mapanganib na ngiti ang sumilay sa kanyang labi.

Spoiler:
Ano kaya ang mangyayari sa pagkikita na dalawang hari ng mga Bampira?

A/N:

Don't forget to hit the small star sa ibaba and drop your comments to improve the story.

Continue Reading

You'll Also Like

10.7K 436 28
[BOOK 2] Limang daan taon na ang nakakalipas nang matapos ang huling digmaan. At sa nakalipas na panahon ay naging mapaya naman ang pamumuhay ng bawa...
374K 27.7K 44
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...
141K 3.7K 48
Ilang dekada nang napanatili ang kapayapaan sa Magicana simula noong matalo ang pwersa ng mga Orthos sa digmaan sa pangunguna ng mga Celtra. Nakulong...
1.8M 180K 204
Online Game# 2: MILAN X DION