Next Time I Fall In Love (Soo...

By aLexisse_rOse

4.3M 64.3K 5.1K

Sequel of Invisible Girl (Jared's side story) This time, siya naman ang bibida! All rights reserved 2013 alex... More

Next Time I Fall Inlove
Chapter One: Destiny
Chapter Two: The Party
Chapter Three: She's A Girl!
Chapter Four: The Heartbreaker
Chapter Five: Red Sports Car
Chapter Six: Her Black Knight
Chapter Seven: The Substitute
Chapter Eight: Rescue Her
Chapter Nine: He's Blushing
Chapter Ten: Creepy Feeling
Chapter Eleven: Dedma
Chapter Twelve: Babysitters
Chapter Thirteen: The Punishment
Chapter Fourteen: Living With Her
Chapter Fifteen: Exile
Chapter Sixteen: Girl In The Shore
Chapter Seventeen: Chinita
Chapter Eighteen: Lady In Red
Chapter Nineteen: Savior
Chapter Twenty: Second Life
Chapter Twenty One: Unexpected Confession
Chapter Twenty Two: She's Mine
Chapter Twenty Three: What if?
Chapter Twenty Four: The Past
Chapter Twenty Five: The Big Day
Chapter Twenty Six: Untamed
Chapter Twenty Seven: Forgotten
Chapter Twenty Eight: Giving Up
Chapter Twenty Nine: His Old Self
Chapter Thirty: Conspiracy
Epilogue
Special Chapter:

Chapter Thirty One: My Destiny (The Finale)

95.4K 2K 228
By aLexisse_rOse

Guys, I'm so sorry for the late update. Bukod sa naging super busy ako this past few days ay naging blanko ang utak ko at hindi ako makapagsulat. Ngayon lang ulit ako nagkaroon ng time.  At syempre matitiis ko bang hindi mag-update bago mag-christmas? Here is the final chapter of Jared's story. Don't worry hindi pa siya tapos, may epilogue pang kasunod. Pero bukas ko na lang ipo-post. Antok na antok na ako. Time check 5:01 AM. Naka-vampire mode na naman ako hehe.. pero dahil malapit nang sumikat ang araw kailan ko ng matulog.

Enjoy reading everyone. And have a merry christmas. 

Chapter Thirty: Destiny (The Finale)

 <Jared POV>

Not again!

Tuluyan akong walang nagawa ng bigla na lang tumirik ang sasakyan ko. Mabuti  na lang at bago mangyari iyon ay nagawa kong itabi ang kotse sa gilid ng kalsada. Napilitan akong bumaba. Ngayon ako nagsisisi kung bakit sa lahat ng sasakyan ko ay ang BMW pa ang ginamit ko. Minsan na rin iyong nasira nang gabing magkita kami ni Patte. Hindi ko naman akalain na muli na naman masisira iyon.

Haist! Kung minamalas ka naman!

Dudukutin ko na sana ang cellphone sa bulsa nang may matanaw akong talyer malapit sa kinatatayuan ko. Ang talyer nila Patte at Jianne. Hindi ko maintindihan ang kaba at excitement na bigla kong naramdaman. Gayundin ang pagdadalawang isip ko kung tutuloy ba ako o hindi. Ngunit sa bandang huli ay natagpuan ko na lang sarili ko sa na nasa harapan ng talyer na iyon.

"Sir Pogi!" Mabilis akong sinalubong ni Bogard nang makita ako. "Mabuti naman at napadalaw ulit kayo rito. Hinahanap nyo ba si Bossing?"

Mabilis akong umiling. "T-tumirik kasi ang sasakyan ko sa kanto. Baka pwede nyo akong matulungan."

"No problem, Sir! Kayo pa." At inutusan ni Bogard ang ilang kasama nito na puntahan ang kotse ko pagkatapos kong ibigay ang susi nyon.

Nilibot ko ang paningin sa paligid. Biglang nagsalubong ang mga kilay ko nang mahagip ng mga mata ang pamilyar na kotse na nakaparada sa isang tabi. 

"Kanino ang kotse na iyon?" Wala sa loob na tanong ko kay Bogard.

"Yung Alfa Romeo? Kay Bossing po iyan."

"Kay Patte?"

Tumango si Bogard. "Iyan din po ang pulang sportscar na ginamit niya noong maaksidente siya. Pinalitan niya lang ng kulay itim pagkatapos niyang i-rebuild at i-reconstruct."

It's the same Alfa Romeo that I gave her. Wow! Buong akala ko ay nasira na iyon at hindi na mapapakinabangan.

