Stella Royal Games

De StarryKyamii

62.5K 2.5K 538

Which kingdom will shine the brightest? Mais

Stella Royal Games
Royal 1
Royal 2
Royal 3
Royal 4
Royal 5
Royal 6
Royal 7
Royal 8
Royal 10
Royal 11
Royal 12
Royal 13
Royal 14
Royal 15
Royal 16
Royal 17
Royal 18
Royal 19
Royal 20
Royal 21
Royal 22
Royal 23
Royal 24
Royal 25
Royal 26

Royal 9

2.3K 80 7
De StarryKyamii

Royal 9

Meteor’s POV

I hurriedly walked to the next room and barged in. The moment I saw his face, I instantly crossed my arms, disappointment ran through me.

“Hindi ka ba marunong kumatok—” he looked irritated but I didn’t mind. Judging from his voice, he went through a lot and probably tired from this day's work.

“Let’s talk, kuya Astro,” I simply replied.

“Hindi ba pwedeng ipagpabukas yan, Meteor?”

“Now,” madiing sabi ko sabay lumabas ng kwarto niya.

Dinala ako ng mga paa ko sa isa sa mga garden sa palasyo. Gabing-gabi na at kitang-kita ang mga bituin sa ibabaw. Masyadong maganda ang kalangitan para sa ganito.

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Nararamdaman ko namang tahimik na sumusunod si Kuya Astro, inaantay niya lang akong magsalita.

Maya-maya, tumigil ako sa isang pamilyar na bulaklak dito sa garden. Pinitas ko ito at tinapat sa ilaw ng buwan.

“Bakit ka pumayag?,” tanong ko sakanya habang nanatili ang tingin ko sa bulaklak. “Bakit ka sumali?”

“You know the answer Meteor,” malungkot niyang sabi. “Alam mong hindi ako makakatanggi.”

Tinignan ko siya. Gusto kong siyang sigawan, sapakin para matauhan pero kinontrol ko ang sarili ko. I heavily sighed, “You know to yourself you cannot do it.”

“I need to, Sis. I have to fulfill my duty as the prince of this empire.”

Ayan nanaman siya sa duty-duty niya. Bakit ba, kahit isang beses lang, magdesisyon siya para sa sarili niya. Bakit ba takot siyang sumuway?

Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at sinapak ko siya. “If you’re a prince, why can’t you fight for yourself?”

Hindi siya sumagot. Alam niya sa sarili niyang may punto ako. At alam niyang walang patutunguhan to kung makikipagtalo siya sakin dahil ako ang nasusunod.

Bakit ba kasi ganito siya eh. Bakit ba hindi siya marunong tumanggi?

Tumingin ako sa kalangitan. “Anong balak mo? Para sa Stella Royal Games?”

“Hindi ko alam,” bulong niya at pabagsak siyang umupo sa sahig. “Hindi ko na alam, Meteor.”

Kahit na hindi ko siya tignan, nararamdaman ko nang papaiyak na siya. Nararamdaman ko na yung bigat na nakapatong sa mga balikat niya.

The same old Astro Sirius, ang prinsipeng iyakin at mahina kapag nag-iisa. Hindi ko alam kung kanino kami nagmana ng acting skills pero when other people are around, we know how to play our emotions.

“Tumayo ka dyan. May pag-uusapan pa tayo.”

Naglakad ako papunta sa puno at inakyat iyon. Doon ako umupo sa isang sanga habang sumandal naman sa puno si Astro.

Hanggang ngayon, hindi ko pa rin lubos maisip na pumayag si Kuya Astro sa desisyon ni Dad. Sa susunod na linggo, gaganapin na ang Stella Royal Games at sinali ni Dad si Kuya Astro para maging team captain ng grupong sassali doon.

The problem is, Astro cannot fight. He doesn’t want to fight.

And yet pumayag siyang maging TEAM CAPTAIN ng isang grupong may misyon na baguhin ang katayuan ng empire namin. In short, manalo sa Stella Royal Games.

Isipin niyo na lang kasi diba? Taong walang alam sa pakikipaglaban tapos Team Captain. How hard that can it be for him. Hindi sa walang tiwala ako kay Astro, I'm his sister and I support him. Pero ibang level na to eh, Stella Royal level na.

Nakasalalay na ang pangalan ng empire namin dito.

