Her Own Ways: Harmony Blanc

By CarsDLReader

772 55 8

By: CarsDLReader UNDER MAJOR RECONSTRUCTION Highest ranking: #81 Genre: Action, Science Fiction Her Own Way... More

Chapter 0.5 | Prologue
AUTHOR'S NOTE # 1
| Chapter 1 | 369 |
| Chapter 3 | Mr. Cromwell |
| Chapter 4 | Marco Dubois |
| Chapter 5 | Preparation |
Chapter 6 | Mission
STOP RIGHT HERE!!
O N H O L D ! !

| Chapter 2 | Dr. Park |

63 7 2
By CarsDLReader

Harmony Blanc's POV

*tok*tok*tok*

"Harmony... Gising na... Pinapatawag ka sa HQ"-- mom

Minulat ko yung mga mata ko. Tapos tumingin ako sa wall clock. 5 palang ng umaga.

Dahan-dahan akong bumangon at binuksan yung pinto.

"Buti naman nagising ka agad. Magprepare ka na ah... 5:30 dapat nasa baba ka na."

"Opo, Mom"-- ako.

Naalala ko tuloy nung nasa HQ pa ako tumutuloy..

FLASHBACK

Psh. Boring.. Halos tatlong araw na akong nakahiga dito simula nang nagising ako. Hanggang ngayon di pa rin nila ipinapaliwanag ang lahat, kung bakit di ako nabuhay, kung ano yung naranasan kong pain, at kung bakit laging tatlong nagpapalitang nurse ang nagbabantay sa akin.

Mabuti na lang na bumalik ang alaala ko kahit papaano, ang malas lang dahil pati ang pagkamatay ko malinaw pa din sa isip ko.

Pero hanga din ako sa lugar na to. Masyadong advance, hindi naman masyadong nakakagulat dahil matatalino ang mga tao dito. Ang ikinagulat ko lang, never ko pang nakita ang parte ng hospital na ito dito sa HQ. Isa pa, gawa pa sa glass yung wall, dahil sa transparency ng glass... Makikita mo yung nasa labas ng kwarto. At ang lagi ko lang nakikitang nasa labas ay mga nurse at minsan may dumadaan na mga doktor.

Naalala ko na naman yung nakakabit sa braso ko. 24 years old?  So, isang taong na pala akong patay. Hahahahahaha! I somehow resemble some kind of creature, zombie.

Ang boring, I am sure di nila ako papayagang lumabas dito. Bakit kasi ayaw pa nila akong kausapin?

Arghh.. Nakakastress. Kung ayaw nilang sabihin sa akin ang totoo... Iisa lang ang paraang naiisip ko... Lumabas sa kwartong to ng sapilitan and have some fun.

Pero paano naman ako makakalabas dito kung maraming bantay?

Alam ko na...

May naisip na agad akong plano.

"Aaaaaahhhhh!!!!"- ako

Dapat magpanic sila.

Itinapat ko yung palad ko sa dibdib ko at nagkunwaring may sakit na nararamdaman.

Gaya ng nasa plano... Nag silapitan ang lahat sa akin... Hindi nila alam kung ano ang gagawin. Hindi siguro nila akalaing 'sasakit ulit' ang dibdib ko.

Dahil sa sobrang taranta, hindi nila napansin na may kinuha akong syringe na may malaking karayom.

Napangiti ako ng palihim.

"Oh my... Help me! It hurts so much I think I'm gonna die!"

Hahahahahahaha! Kahit ang lame na ng acting ko, naniniwala pa din!

Tapos tinigil ko muna yung pagsasakit sakitan ko..

Para namang nabunutan sila ng tinik sa dibdib nang 'kumalma' ako.

Lumabas na yung isang nurse siguro para tumawag ng doktor o ano. Bale dalawang nurse nalang ang natira. Isang babae at isang lalaki. Lumapit sa akin yung babaeng nurse at tinanong ako kung ayos lang ako. Tinignan ko lang sya. Tapos kumapit ako sa braso nya para maupo ako. Inalalayan naman nya ako. Tsk. Buti na lang ginawa niya yun...

Bigla ko syang hinila tapos tumayo ako at umikot sa likod nya.. In a blink of an eye nakatututok na yung syringe na hawak ko sa leeg nya.

"Wag kang lalapit." Sabi ko sa isa pang nurse. Medyo husky pa yung boses ko. "Or else, this thing will surely penetrate through her carotid. And then, she'll die having severe blood loss."

At nagsimula na naman silang mataranta. Hayy.

Kumilos na ulit ako... Umurong ako papunta sa tapat ng pinto, at syempre dahil hawak ko si Ms.Nurse kasama ko din syang umaatras. Pinag papawisan na ng malamig tong 'hostage' ko.

"Give me your I.D..."

Sa loob ng halos tatlong araw ng pananatili ko dito lagi kong nakikitang may sinu-swipe silang card sa gilid ng pinto.

At siguro halos lahat ng pintuan sa building na to may ganon.

Nakita ko namang nabigla yung lalaking nurse. Kita din sa mga mata nya na nagaalangan sya.

"Wag... Wag mong ibibigay...." Sabi nung nurse na hawak ko.

