This is chapter is dedicated to Miss_IcyHeart
__________
"The trouble with capturing one is that that original gesture is almost impossible to equal or improve upon."
― Donald Barthelme, Sixthy Stories
Simula - Kidnapping?
"Put me down! Sino ba kayo! Please, let me go!", pagmamakaawa ko sa isa sa mga nakaitim na lalaki habang binuhat ako na tila ba ako sako ng bigas sakanyang balikat. Mga pito silang lalaki na bigla na lamang akong kinuha. Nakasuot sila ng pare-parehong mga amerikana, pare-parehong tie at pare-parehong shades.
Wala akong kaide-ideya kung bakit nila ito ginagawa sa akin. Hindi naman ako mayaman upang kidnapin nila sapagkat galing lamang ako sa mahirap na pamilya.
Wala silang masisita sa akin dahil wala kaming maipambabayad sa ransom na nais ng mga ito kung sadyang pangingidnap nga ito. Depende na lamang siguro kung ang katawan ko ang pakay nila. Thinking that makes me shiver through my spines. Nagpumiglas ako habang hinahampas ang likuran ng lalaking bumuhat sa akin. Ngunit tila ba ito bato na walang maramdaman.
"Saan niyo ako dadalhin! Pakawalan niyo na ako, please.", hindi ko mapigilang umiyak. Punung-puno ng takot ang nararamdaman ko ngayon. Nanginginig pati ang kalamnan ko. "Put me down! Please, please..", muli kong pagsusumamo subalit tila ito makinang walang naririnig.
"Wala kayong mapapala sa akin. Mahirap lang ang aking pamilya... wala kayong ransom na maaasahan sa akin. Maawa naman kayo sa akin, Manong.."
Dalawang itim na kotse ang nakaparadang naghihintay sa amin. Apat na lalaki ang sumakay sa isang kotse habang kaming apat naman sa isa.
Dahan-dahan akong pilit ipinasok ng lalaking bumuhat sa akin kanina sa loob ng sasakyan saka ito pumasok. Pinagitnaan ako ng dalawang lalaki upang matiyak na wala akong takas sa kanila. Ang isang lalaki ay nagtungo sa driver's seat upang magmaneho.
"This is kidnapping! Sino ba kayo?! Maawa naman kayo sa akin. Hindi ho ako mayaman, I swear!", malakas kong sigaw habang pinaghahampas ang mga lalaking nasa tabi ko.
Mahigpit na hinawakan ng isang lalaki ang kamay ko. "Miss Sandoval, malalaman mo ang katanungan sa mga tanong mo kapag naroon na tayo.", kalmado ngunit madiing tonong pagkakasabi nito sa akin.
Ipinagpag ko ang kamay ko ngunit madiin ang pagkakahawak nito sa akin. "Mga walanghiya! Pakawalan niyo ako! Ano'ng pupuntahang pinagsasabi niyo? Hindi ko kayo maintindihan!", umiiyak na ako. Umabot na ang takot ko hanggang sa kaibaturan ng pagkatao ko.
Halos tinawag ko na ang Diyos at mga Santo upang mailigtas lamang ako sa panganib na kinalalagyan ko ngayon.
"Miss Sandoval, mas mainam sigurong manahimik ka na lang. Malalaman mo rin lahat kapag nagkita kayo ni Boss."
Boss? Tama nga ang hinala ko, kidnapping nga ito. Pero bakit?
"Sino'ng Boss? At bakit kailangan niyo akong piliting sumama sa inyo? Bakit niyo ako kinidnap? Ano bang mapapala niyo sa akin? Wala akong maipangra-ransom sa inyo!", humihikbi kong sigaw.
Bumuntung-hininga ang lalaki. Inalis nito ang shades nito saka nagpasyang bitawan ang kamay ko. "Please, Ma'am, be patient. Malapit na tayo kay Boss."
"Sino ba kasi 'yang Boss niyo? Why'd he doing this to me?!"
Pero hindi nito sinagot ang tanong ko. Pakiramdam ko tuloy, para akong nanonood ng suspense thriller movie at ako ang bidang actress na gumaganap na biktima. Nalilito ako, mukhang wala naman silang masamang balak sa pagkababae ko. Sadyang kinidnap lang talaga nila ako. Subalit sa anong dahilan? Hindi nga ako mayaman. Kung gayon, mayroon pang mas malalim na dahilan.
Muli akong pinanginigan. Hindi kaya balak nila akong ibenta? Isa kaya sa mga modus nila ang mangidnap ng babae para i-auction saka ibebenta sa mas malaking halaga? Nanginginig na napayakap ako sa aking sarili. I'm in big trouble. Maging ang pagsigaw ko at pagsusumamo ay walang saysay sa mga kidnapper.
HINDI KO NAMALAYANG huminto na pala ang sasakyan. Pilit akong hinila palabas ng kotse. Pakiramdam ko'y namaga na ang aking kamay sa mahigpit na pagkakahawak nito. Damn it, may pulang markang pabilog ang pumalibot sa kamay ko.
Nang tila naasar na ang lalaki ay balak pa ata akong muling buhatin patihaya. Bigla akong umatras at nagsalita. "Kaya kong maglakad. No need to do that, dammit!",nanlilisik ang mga matang sabi ko rito.