"Nandyan ba si Jianne?" Bigla kong naisip na kausapin siya. May mga bagay na gusto kong itanong sa kanya.

"Maaga pong umuwi. Masama raw ang pakiramdam." Pagkatapos ay biglang ngumisi si Bogard. "Pero sapalagay ko heartbroken lang iyon pagkatapos siyang bastedin ni Dok Mark."

Magtatanong pa sana ako pero naunahan ako ng kadaldalan niya.

"Wala rin si Bossing dito. Kakaalis lang niya. Malamang pupuntahan na naman niya si Dok Mark. Halos araw-araw na lang ay nagpupunta siya ospital. Wala naman siyang nababanggit kung bakit. Pero sa palagay ko-"

"Bogard, ikaw na muna ang bahala sa kotse ko. May pupuntahan lang ako."

"S-sige, Sir!"

At mabilis akong pumara ng taxi.

"What brought you here?" Kunot-noong tanong ni Mark nang bumungad ako sa opisina niya. 

Agad na may hinagilap ang mga mata ko pero hindi ko siya nakita roon. Where is she?

"May ipapakonsulta ka ba? Kung wala, makakaalis ka na. Marami pa akong pasyente na naghihintay sa labas."

Hindi na ako nagulat sa malamig na pakikitungo ng kaibigan. Gayunpaman ay naupo pa rin ako sa bakanteng silya sa harapan niya.

"I think I'm sick. And I need your help."

Biglang dumiretso ng upo si Mark. Nakita ko ang pag-aalala sa mukha niya.

"I have a problem here." Sabay turo sa dibdib ko. "Lately, parang nahihirapan akong huminga. Madalas mabilis ang pagtibok ng puso ko. Iniwasan ko nang uminom ng kape. Pero wala naman nagbago. At habang tumatagal para akong aatakihin sa puso. Sa palagay nyo ba, Dok, mayroon akong heart failure?"

"You know what? Your problem is not your heart... but in your head. I suggest you to undergo a brain scan." At pagkatapos ay mayroon isinulat si Mark sa kapirasong papel at iniabot sa akin.

"A referral to a psychiatrist? Pare, I'm serious."

"Seryoso rin ako. Trust me, malaki ang maitutulong nyan sayo."

"Pero-"

"Next patient!"

Wala na akong nagawa kundi umalis. Kung tratuhin ako ni Mark ay parang hindi niya ako kaibigan. Tama bang i-refer ako sa isang psychiatrist? Siguradong gumaganti lang sa akin ang mokong na iyon. Pero naisip ko, wala namang masama kung susubukan ko. Baka sakali na malinawagan ang isipan ko.

Dr. Louie Mendoza, Psychiatrist. 

Iyon ang nakalagay sa referral na ibinigay ni Mark sa akin. Magkaapelyido pa sila ng kaibigan. Magkamag-anak kaya ang dalawang ito?

Nagtanong ako sa nakasalubong kong nurse at itinuro ako sa pinakadulong kuwarto. Kung ilang beses akong kumatok sa pinto ngunit walang nagre-response mula sa loob. Aalis na sana ako. Pero naisip kong pihitin ang doorknob at nagulat ako nang bumukas iyon. Wala akong nakitang tao sa loob. Ngunit nakakapagtakang nakabukas ang ilaw pati na rin ang aircon. Saka ko lang napansin ko ang extension door sa may kanang bahagi ng kuwarto. 

Pasimple akong sumilip. Salamin naman kasi ang pintuan kaya kitang-kita ko ang nasa kabilang kuwarto. Agad kong nakita ang lalaking doktor. Nakatalikod siya sa akin. Tila mayroon siyang kausap na pasyente sa kanyang harapan. Ilang sandali ay nagbago ng puwesto ang nasabing doktor at tumambad sa paningin ko ang isang babae. Walang iba kundi si Patte.

Tila kinurot ang puso ko sa nakitang eksena. She was smiling at him. Mukhang magkasundo silang dalawa ng doktor. At kung hindi ako nagkakamali ay ito rin ang lalaking kasayaw ni Patte sa party ni Lara. Lalo lamang nagsintir ang kalooban ko na parang gusto ko silang sugurin.

"Don't ever think to disturb them."

I almost jumped in surprise. Bigla na lang kasi sumulpot si Mark mula sa tabi ko. Nasapo ko tuloy ang dibdib.

"Damn it! Aatakehin ako sayo sa puso!" Banayad kong angil sa kanya. "Why are you here? Akala ko ba marami kang pasyente?"

