Play With Blaze [FINAL EDITIO...

Af IMKJLEE

72.2K 864 49

A twisted story with twisted characters. They both desire for one thing... To have a child. [From: December 1... Mere

Play With Blaze
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Epilogue

Chapter 26

1.8K 21 2
Af IMKJLEE

Magaan ang pakiramdam kong pumunta dito sa restaurant na malapit lang sa inn na tinutuluyan namin.


Nalaman ko na dito na nakapirmi si Dad, dahil dun baka halos buwan buwan na kong pumunta dito. 


For once, biglang hindi ko na pino-problema si Blaise, although lagi pa rin siyang pupumapasok sa utak ko. Pero ang sarap sa pakiramdam na hindi na gaanong mabigat yung dala-dala kong sakit. Salamat sa mama ko na bigla na lang dumating at binawasan ang bigat sa dibdib ko.


Mag-a-alas tres na at wala pa rin sila Dad, sabi niya dadalhin niya daw yung dalawang kuya. Grabe na-e-excite talaga ako. Kamukha ko kaya sila? Magkakasundo kaya kami?


Kinuha ko ang baso sa tapat ko na may lamang ice tea, nasa entrance lang nakatuon ang paningin ko, at halos parang mababasag ang lamesa ng bigla kong na ibaba ang baso.


Lahat ng ini-imagine ko tungkol sa dalawa kong kuya ay biglang naglaho ng makita ko sila.


Fvck, bakit sila ang kasama ng Dad ko????




...




Blaise's POV


Kanina pa ko kinakabahan sa kalagayan ni Cindy. Kanina pa siya asa loob at kahit gusto kong pumasok, hindi ko magawa.


Inuunahan kasi ako ng takot na baka itaboy niya ko at baka mag-wala lang siya pag-nakita niya ko.


Pero-pvt@ng1n@ gusto ko talagang pumasok at i-check kung okay na siya!


Tumayo ako at nagpalakad-lakad ng pabalik-balik sa pasilyo ng room niya.


Base sa kwento ng mga nakakita sakanya, parang wala daw sa sarili si Cindy at patuloy lang sa paglalakad hanggang sa malalim. Hindi kaya nag-tangka siyang magpakamatay? Dahil ba sa kin? Wala namang ibang dahilan kundi ako di ba?


Fvck! This is driving me crazy.


Umupo ulit ako sa upuan na tapat ng room niya. Tama, magpapakalma muna ako, at kahit anong mang-yari kailangan kong pumasok at tignan ang lagay niya.


Isinandal ko ang ulo ko sa pader at huminga ng malalim. Kusang nag-bukas ang mga mata ko ng maramdaman kong may tumabi sa kin.


Umayos ako ng upo at tinignan ang lalake sa tabi ko na parang kakapatuyo lang. Mejo basa pa ang suot niyang T-shirt at Khaki short.


Teka, siya yung nakita kong nagbubuhat kay Cindy papunta dito. 


Ah! Baka siya yung sumagip kay Cindy. Agad ko siyang pinansin at nakipagkamay.


"Salamat po sa pagligtas sa girlfriend ko."


Parang nagulat siya at sa tingin ko kasing edad niya ang papa ko, mejo mas matanda lang siguro ng isa o dalawang taon si papa.


"Talaga iho? Girlfriend mo siya?"

"Opo manong."


At binigyan ko siya ng mala-anghel kong ngiti. 


"E sino yung batang kasama niya at sobrang mag-alala na halos maluha-luha na kanina?"

"Ay un po yung hinire kong bodyguard niya."


Ang walang-hiyang bodyguard niya na pinagkatiwalaan ko.


"Talaga iho? E bakit andito ka lang sa labas at yung totoy na yun ang nasa loob?"


Napayuko ako at napangiti ng mapakla.


"May malaki po kasi kaming problema, na hindi ko alam kung maayos ko pa."


Sinira ko siya. Sinira ko hindi lang ang birhen niyang katawan, kundi pati ang puso't kaluluwa niya.


"Masyado pong malaki ang kasalanan ko sakanya, at alam ko po na sobrang liit ng chance para patawarin niya ko, pero gusto ko lang namang mag-sorry."


