My Heartbeat speaks for a Fre...

By LunaMystic

994 27 14

Si Phoebe Jean ay isang typical girl na ang ultimate crush ay si Trevor. Nagkakilala sila dahil pinsan ito ng... More

My Heartbeat speaks for a Freak
Chapter 1 - Introducing my freak prince
CHAPTER TWO-A Bittersweet Memory to share
CHAPTER FOUR- My Freak Prince meet my Bestfriend
CHAPTER FIVE- Enrollment
CHAPTER SIX Enrollment Part 2
CHAPTER SEVEN Breaking Me Gently
CHAPTER EIGHT Everything will be alright
CHAPTER NINE Bonding muna

CHAPTER THREE Meet my Bestfriend Jeng and Dylan the Guy in the terminal

86 3 1
By LunaMystic

Naalimpungatan si Phoebe ng tumunog ang kanyang cellphone. Pupungas-pungas siyang kinuha iyon mula sa kanyang side table. Sinipat niya kung sino ang tumawag sa kanya pero numero lamang ang nakarehistro sa screen.

“Hello?” walang gana niyang sagot.

“Hi, Phoebe? Is this you?”

Aba’t kilala siya nito? Kung sa bagay tatawag ba naman ba ito kung hindi siya nito kilala, pero paano?

“Ahm... yes this is Phoebe speaking. Who is this?” she kindly replied.

“Ouch! Hindi na ako kilala ni ‘Peng-peng’? ako ito si---”

Napaupo siya bigla. “‘Jeng-jeng’?”

“Oo ako nga!” excited na sabi nito.

“‘Ikaw nga! Kamusta ka na? Ang tagal mo akong hindi tinatawagan. I missed you.”

“I missed you, too. Okay lang naman ako... sorry Peng, medyo busy kasi dito pero I have a good news!”

“Good news?”

“Uh huh... babalik na ako ng Pilipinas.”

“Talaga?” masayang sabi niya.

“Oo, diyan na ulit ako mag-aaral.”

“Sinong kasama mo pabalik?”

“Si Ate, kasi magtatayo siya diyan ng bagong negosyo pero mauuna akong umuwi.”

“That’s great! Kailan uwi mo? Para mapuntahan kita sa airport.”

“Really? That’s really nice of you. Sa Saturday, pero hindi ba kita maaabala?”

“Ano ka ba. Your my friend at okay lang na maabala mo ako. Sa tagal na nating hindi nagkita.”

“I’m so touched. Kaya mahal na mahal kita, at dahil diyan papasalubungan kita.”

“No need, jeng. Wala sabi iyon.”

“Okay fine. Pero gusto pa rin kitang bigyan ng pasalubong, I hope you’ll accept it. Dahil kung hindi magtatampo ako sa iyo.”

“O sige, sige... thanks anyway. Paano, I’ll see you by Saturday?”

“Yup, I can’t wait to see you again Peng.”

“Me, too. Bye Jeng.”

“Bye.”

She offed her phone. Jennifer Magbitang, her childhood friend. Matagal na rin silang hindi nagkikita nito. Ano na kaya itsura nito? Maybe she was sophisticated. That was the first word that entered in her mind. Malamang lalo pa itong gumanda. At pagbalik nito marahil marami itong magiging manliligaw.

***

Saturday na!!! Maagang nagising si Phoebe para sunduin ang kanyang kaibigan na si Jeng, dahil medyo malayo kasi ang airport sa kanila. Pagbaba niya, inabutan niya ang kanyang mommy na paalis na rin.

“Bye, mom.” Sabay halik sa pisngi nito.

“Darling, Where are you going?” usisa sa kanya.

“Susunduin ko po si Jennifer, mom. She’s coming back.”

“Really? That’s great! I’ll give you a ride then.”

“Thanks mom, pero may dadaanan pa po ako. Sige po.”