And as a princess, I care for it. I care for everyone that will be affected if we loose the games. Especially si Astro. Pano na lang pag natalo siya? He hates failures and he's ready to kill himself if he loose.

Pero pumayag siya sa desisyon ni Dad kahit na ayaw niya. Ganyan naman si Astro eh, hindi marunong tumanggi lalo na pag si Dad ang nagsasabi. Kabaligtaran ko na palaging sumusuway at ginagawa kung anong gusto ko.

“Pano ka lalaban kung sa paghawak pa lang ng sandata, takot ka na?”

“I don’t know. Kailangan ko sigurong matuto.”

“Astro, you only have a week to learn. Isang linggo lang. I doubt you can’t master the basics in just a week,” straightforward kung kinakailangan pero nagsasabi ako ng totoo. Mahihirapan si Astro matutong makipaglaban lalo na’t takot siya sa blades. Kahit nga simpleng kitchen knife lang, nanginginig pa siya eh.

“Wala akong magagawa. I already said yes to Dad. Isa pa, inaasahan niya ako. I can’t turn him down.”

“Tch.” Okay. I give up. Determinado na talaga siyang sumali. Tinatamad nakong kumbinsihin siya.

“Teka nga Meteor, pano mo nalaman to?” tumingala siya sakin. “You’re not even in the meeting.”

Bigla akong kinabahan. Alam niya ba ang ginagawa ko? Astro has no idea about the underground nor the things I do outside the palace. Ni hindi niya nga alam na lumalabas ako ng palasyo eh.

“I was there,” mabuti na lang at kinwento sakin ni Casey yung nangyari sa meeting, at least masasagot ko mga tanong niya.

“You’re not,” he firmly said. “That’s another person who happens to transform and looked just like you.”

Sht. Nadulas ba si Casey?

“Ano bang sinasabi mo dyan, Astro? Nababaliw ka na,” I tried to remain calm as much as possible.

“I’m definitely sure that’s not you, Sis. C’mon you can tell me, where have you been?”

Natahimik ako. Sasabihin ko ba? Magkwekwento na ba ako sakanya tungkol sa mga ginagawa ko? Astro is my brother. He can be trusted. Afterall, I know all of his secrets and weaknesses.

“You don’t have to know it,” I smiled.

“I’m your brother for solar’s sake! I should know what happening to you.”

“Some things are better to be kept hidden.”

“Meteor,” Astro let out his warning tone. It’s not scary enough to make me spill it out.

“How about this brother, back-out from Stella Royal Games and I’ll tell you everything.”

Nagulat ako nang tumawa siya kaya napatawa na lang din ako. “Very clever, Meteor. Very clever. Fine, I won’t bother you anymore with that. Just make sure you’re safe.”

“Don’t worry kuya, I control everything.”

We spent the night talking to each other. Pinagplanuhan na rin namin ang Stella Royal Games at kung paano siya makakapili ng members na sasali dito. I volunteered to be his trainer pero tinawanan niya lang ako. Hindi siya naniniwalang marunong akong makipaglaban.

At least that night, sakin nailabas ni Kuya ang mga nararamdaman niyang kalungkutan. I’m glad that he knows I’m here and ready to listen.

