LOVING SEBASTIAN GREENE (Publ...

By fedejik

42.6M 446K 17.5K

Sebastian Greene is a rich and handsome business tycoon. Hindi siya naniniwala sa pag-ibig kung kaya't parang... More

Synopsis & Author's Note
Prologue
Chapter 1
Chapter 2.1.2
Chapter 2.2.2
Chapter 3.1.2
Chapter 3.2.2 (Restricted)
Chapter 4.1.2
Chapter 4.2.2
Chapter 5.1.2
Chapter 5.2.2 (Restricted)
Chapter 6 (Restricted)
Chapter 7.1.2
Chapter 7.2.2 (Restricted)
Chapter 8.1.3 (Restricted)
Chapter 8.2.3
Chapter 8.3.3
Chapter 9.1.2 (Restricted)
Chapter 9.2.2
Chapter 10.1.2
Chapter 10.2.2 (Restricted)
Chapter 11.1.4
Chapter 11.2.4
Chapter 11.3.4
Chapter 11.4.4 (Restricted)
Chapter 12.1.2
Chapter 12.2.2
Chapter 13.1.3 (Restricted)
Chapter 13.2.3
Chapter 13.3.3
Chapter 14
Chapter 15.1.2
Chapter 15.2.2
Chapter 16.1.2
Chapter 16.2.2 (Restricted)
Chapter 17.1.3
Chapter 17.2.3 (Restricted)
Chapter 17.3.3
Chapter 18.1.2
Chapter 18.2.2
Chapter 19
Chapter 20.1.2
Chapter 20.2.2
Chapter 21.1.3
Chapter 21.2.3
Chapter 21.3.3
Chapter 22.1.3
Chapter 22.2.3
Chapter 22.3.3
Chapter 23.1.2
Chapter 23.2.2
Chapter 24.1.3
Chapter 24.2.3
Chapter 24.3.3
Chapter 25.1.2
Chapter 25.2.2
Chapter 26.2.3
Chapter 26.3.3
Chapter 27.1.2
Chapter 27.2.2
Chapter 28.1.3
Chapter 28.2.3
Chapter 28.3.3
Chapter 29.1.2
Chapter 29.2.2
Chapter 30.1.2
Chapter 30.2.2
Author's Note
Chapter 31.1.3
Chapter 31.2.3
Chapter 31.3.3
Chapter 32.1.2
Chapter 32.2.2
Chapter 33.1.4
Chapter 33.2.4
Chapter 33.3.4
Chapter 33.4.4
Chapter 34.2.2
Chapter 35.1.4
Chapter 35.2.4
Chapter 35.3.4
Chapter 35.4.4
Chapter 36.1.4
Chapter 36.2.4
Chapter 36.3.4
Chapter 36.4.4
Chapter 37.1.3
Chapter 37.2.3
Chapter 37.3.3
Epilogue
Important Note:
ANNOUNCEMENT

Chapter 26.1.3

388K 3.8K 54
By fedejik

CHAPTER 26.1.3

SEBASTIAN

Maaga pa lang ay umalis na ako sa penthouse dahil na rin sa kagustuhan kong umiwas sa media. Pakiramdam ko ay isang panibagong buhay na naman ang kailangan kong pagdaanan. Ang hirap gumalaw nang hindi ko nakikikilala ang mga kalaban ko.

"Sir, nandito na po si Velasquez."

Ang tinutukoy ni Spencer ay ang private investigator na siya mismo ang nag-hire.

"Let him in." Tumango ako at agad na isinara ang laptop na nasa harapan ko. Hindi pa man ay kinakabahan na ako sa malalaman ko patungkol kay Matt. I am worried of Ady's safety. Ayoko namang isipin ni Ady na pinagbabawalan ko lang siyang makipagkaibigan kay Matt.

"Good morning, Sir," pormal pang bati ni JR Velasquez sabay abot sa kanyang kamay.

"Good morning," pormal rin namang bati ko at nakipagkamay. Sinenyasan ko siyang maupo sa tapat ko at si Spencer naman ay sa tagiliran ko lumagay.

This is actually the first time I am meeting him because normally ay si Spencer na ang pinapagalaw ko pagdating sa security.

"What do you have for me, JR?"