Hindi niya ako pinansin. Nakatingin siya sa loob ng extension room. "There is no need to get jealous. Nag-a-undergo lang ng therapy si Trisha."

"Therapy?" Kunot noong tanong ko. "For what?"

"She has a post traumatic stress disorder."

Ano daw?

"It is an anxiety disorder," pagpapatuloy ni Mark. "Typically the individual with PTSD experience behavior and emotions disturbance. Iyon ang dahilan kung bakit nagawa ni Trisha ang mga bagay na hindi natin inaasahan na magagawa niya... Katulad ng ginawa niya sa'yo."

"Traumatic kay Trisha ang pagsu-suicide ni Cheska. Since then, wala siyang ibang sinisisi sa nangyari kundi ang sarili niya. Malaki ang naging epekto nyon sa pagkatao niya. After a year, I thought she was already recovered. Until your accident with those holdaper. You almost died in a gun shot. Naging trigger iyon para muling bumalik ang trauma niya. Lumalala pa ang sitwasyon ni Trisha nang malaman niya ang involvement mo sa kapatid ko. She was caught between hatred and love. And in the end, nanaig sa kanya ang kagustuhan niyang makapaghiganti sa pagkakaakala niya na iyon ang tama."

"H-how is she?" Tanong ko pagkaraan ng ilang sandaling pananahimik.

"She's doing good. So far, naging maganda naman ang response niya sa mga test na binigay sa kanya. Unti-unti na siyang nakaka-recover."

"Can I talk to her?"

"No!" Mariing sabi ni Mark na nagpalingon sa akin. "Katulad ng sinabi ko kanina ay hindi mo sila pwedeng istorbuhin."

Ngunit nanlaki ang mga mata ko nang makita kong nagyayakapan na ang dalawa sa loob. "Don't tell me, na kasama iyon sa therapy?"

"It's hard to tell." Matipid niyang tugon. 

Lalo lamang niya akong binigyan ng dahilan para sumugod. Ang lagay ay hahayaan ko lang silang magyakapan. No way! Ngunit bago ko pa mahawakan ang doorknob ay bigla na lang akong hinila ni Mark palabas.

"Tinawagan nga pala ako ni Riley. Hinihintay na tayo ng buong tropa sa tambayan." 

"Pero-"

Tuluyan akong walang nagawa nang bitbitin niya ako palabas ng ospital.

"Welcome back, Pare!" 

Si Riley lang ang bukod tanging sumalubong sa akin nang dumating ako sa hang-out ng barkada. Tahimik lang na nakamasid sa akin sina Vince at Tyron. Hindi ko maipaliwanag ang mga reaksyon nila. Ang talim ng tingin nila sa akin na tila gusto nila akong sugurin.

Ito ang unang pagkakataon na muling nakumpleto ang barkada pagkaraan ng anim ng buwan. Ngunit sa nakikita ko ay mukhang hindi ako gustong makita ng dalawa. Kung sabagay hindi ko sila masisisi. Kasalanan ko rin naman.

"Anong nangyari sayo?" Tanong ko kay vince nang mapansin ang mga pasa niya sa mukha.

"Pre, pigilan ninyo ako! Kanina pa ako nanggigigil. Baka makasapak ako ng tao!" Eksaheradong sabi ni Tyron. Ngunit wala naman nagtangka na pigilan siya.

Anong problema nito? Katulad ni Vince ay may mga pasa rin ito sa mukha.

But to my surprised, isang suntok ang hindi ko inaasahan na dumapo sa mukha ko.

"Para saan iyon?" Gilalas na tanong ko kay Vince habang sapu-sapo ang duguang mga labi.

"Wala lang. Na-miss lang kita." 

"I miss you too, Jared beybe!" Bigla naman akong sinugod ni Tyron. At sa isang iglap ay natagpuan ko na lang ang ulo ko na nakaipit sa pagitan ng kanyang braso. Hindi ko malaman kung natutuwa lang siya o nanadya na sakalin ako.

"Enough guys!" Awat ni Riley. Doon lamang ako tuluyang nakawala kay Tyron. Pucha! Nangawit ang leeg ko roon.

"Let's start the celebration." Si Riley ulit. "Sa wakas nakumpleto rin tayong lima." At isa-isa niyang inaabutan ng bote ng beer ang bawat isa. "Cheers everyone!" 

