CHAPTER FOUR- My Freak Prince meet my Bestfriend

84 2 1
                                    

HI Readers!!!

Taos-puso akong nagpapasalamat dahil nababasa niyo ang story ni Phoebe at ni Trevor!!!

Thank you talaga ... Nakakataba ng puso, sana suportahan niyo ito hanggang sa huli kahit medyo matagal akong makapag-update.

Hihingi na rin nga pala ako ng comment niyo. GOMOWO =D (sa Tagalog SALAMAT)

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Napagpasyahan ni Phoebe na dalhin si Jennifer sa Jollebee. Iyon kasi ang sabi nito sa kanya na huwag daw masyadong gumastos para lang ma-itreat niya ito. Okay na raw na magkasama sila nito.

Masaya siya dahil hindi ito nagbago. Mabait pa rin ito at kahit medyo nagbago ang fashion sense nito ay hindi pa rin iba ang naging ugali nito.

“Hmmm... ang sarap talaga nitong chicken nila! Namiss ko talaga itong Jollibee.”

Napangiti siya. Sa bagay, siya rin naman ay gustong-gusto ang lasa noon. Iyon kasi ang naging tamabayan nilang magkaibigan noon pa lang.

“Hindi bale, simula ngayon ipagpapaluto kita kay Aling Salve ng fried chicken.” Aniya ang tinutukoy ay ang kanilang tagaluto.

“Talaga?”

“Oo naman.”

“Salamat.”

“Wala iyon,” nang maalala niya kung saan ito tutuloy ngayon. “Teka, saan ka nga pala titira ngayon?”

“Ah... iyon ba may bahay pa naman kami sa may Mendoza Village.” Inilabas nito ang susi mula sa bulsa nito. “So, I guess you don’t have to worry.”

“Are you sure na okay ka lang? Kaya mo na bang mag-isa?”

“Alam mo gusto kitang batukan eh, hindi na ako bata okay? Tsaka isa pa may katulong nang kinuha si Ate bago ako pumunta dito kaya may kasama naman ako.” Anito saka tipid na ngumiti.

“Sige, pero kapag nababagot ka na tawagan mo na lang ako para puntahan kita.”

“Hala ka, tinalo mo pa yata yung mommy ko sa kakabilin sa akin ng mga dapat kong gawin. Pero sige I will call you.”

Tumango na lang siya. Kung sa bagay dapat na rin siyang maging panatag dahil alam niyang marunong itong ipagtanggol ang sarili mula sa mga sira-ulo.

Habang pinapaikot ang spaghetti gamit ang tinidor niya, bigla siyang naptingin sa lalaking kakapasok lang ng Jollibee.

Nanlaki ang mata niya ng makilala kung sino ito. Si Trevor! Simple lang ang suot nito pero kakaiba ang hatid na paghanga niyon sa kanya.

Marahil nakita naramdaman nito ang presensya niya dahil bigla na lamang itong bumaling sa kanya. Nais man niyang umiwas nang tingin pero huli na. Naglalakad na ito papalapit sa kanila.

“Hi!”

“H-hello.” Tipid na sagot niya.

“What are y----, oh may kasama ka pala. Hindi mo man lang ba ako ipapakilala sa kanya?”

Tinignan niya ang kanyang kaibigan. Nakakunot ang noo nito habang pinagmamasdan si Trevor.

Tumikhim siya. “Ahm... Trevor this is Jennifer Magbitang, my childhood friend. Jeng, this is Trevor Maxwell.”

Inilahad nito ang kanyang kamay. “Pleasure to meet you Miss Jennifer.” Tinanggap naman iyon ni Jennifer. Sa pagkabigla ay sabay nitong hinalikan sa likod ng kamay ng kanyang kaibigan. Nakita niya ang panlalaki ng mata nito.

In her side, her heart almost dying to see that Trevor kissed the hand of her friend. Kahit sa kamay lang iyon.

Agad binawi ng kanyang kaibigan ang kamay nito. Nagulat man marahil si Trevor sa ginawi nito pero agad din iyon napalis at napalitan ng mapagbirong ngiti.

“I LIKE YOU.” OUCH!!! Trevor likes her firend. Mas piniga pa ngayon ang kanyang puso at tila tuluyan nang namatay iyon.

Gusto niyang tumakbo dahil baka magustuhan din ng kanyang kaibigan si Mr. Trevor. Alam niyang walang makakatanggi sa kaguwapuhan nito.

Pero nagkamali siya nang magsalita si Jennifer. “I’m sorry to offend you Mr. Trevor but I think that is necessary, kakakilala lang natin. Hello?”

Napanganga siya akala niya ay mapapatalon pa ito sa tuwa dahil sa ginawang iyon ni Trevor. Nawala naman ang bigat sa dibdib niya dahil sa sinabing iyon ng kanyang kaibigan.

“Hmm, masama pala iyon para sa iyo----”

“Oh well, know you know. Get your life, can’t you?”

“Next time. You have the guts Jennifer, and because of that my admiration to you became larger.”

“Oh, well Mr. Trevor, I’m grateful. But I’m not interested to mingle anyone else.”

“Hahaha... Trevor will do, pretty lady. Pero pinapahanga mo talaga ako eh.”

“So, what do you mean?”

“Wala naman. Ngayon lang kasi ako nakakita nang babae na ----”

“Tinanggihan ka? So, congratulations you found me. Kaya get off!”

Halos hindi siya makasingit sa sagutan nang dalawang ito. Kahit gusto niyang magsalita.

“Excuse me, we have to go.” Aniya ng kanyang kaibigan sabay hila sa kanya.

Sinulyapan niya si Trevor na matamang nakatingin sa kanilang pag-alis.

“Nakakaasar! Sino ba ang bakulaw sa yabang na iyon huh, Phoebe?”

“Huh?”

“I said who is that freaking jerk!”

“Si Trevor-----”

Pero bago pa niya maituloy ang sasabihin ay biglang may umakbay sa kanya. “Yes?”

Hindi na niya kailangan pang manghula kung sino iyon. The jerk himself. Trevor. Nakasunod pala ito sa kanya. At ang hindi niya maintindihan ay ang hatid na init ng pagkakadaiti ng mga braso nito sa kanyang mga balikat.

“You! What are you doing here? Stalking us, aren’t you?” paasik na sabi ng kanyang kaibigan.

“Oh come on, nakikipagkaibigan -----”

“So, I don’t. Tara na Peng!”

At dahil doon nawala na ang pagkakaakbay sa kanya ni Trevor. Halos kaladkarin na siya ni Jennifer palayo kay Trevor. Nang sulyapan niya si Trevor ay wala na ito.

“Kilala mo ba iyon Trevor? Sino ba ang lalaking iyon?”

“K-kaibigan ko siya Jen.”

“I see, siya ba?”

“Huh? Anong---”

“I said, siya ba yung lalaking gusto mo?”

“Ah... eh,,,”

“I get it. Ano bang nakita mo sa kanya? Eh napakasimpatiko naman niya.”

“Ano----”

“Hays!!! Sige, sige I think kailangan ko siyang makilala muna. Baka mag-bago ang isip ko sa kanya.”

Tumango-tango na lamang siya. Kahit gusto niyang sumagot para ipagtanggol si Trevor ay hindi naman niyang maitatanggi na ganoon talaga si Trevor. Masyadong mabait sa mga babae.

“Gusto mo ice cream?” tanong na lamang niya para mahismasmasan ito.

“Great idea.”

Ngumiti na lamang siya, at nagpatinaod na sila sa isang ice cream parlor.

My Heartbeat speaks for a FreakWhere stories live. Discover now