"This might be helpful."

Iniabot niya sa akin ang isang brown envelope.

Hindi na rin naman ako nag-aksaya nang panahon at binuklat na iyon.

"I hear what happened, Sir... I'm glad you're okay," dagdag pa niya.

"Thank you." Tipid akong ngumiti at agad na ring pinasadahan nang basa ang ilang records ni Matt.

"Mmm..." Halos hindi ako makapaniwala sa nababasa ko. "He was adopted. He came from an orpahanage?" pagkumpirma ko pa sabay sulyap kay Spencer.

"That's right, Sir... A certain Celestina Abriaga left him there." Si JR. "Inembestigahan ko na rin po si Celestina Abriaga, Sir. 'Yun pong laman nang isang envelope."

"Impressive, JR," puri ko pa sabay tango rin kay Spencer.

"Hindi pa nga lang po kumpleto ang mga records na nakuha ko. Lumalabas po na nakakalimang asawa na po si Celestina... and that makes you..." Alanganin pa siyang napatitig sa akin.

"Number five, JR." Hindi ko na rin ikinaila sa kanya.

"Kumukuha pa po ako nang ilang records patungkol d'un sa mga diniborsyo niyang asawa."

"Good. I want a complete profile of those, too."

"Yes, Sir. Wala po ba kayong kilala sa ibang naging asawa niya?"

"Wala..." Bahagya pa akong umiling.

"Sige po, Sir. Ako na po ang bahala d'un."

"Thank you ulit, JR. I hope makuha pa ang ibang info na kailangan ko."

"Yes, Sir. I have a lot of good and reliable sources, Sir. I will never fail you." Seemed like he really knew what he was doing.

"Thank you." I dismissed him.

Panandaliang inihatid ni Spencer si JR sa pinto at muli akong binalikan sa table ko.

"If I am not mistaken, Spencer. Siya 'yung anak ni Celestina na ipinaampon niya." Agad ko pang iniabot sa kanya ang papel.

"Sa palagay ko rin, Sir." Hinapyawan din niya nang tingin ang papel. "Ano pong balak ninyo?"

"Kung kailangan niya ng pera bakit kailangan pa niyang manakot?" I asked, still completely puzzled.

Oh fuck! This is giving me a headache!

"He wanted to kill you, Sir," pagko-correct pa ni Spencer.

"He should have kidnapped me first and do the paper works," pangangatwiran ko pa. Hindi ko pa rin maisip na siya nga iyon. Parang hindi pa ako kuntento. "There must be someone bigger than him who's behind these..."

"Kaya dapat po nating makita pa ang ibang dokumento."

"Hmm... What should I do then?"

"Why don't you talk to him, Sir?"

"What if he doesn't want to talk?"

"We need to show him the CCTV footage, Sir. Kailangan natin nang paliwanag mula sa kanya. Bakit niya kayo pinapadalhan ng ganoong mga sulat?"

"This won't be easy, Spencer. Adison will definitely get pissed." Iiling-iling kong itinukod ang aking mga kamay sa table at pinagsalikop ang aking mga daliri.

"We can drop by his house, Sir."

Hindi naman na ako nakakibo pa sa suggestion niya. Punung-puno ang utak ko.

"May report na ba tungkol sa nangyari kagabi?"

"In three days daw po, Sir."

I took a deep sighed and signaled him to leave me alone.

This was fucking too much!

I've done everything for Celestina! Hanggang ngayon ba naman mumultuhin pa rin ako nang nakaraan namin?! And Matt? Of all people bakit si Matt pa?! Don't he dare do something stupid with my girl, or else I'll make sure to kill him first.

Halos maghapon akong nagkulong sa opisina. Wala ring masyadong pumapasok sa utak ko kaya't hindi ko na nagawang makapagtrabaho nang maayos.

Napagdesisyunan ko na ring kausapin si Matt patungkol sa natuklasan kong katauhan niya. I needed to do this. Ayoko rin namang tuluyang malagay pa sa alanganin si Adison. Hindi ko kakayanin kapag may nangyaring masama pa sa kanya.

And as expected, Matt is surprised to see me.

"What are you doing here?" nakakunot-noo pang bungad niya.

