Come Back Home

Oleh adrian_blackx

173K 6.2K 1.3K

Paano kung bumalik ang taong mahal na mahal mo, pero iniwan ka dahil sa hindi malamang kadahilanan? Are you w... Lebih Banyak

CBH: Prologue
CBH: Chapter 1
CBH: Chapter 2
CBH: Chapter 3
CBH: Chapter 4
CBH: Chapter 6
CBH: Chapter 7
CBH: Chapter 8
CBH: Chapter 9
CBH: Chapter 10
CBH: Chapter 11
CBH: Chapter 12
CBH: Chapter 13
CBH: Chapter 14
CBH: Chapter 15
CBH: Chapter 16
CBH: Chapter 17
CBH: Chapter 18
CBH: Chapter 19
CBH: Chapter 20
CBH: Chapter 21
CBH: Chapter 22
CBH: Chapter 23
CBH: Chapter 24
CBH: Chapter 25
CBH BOOK 2: Chapter 1
CBH BOOK 2: Chapter 2
CBH BOOK 2: Chapter 3
CBH BOOK 2: Chapter 4
CBH BOOK 2: Chapter 5
CBH BOOK 2: Chapter 6
CBH BOOK 2: Chapter 7
CBH BOOK 2: Chapter 8
CBH 2: Chapter 9
CBH 2: Chapter 10
CBH 2: Chapter 11
CBH 2: Chapter 12 (end)
Hi guys

CBH: Chapter 5

5.3K 190 10
Oleh adrian_blackx

GLAIZA'S POV

Flashback

Simula ng natulog dito si Rhian sa bahay ay lagi na siyang napapadpad dito, actually parang dito na siya nakatira, pero hinahayaan ko na lang, dahil una sa lahat, she's my fiancee at pangalawa yun din ang gusto nila dad at ng parents niya.

Lagi pa rin kaming nagtatalo, ewan ko masyado siyang pikon, nakakairita na din. Nagwowork pa din siya sa coffee shop ko, and siya na ang new manager dahil sa utos na rin ng dad ko. Pero wala naman akong pinagsisisihan dun, mukhang kaya niya talaga, halatang kahit ayaw niya sa mga business eh, kaya pa rin niyang mag manage.

"Sa bahay ka ba matutulog mamaya?" I ask her ng pumunta ako sa coffee shop ko, para macheck sila at makapagkape.

"Nope, pakisabi na lang sa dad mo. Kailangan kong ayusin yung mga gamit sa apartment ko dahil lilipat na ako" 

"Bakit saan ka lilipat?" I ask

"Malamang sa inyo,. Wala eh. Pinilit ako nila dad. Kung ayaw kong tumira sa bahay namin, edi sa inyo na lang daw. Kahit papaano, magiging ok sila."paliwanag niya.

"Fine, wala naman akong magagawa. Ano hatid na kita?" I ask.

"Huwag na baka magdadate pa kayo ng Arci mo!" 

Speaking of Arci, nung lumabas kami dati ay lagi na yun nauulit. Well masarap na kasama at kakwentuhan si Arci kaya nagkasundo kami agad.

"Oh sige! Una na ako"

"Oo na! Makidate ka na!" Sigaw nito sa akin.

Ano bang problema nito? Kung makikidate ako. Problema nito. Tsk.

"Oo, makikidate ako! Bye!"

Hindi na ito sumagot at umalis na lang ako. Bahala siya sa buhay niya. 

Pagdating ko ng bahay saktong kumakain na si dad, pero wala si Alchris.

"Hi dad. Si Al?"

"Nasa meeting pa. Sige na umupo ka na at may pag-uusapan tayo"

"Ok, ano yun?" Tanong ko habang kumukuha ng kanin. Masarap kasi ang ulam, kaya makakakain ako.

"Kamusta yung finafinalize mo sa university? Ayos na ba?" So ito pala ang pag-uusapan namin, about sa pagiging CEO ko.

"Malapit na" tipid na sagot ko.

"Glaiza, malapit na ang palugit na binigay mo sa akin. Kapag hindi mo pa yun nagawa, I swear to God, palalayasin ko ang kapatid mo, at mawawala sa kanya lahat!" 