Patakbo siyang lumabas ng kanilang bahay. Mamaya-maya pa’y nakarating na siya sa isang tindahan ng mga stuffed toys. Kumuha siya ng hugis pusa at binayaran iyon. Pareho kasi sila ng kaibigan niya na mahilig sa mga hayop. Masaya siya dahil magkikita na sila.

Pagdating niya sa terminal ng bus ay napalis ang ngiti niya dahil sa dami ng tao. Sumiksik siya pero hindi pa man siya nakakapasok ay may bumangga sa kanya. At kung hindi dahil sa may nakasalo sa kanya marahil ay napahiga na siya sa kalsada.

Nang makuha na niya ang kanyang balanse ay binalingan niya ang taong sumagip sa kanya. Pagtingin niya nakita niya ang isang guwapo, matangkad, at isang ngiti ng lalaki. Pero ang mas nakapagpatingkad sa kaanyuan nito ay ang magulong buhok nito na parang kagigising lang na bumagay naman dito.

“Are you okay, miss?” the guy asked her politely.

Ang bait naman nito. “O---oo, ayos lang ako. Salamat” inayos ko na ang sarili ko.

He nodded. “Next time huwag ka ng makikipagsiksikan baka hindi lang iyan ang abutin mo.”

“Okay.” She smiled. ^_^

“Saan ka ba pupunta?”

“Ah... eh sa airport.”

“I see, sabay ka na sa akin. Doon din punta ko.”

“Eh...” alam niyo yung feeling na kakakilala niyo lang tapos parang magkakilala na kayo? Tapos ni hindi niyo pa nga alam kung ano ang pangalan ng bawat isa? Eto pa, aalokin ka pang sumabay sa kanya.

Mukha namang hindi siya gagawa nang masama pero kailangan kong mag-ingat. “Huwag na nakakahiya naman.”

“Ano ka ba? Its okay, sabay lang naman tayo eh.” Oo nga sabay lang naman kayo eh, sige na!

“Okay, mapilit ka eh.” Pss... wala ka talagang isang salita Phoebe!!!

She heard him chuckle. “Dylan Andres,” sabay lahad sa akin ng kamay. “You are?”

“Phoebe Jean Matsumoto.” As I accept his hand. Grabe, lambot ng kamay niya at masarap yung init ng kamay na nagmumula doon.

“Nice name, japanese?” aniya na ang tinutukoy nito ang kanyang apelyido.

“Sort of.”

I saw him smiled. Ang ganda ng ngiti niya pero kakaiba iyon sa ngiti ni Trevor. The heck!! Bakit napasok si Trevor dito huh Phoebe? Piniling niya ang kanyang ulo. Stop thinking of him, galit ka sa kanya remember?

“Well, let’s go Phoebe.” He offered his hand.

I smiled, ang gentleman naman nito. “Thank you.”

Magkatabi kaming umupo sa bus. Naging tahimik ang aming biyahe.

Habang nagmamasid ako sa may bintana. Naramdaman kong biglang bumigat yung balikat ko. Nang lingunin ko iyon nakita kong nakapatong ang ulo ni Dylan sa balikat ko habang himbing sa pagtulog.

Ang bilis naman makatulog nito? Itinaas ko yung ulo niya para makasandal siya ng maayos sa kanyang upuan. Pero bigla na lang niya ipinatong ang braso niya sa harap ko at yumakap ng mahigpit. Habang ang ulo niya nakasubsob sa leeg ko.

Eh? Kakaloka!!! Para tuloy kaming naglalampungan nito. Shit! Ang malala pa nito eh nakaharap din ako sa kanya. My goodness!!! Anong gagawin ko? Nang sinubukan kong tanggalin ang braso niya ay hindi ko magawa dahil sobrang ang bigat niya. Ano ba? Think wider Phoebe...

..............

Gisingin ko na lang kaya siya?