Don’t worry, Astro. Your little sister is here to help you.

~~~**~~~

“It’s tight!,” I gasped for air. “I can’t breathe.”

Casey took over the maids and loosen up the gown. Huminga akong malalim, “Hell. Thanks, Casey.”

Nagulat ata yung mga maids sa hindi ko malamang dahilan. What did I do?

“Your words Princess,” si Casey na ang nag-ayos sakin.

It’s Monday morning and my princess lessons were cancelled due to some royal meeting we’re going to have. Probably tungkol to sa Stella Royal Games. Mag-iikot kami sa buong Sirius Empire to give a ‘try-out’ invitation to the wizard citizens. Kailangan na kasing mamili ni Kuya ng mga members na bubuo sa team niya.

At least Dad knows how to be fair for the citizens. Unlike other kings who pick from their own Soldier Unit randomly and don’t give a chance to others, alam ni Dad na pwedeng may ‘mas’ lalakas pa kesa sa mga sariling sundalo niya. 

"Not with heels," ilalabas pa lang ni Casey yung heels pero pinigilan ko siya. Sinuot ko yung rubber shoes along with my backpack na naglalaman ng personal stuffs.

"Okay, you're good to go," sabi ni Casey. "Just don't let the Queen see those shoes."

Bago ako umalis, hinarap ko siya at nagbigay ng isang letter, "Bring that to Leona as soon as you can."

"Aye, Princess."

And here comes the act of waving and smiling.

Buong araw kaming nakasakay sa karwahe kasama ang King and Queen habang pumaparada sa iba't ibang lugar sa loob ng Sirius Empire. Ilang daang soldiers and royal guard units ang kasama namin for security. Syempre, personal na ina-announce ni Dad ang isang royal meeting na gaganapin sa stadium mamayang hapon. Dito niya iimbitahin ang mga wizard citizens para magtry-out.

Kasabay din ng paglibot namin ang pagtingin ni Dad sa mga problema na nangyayari sa loob ng kingdom. Pinapaayos niya ito agad sa mga tauhan niya. Katulad na lang ng sirang bahay, he even helped those soldiers to repair. Gusto niya kasi, madaling natatapos ang gawain kaya hands-on siya sa lahat ng bagay.

Kaya nga gustong-gusto siya ng mga tao dito. He serves his country whole-heartedly. For them, he is a real king.

Sometimes I wonder, if he can be a good king to them?

Why can't he be a good father to us?

Nagpaalam na kami sa mga tao at sumunod naman sa last kingdom na nakapaloob sa empire namin. Yung kingdom nina Alice.

Katulad ng ginawa sa ibang kingdoms, bumaba si Dad at sinalubong naman siya ni King Hatter, yung Daddy ni Alice.

"Let's go," bumaba naman si Mom. "Don't you want to greet your uncle?"

Nagkatinginan kami ni Astro kaya wala kaming nagawa kundi sumunod na lang.

Pagbaba namin, sinalubong kami ng mga pagbati galing sa mga ordinaryong tao don. Nagtipon-tipon sila sa labas ng stage na isinet-up sa tapat ng palasyo kung saan maga-announce si Dad.

"Princess Meteor! Prince Astro!"

"Queen Sileria! Magandang hapon po!"

"King Leo! Sana tanggapin niyo po itong hinanda naming prutas!"

"Ang gwapo mo Prince Astro!"

At kung ano-ano pa. Syempre kami ni Astro, nakangiti at kumakaway sa kanila. Umakyat kami sa stage kung saan nandoon ang Adhara royal family.

"Ahh~ Princess Meteor," nakipagbeso-beso ako kay King Hatter. "How are you, Uncle?"

"I'm doing fine, iha."

Dumako naman si King Hatter kay Kuya Astro at kinongratulate ito sa pagiging team captain.

Nagkatinginan kami ni Alice, tinanguan ko lang siya. Alam niyang may sasabihin din ako sakanila ni Leona mamaya.

Balik sa usual routine, lumuhod muna ang mga tao roon pati na rin ang Adhara royal family bilang pagbibigay respeto sa amin. Inimbita sila ni Dad sa stadium na nakalocate sa pinakagitna ng empire. Dito niya iaanounce ang tungkol sa Stella Royal Games at sa try-out.

Nagpaalam na kami sa mga tao at naglakad papunta sa karwahe. Bago iyon, tinanggap muna ni Dad ang mga biyaya na ibinibigay ng mga tao. Pagkatapos ay dumiretso na kami sa Stadium para sa malaking announcement.

~~~**~~~

"Kinakabahan ka?," pabulong kong tanong kay Astro.

"Sino ba naman ang di kakabahan? Magsasalita ako sa harap ng ganto kadami. Gusto ko na ngang magtago eh."

Natawa ako. Typical Astro, takot pag maraming tao na ang kaharap. "Get used to this, Brother. You're the next King. You'll do this frequently."

Umayos ako ng upo. Being a king sure is hard. Isipin mo na lang kung gaano kadami ang pinamumunuan mo. I don't know how Dad do it but I must admit he's pretty cool.

Nilibot ko ang paningin ko sa buong stadium. Nasa dulo kami at nakaupo sa throne seats sa may built-up stage doon. Nakapalibot naman samin ang mga wizard citizens ng Sirius empire, halos nandito na ata ang lahat ng mga tao, mapabata man o matanda. Nakakalat naman ang mga soldiers and royal units sa grass field kung saan nakaupo rin ang iba pang royal families ng iba’t ibang kingdom na nakapaloob sa empire namin.