"Ano ba dad? Ano bang problema mo kay Alchris ah?! He's been a good son to you! Lahat ginagawa niya para maging proud ka sa kanya. Pero parang wala lang sayo ang lahat?!" Sawa na ako sa pagiging brutal ng tatay ko sa kapatid ko.

"Gusto mong malaman ang problema?! Alchris is not my son! Anak siya ng mommy mo sa ibang lalaki! Kaya ko naman talaga siyang tanggapin eh, kaya kong tanggapin ang pagkakamali ng mom mo, pero ang hindi ko kinaya? Ang mamatay ang mommy mo, dahil sa walang kwentang kapatid mo! Buti nga pinalaki, pinag-aral, binihisan at pinakain ko pa yan eh!"

Nagulat ako sa mga nalaman ko. Anak si Alchris ng ibang lalaki at hindi ang tatay ko? Hindi ko alam pero biglang bumigat ang loob ko sa nanay ko. Bakit niya yun ginawa? Bakit?

"Totoo ba yan? Hindi ako De Castro?!" Oh my gosh! Si Alchris. Halatang pagod ito at nasaktan sa mga narinig niya

"Kaya ba hindi mo ko magawang mahalin, dahil hindi mo ko anak?!"

"Oo, hindi kita anak." Cold na pagkasabi ni dad.

"PERO BAKIT MO KO TINANGGAP DITO? NAGING IMPYERNO ANG BUHAY KO DAHIL SAYO! MINAHAL KITA DAD! LAHAT GINAWA KO PARA MAGING PROUD KA. PERO SAYANG LANG PALA LAHAT. HINDI NAMAN PALA IKAW ANG TUNAY KONG AMA!" Agad itong tumakbo palayo sa amin.

"ALCHRIS! Mag usap tayo!" Pero hindi niya ako pinakinggan.

"Ano masaya ka na?!" Tanong ko sa tatay ko.

"Mag-usap na lang tayo bukas" tumayo na ito at iniwan akong mag-isa.

Agad kong sinundan si Alchris sa kwarto niya at nadatnan ko tong nag iimpake ng gamit niya.

"Tol, ano ba?! Huwag ka ngang umalis!" 

"Huwag mo kong tawaging "tol" dahil hindi tayo magkapatid!" Sabi nito sa akin.

"What are you talking about? Magkapatid tayo. Kahit anong sabihin nila. Magkapatid tayo! Anak ka pa rin ni mom at mahal kita. Tol huwag mo naman akong iwan" pagmamakaawa ko sa kanya. He's my brother, at gagawin ko lahat para sa kanya.

Tinigil niya ang pag iimpake at umupo sa kama niya.

"Cha! Ano bang nagawa kong mali? I didn't know na..na anak pala ako sa labas." Umiyak na ito ng umiyak kaya nilapitan ko na.

"Shhh. Tama na tol. Hayaan mo magiging ayos din ang lahat. Huwag mo lang akong iwan dito. Ako na bahala kay dad. Kahit hindi man aminin ni dad sayo, he needs you." I said to him.

"He needs me because of business! Alam niya kasi na ako lang ang pwede niyang asahan when it comes to business. Kaya talagang kailangan niya ako. Yun lang naman ang role ko sa buhay niya eh. Buti na lang talaga at nag teacher ka talaga. Hindi mo nararanasan ang naranasan ko sa kompanyang yun." 

"Al, hayaan mo, konting tiis na lang. Magiging maayos din ang lahat. Just give me 1 week. 1 week, aayusin ko lahat ng papeles ko sa university, at ako na ang papalit kay dad as a CEO." 

"YOU WHAT?! Bakit mo tinanggap?! Cha! Teaching is your passion! Hindi naman pwedeng talikuran mo lang!"

"I have to do this. Because of you. Ayokong nahihirapan ka, and my decision is final. Kaya please lang, stay. Ako na ang bahala. Just please stay." I told to him.

"For you ate. I would. Im sorry" agad ko itong niyakap.

He's my brother kaya gagawin ko lahat para lang hindi siya mahirapan. Kahit half brother ko lang siya, still he's my brother at hindi yun magbabago. He's still my Alchris, ang kapatid kong pinalaki ko ng puno ng pagmamahal.