"I-I'm sorry. Alam kong malaki ang kasalanan ko sa inyo. Pero sana maintindihan ninyo ang pinagdaanan ko." Medjo marami-marami na rin ang naiinom ko. Wala kasing tigil sina Tyron at Vince sa pag-aabot sa akin ng beer. At dahil gusto kong bumawi sa kanila kaya hindi ako nagrereklamo.

"It's okay, Pare. Nakaganti na naman ako sa'yo."

Magkasalubong ang mga kilay na tumingin ako kay Vince. Hindi ko naintindihan ang sinabi niya.

"Pero ako hindi pa!" Sabat ni Tyron. "Ang lagay ganun lang iyon. Pagkatapos mo kaming bugbugin ng walang awa, hindi ako papayag na-" Bigla na lang tinakpan ni Mark ang bibig nito.

"How are you now?" Tanong sa akin ni Riley. "Balita ko back to normal ka naman sa pagiging womanizer mo? Akala ko ba nagbago ka na?"

I smirked at tinitigan ang hawak kong bote. "Thanks to her. My life's miserable." Hindi na ako magkukunwari sa harapan nila.

Nagpalitan ng tingin ang apat na kaibigan.

"Are you talking about Trisha?" Tanong ni Tyron.

"Malamang. Alangan naman ibang babae ang tinutukoy niya." Sabat ni Vince.

"Malay ko ba! Wala namang binanggit na pangalan si Jared."

"Sssh!" Saway ni Mark sa dalawa. 

"I really miss her so much... each and every day goes by and I miss her more and more."

"Iyon naman pala! Bakit hindi mo pa pinatawad si Trisha nang humingi siya ng sorry sa'yo."

"Would you shut up, Tyron! Hayaan mo muna si Jared na magsalita." Saway ni Vince sa kaibigan.

"What do you expect? I have my pride. And besides masyado akong nasaktan sa ginawa niya."

"Pero pinahihirapan mo lang ang sarili mo kung patuloy mo siyang titiisin." Komento ni Riley

"Learn to forgive and to forget." Si Mark. "Alam kong hindi madali. Pero bakit hindi mo subukan."

"Tama!" Sabay na sagot nina Vince at Tyron.

"I tried. But I don't know where to start. I feel lost. And I'm getting out of my mind. You're right, Mark. I think I need to undergo a brainscan. Wala naman dito ang problema." Sabay turo sa tapat ng dibdib ko. "Kung hindi nandito." At pagkatapos ay ituro ko ang ulo.

"Tsk! Tsk! Malaking problema iyan, Pare. Kung hindi ka magigising sa katotohan, malamang mental hospital ang bagsak mo." Sabi ni Tyron.

"Gusto ko lang ipaalala sa'yo na nandito lang ako kung sakaling i-give up mo si Trisha. Hindi ako magdadalawang isip na agawin siya sa'yo." 

Marahas na napalingon ako kay Vince. "Subukan mo lang. Kakalimutan ko na magkaibigan tayong dalawa."

"Cheers again, everyone!"

Nagising ako sa liwanang na tumama sa mukha ko. At sa nanlalabong mga mata ay pilit kong inaninag ang paligid. Bigla akong napabalikwas nang mapagtanto ko na wala ako sa sariling silid. Kung gayon ay nasaan ako?

Nang maramdaman ko ang malamig na hangin na dumapo sa akin ay mabilis akong napalingon sa nakabukas na glass door. At mula roon ay natatanaw ko ang malawak na kalangitan at karagatan. Naisip ko na baka nanaginip lang ako. Ngunit kahit ilang beses kong ikurap ang mga mata ay totoo lahat ng nakikita ko. Narito ako ngayon sa beach house.

Saka ko lang naalala ang mga nangyari nang nagdaang gabi. Malamang silang apat ang nagdala sa akin dito nang tuluyan akong makatulog sa sobrang kalasingan. Ngunit hindi ko maintindihan kung bakit dito pa sa lugar na ito.

Nang bumangon ako ay saka ko lang napansin ang suot kong puting t-shirt at kulay asul na panjama na mayroong print ni Spongebob. Napailing na lang ako sa kalokohan ng mga kaibigan. Tinungo ko ang veranda at muli akong sinalubong ng malamig na hangin. Napangiti ako nang matanaw ang malawak na karagatan. Na-miss ko ng sobra ang lugar na ito. At kung maibabalik ko lang ang panahon, sana ay isa ito sa mga hindi ko isinuko.