Maya-maya, tumayo na si Dad at pumunta sa pinakaharap ng stage kung saan may microphone. Bago pa siya makapagsalita, kusang tumayo ang mga tao roon at lumuhod, sumalute na rin ang mga soldiers and guard units habang nanatiling nakatungo ang mga royals bilang paggalang at pagrespeto.

This just proves that the Sirius family is the royal of all royals, and my Dad is the king of Kings.

Tumikhim si Dad at bumalik na sila sa pagkakaupo. Natahimik sa buong stadium, inaantay nila kung ano ang mahalagang iaanounce ni Dad.

“A pleasant day to all of you, my fellow countrymen,” paninimula niya. “First and foremost, I want to thank all of you for attending this Sirius Empire meeting, I am grateful for your cooperation. Let me be straight to the point, fellow countrymen. The day of the truth has come. The Stella Royal Games will be held next week at the Fleur de lis Arena, located at the center of Stella World. We all know how important this is. Through this event we will know the chosen Empire, the one who will receive the ‘stardusts’ and rule the whole Stella World for the next decade until the next games. The Stella Royal Games also determines the ranking of each empire from the most powerful up to the least. Up until know, we still remember what happened to the last Games and I assure you my fellowmen, that I will not let it happen again anymore. I already gained your trusts and I will never break it. And I will prove to you, through my son, that we will claim the Stella Crown and that we are the empire who will receive the stardusts. We will retrieve our spot as the most powerful empire, Sirius as the greatest and brightest star!”

Nagpalakpakan at naghiyawan ang mga tao. I can see excitement running through their veins. Those faces who are determined to win the Stella Royal Games. It just simply says, bring it on.

Naalala ko pa noon, for the second time in whole history, the Sirius Empire lose the Stella Royal Games and for the first time, we ranked as the weakest empire of Stella World. Galit na galit ang mga tao noon kay Dad, which was the team captain of the team that joined. Dahil doon namatay din si Lolo, the greatest king of all times sa history ng Sirius Empire for he won the greatest number of Stella Royal Games. Kaya tinaguriang ‘Massive Star’ ang Empire namin, receiving stardusts every 10 years, not until my Dad became the team captain and loose it in an instant.

I was seven back then when my Dad married my Mom, the only child of the King and overtook his crown. Noong mga panahong din iyon, galit na galit ang mga tao sakanya, for bringing the empire into shame.

The strong foundation of Sirius Empire has crumbled into pieces when he lose. Doon din nagsimula ang mababang tingin sa amin ng ibang Empire, lalo na ang Vega. We were abused physically and emotionally. It was the darkest days of our nights. Sa isang iglap, everything has fallen.

But my Dad worked all the way up for his fellowmen. Pinakita niyang natalo man siya sa Games, he can still be the good king. Kaya naman unti-unti niyang nakuha ang tiwala at respeto ng mga tao. Soon enough, minahal na rin siya ng mga ito.

Now this time, everyone is expecting something from him. Kailangan ulit manalo ng Stella Royal Games and bring back the crown. We should prove to them that the Sirius Empire is back. That after 10 years, here we are, the greatest and brightest star ever founded.

At ang lahat ng iyon ay gagawin ni Astro.

Great isn’t it? Ganyang kalaki lang naman ang nakapatong sa balikat niya. Lang naman.

“Now, I invite all of you to try out for the upcoming Selection Event tomorrow. In this we would pick the 4 strongest wizard who will survive a series of tests and serve as the members of the team that will compete in the Games. My son, Prince Astro Sirius, shall fill the spot of the team captain and lead not only these members, but also our empire to victory.”

“The venue would also be here at the Sirius Center Stadium, 7 in the morning. I will personally organize this one to make sure the strongest shall be chosen. Do you have any question or suggestion, fellow countrymen?”

Isa pang katangian ni Dad, he gives everyone the freedom of speech. Hindi niya kinukulong ang sarili niya sa sariling desisyon, he knows how to be open-minded and considers suggestion to create the right decisions.

Isang matandang lalaki ang naglakas-loob na tumayo at magtaas ng kamay.

“Yes. You have the right to speak,” sagot ni Dad.

“Mawalang-galang na ho, King Leo. Pero paano po kami makakasiguro na tama po ang desisyon niyong ilagay si Prince Astro sa team captain? Hindi po sa hindi ako nagtitiwala sa kanya pero gusto lang po namin ng tamang tao rito.”