Binitiwan nga nito ang kamay ko ngunit inutusan naman nito ang mga kasamahang palibutan ako habang naglalakad kami. As if naman na magagawa kong makatakas sa kanila?
Tinungo namin ang direksyon diretso sa isang matayog na building sa harapan namin. May nakasulat roon na napakalaking Sylverio Industries Company sa entrada ng building.
Wala akong nagawa kundi ang sundan ang mga lalaking ito na pumasok sa mismong kumpanya. Nang makita ako ng mga empleyado, sabay-sabay silang yumuko.
Nangunot ang noo ko. Strange.
Saka lamang nagsitaasan ng ulo ang mga empleyado ng malagpasan namin sila. Did they show respect to me?
Naguguluhang nagpatianod ako sa paglakad. Maybe their Boss is the most craziest in the world. Ano ang mapapala nito sa kagaya ko? At nangidnap ng babae?
Pumasok kami sa elevator. Pinindot ng isang lalaki ang 39th floor. Muli akong pinalibutan ng mga ito.
"Ma'am, naghihintay po sa inyo si Boss sa office niya.", itinuro pa nito ang malaking pintuan sa may passage hall ng makalabas kami ng elevator.
Napalunok ako. Muli akong pinanginigan. Ano ba talaga ang pakay nila sa akin? Mukhang milyonaryo naman ang Boss nila?
"Teka, iiwan niyo ako sa kanya? I think he's more dangerous than you do.", nagsimula akong kabahan.
Dumiretso lang ang tingin ng lalaki at hindi na ako pinansin nito. Bumuntung-hininga na lamang ako at nagpatianod sa kagustuhan nilang pasukin ko ang loob ng opisina ng kanilang Boss.
Pumikit ako saglit. Pinapanalangin na panaginip lang ito dahil gusto ko ng magising sa bangungot na ito.
But, No. This is reality. I've been upducted to some stranger I didn't know!
Nagsipaglinyahan ang mga pitong lalaki sa labas ng pintuan. Pumasok na ako sa loob. Napakaliwanag roon at mukhang mamahalin ang mga mwebles at kasangkapan. Pagpasok mo pa lamang ay madadatnan na ang eleganteng living room. Mayroong black leather couch sa gitna na ma mini theater pa. Ang ceiling ay kulay krema na may brown at asul na bumagay sa nakasabit na chandeliers.
Abala ako sa pagmamasid ng may boses ang nagpalingon sa akin.
"Miss Sandoval..", aniya. Damn, his voice is sexy.
Namangha ako ng makita ang pigura ng lalaki sa aking harapan. Para siyang greek God noong acient times sa Greece sa mala-adonis nitong alindog. Matangkad ito. Matangos ang ilong at mapupula ang mga labi. Ang matingkad nitong itim na mga mata ay bumagay sa mahahaba niyang pilikmata. His wearing his red business suit with white tie. Damn, his perfect!
"S-Sino ka ba?", ninenerbyos kong tanong.
He narrowed his eyes to my gesture. Kumunot ang noo nito.
Tiningnan ko ang aking sarili. Gusot ang damit ko dulot ng pagpupumiglas ko kanina. I bet, ganoon din ang buhok ko. Para akong pulubi sa itsura ko ngayon.
"I'm Hunter Louis Sylverio.", he extended his hand to me.
Dumako lang ang paningin ko sa kamay niya. Tumalim ang titig ko sa kanya ng maalala kung bakit ako naroon. Ito ang puno't dulo kung bakit ako nasa harapan nito ngayon. "You kidnapper, what do you want from me?"
Ngumiti si Hunter. He took his hand back and put it inside his pocket. "Sabi ng mga tauhan ko, nahirapan silang kunin ka?"
"Sino ka ba talaga?!"
"Enough with the shouting. Let's talk.. in a friendly way, prey...", diniinan pa ni Hunter ang huling sinabi.
"Kriminal ka ba? Bakit mo ako pinadukot sa mga tauhan mo? I'm not even rich, dammit! Wala kang makukuhang ransom sa pamilya ko."
He clenched his jaw trying to hold his temper.
"Uuwi na ako!"
Padabog ko itong nilubayan subalit hinila nito ako palapit sa kanya. Malakas ang pagkakahatak nito dahilan upang dumikit ang katawan ko sa katawan niya. Hinawakan niya ang baba ko at inilapit sa mukha niya.
"Let's get married, Hailey..."
Bigla ko siyang itinulak palayo. What the hell?! Stalker ba siya? The reason he kidnapped me is that he wants a fucking wife? Is he joking?
"Marry your ass! Crazy!"
He glared at me and dragged me again. He corners me onto the wall until I was trapped!
"I'm serious .."
"B-Bakit? Paano mo ako nakilala? We haven't met before.."
Inilapit nito ang mukha sa akin hanggang sa magdikit ang mga ilong namin.
"You're such a bad girl leaving me that night."
Napasinghap ako. That night??
"We made love that night. I went crazy over you. Now, you need to pay for the consequences for leaving me at the hotel."
"I-I---"
He kissed me hungrily. Torridly that I couldn't breath. Until his lips went onto my neck marking me to my collar bone.
Damn, itinutulak ko siya palayo but when I do that he will dragged me harder.
"You can't escape to me, prey..."
___________