My Happy Ending

By nimbus_2000

60.1K 1.3K 475

I just wanted to be happy. Lahat naman tayo di'ba? __________________________________________________________... More

Prologue
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty One
Twenty Two
Twenty Four
Twenty Five
Twenty Six
Twenty Seven
Twenty Eight
Twenty Nine
Thirty
S.C.
Thirty One
Thirty Two

Twenty Three

1.1K 28 9
By nimbus_2000

23

I woke up to a sweet melody, pagmulat ko ng mata ay nakatayo sa gilid ng kama si Henry habang tumutugtog gamit ang kanyang violin. Gusto ko pa sanang matawa dahil sa itsura niya, pero agad din siyang nagsalita.

"Good morning! HAPPY BIRTHDAY, Van!" Hindi talaga siya usual na bati dahil pasigaw iyon na parang may gusto siyang pagparinigan.

As if on cue, pagkatapos ng super energetic niyang bati ay biglang bumukas ang pinto at pumasok sina mama, papa, at kuya. May hawak pang cake si kuya at lahat sila naka-party hats, seriously?

"HAPPY BIRTHDAY baby!" Sabay sabay nilang bati sa akin, medyo nakakailang matawag na baby, I mean, I'm 16 now.

Tumabi sa akin si kuya at saka, "make a wish, make a wish!" habang inilalapit niya sa akin ang hawak na cake.

Tumingin muna ako sa kanilang lahat at saka pumikit, ano pa nga ba ang mahihiling ko?

Ngumiti nalang ako ng maalala ang isang bagay, I bent down then I blew the candle.

"YEHEY! Gutom na 'ko, bangon na dyan!" Sabi ni Henry habang pumapalakpak pa, itinuloy ko nalang ang tawa na kanina ko pa di maituloy tuloy.

Lumabas na silang lahat at nauna na sa dining hall, palabas narin sana ako ng mag-signal nang caller ang cellphone ko, halos takbuhin ko iyon, pero bumagsak din ang balikat ko nang hindi ang inaasahan kong tao ang tumatawag.

Van! Oh my God, happy 16th birthday!

"Thanks Cae," halos walang kagana-gana kong sagot dito.

So, did you invited Hiro to your parteeey?

"I did, I mean his family will come, so I guess he'll be in tow. What about that?"

Uhh, if you happen to talk to him, tell him to call me, yknow, stuff like that.

I just sighed habang napapailing, "seriously, Cae?"

Yizz puhleeaaase, thank you in advance! I love you, I'm hangin' up!

Ibinaba ko nalang ulit ang phone ko habang napaupo ako sa gilid ng kama. After noong umiyak sa akin si Lyndon nung Paskuhan, he became so distant. Di ko alam kung ano ang dahilan, ang sabi ni Mitchie ay baka raw hindi na nanliligaw? More than three months narin kasi? Hindi lang ata.

But I like him too.

Did I just lose my chance?

Nagtetext parin naman sya, sinasabi lang niyang marami syang requirements na hinahabol para sa transfer niya sa university sa Japan. Ayaw naman daw niya kasing umulit pa sya ng another year sa high school pagdating doon, kaya naman magte-take pa sya ng isa pang exam.

Maybe tama sya.

Clingy ba ako?

Nasasakal ba sya?

Pero wala namang dahilan para maramdaman niya ang lahat ng iyon di'ba? Naguguluhan ako, nakakainis mang aminin. Dapat ko na kayang sabihin din sa kanya na gusto ko rin sya?

Nagulat pa ako pagbaba sa receiving area.

Yung kanina lang na iniisip ko, ayan nakaupo na at kaharap sina papa, kuya, at Henry.

"Oh, andyan ka na pala anak." Tumayo agad si papa nang makita akong papalapit sa kanila, ganun din naman ang ginawa nung tatlo.

Ngumiti si Lyndon saka iniabot sa'kin ang isang bouquet ng iba't ibang klase ng bulaklak. "Happy birthday Van."

"S-salamat."

"Gusto mo bang dito narin mag-breakfast hijo?" Alok ni papa kay Lyndon, pero magalang lang itong umiling.