Nagkaroon ng ingay sa loob ng stadium. May mga sumasang-ayon kay tanda, na dapat daw ay magkaroon din ng sapat na proseso sa pagpili ng team captain. Meron namang okay na daw si Kuya Astro ang ilagay dito, dahil isa siyang royal at may kapangyarihan siyang mas malakas kesa sa ibang wizard.

Unfortunately for my brother, he still doesn’t know his power. Sinubukan niya nang palabasin ito pero wala talaga. Binata na siya pero hindi niya pa rin alam kung anong kaya niyang gawin.

May isa pang lalaki ang tumayo at sumigaw, “Prinsipe Astro, bakit hindi mo na lang ho ipakita kung anong kaya mo.”

Tumingin ako kay Kuya, kabadong-kabado na talaga siya.

“Silence,” kalmadong sabi ni Dad at tumahimik naman sa loob. “I’ll take that man’s suggestion.” Tumingin siya sa likod kung saan kami nakaupo. “Why don’t you show them what you got, Astro.”

I leaned next to him at pasimpleng bumulong, “Prepared for this?”

Bahagya siyang umiling sakin. “I-I know a few stunts. But I don’t think that will impress them.”

Great move, Dad. You just put your son into great trouble.

Both of our parents don’t know about our powers. Wala nga kasi silang time para alamin yun. And probably, Dad expects that my brother has one. Ni hindi nga nila alam na I control fire. Kaming dalawa lang ni Astro sa palasyo ang nakakaalam don.

Walang nagawa si Astro kundi tumayo. Halatang-halata na nanginginig ang tuhod niya. Isang soldier ang umakyat ng stage at binigay sakanya ang isa sa mga royal swords. Tinapik siya ni Dad sa balikat at bumalik sa throne seat. Tinanggal din ang microphone para mas mabigyan siya ng malawak na space.

Natahimik ang buong stadium, lahat nakatutok kay Astro na noo’y nanginginig sa hawak-hawak niyang mahabang blade.

Ilang minuto ang lumipas, pero wala pa rin siyang ginagawa. Nanatili ang tingin niya sa harap ng maraming tao, mga taong nag-eexpect sa kakayahan niya bilang susunod na hari ng Sirius Empire.

Huminga siyang malalim at nagsimula siyang magslash ng kanyang sword. And to tell you the truth, this is err.. not too cool.

“Yah! Yah! YAH!,” sigaw niya na parang nagkakarate. What made it not cool? Simpleng slash lang ang ginagawa niya. Yung tipong pumapatay lang siya ng langaw o kaya naman nasa piñata party siya. Halos matumba-tumba nga siya sa sobrang bigat siguro ng sandata. And the worst thing? Nabitawan niya pa ito at tumalsik sa grass field. Napakamot na lang siya sa ulo as he laughed nervously.

Nakatingin lang sakanya ang mga tao pati yung ibang royals. Kahit yung mga sundalo parang hindi makapaniwala. Yung mga reaksyon nila.. parang ayoko nang i-describe pa.

Okay Meteor, you need to do something quick and save your brother’s ass from shame.

Think, Meteor. Think, think, thi—Bingo!

Pinakuha ko sa isang sundalo ang microphone at naglakad ako papunta kay Astro.

“Uhh yeah. Sorry for the shameful act my brother gave,” I told them. “You see, how can he show his strength if there’s no enemy? I mean, those sword stunts won’t just impress you, right? It would be exciting if we add something spicy that would live it up.”

Nakita kong unti-unti silang nagsitanguan. Hell yeah, my plan is working. Keep on it, Meteor.

“So why don’t we have another act shall we? I supposed the royal units captured a class-C monster while on our way. If the soldiers would be kind enough to bring it here and clear half of the stadium for the showdown.”

Habang kinukuha ng mga sundalo ang nahuling halimaw kanina at busy ang mga royals sa grass field na lumipat para magkaroon ng battle ground, binulungan ako ni Astro.

“What on solar are you doing, Meteor?! Do you want to kill me?”

“Don’t worry brother,” nilayo ko yung mic para hindi nila marinig ang pinag-uusapan namin. “I’m saving your ass out.”

“Yeah, that’s what you call saving. An engaged battle between a class-C monster and a man who cannot even hold the sword properly. That’s cool, Meteor. Pretty cool.” I noted his sarcasm.