Ewan ko kung bakit bahagya akong natawa sa sinabi ko. Na-alala ko kasi ang mga sinabi ni Dad.  Wala naman kasi talaga akong choice kundi ang mag-sorry.


"Okay lang sa kin kung habang buhay niya kong hindi patawarin, ang mahalaga makapag-sorry ako. Wala naman na kasi akong ibang alam na paraan para maayos pa namin to. Gusto ko lang talagang mag-sorry at tignan kung okay na siya."


Napayuko nanaman ako.


"Bakit hindi ka pumasok?"


Na-angat ko ulit ang mukha ko sa lalakeng kausap ko.


"Nag-iipon pa po ako ng lakas ng loob."


Ngumiti ako sakanya at kahit papano parang gumaan ang loob ko.


"Mapapatawad ka niya."

"Sana nga po."



*Love On Top*


Nag-vibrate ang phone ko sa bulsa ko at wala akong choice kundi ang sagutin ang tawag.


"Attorney De Asis, remind ko lang po yung meeting niyo with Mr. Santiago mamayang 5 pm."


Tinignan ko ang watch ko at 4:30 pm na!


"Yes, yes! Thank you for reminding me. Papunta na ko.


Napatakbo ako bigla at hindi ko na nagawang mag-paalam sa lalakeng kausap ko kanina.


Sh1t. I forgot may trabaho nga pala akong dapat ilakad dito.


Actually, hindi sa andito ang trabaho ko, pero pinalipat ko lahat ng meeting ko dito sa Puerto Galera para masundan ko si Cindy.


Haay, de bale marami pa namang oras para maka-pag-sorry sakanya.



*********


Asa labas ako ngayon ng restaurant kung saan pumunta si Cindy.


I KNOW!


Mukha na talaga akong stalker sa pinag-gagagawa ko! Sinu-sundan sundan ko lang siya at ni hibla ng buhok ko hindi niya pwedeng makita.


Hanggang ngayon kasi kulang pa rin yung naiipon kong lakas ng loob.


Nung isang araw ko pa siya sinusundan at kahapon nakipag-kita siya dun sa lalakeng nakausap ko sa tapat ng room niya sa ospital.


Hindi ko alam, pero sobrang drama nung scene na nakita ko sakanilang dalawa. Nag-yakapan kasi sila at umiiyak silang pareho. Nagtataka tuloy ako, ka-ano-ano kaya ni Cindy yung manong na yun?


Pero sa buong tatlong araw na pag-sunod ko sakanya, dalawang tao lang talaga ang nakakapang-init ng ulo ko.


Si Lizzy na kasama nila ni Jess kahapon, at si Kyo na kasama niya simula nung dumating sila dito. Gusto kong punitin ang leeg niya at iihaw siya ng buhay everytime na dumidikit siya kay Cindy, kapag sila kasi magkasama laging dalawa lang sila! Anong ibigsabihin nun? At base sa pagkakatanda ko, tong mga panggulong si Lizzy at Jess, dumating sila after a day, so may isang buong araw na si Kyo ay Cindy dito na magkasama na silang dalawa lang. 


Kumukulo ang dugo ko sa tuwing nakikita ko silang naglalakad sa gilid ng dalampasigan at nagtatawanan sila. Bakit ba hindi mahalata ni Cindy na may gusto ang batang yun sakanya?


Unti na lang talaga at malapit ko ng burahin sa mapa ang lalakeng yun. Kung di lang sana sa konsensya ko, hindi ko naman dapat siya ililigtas sa pagkakakulong. 


Biruin mo ba namang, 19 years old nakapatay ng 25 years old na lalake? Iniisip ko tuloy, na baka, kaya ko talaga siyang patayin kapag nagkataong ginalaw niya si Cindy.


Nakuyom ko ang kamao ko ng maisip ko si Kyo at bigla namang nakuha ni Cindy ang atensyon ko ng dumating na ang hinihintay niya.


Glass ang wall ng restaurant at tanaw na tanaw ko mula dito sa pwesto ko ang mga nangyayari sa loob, lalo na sa pwesto ni Cindy. Nakakapagtaka. Katagpo niya nanaman yung manong na nakausap ko sa ospital at may kasama itong dalawang lalake na parang kasing edad ko lang.