"May gusto lang po akong sabihin kay Van."

"Sige," saka naman humarap sa akin si papa, "just follow at the dining hall when you're done." Wala pa nga sanang balak tumayo sina kuya at Henry kundi lang sila hiinila ni papa.

Nang mawala na sila sa paniningin ay agad kong sinenyasan na umupo muli si Lyndon.

"Sorry, napaaga ata ako ng dalaw?"

"Ayos lang, may gusto ka bang sabihin?"

"Bakit hindi ako ang escort mo mamaya?" Napalunok ako sa tanong niya, hindi ko naman kasi ini-expect eh.

"H-ha?"

"Biro lang, ang totoo niyan ay may flight ako mamaya papunta sa Japan kaya naman hindi na ako makaka-attend sa party mo." Nakakapanghina naman.

"A-ah..ganun ba..."

"Sorry, pagkatapos ng prom, babalik din sa dati ang lahat." Eto nanaman sya, ako na talaga ang clueless sa mga nangyayari. Bakit ba ganito?

Hanggang sa dumilim at nagsimula nang pumailanlang ang musika sa buong paligid ay lutang na lutang parin ang pakiramdam ko, bakit ba parang kulang parin kahit parang nandito naman na ang lahat.

Pagod narin ako sa pagngiti, nakakapagod din pala pag di ka totoo sa mga ginagawa mo no? Paano yung mga plastik, siguro drained na drained ang pakiramdam nila, kasi mas mahirap gawin iyon.

Nakita ko rin ang mga classmates ko, pati narin sina Mitchie at Jan-Jan na sabay dumating. Pero hindi rin naman ako nagtatagal sa isang lugar, kung saan saan kasi ako nahihila ni mama, andung ipakilala ako sa business partners nila, sa mga shareholders, committee heads, at kung kani-kanino pa.

Nakarating din sina tita Adeline, pero wala si Hiro, hindi ko naman naitanong kung bakit hindi ito nakasama, pero siguro ay ayos narin iyon para hindi ako kulitin ni Caela kung nakita ko ba ito. Mahirap magsinungaling sa isang 'yun eh.

Di ko alam pero ang party ata na ito ay parang naging social gathering ng mga businessmen. Dumalo rin sa party sina ate Reign, ang ilang pang mga seniors na nakilala ko sa dugong bughaw at mga seniors ko sa table tennis. Nandito rin si ate Louie, pero halos di rin nagsasalita, ganun lang siguro talaga sya?

Pero teka, bakit parang kulang sila?

Ah!

Oo nga pala. Hindi siya makakarating dahil birthday din niya, nakakahiya naman, ngayon ko lang naalala. Agad kong kinuha sa pouch ang cellphone ko at nag-compose ng message.

Hinahanap kita sa party, nakalimutan ko na magka-birthday nga pala tayo. Happy birthday!

Then I hit send.

Lumigid ako sa dulong parte ng garden kung saan may mataas na halaman at saka ako umupo sa silyang kahoy sa likod niyon. Nakakapagod na ang ginagawa ko.

Ilang saglit pa ay umilaw na ang cellphone ko.

HBD.

Yung totoo? Reply ba ito? Ano ang HBD?

Holy?

Hey?

How?

Holla?

Hello?

Ha--Happy Birthday!

Feeling ko lumiit ang utak ko. Pero bakit naman ganito ang reply niya? Busy?

Gusto ko pa sanang mag-reply kaso ay nakita ko si Charlie na tila may hinahanap, agad kong nilapitan sina mama na nasa malapit lamang, wala pang isang minuto ay lumapit siya sa kinatatayuan namin at may iniabot na kahon.Nagpasalamat naman ako sa kanya, tulad ko, tuwang tuwa din sina mama at papa sa pakikipag-usap kay Charlie. Di naman kasi siya mahirap magustuhan, ang bubbly at napaka-jolly niya kasi.

Gusto ko pa sana silang makausap pero naramdaman ko na ulit ang pag-vibrate ng cellphone ko.