"Pero baka kung ano ang gawin nya sayo.. Alam mo namang di ko kayang makita kang nasasaktan..Marie.." Sabi naman nung lalaking nurse.

Psh. Lovers pala tong mga to. Bleh... Yuck.

"Ha! Kung ganon pala.. Ano pang hinihintay mo... Akin na yung I.D. mo." Sabi ko habang nakangiti.

"Wag! Mo ibibigay! Kaya ko na sarili ko.. Alam mo namang makakatakas sya... "
Sabi nitong hostage ko.. Marie ba?

Sinamantala ko na yung pagtatalo nila.

Itinulak ko yung babae papapunta dun sa sweetheart nya... Tapos napatumba silang dalawa. Hinablot ko naman na agad yung ID card.

At habang hindi pa sila nakakabangon mula sa pagkakatumba... Agad ko namang sinu-wipe yung ID Card... Buti nalang at agad na mabuksan yung glass door. At syempre bago pa man sila makapagreact ay tumakbo na ako palayo...

Ramdam na ramdam ko sa mga talampakan ko yung lamig ng sahig.

Tinakbo ko ang napakahabang hallway. Napansin ko din na marami na palang humahabol sa kin.

"Hahahahaha! Wooooh! I never had so much fun like this before."

Sa wakas ... Nakikita ko na yung dulo... At merong paliko yun sa kanan at sa kaliwa...liliko na sana ako sa kaliwa ng may nakita akong papasalubong na nurse... Kaya sa kanan ako pumunta.

Napangiti naman ako... Nalagpasan ko yung mga yun ... Ihahakbang ko na sana ulit yung kaliwang paa ko ng may humarang sa akin. Tapos may naramdaman kong may matalim na bagay na bumaon sa leeg ko. Nanlaki yung mga mata ko nung marealize ko kung ano yun.... Tranquilizer.

"What now?! "  Akala ko makakalabas na ako.

Parang biglang tumigil ang oras.. Parang pakiramdam ko tumigil sa pagtakbo ang mga maninipis na kamay ng orasan... Hindi ako makapaniwala naisahan ba talaga nila ako?

Saka ko nalang nakita ang buong appearance ng sumalubong sa akin... Isa syang doktor.

Pagkasaksak nya nung tranquilizer agad nya akong inalalayan sa magkabilang balikat... Naramdaman ko naman na parang bumigat ang buong katawan ko.. Dahan dahang bumagsak ang katawan ko...

...

Naramdaman ko na lang na parang nakahiga ako sa isang malambot na surface.

Napansin ko na nakahiga ako sa kama. Dumilat ako. Babangon sana ako ng may naramdaman akong nakatali sa magkabilang braso ko. Pati na rin pala sa mga binti ko. Sinubukan kong kumawala pero matibay yung ginamit nila. Belt na gawa sa authentic leather to, for sure.

"Hayy... Grabeng gulo ang idinulot mo 369."

Napatingin naman ako sa nagsalita...

Teka sya yung doktor na sumaksak sa akin ng tranquilizer.

Lalo akong nagwala.

"Woah.... Easy 369... Hindi ako ang kalaban mo dito.... Actually niligtas nga lang kita kanina.." Doctor. "Ako nga pala si Dr. Park, Park Jae Hyun. Obviously, korean ako... Ako ang head ng medical team ng Blank Organization."

Head ng medical team? Pero ngayon ko lang siya nakita. At mukhang bata pa siya.

Teka... Blanc.... Organization?..

Pinalitan nila yung name ng org?

Natigilan naman ako at napatawa ng mahina.... Blanc?

"Ako pala ang may-ari ng Organisasyon na to." -ako

"Haha haha! Assuming ka masyado. Blank, B-L-A-N-K. Hindi B-L-A-N-C. Haha haha haha. "-dr. Park.

Napairap naman ako.

"Kung ganon, paki explain nalang sa akin kung bakit ako nandito"- ako

Tinignan niya ako sa mata... Tapos ngumiti sya.

"Ipangako mo muna sa akin na di mo na ulit susubukan pang tumakas." - dr. Park

Napaiwas naman ako ng tingin at sinabing...

"Deal."

END OF FLASHBACK

__________________

End of Chapter 2
Dr. Park

December 22,2017
CarsDLReader
_________________

[A/N: Vote,
comment, and
follow.

Any questions about
the UD schedule,
dedication, etc.?
Just read
AUTHOR'S
NOTE #1 ]

Continue Reading

You'll Also Like

4M 112K 85
ARRANGE MARRIAGE TO THE MAFIA BOSS (Unedited) I'm ordinary girl with a simple life but it all change when i realized that I'm Married to the Mafia B...
5.1M 179K 18
Erityian Tribes Novellas, Book #1 || As the war ended, another problem has arisen.
4.3M 121K 110
Nemesis Louie Montero is a class S assassin who was given a mission to marry the mafia boss of a certain organization that would help them rise from...
15.6K 921 37
Ang asawa na kinamumuhian at pinahihirapan ni Grey sa kasalukuyan ay may sikreto pala. Sikreto na maging daan kaya upang maputol ang galit niya rito...