Biglang kumunot ang noo ko nang may mahagip ang mga mata ko sa hindi kalayuan. Isang nakaputing babae ang nakatayo sa buhangin. Nakaharap ito sa dagat habang malayang nililipad ng hangin ang mahaba nitong buhok. Ngunit ang kumuha ng atensyon ko ay ang maamo niyang mukha. Patte? Hindi ako maaaring magkamali. Si Patte nga iyon.

Hindi ako nagdalawang isip na tumalon mula sa mataas na veranda. Muntikan pa akong mapaupo sa buhanginan kung hindi ko nai-balance ang saril. Patungo na ako sa kinaroroonan niya nang salubungin ako ni Mang Ambo.

"Sir Jared! Gising na po pala kayo?" Nakangiting bungad nito. "Nakahanda na ang agahan ninyo sa loob."

"Mamaya na lang po." Walang lingon na sagot ko at saka nagmamadaling tumakbo. Ngunit pagdating ko sa mismong lugar na kinatatayuan ni Patte kanina ay wala na siya roon. Lumingon ako sa buong paligid. Ngunit ko na siya mahagilap. Maybe I was just hallucinating. Akala ko lang ay nakita ko siya.

"Huy!"

Napatalon ako sa gulat nang bigla na lang may kumalabit sa likuran ko. Oh god! Nasapo ko ng wala sa oras ang dibdib ko.

"I'm sorry. Hindi ko alam na magugulatin ka pala." She said while smiling. 

My eyes are wide open. Hindi ako makapaniwala na nasa harapan ko siya. "A-are you for real?" Muli kong kinurap ang mga mata. At nang hindi makuntento ay sinundot ko ng daliri ang pisngi niya.

Tumawa siya ng malakas. "Anong akala mo sa akin multo? Nananaginip ka pa yata, Monreal. O epekto lang iyan ng hang over."

"Gusto ko lang makasiguro." Wala sa loob na sabi ko habang patuloy siyang pinagmamasdan sa takot na bigla na lang siyang maglaho sa paningin ko.

"Nice pants." Nangiti pa rin si Patte nang hagurin ang kabuuan ko. "Mabuti naman at nagkasya sayo ang mga damit ni Mang Ambo."

"Bakit ganyan ang suot mo? Bakit nakaputi ka naman?"

"It's not mine. Pinahiram lang ako ni Aling Lydia ng damit pagtapos mong dumihan ang damit ko kagabi."

Kumunot ang noo ko. At nang mapagtanto ang sinabi niya ay wala sa loob na nasalo ko ang ulo. "Sabi ko na nga ba at pinagkaisahan na naman ako ng mga mokong na iyon. Ibig sabihin kagabi pa kita kasama."

Tumango si Patte. "Tinawagan ako ni Mark na puntahan ko siya. Hindi ko naman alam na nandoon ka."

"So, tinawagan ka niya para dalhin ako dito."

"Tinawagan niya ako para marinig ang lahat ng mga sinabi mo."

"You heard everything?"

"Everything..." At pilit na ngumit si Patte. "And I understand that it will takes time bago mo ako tuluyang mapatawad. Sa pagkakataong ito ay hindi kita pipilitin na hingin iyon sayo. Handa akong maghintay kung kailan handa ka na ibigay iyon sa akin."

Pilit kong kinakapa sa dibdib ang galit na nararamdaman ko sa para kanya. Ngunit nakakapagtaka na sa isang iglap ay naglaho iyon. Ibig bang sabihin ay handa na akong tanggapin siyang muli sa buhay ko?

"Why did you brought me here?"

"This was your friends idea. Sila ang nagdala sayo rito kahit labag sa kalooban ko."

Awtomatikong umangat ang kilay ko. "Why here?"

"Because this is my place. I bought this beach after you decided to sell it." 

Nang magtungo ako sa Boston , out of nowhere ay naisip kong ipagbili ang beach house. Nagpadalos-dalos ako ng desisyon dahil nang mga panahong iyon ay desidido akong burahin ang lahat ng magpapaalala sa akin tungkol kay Patte.

"Where did you get the money?"

"From Daddy. He bought this place for me... but in one condition."

"What condition?"

She stared at me. And for a long moment she was silent. "I promised him that I will continue my studies in Australia." Malungkot niyang tugon.

May kung anong sumuntok sa dibdib ko sa narinig. Bigla akong naalarma.

"It's time for me to face my responsilibilies. Mayroon ng sariling pamilya ang mga kapatid ko. At ako na lang ang maaasahan ni Daddy para humalili sa kanya sa pagpapatakbo ng family business. Besides he's not getting any younger. Ilang taon na lang at magre-retired na rin siya."