Please puntahan mo naman ako dito sa school o. Kausapin mo naman ako.

Bakit? Ano 'to? Agad akong nagreply,

School?

Di pa man nagtatagal ay nakatanggap agad ako ng mensahe mula sa kanya.

I'll wait for you.

Teka, anong ginagawa niya sa school? Hindi ba dapat ay nasa bahay sya or somewhere kasama ang family niya dahil birthday nga rin niya di'ba? Ano 'to?

Agad akong tumingin sa paligid, lahat sila abalang abala sa pakikipag-socialize, wala naman sigurong mawawala kung pupuntahan ko muna sya sandali. Lakad takbo akong pumunta sa kinaroroonan ni mang Andy para magpa-drive patungo sa school, ayaw pa nga niyang pumayag pero nagpumilit ako, ang sabi ko ay may kailangang kailangan talaga akong kunin kaya naman kahit hesitant ay pumayag na'rin siya.

Nang makarating kami sa school ay agad akong bumaba sa may sidewalk papasok sa high school department. Pasalamat nalang talaga ako dahil marami parin ang college students na nasa paligid, kundi, naku, hindi ako makakapunta dito. Malapit na ako sa entrance ng maipadala ko ang mensahe na kanina ko pa pinag-iisipan kung ipapadala ko ba.

Nasaan ka pala?

Pagkasend ay halos takbuhin ko na ulit ang daan, pero napatigil ako nang makita ko sya sa entrance ng building, nakaupo sa hagdan..sa pinaka-gitnang parte pa talaga kaya naman agad akong lumapit dito.

"V-Van? A-anong ginagawa mo rito?" Takang tanong niya sa akin?

Amnesia?

Agad kong kinuha ang cellphone ko at ipinakita ang messages na ipinadala niya sa akin, kinuha naman niya iyon, umupo narin ako sa tabi, medyo masakit sa paa yung ginawa kong lakad-takbo kanina, sana pala ay nag-tsinelas nalang ako. Wala parin siyang kibo nang i-abot niya sakin ang aking cellphone, "parang di mo birthday ah, libre mo naman ako kahit fishball lang dyan sa hepa lane." Pagbibiro ko rito, para lang malighten up ang gloomy atmosphere.

Ano kayang nangyari?

Feeling din kaya niya ay may kulang sa birthday niya?

Matamlay siyang ngumiti, then he let out a sigh, "as an atonement sa pag-istorbo ko sa'yo on your special day. Besides she doesn't know that I'm here waiting for her." Tumayo naman sya kaya naman sumunod narin ako.

Her?

"Her? May problema ba?" ..kayo ng girlfriend mo? Anong nangyari naman kaya? Saka paano nga niya malalaman na andito siya, eh sa akin naipadala yung message?

Ngumiti lang siya, talagang di sumagot, LQ?

"Ako nalang ang manlilibre, mukhang ikaw nangangailangan nun eh..haha, ice cream?" Ice cream kasi ang comfort food ko.

"Nah, ikaw ang may birthday kaya dapat ay ikaw ang i-treat ko. Pero, thanks for the offer."

"Exactly, di'ba dapat ang may birthday ang nagti-treat?" I smiled at him.

"Sige na, you win. 1 pint ng double dutch." 1 pint? Saan niya isasaksak yun?

I let out a sigh as I looked at him, "obvious na problemado, tara dun sa mini stop."

Nasa loob na kami ng convenience store pero halatang wala parin siya sa tamang hulog.

"Maganda ka sana." Kung noon mo pa sinabi yan, baka natuluyan ako no? Hahahaha! "Awkward lang outfit mo." Agad naman akong napatingin sa sarili ko, galing party nga pala ako, ano ba yan.

"Sorry, medyo na-bore din ako sa party ko. Dito nalang din tayo kumain." Agad naman kaming naupo sa mesa na medyo nasa sulok ng convenience store.

"Sure it's your call." Akala ko ay mauupo narin siya, ilang sandali pa ay may dala siyang dalawang malaking bag of chips, bukod sa magkahiwalay na tigisang pint ng double dutch, may clubhouse sandwhich din at inumin. Paano ko kakainin ito?

