Still This Crazy Love (PUBLIS...

By OhKaye

986K 18.2K 2.3K

This Crazy Love Part 2. A KathNiel fan fiction story. More

Still This Crazy Love
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7*
Chapter 8
Chapter 9 ♥
Chapter 10 Part 1
Chapter 10 Part 2
Chapter 11 ♥
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Epilogue

Chapter 2

27.6K 510 75
By OhKaye

Chapter 2 : Popular boyfriend

Sabay kaming umuwi nila Daniel. At eto ako katabing maglakad si Julia kasi nagpapakwento sakin.

“Oo nga, nandun yung Sam Concepcion mo.” sabi ko. Ilang beses ko na naulit to. Ang kulit niya eh, dapat pala di ko na sinabi.

“Talaga?!?!? Diba gwapo?!?! Nakakainggit ka naman! Magpashift nga ako ng course!!” sabi niya. Sabi na eh, lahat gagawin nito.

“Ewan ko sayo.” Sabi ko nalang. Naghyhysterical na naman siya. Patawarin nyo po ang fangirl.

“Hay nako, Juls. Etong si Diego ay nagseselos na.” biglang sabat naman ni unggoy habang umakbay kay Diego. Haha! Eto namang si Diego hindi makatingin kay Julia. Haha!

Lumapit naman si Julia kay Diego. “Uyyy… Wag kang magselos. Crush ko lang naman yun eh! Ikaw naman asawa ko.” sabay hawak niya sa braso ni Diego. At kelan pa natuto si Julia na magpacute? Haha!

“Magsama nga kayo dyan. Mga lovebirds!” Sabay bitaw ni Daniel kay Diego at tumawa. Sakin naman siya umakbay.

“Yan yung freshman sa Theater Arts diba?”

“Oo, yan yung gwapo!”

“May makakatalo na ba sa record ni James?”

“Artista naman yun eh!”

“Gwapo pa rin!”

“Oo nga! Pero gwapo rin to! Daniel daw pangalan nan eh.”

“Kaso may girlfriend?”

“Ehhh? Sayang naman!”

 

Ang iingay nung mga nagbubulungan. Joke, hindi pala bulungan yun. Rinig ko eh. Naglalakad nga pala kami palabas ng University. Magcocommute pati kami, kasi college na kami at kailangan naming matuto sabi ng mga magulang namin. Haha.

Grabe, first day palang sikat na agad si unggoy? Alam ko namang gwapo siya, pero ang bilis naman atang kumalat ng gayuma niya?

***

Second day of classes. Ang bilis naman. Nandito ako sa isa kong klase. At nakita ko sila Aria at Kayla kaya tumabi ako sa kanila.

“Uy! Kath! Nagsasalamin ka pala?” bati ni Aria sakin. Nagnod ako kasi nakasalamin ako ngayon, ayoko kasi munang magcontacts. Nakakatamad maglagay. Tapos, ningitian ko naman silang dalawa na kanina pa nag uusap.

“Hi Kath!” bati naman ni Kayla.

“Hello.” Sabi ko, sabay upo sa upuan sa tabi nila.

“Uy, Kath, kilala mo ba yung gwapong taga Theater Arts? Freshman din daw! At sobrang gwapo!!!!” irit ni Aria. Theater Arts? Hindi kaya si…

“Daniel daw pangalan! Nakita nga namin kanina papasok ng building nya eh! Ang gwapo nga talaga! Kaso bali-balita may girlfriend daw siya dito sa campus.” Oh my. Si unggoy nga! Ang bilis naman ng tsismis. Pati ba naman sila Aria at Kayla? Girlfriend? Sasabihin ko kayang ako? Ehhh, pero baka hindi maniwala tong dalawang to. Sa itsura kong to. Mukha ba akong girlfriend ng isang popular?

“Ikaw Kath? Nakita mo na ba siya?” tanong ni Aria. Oo, sabay nga kaming napasok at nauwi eh. Pati malapit nga bahay nila samin eh. Tapos malapit na kaming mag second monthsary. Yun ang gusto kong isagot, pero imbis na yun ang masagot ko…

“Ah… hinde.” Sabi ko ng pabulong. Teka? Bakit di ko sinabi in the first place na kilala ko sya at boyfriend ko pa?

“Ah! Don’t worry! Mamaya pumunta tayo sa building nila tapos sulyapan natin!” sabi ni Kayla. Tapos nag appear sila ni Aria.

Oh-oh.

***

Nasa may labas kami ngayon ng building ng Theater Arts. Bakit ba ako parang stalker dito? Eh samantalang girlfriend ako? Argh.

“Ano kayang klase nya ngayon? Bakit ang tagal lumabas?” tanong ni Aria kay Kayla.

Tumingin ako sa orasan ko, tapos inisip ko kung anong klase ni unggoy ngayon.

“Speech.” Sabi ko. Kasi yun ang klase nya ng 10:30 hanggang 12 o’clock. Kaya maya-maya pa siya lalabas. Sana di niya ako makita.