"Pero I can't promise you anything. Kung dati kaya kong tiisin lahat ng sinasabi ni dad, ewan ko na lang ngayon, knowing na hindi pala siya ang tunay kong ama. But pipilitin ko na lang na intinidihin siya, for you."

"Salamat tol, salamat. Sige na mag-ayos ka na diyan at magpahinga ka na. Bukas sabay taong mag bbreakfast ah. I love you lil bro!" 

"I love you big sis!"

Lumabas na ako sa kwarto niya at pumunta ako sa mini library namin, kung saan sigurado akong andun si dad.

Pagkapasok ko, hindi nga ako nagkamali.

"Anong balak mo ngayon?!" I ask him

"Anong balak? What are you talking about Glaiza?!" 

"About Alchris" I said.

"Oh, your brother? Wala pa naman, unless hindi mo ko papalitan as a CEO, at may isa papala akong gusto." 

"At ano yun?" I ask.

"Magpakasal kayo ni Rhian. Yun lang, and I swear magiging maganda ang buhay ng kapatid mo"

"Dad! Hindi kami pwedeng magpakasal ni Rhian. She has a boyfriend!" 

"So?! Ikaw ang fiancee niya. Kaya wala ka ng magagawa dun. Glaiza, nakafix na ang lahat. Kaya nga sayo ko siya pinagkasundo eh, dahil una sa lahat, isa kang tunay na De Castro at alam kong mabibigyan mo ko ng apo na taga pagmana ng nasimula ng lolo't lola mo!" 

Desperado na talaga ang lalaking to.

"Alam kong hindi papayag si Rhian sa kagustuhan ng parents niya. Kaya ikaw ang magkumbinsi sa kanya. Baka mapapayag mo siya. Sige na makakaalis ka na!" Pagtataboy nito sa akin. Hindi na lang ako umimik at lumabas na lang. 
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"So tsong, hindi ka na ba talaga mapipigilan sa pag-alis mo dito?" Tanong sa akin ni Chynna.

"Hindi na eh. Kahit yung kasal, di ko na mapipigilan" I said,

"Hayss. Grabe talaga kapag anak mayaman nuh? Buti na lang, hindi ako kagaya niyo. Mayaman nga kami, pero hindi kasing yaman niyo."

"Alam mo ikaw, pumunta ka na nga sa klase mo. Magpapahinga muna ako. I'm tired" 

"Ok, hahaha. Sige na pahinga ka na!" Agad na rin umalis si Chynna.

Napapaisip pa rin ako kung paano ko mapapayag si Rhian sa gusto nila, gusto ko lang kasi maging ok ang kapatid ko. Pero paano rin ang kagustuhan ni Rhian? She has a boyfriend. Paano na yun? Haizt. Bahala na talaga.

After ng klase ko dumiretso ako sa coffee shop ko, I need to talk to Rhian.

Pagkadating ko dun nakita ko si Sally.

"Sal, si Ma'am Rhian mo?" I ask.

"Ay ma'am, nasa office po halos hindi nga po yan lumalabas eh. Chinecheck lang kami tapos papasok ulit" Sally said.

Ano naman kaya ang problema ng babaeng to. Hays. Hindi ko na lang sinagot si Sally at agad akong pumasok sa office.

"Rhian I need to tal- teka? Umiyak ka ba?" Halata ko kasi sa mata niya ang bakas ng pag-iyak.

"It's none of your business, pwede ba ayokong magtalo ngayon. Umalis ka na" 

"Hindi ako aalis, may pag-uusapan tayo!" 

"Pwede ba?! Fine! Break na kami ni Jason!" Break na sila ng boyfriend niya? Kaya pala. Haizt.

"Ahh. O-ok, babalik na lang ako sa ibang araw. Sige alis na ako" I said.

"HINDI KA AALIS. DADAMAYAN MO KO DITO!" What? Paano ko siya dadamayan, hindi ko alam kung ano ang ipapayo ko sa kanya. Mygosh! Kanina pinapaalis niya ako tapos ngayon, she wants me to stay, para damayan siya. Tsk.

"Hindi na. Mauna na ako ah"

"DITO KA LANG SA AYAW AT SA GUSTO MO! SASAMAHAN MO KO AT DADAMAYAN! Pero Glaiza, ayoko dito, ipunta mo ko kahit saan, pleaseee." 