It's around eight o'clock in the evening. Siniguro ko lang na nasa bahay na siya at dadatnan ko siya.

"Can we talk?"

"Is this about Ady?"

"No..." Bahagya pa akong umiling.

Hindi naman na siya kumibo pa at sumenyas lang na sumunod sa kanya. Pinapasok niya ako sa loob ng bahay. Pagbungad pa lang sa pinto ay agad akong nagmasid sa paligid. Hindi nagkakalayo ang bahay niya sa bahay nila Ady sa probinsya, pero mas finished nga lang ang dating nang sa kanila. Hindi rin masyadong kaliitan at maayos naman ang loob. May pailan-ilang kagamitan na base sa hitsura ay matagal na ring panahon na nandoroon.

"May kasama ka ba rito?" I asked curiously.

"My parents. Pero umuwi sila ng probinsya kaya mag-isa lang ako rito," kaswal namang sagot niya. "Please..." Sinenyasan pa niya akong maupo.

"Thanks." Tumango ako at halos kasabayan ko siyang naupo sa tapat ko. Yari sa kahoy ang sofa na nilagyan lang ng foam sa ibabaw. Bitin nang kaunti sa mahahabang hita ko.

"What is it that you wanted to talk to me about?" seryoso pang tanong niya.

"I wanted you to watch this first..." Inilabas ko ang ipad at ini-open ang cctv footage na na-capture ang mukha niya.

"What is this?" Mas lalo pang kumunot ang kanyang noo nang iabot ko sa kanya 'yun.

"Just please, watch it first," pakiusap ko.

He deeply sighed before he played the video. At habang pinapanood iyon ay blankung-blanko lang ang ekspresyon ng kanyang mukha. Maging hanggang sa matapos ay wala pa rin siyang naging kakaibang reaksyon.

"So? Ano na?" Iniabot ulit niya sa akin ang ipad.

"It's you in the video, right?"

"Yes. That's Ady's apartment," mabilis rin naman niyang sagot.

"Anong envelope 'yung isinulot mo sa pinto?"

"E, ano naman sa'yo?" tila nang-uuya pang aniya.

"'Yung envelope na 'yun... It has something to do with everything that is going on lately."

"Like 'yung incident kagabi na bumagsak daw helicopter mo?" Sumandal siya nang husto sa sofa at mataman akong tinitigan nang diretso sa mukha.

"Including that too..."

"What do I have to do about it? In case you did'nt notice, simple lang ang pamumuhay na mayroon ako. Sa tingin mo kakayanin kong magbayad ng taong papatay sa'yo?" sabi pa niya kasunod ang tila nakakainsultong ngiti.

"I am all over the news and everybody knew what happened. What is it that you knew about me?"

"I knew a lot about you, Sebastian," seryoso pang sagot niya. "But I don't care and I don't give a shit."

"Then bakit mo ipinadala 'yung letter na 'yun?"

"It's not my letter." He smirked.

"Are you sure about that?"

"Are you telling me na ako ang gumawa n'un?" Nangangalit pa ang bagang niyang tumayo.

"You're Celestina Abriaga's son... Am I right?" Tumayo rin ako at nakipaglabanan nang titig sa kanya.

Agad ding nabago ang kanyang ekspresyon. Gumuhit sa mukha niya ang halu-halong reaksyon na bigla ring nakapagpagulo sa akin.

Nagtataka... Naguguluhan... I don't know... 

Continue Reading

You'll Also Like

12.6K 616 21
To all the readers.. ito po Yung gusto ko sanang maging ending ng G-MiK.. Hindi man Sana laging happy.. at least happy ending naman.. Roni-Borj.. 4-e...
436K 1.7K 11
Melissa Olivar was Irwin Herrera's love of his life. Simula noong dumating sa buhay niya ang dalaga, lahat ng pagmamahal ay binuhos niya para rito. H...
560K 17.7K 41
In the middle of my chaos, there is you. The only question is, am I ready to hold the thorns just to win the Rose? -Lego Marcelo
353K 10.2K 31
Sapat na ba ang salitang MAGKAPATID tayo kahit hindi talaga tayo magkapatid para layuan kita? Kailangan kong lumayo para hindi ka na madamay pa. Hind...