“I have everything under control, silly. Look, you just need your acting skills here and I work the rest. Just sway your hands, put up a game face and a bit of bravery would do. Everything would be fine. Trust me.”

Pinasok na ng mga soldiers ang nagwawalang class-C monster na may form na isang leon. Nagulat ang mga tao at halata ang takot sa kanilang mga mata.

Nakpagset-up na rin ng barrier ang mga sundalo sa isang mini-battle ground. Ipinasok nila sa loob ang class-C at doon pinakawalan. Sinubukan nitong makalabas pero masyadong malakas ang barrier na nagkukulong dito.

“Just don’t forget your act, Brother.” Huling bulong ko sakanya. Naglakad na siya papalapit sa battle ground at bago pumasok sa loob, he stared at me with his ‘Just-don’t-get-me-killed’ look.

I gave him a thumbs up and announced in the crowd, “This is the proper way of showing-off.”

Pumasok na si Astro sa loob ng battle arena. The lion growled at him, showing its set of sharp teeth.

Nakita kong nag-change na sa game face si Astro. Sinimulan niya na ring itaas ang dalawang kamay niya. The show is on.

In just seconds, two fireballs appeared in both of his hands.

Nabasa ko na yung movement niya, balak niyang ibato ang apoy sa leon kaya naman inutusan ko na itong tumama. The lion bellowed in pain. Hindi ko na pinatagal pa ang laban, Astro swayed his arms and the next thing he knew, the whole battleground was set on fire.

Hindi na rin nakasugod ang leon at tinusta ko na ito sa apoy. There you go, end of show-off.

Napanganga ang buong crowd sa nangyari. Lumabas si Astro sa battleground na parang walang nangyari. Even Dad and Mom were speechless.

Nabingi na lang ako sa lakas ng sigaw ng mga tao. They were cheering for Astro as if like they were given hope that we will win this next games. That Astro is powerful enough to kick the enemy’s ass out.

I think we could keep this little act of ours. Afterall, it’s for the sake of our kingdom.

~~~**~~~

Natapos ang event at inaasahan ni Dad ang mga wizards na pupunta bukas para magtry-out. Nakabalik na kami sa palasyo, nasa library sina kuya at ang parents namin kasama ang ibang generals para pag-usapan ang Selection Event bukas. Dumiretso naman ako sa kwarto ko at hinanap si Casey.

“Oh? Ano nang nangyari?,” tanong niya habang sinusuot ko yung itim kong cloak at asul na maskara. “Teka, huy! Saan ka pupunta?”

Nataranta siya siguro dahil binuksan ko yung cabinet kung saan may secret passage para makalabas ng kingdom. “I’ll tell you later. Naibigay mo na ba kay Leona yung letter?” tumango naman siya. “Good. Sasaglit lang ako sakanya. If ever someone looked for me, ikaw na bahalang magdahilan.”

Hindi ko na siya pinatapos pa at nagslide na ako pababa. Few seconds after, I’m already walking to Leona’s parlor.

Mabuti na lang ang bakla, hindi nagbukas ng parlor. At least malaya kaming makakapag-usap. Tuloy-tuloy akong pumasok sa loob and I found him with Alice.

“Ateng~! Na-kwento na ni Alice yung nangyari. Bongga ka ha,” nakangiting sabi sakin ni Leona.

“How come you’re here? It’s weekdays, remember?” tanong ko kay Alice. Parang ako lang yan, madalang makalabas pag weekdays. Kaya nga nagulat ako at nandito siya.

“I have my plans Ate Meteor,” ngumiti siya. “Ano ba yon at pinapatawag mo kami?”

“Oo nga ateng~ Tsaka anong meron sa letter at kailangan mo ng ganung potion? Anyway, nagawa ko na.” Ahh~ yes the letter. Nakalagay lang naman dun ang potion na kailangan ko. Ipinagawa ko yun kay Leona kaya hindi siya nakapunta sa Sirius Center Stadium kanina. Buti na lang pala at nandito si Alice, at least hindi na ako magsasayang ng laway na magkwento kay Leona.

Seryoso akong tumingin sakanila. I breathed in and announced the biggest news.

“I’ll join the try-out and make it to the games.”

Continue lendo

Você também vai gostar

177K 12.8K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...