Naku naman! Ayoko ng drama ngayon. Nagdramahan na nga kami kagabi, tapos ito nanaman.

"Rhian, wala akong panahon sa drama ngayon, marami rin akong iniisip, kaya pwede ba, aalis na muna ako. Mag usap na lang tayo kapag ok ka na." I said.

Pero bigla tong lumapit sa akin at hinawakan ang kamay ko. Hindi ko alam pero paraang gumaan yung loob ko ng hinawakan niya ito. Napalunok na lang ako.

"Please Glaiza, stay, I need someone to talk to. At alam kong ikaw lang ang pwede. Kaya please Glaiza, stay with me. Tsaka tutal, starting tonight, dun na ako sa bahay niyo titira, I guess kailangan na din natin ayusin yung pagtatalo natin" nakita ko sa mga mata niya ang lungkot.

"Ok, kung yan ang gusto mo. Mag ayos ka na muna jan, at sasabihin ko sa kanila na mag sara ng maaga" I said.

Lumabas na nga ako sa opisina at sinabi kay Sally na mag sara ito ng maaga dahil mag uunder time ang manager nila..

Pagbalik ko sa opisina ready to go na si Rhian, at hindi ko alam kung saan ko siya dadalhin.

"So san mo gustong pumunta?" Tanong ko sa kanya, dahil wala talaga akong maisip.

"Ikaw bahala" she said.

"Ok then." 

Dahil tutal maaga pa, pinunta ko na lang muna siya sa plaza, ewan ko gusto kong kumain ng street foods ngayon eh.

"Anong gagawin natin dito" tanong ni Rhian ng makarating kami sa plaza.

"Well, alam mo kasi kapag badtrip ako, o kaya stress or may problema, pumupunta ako lagi sa plaza, para lang kumain. Street foods, have you tried one?" 

"Oo naman! Tara mag kwek kwek tayo!" Agad niya akong hinila at pumunta kami dun sa nagbebenta ng kwek kwek.

Kumain lang kami ng kumain ni Rhian, dami nga niyang kinain, at ako nagbayad lahat, grabe. Buti at hindi kami nagtalo ngayon eh.

"Glaiza. I want to drink" she said.

"Huwag na. Uwi na tayo" I said,

"Please Glaiza, inom tayo. Pleaseee" pagmamakaawa nito sa akin, at binigyan nanaman niya ako ng pleasing eyes niya.

"Ok, pero hindi masyado ah. May klase pa ako bukas. Halika na, I know a place" I said.

Pumunta muna kami ng 7/11 para bumili ng alak, bibilhin ko lang sana is isang bote ng vodka, pero pinilit niya na dalawa na lang. Kaya wala akong choice at bumili ako ng dalawa.

Balak ko siyang ipunta sa rooftop ng company ni dad, minsan talaga dito din ako pumupunta pampawala ng sama ng loob.

"Dito tayo iinom?" Tanong niya.

"Oo, kasi tahimik. Tapos makikita mo yung ganda nung mga stars." I said.

Inayos ko muna yung banig na pag-uupuan namin at agad din itong umupo.

Sinimulan na namin ni Rhian ang pag-inom, grabe tong babaeng to, walang patawad, laklak kung laklak.

"Alam mo ba si Jason. Mabait naman yan eh. Simple lang sa buhay. Maasahan at mahal na mahal ako. Pero hindi ko inasahan na gagawin niya akong lokohin. I was about to surprise him, pero ako ang nasurprise,. Haha. Imbis na kotse ang sinasakayan at kinakarera, ayun, ibang babae pala! I gave up everything, para sa kanya. Sinuway ko ang parents ko dahil sa kanya. Tapos ito lang ang mapapala ko? Tsk! Kaya nga hindi ako tumira dun sa kanya dahil gusto ko may mapatunayan ako, kahit lagi akong pinapalayas dati, hindi pumasok sa isip ko na tumira sa puder niya, dahil gusto ko lang makita niya na independent ako. Para naman maging proud siya sa akin. Pero wala eh. Nagpakatanga ako sa kanya. Tsk!" Nakinig lang ako sa kwento niya at hinayaan na lang siya

"Tapos sasabihin niya na mali yung nakita ko? I wasn't born yesterday Glaiza, kaya alam ko ang nakita ko. They having sex, at yung sex na yun hindi ko pa kayang ibigay sa kanya. Dahil gusto ko, kapag kasal na kami. Pero wala eh. Hindi siya makapaghintay, kaya sa ibang babae na lang siya naghanap ng sarap. Kalokohan." 