Pero bago ko pa iyon magawa eh... mukhang naalimpungatan na siya dahil bigla siyang nag-angat ng mukha. Nakita ko sa mga mata niya ang pagtataka dahil nakakunot ang noo niya habang tinitignan niya ang posisyon namin. Subukan lang niyang mag-isip ng masama at baka maupakan ko siya nang wala sa oras.

Sa pagkabigla ko ay hinawakan niya ang mukha ko. Teka, anong gagawin niya? Nakita kong bumaba ang tingin niya sa labi ko. For Pete’s sake! Are he going to kiss me?

Grabe lumapit pa yung mukha niya na halos gadangkal na lang yung layo namin sa isa’t isa.

Napalunok ako ng madami, tapos pinikit ko na rin yung mata ko. Ready na ba akong magka-FIRST KISS???

***

I wait .....

Wait...

Wait...

 OH! YUNG MGA BABA DIYAN NG AIRPORT.....

Wait.......

Airport? Teka baba na kami!!!!

Nang magmulat ako ng mata ko shit nakita kong nakatayo na si Dylan na kinukuha yung bag niya sa itaas ng bus. Samantalang ako naiwan sa ere. Pss!!! Feeling ko naman kasi eh no? Ako hahalikan niya eh, ngayon nga lang kami nagkakilala?

Hindi ko pinahalata sa kanya na nagmukha akong tanga habang naghihintay sa wala.

Hanggang sa bumaba kami ay hindi ako umimik baka kasi baka ano pang makita sa expression ko.

“Paano,” Basag niya. “Dito na lang kita iwan?”

I nodded. “Thanks.”

He nodded, too. “I’ll see you then? Bye.”

“Bye.”

Hayun, naiwan na naman ako sa ere habang pinagmamasdan siyang papalayo sa akin. Napabuntong hininga na lang ako habang pinapalis ko sa isipan ko ang mga nangyari.

Naghihinatay na ako sa arrival area para hintayin ang kaibigan kong si Jennifer.

Nang maalala ko yung stuffed toys na binili ko kanina. Teka, nasaan na iyon?

Hala! Naiwan ko yata sa bus... shocks!!! Pero hindi hawak-hawak ko iyon kanina, imposibleng naiwan ko iyon.

Biglang napasok sa isipan ko si Dylan. Teka, bitbit niya kaya iyon?

Hindi ko maalala. Pero kung sakali man bakit hindi niya binigay sa akin?

“Peng!!!”

Pero bakit?

“Peng!!!”

Bakit?

“PEEENNNGGG!!!!!!!!!!!!!!!”

Napapitlag ako. “Ay bakit!?!? JENG!!!”

Nagyakapan kaming dalawa habang tumatalon. Hanggang sa mapagod kami.

“Ano bang iniisip mo huh? Kanina pa kasi kita tinatawag parang hindi mo ako naririrnig. May problema ka ba?”

“Ah... eh, kasi naiwan ko sa bus yung regalo ko sa iyo.”

“Regalo?”

I nodded. “Binili ko pa naman iyon para talaga sa iyo.”

She give me a smile. “Hayaan mo na iyon, Peng. Treat mo na lang ako ng pagkain. Medyo gutom na kasi ako eh.”

Ang bait talaga nitong kaibigan ko. “Okay.”

“Tara na!”

Habang papaalis na kami sa airport hindi pa rin ako makaget- over sa stuffed toy na binili ko. Saan kaya napunta iyon?

Naalala muli niya ang binatang nakasabay niya sa bus. Nadala kaya ni Dylan iyong stuffed toy? Nag-init naman ang pisngi niya ng maalala na muntik na siyang mahalikan nito. Piniling niya ang kanyang ulo.

Stop thinking okay? Saway niya sa kanyang sarili. Hindi na kayo niyon magkikita.

Right. Dapat hindi na niya iyon isipin pa. Sa ngayon magsasaya na lang muna siya habang nagbobond sila ng kaibigan niyang matagal nang hindi nakita.

Continue Reading