Ni-re-reto niya kaya si Cindy?


O bakit parang galit na galit si Cindy? Bigla kasi siyang tumayo at halatang galit na galit siya sa dalawang lalakeng kasama ni manong. Naluluha na siya sa galit at dinuro-duro niya si manong na hindi alam ang gagawin. Pagkatapos nun ay kinuha na ni Cindy ang bag niya at galit na lumabas ng restaurant. Napatayo ako ng mada-an siya sa tapat ko.


"Cin-


Pero sobrang bilis niya na hindi na niya ko napansin. Ano bang nangyari? Agad akong pumasok sa restaurant at na-abutan ko si manong na pa-alis na rin ng restaurant.


"Teka manong sandali!"


Sinundan ko si Manong hanggang sa mapadpad kami sa tabi ng dagat. Umupo siya, at ginaya ko rin siya.


Ano ba toh, ba't siya umiiyak ng ganyan? Tyka isa lang naman ang gusto kong malaman ei. kung ka-ano ano niya si Cindy pati yung mga lalakeng kasama niya.


"Sinungaling ka."

"Huh manong?"

"Anong sinasabi mong boyfriend ka ng anak ko?"


...


ANAK NIYA?


"Pano ka magiging boyfriend nun, e babae ang gusto niya!"


Tapos naiiyak nanaman siya.


"L3ch3ng buhay naman oh, niloko ko ang nanay niya, tapos mababalitaan kong tibo ang kaisa-isang babaeng anak ko?"

"Teka pano niyo po na laman yan?"

"Tapos yung walang hiya kong dalawang anak na lalake niloko ang girlfriend niya!!!!"


At umiyak nanaman siya na parang wala ng tamang nangyari sa buhay niya. Teka-teka girlfriend niya???? May bagong gf si Cindy? 


"Manong sinong girlfriend ni Cindy?"


Tinanong ko siya pero parang hindi niya ko narinig.


"Ano ba namang klaseng buhay to, nag-kaayos na kami e."


Ginulo niya ang buhok niya and he really looks miserable.


"Tignan mo nga naman, kung ano ang puno, siya ring bunga. Isa kaming pulutong ng manloloko."


Bigla akong nanlumo sa sinabi ni manong. Bakit si Cindy pa ang kailangan palibutan ng san-damakmak na manloloko?


"Manong, dahil lang ba dyan, sumusuko na kayo?"


Napatingin sa kin si manong.


"Kung kayo talaga ang tatay niya, gagawa po ako ng paraan para magka-ayos kayo."

"At pano mo gagawin yan, hindi lalake ang gusto niya."


Napa-smirk ako.


"Kahit hindi na niya ko mapatawad basta mag-ka-ayos lang kayo, at pa-alala po, ako lang po ang nag-iisa at katangi-tanging lalakeng gusto niya."


Tumayo na ko at nag-pag-pag. 


"Sige po, kailangan ko pa siyang hanapin."

Fortsรฆt med at lรฆse

You'll Also Like

1.7M 111K 200
**Story is gonna be slow paced. Read only if you have patience. ๐Ÿ”ฅ** Isha Sharma married a driver whom she had just met. She was taking a huge risk...
1.7M 17.3K 3
*Wattys 2018 Winner / Hidden Gems* CREATE YOUR OWN MR. RIGHT Weeks before Valentine's, seventeen-year-old Kate Lapuz goes through her first ever br...
355K 22.5K 20
๐’๐ก๐ข๐ฏ๐š๐ง๐ฒ๐š ๐‘๐š๐ฃ๐ฉ๐ฎ๐ญ ๐ฑ ๐‘๐ฎ๐๐ซ๐š๐ค๐ฌ๐ก ๐‘๐š๐ฃ๐ฉ๐ฎ๐ญ ~By ๐Š๐š๐ฃ๐ฎ๊จ„๏ธŽ...
3.1M 182K 77
Nobody ever loved him; she was the first who loved him. He did not have a family and then one day she entered into his life and became a world for h...