"Alam mo Rhian" nagsimula na akong magsalita.

"Alam kong masakit. Alam kong mahirap. Pero sinasabi ko sayo. Kakayanin mo yan. Oo tanga ka sa ibang bagay. Pero sa pag-ibig, I guess matalino ka, dahil hindi lang puso ang ginamit mo, pati utak mo. Naging maingat ka sa lahat ng desisyon mo, and for that humanga ako sayo. Jason doesn't deserve you. You deserve someone better. Yung tipong kayang ibigay sayo yung tamang pagmamahal, yung kaya kang suklian. Hindi mo siya kailangan sa buhay mo. Hindi Rhian, hindi. Kaya mo yan. Don't worry, I'll support you." I said to her.

"Pero Glaiza, paano ko ba siya makakalimutan? Paano ba ako makakamove on sa kanya? Minahal ko siya at alam kong minahal niya din ako. Ang hirap naman nun!" 

"Paano makamove on? Simple lang, accept na wala na kayo. Huwag mong isipin na siya lang sentro ng buhay mo. I'm telling you Rhian, hindi lang siya ang tao sa paligid mo. Siguro nga hindi kayo nagkakaintindihan ng magulang mo, but they loved you at hindi nila kayang mawala ka sa kanila. Your friends, sigurado akong malulungkot sila kapag nakita ka nilang wasak na wasak. At syempre ako" ewan ko pero bakit ko nasabi yun.

"Ikaw? Ano naman ang role ko sa buhay mo, bakit ka malulungkot kung ganito ako?"

"Be-because wala na akong makikitang clumsy. Oo yun." 

"Nakakatawa ka talaga Glaiza. Haha. Pero seryoso, ano ba talaga ang kailangan natin pag-usapan kanina?" So I guess kailangan ko ng sabihin sa kanya.

"About sa atin sana. About sa kasal natin." Pag amin ko sa kanya.

"Kasal? Akala ko ba ayaw mong magpakasal sa isang clumsy na katulad ko. Funny Glaiza. Funny" agad naman itong uminom nanaman.

"Kung may choice lang ako, hindi kita papakasalan at hindi ko hahayaan na matali ka sa akin. Pero kasi.. I need to do this because of my brother, Alchris."

"Oh what about him?" She ask.

"Well, alam mo naman si dad, mainit ang dugo sa kanya, at gagawin lahat ni dad, para maging miserable ang buhay ng kapatid ko. Rhian, I can't let that. Masyado kong mahal ang kapatid ko. Hindi ko kayang makita siyang nahihirapan" I said to her, hindi ko sinabi sa kanya na hindi talaga siya isang De Castro.

"At kailangan kong palitan si Dad as CEO and kailangan kitang pakasalanan, para hindi niya pahirapan si Alchris. So please Rhian, will you marry me?" I really did propose to her.. Nakita ko na medyo naguguluhan siya.

"You're asking me, to marry you? Ha! Are you sick Glaiza? Kagagaling ko lang sa isang break-up! Please give me a break!" 

"Rhian, hear me out. Pakasalan mo ko. Ipakita natin sa parents natin na ok sa atin ang set-up na to. Magpapanggap tayo na masaya. At kapag kasal na tayo, mag fifile ako agad ng divorce, kasal lang ang gusto ko Rhian, and I promise magiging ok ang buhay mo. Ibibigay ko ang coffee shop ko sayo. After that, bahala ka na. So please Rhian, marry me" Pagmamakaawa ko sa kanya.

"Oh sige, pero asan ang ring?"

"Wha? What ring?" I ask.

"Glaiza may nagppropose bang walang ring? Kung ganyan din lang, I'll say NO! Bilhan mo muna ako ng singsing, bago ako mag yes sayo" 

"Ibibigay ko naman sayo yung coffee shop ko ah! Yun na yung singsing mo, as a sign na nakikipagsundo ka!" I said.