I need to decide. It's now or never.

"When do you plan to leave?"

"Naka-book ang flight ko next week."

"Don't go."

"Ha?"

"I said don't go."

"Jared..." Nagtatakang napatitig sa akin si Patte.

"I won't let you go this time. Siguradong masisiraan na ako ng ulo kapag nawala ka ulit sa buhay ko."

She gasped. At unti-unti ay nagtubig ang kanyang mga mata. "Huwag ka ngang magbiro ng ganyan, Monreal. Baka maniwala ako at hindi ako matuloy sa Australia. Siguradong malalagot ako kay Daddy at baka bawiin pa niya sa akin itong beach house."

Marahan akong humakbang palapit sa kanya. Yumuko ako at ginagap ang kanyang kamay.

"My life has never been the same without you. Hindi ko pala kaya na wala ka sa buhay ko. Dahil kahit anong gawin ko, kahit saan ako magpunta ikaw pa rin ang laman nito." At dinala ang kamay niya sa tapat ng dibdib ko. "Please don't go, Patte. Please come back to my life."

"Why?"

"Why what?"

"Why do you want me to come back to your life? After what I've done? I don't think you deserve someone like me."

Sinapo ng mga kamay ang mukha niya at itinaas. "Everytime you hurt me, only this words enter my mind, I love you still. And everytime you hurt me more, this words enter my heart, I love you more. It doesn't matter to me, kahit paulit-ulit mo akong saktan. Ang mahalaga sa akin ay mahal kita at hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko."

Tuluyang humagulgol ng iyak si Patte bago ko pa siya mapigilan. Nakayuko lang siya habang patuloy sa pagkuskos ng kanyang mga mata.

"Hey! Iiyakan mo lang ba ako pagkatapos kong magtapat ng wakas kong pag-ibig?" I smiled though misty eyes. At pilit na sinisilip ang kinukubli niyang mukha.

"I hate you. Masohista ka ba o gusto mo lang pahirapan ang sarili mo." Halos hindi ko maintindihan na sabi niya.

"Pakipot ka pa. Alam ko naman na ayaw mo rin akong mawala sa'yo."

Ngunit sa halip tumigil si Patte ay lalo lamang siyang umiiyak. Naalarma ako at mabilis na niyakap siya ng mahigpit. "Ikaw naman hindi ka mabiro. I thought you were so matapang. Iyakin ka pala."

Isang hindi inaasahang bigwas sa sikmura ang natanggap ko mula sa kanya.

"Patte naman!"

"Akala ko ba balewala sayo kahit patuloy kitang saktan?"

"What I mean is hurting me emotionally, not physically." Aba! Ibang usapan na iyon. At wala akong balak magpabugbog sa kanya. "Huy! Saan ka pupunta? Patte!" Napilitan akong habulin siya nang bigla na lang siyang nagmartsa palayo.

"Kanina pa ako naiihi. Hindi ko na kaya. Baka dito pa ako abutin." Walang lingon-likod na sagot niya habang patuloy sa mabibilis na paghakbang.

Naman! Panira ng moment. Iyon na! Okay na kami! Ang kulang na lang ay kiss. Nanlulumo na sinundan ko na lang siya ng tingin. Ngunit sa pagkamangha ko nang patakbong bumalik sa akin si Patte at walang babala na hinalikan ako sa mga labi.

"I love you so, Jared. Sa pagkakataong ito ay alam ko nang sabihin iyan."

"And I love you too, my destiny!" 

Muli ko sana siyang hahalikan ngunit nagtatakbo na siya ulit palayo. Napangiti na lang ako. Siguro nga ay hindi na niya mapigilan ang tawag ng kalikasan.

They say that you can't choose to fell inlove with. Whether its a wrong person or not. Because love is not a choice. It's a destiny. And I believe destiny brought her to me...

Continue Reading

You'll Also Like

1.1K 283 54
Here comes another book. Will you just be another chapter? Or will you be my ending? I'll let you in my life again. This time, could you make it las...
915K 54.9K 123
Si Samara ay isang masiyahin at positibong tao, lahat halos ng nakakasalamuha n'ya ay napapagaan niya ang loob. Hindi natatakot sa multo, bata pa man...
28.1M 712K 33
Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in...
2.8M 54.1K 36
A PUBLISHED BOOK UNDER LIB (Life Is Beautiful) Biktima ng bullying at nag-suicide. Iyan ang nangyari kay Olivia. Ang pangyayaring iyon ay nakalimutan...