"Okay. Nga pala, bakit wala ka sa bahay niyo? I mean it's your birthday?" Tanong ko rito habang namimili ng makakakain.

"Marami pa kasi akong dapat asikasuhin sa upcoming prom. At isa pa, I have no reason to celebrate."

"Ayaw mong tumanda? Haha!" Bakit ba siya ganito? Di naman kasi ako sanay na nakikita siyang malungkot? "Sorry kung makulit, haha." I apologized quickly.

"It's not the age, it's the date." Hmm? Bakit?

"Come to think of it, Valentines nga pala no?" Oo nga no? Bakit ngayon ko lang din naalala? Bukod pa dun ay Chinese New Year din. Ngumiti ako sa kanya, "nag-date kayo ng girlfriend mo, kuya?"

Ang ganda ng pagkakangiti ko nang biglang tumulo ang luha niya, oh my God! Ano bang sinabi ko? Then he forced a smile, "no dates..dumped on my birthday. Dumped on a valentines day, so yeah, no date." Totoo yung luha, kumuha siya ng panyo sa bulsa saka nagpunas.

I seriously wanna hit myself for being insensitive. Great Van, ano nang gagawin mo ngayon?

"D-dumped? A-ah..ano, ubusin mo nalang yung ice cream, sorry, dapat di nalang ako nagtanong."

"Two years..two years of courting. Akala ko were getting there, then boom! Your expectations, your disappointments--"

"Okay, I'll just listen kung anuman ang gusto mong sabihin." Mukhang yun ang mas kailangan niya ngayon eh, kaibigan na makikinig sa kanya.

"Masakit ang mabasted on your birthday. Pero it hurts more when the reason you've been dumped is because she can't. Ni hindi ko alam kung...kung bakit hindi niya ako pwedeng sagutin. She doesn't even bothered to explain. She just left me hanging." Hanging...

Hanging..

Bakit bigla akong kinabahan?

"A-ano kuya, in time..masasabi din niya yung reason. Wag ka ng umiyak. Saka if I know naman maraming may gusto sa'yo dyan, haha!" Wala naman kasi akong maisip na pwedeng makapagpagaan sa nararamdaman niya sa ngayon.

He just shrugged, napatingin ako sa cellphone, nilagay ko iyon sa silent kaya naman nagulat ako nang makita ang maraming missed calls mula kina Mitchie pati narin kina mama at papa. Baka kung ano na ang iniisip nila.

"It's getting late narin kuya, uwi ka na, baka nag-aalala na sa'yo ang parents mo. Birthday mo pa naman."

"Sige, pasensya na pala sa kadramahan ko ha! And thanks for the treat." He smiled.

Nag-thumbs up naman ako sa kanya, "no problem kuya! Kung kailangan mo lang ng kausap text mo lang ako, haha!" Yun lang naman kasi mao-offer ko. Di naman ako magaling mag-advice kaya kahit maging listener nalang ako. Haha.

"Thanks sa time. Ingat pauwi."

"Anytime.." nakita ko na si mang Andy kaya naman nagmadali akong ligpitin ang pinagkainan namin, pero bago pa man ako makalabas ay nilingon ko ulit siya.

"Kuya Basti, happy birthday at happy valentines narin. Ingat ka rin pauwi." With that, I went out of the store then rode the car.

Actually, tila wala rin ako sa katinuan para i-process ang lahat ng mga sinabi niya sa akin, bukas ko nalang siguro iyon iisipin. Pagod na ako.

---------------------

A/N Surprise? Hahaha, happy birthday slash happy balentayms, slash happy Chinese New Year Van..haha! Ano, prom na susunod? X)) Malapit nang magbakasyon ah.

Continue Reading

You'll Also Like

26.6K 465 40
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished:
1.1M 25.4K 37
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
1.9M 49.4K 45
Fake relationship • devoid of any real love or emotional connection. ------- A bit cliche, but not really a typical love story. Have you heard of fak...
25.2K 1.3K 31
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...