"No ring, no marriage!" Aba makulit talaga to ah.

"Eh wala nga akong singsing na dala! Tignan mo nga oh. Wala akong suot na singsing! Tapos hahanapan mo ko ng singsing?!" Pinakita ko sa kanya yung mga daliri ko.

"Edi walang kasal. Glaiza, I'm a lady, buti nga singsing lang hinihingi ko sayo para mapapayag ako sa kalokohan mo. Pero dahil walang singsing, edi walang kasal. Ring first!"

"Ang kulit ng lahi mo! Oh sige bukas! Bibilhan kita ng singsing! Arte mo!" 

"At sino ang maarte ah?!" Tanong nito sa akin.

"SINO BANG KAUSAP KO NGAYON? IKAW DIBA. MALAMANG IKAW!" Hays, nagtatalo nanaman kami. Ano ba to.

"WOW! IKAW NA NGA TONG MAY KAILANGAN IKAW PA TONG GALIT!" 

"FOR YOUR INFORMATION MS. RAMOS, MAY BENEFITS KA DIN SA PLANO KO. MAKUKUHA MO ANG COFFEE SHOP KO, MAGIGING MALAYA KA SA PARENTS MO, AT BAKA PAGKATIWALAAN KA ULIT NG PARENTS MO, DAHIL SA AKIN, AT MAY ISA PAPALA. YOU CAN REVENGE ON HIM! MASASAKTAN ANG EGO NG LALAKING YUN, KAPAG NALAMAN NIYANG PUMATOL KA SA BABAE! MAG ISIP KA KASI! STUPID!"

"AKO STUPID?! Hoy an-" hindi ko na siya pinatapos at bigla ko na lang siyang hinalikan para tumigil, at dahil na din sa epekto ng alak naglakas loob ako.

Hindi naman siya umangal sa halik ko, habang tumatagal mas lalong lumalalim ang paghahalikan namin, hindi ko na nga namalayan na sumasayaw na pala ang dila namin sa isa't isa. Pero bigla akong natauhan.

"I'm sorry. Ang ang ingay mo kasi!" I said, para mawala ang awkwardness sa aming dalawa

"Uwi na tayo. Inaantok na ako. Tsaka may pasok ka pa diba." Cold na pagkasabi niya.

Hindi na lang ako nagsalita at umuwi na lang kami sa bahay. Sa guest room siya matutulog, at andun na pala mga gamit niya, siguro inutos ni dad or ng dad niya na dalhin ang mga gamit niya dito.

Papasok na sana ako sa kwarto ko ng bigla siyang nagsalita.

"Glaiza. Ring before marriage" she said at agad na din itong pumasok sa kwarto.

Pagkapasok ko sa kwarto ko, agad akong humiga.

Glaiza anong ginawa mo kanina? Bat mo siya hinalikan? My gosh! Pero aaminin ko, nagustuhan ko yun. Iba yung naramdaman ko. Parang, parang ang sarap sa pakiramdam, pakiramdam ko, para akong na nabuo. 

Haizt! Rhian, ginugulo mo na ang utak ko pati na rin ata ang puso ko. 

--------
AN:

Hello guys. So dahil tapos na ang A.K.A Neerdy Girlfriend ko, magfofocus na ako dito. Sa CBH and TRROL.

So sana suportahan niyo din ito and yung TRROL ko. Thanks guys!

Don't forget to vote. :)

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

19.7K 819 48
A DarLentina/JaneNella Fanfiction where Narda Custodio has been infatuated with co-actress Regina Vanguardia but end up hiding her feeling for her be...
223K 13.4K 11
Athena wants to be an architect to fulfill her late father's dream, but she secretly loves music and wants to be a composer. At West Town University...
815K 30.4K 54
Status: UNDER REVISION Tahimik. Payapa. Walang gulo. Ganiyan maituturing ang buhay ni Niana Jillian "Naji" Alcayde; bantering with her older brother...
184K 7.6K 47
When two hearts find each other, they will beat together. Si Glaiza Galura ay isang artista na pa extra-extra, pero ang musika talaga ang nagpapasay...