Napatingin sakin yung dalawa na parang nagtaka. Uh-oh? May nasabi ba ako?

“Anong speech?” tanong ni Aria.

“Ha?” patay na. “Uhm, wala, may binabasa lang ako.” Maniwala kayo. Maniwala kayo!

“Ah, okay.” Tapos bigla na ulit silang tumingin sa loob ng building.

“Kath?” Patay na. Lumingon ako. “Iniintay mo ba si – ” bago ba makapagsalita si Julia tinakpan ko na bibig nya kahit may kasama siya. Di ko muna sila pinansin. Kasi nakatingin rin sila Aria samin.

“Wag kang maingay. Mamaya ko ipapaliwanag sayo.” Bulong ko tapos binitawan ko na siya.

“Ah, Aria, Kayla, si Julia nga pala bestfriend ko. Julia, si Aria at Kayla blockmates ko.” pagpapakilala ko.

“Ah… nice to meet you.” Sabi ni Julia. “Eto naman si Ate Fretzie, kabatch niya si Sam!” napatingin naman ako sa kasama niya, mas matangkad si Julia pero pareho silang maputi’t makinis at maganda! Ohlala. “Pareho kami ng course, kaya nagkakilala kami sa isang meeting, tapos ayun! Ang galing kasi siya yung girlfriend ni James Reid na kapatid ni Sam Concepcion!” ang daming kwento ni Julia, parang excited na excited talaga.

“Nice to meet you po.” Wait? Boyfriend nya artista? Nice. Ang swerte nila sa isa’t isa.

“Nice to meet you din.” Sabi nya sakin. Tapos napatingin naman ako kala Aria at Kayla.

Nasa may loob na sila ng building. Ala? Iniwan ako? Tumingin ako sa orasan, 12 na! Siguro nakalabas na si unggoy kaya sumugod na yung dalawa.

Haay.

***

Pumunta na ako sa next class ko.  Hindi ko nga nakasama maglunch si Dj eh. Eh may gagawin pa daw siya. Haay, ang hirap naman maging college. Tapos magkaiba pa kaming dalawa ng course. Haay.

“Attendance daw.” Sabay may nakita akong papel sa harap ko na hawak ni Khalil. Kinuha ko naman. Kanina pa ba ako nakatulala?

“Ah salamat.” Sabi ko sabay pirma sa attendance sheet.

“Anong iniisip mo? Lutang ka ata?” tanong niya sakin. Napatingin naman ako sakanya. Napansin niya yun?

“Ah wala naman.” Sagot ko.

“Ah okay.” Sabi nya tapos bumalik na ulit sya sa ginagawa niya.

Naglelesson na si Ma’am ng bigla akong tinawag ng mother nature. Naiihi ako, so nag CR muna ako.

Iniisip ko ano kayang magandang iregalo kay Dj sa second monthsary namin? Kasi sobrang sinurprise nya ako nung first monthsary namin eh. Nagdate kami, tapos binigyan nya ako ng kwintas at roses. Sobrang sweet nga eh, nanood pa kami ng sunset. Summer nun tapos kinabukasan ng beach outing kami kasama sila Julia at Diego. Tapos ang saya lang. Sana ganun na lang kami forever. :D

Ano kayang iregalo ko sa kanya sa isang linggo?

Nung papunta ako sa CR may pumukaw ng atensyon ko, may nakita ako sa may building nila unggoy. Maraming tao, tapos nandun din sya. Pinag kakaguluhan ng mga babae. Ano ba yan!?

Tumakbo ako papunta sa kanya pero...

Biglang may humalik sa kanyang babae.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

This is dedicated to @ArleenAlamani, kasi nagpost siya ngayon ngayon lang sa profile ko na magupdate daw ako! Kaya ayun <3

Nakita nyo na ba yung mga bagong pictures nila Kath at Dj? O-em, kainlove right?! Valentines nga naman! <3

So, kung sinong makahula nung babaeng humalik kay Dj, sakanya ko idededicate ang next! >:D

 Kota votes! 50 votes ulit!

Mahihirapan ako mag update, sobrang dami naming activities sa school eh, Prom na namin sa Saturday! Excited na ako! <3 Share.

So, vote and comment! Love you all! xx

Continue Reading

You'll Also Like

21.4K 890 22
Ako si Marianne, nasaktan na noon. Oo, minsan na akong nasaktan ng taong minahal ko. Minsan na akong sinaktan ni Liden. Ito ako ngayon,patuloy paring...
120K 558 5
[My Boyfriend is A Vampire Sequel] Maraming taon ang lumipas nang mawala si Ave sa buhay ni Rina. Umaasa siyang muli silang magkikita pero dahil sa h...
6.1K 281 12
Aeros, a gangster who fell in love for the first time and ready to change just for the woman he loves. "Dos" was surrounded by rules that could prev...
47.5K 2K 65
Ako si Maria Alexa Papin pinangarap ko lang noon mapansin ng idol kong si Ranz hangang sa nagkaroon kami ng kasunduan ni Owy na kailangan kong paibig...