The Unexpected Love (Jadine)

By RicaLustre

88.7K 2.1K 161

Nadine Lustre is a one typical girl na habulin ng mga lalaki. Although, mayaman, saksakan ng ganda pero hindi... More

Prologue
1.) The Start
2.) Higschool Life Begins
3.) Is He Stalking Me?
4.) Goodnight text
5.) Second day
6.) The Dark Past
7.) 13th Birthday
8.) Kuya
Author's Note
9.) This Is War
10.) Dad
Author's Note
11.) Meeting Him Again
12.) Sasabihin Ko Ba?
13.) Tol
14.) Revealed
15.) Baymax
16.) Sembreak Is Over
17.) She Returned
18.) She Returned (2)
Author's Note
19.) Hatid
Author's Note
20.) New Guy
21.) Protective
22.) Kaibigan Lang
23.) Accepted
24. ) Pag-iwas
26.) Bati na tayo
Author's Note
27.) Baby
28.) Grounded
Author's Note
Author's Note
29.) Takas
Author's Note
30.) "Ay mahal kita"
31.) Recognition
Author's Note
32.) Evil Plan
Author's Note
33.) Friendship Settled
34.) Beach
Author's Note

25.) Pag-alala

1.4K 44 4
By RicaLustre

Nadine

Pumasok ako ng maaga. Nung papasok pa lang ako ng room muntik na akong mapasigaw dahil may humila sakin. Idinikit niya 'ko sa pader habang siya naman ay nasa harapan ko. Kung gagalaw ako may posibilidad na magkahalikan kami. Ang lapit-lapit kaya ng mga mukha namin.

Napaidlip ako ng mata nung nalaman kong si Hendricks pala 'to. Kanina kasi  hindi ko maaninaw nang maayos yung buong mukha niya.

"Hendricks, ano ba! Lumayo ka nga.", inis kong sabi.

"Relax babe. Hindi kita sasaktan.", sambit niya.

"Babe mo mukha mo!", sigaw ko sakanya. Aalis na sana ako kaso pinigilan niya 'ko.

"Wag ka namang maging masungit please. I'm trying to be nice na nga og. Akala ko ba friends na tayo?", nakikita ko ang sincerity sa mga mata niya.

Bumuntong ako ng malalim na hininga bago nagsalita. "Ano bang gusto mo?", seryosong tanong ko.

"Sabayan ka.", masigla niyang sambit. Napaka-jolly naman dis boy. Napangiti na rin ako. "Oy ngumiti siya.", nag-wink siya sakin. Napailing na lang ako.

"Sige na nga. Hali ka na.", dederetso na sana kami ng room nang pinigilan niya ako. "Bakit?", takang tanong ko.

"Wala kaya tayong pasok sa first subject. Wala si Sir eh.", paliwanag niya. "So, doon muna tayo?", turo niya sa park. Nginitian ko na lang siya at tumango.

Pero bago namin maabot yung park dadaan muna kami sa harap dahil nasa other side yung park. Sa lawak ba naman netong school namin este kina James lang pala -_-

Napahinto kami ni Hendricks sa paglalakad dahil nasalubong namin si James. Natigilan rin sa pag-cheer yung mga fangirls niya dito. Tumingin sila samin ni Hendricks at tumingin muli kay James. What are they thinking? Parang nako-curious sila.

Gusto ko sanang lapitan si James kaso hinawakan ako ni Hendricks. Sinamaan ko siya nang tingin mas lalo pa niya hinigpitan. Ay tangina niya! Hindi ko naman magawang kumalas sa pagkakahawak niya kasi ang lakas kaya.

Kaya ang ginawa ko, nginitian ko na lang si James pero, boom sucklaugh dre! Irapan ba naman daw ako? Awtsuu :3 Dali-dali siyang lumakad papuntang elevator. May balak siguro siyang unahan kami papuntang itaas pero sorry na lang, dun kami sa park didiretso.

Gusto ko sanang habulin siya pero pinigilan talaga ako ni Hendricks. Tangina netong lalaki na 'to sarap sakalin eh.

Marahan ko na inalis yung kamay niya sa braso ko. "Aray!", pag-angal niya. Inirapan ko na lang at naunang maglakad. Sumunod naman siya sa likuran ko. Habang yung mga estudyante dito sinusundan parin kami ng tingin. I feel sorry about James, may problema ba siya kay Hendricks? Ayaw naman kasi niyang sabihin eh. Kesyl kaibigan niya raw ako. Hayst!

Nung makaabot na kami sa park agad akong umupo sa grass. Umupo rin siya.

"Thank you ha.", tinaasan ko siya ng kilay dahil hindi ko magets yung mga pinagsasabi niya. "Thank you dahil... Sinamahan mo 'ko.", bumitaw siya ng matamis na ngiti. Ang gwapo niyang tignan sa ngiting ganoon.

"Ba't mo pala 'ko pinigilan kanina ha? Pupunta na sana ako kay James----.", napatigil ako sa pagsasalita dahil tinakpan niya yung bunganga ko. Sinamaan ko tuloy siya ng tingin kaya inalis niya yung kamay niya sa precious bunganga ko. Ay charot, precious daw? Hahaha.

"Eh pano na lang kung ini-snob ka nun? Kung talikuran ka niya? Edi, boom pahiya ka.", natatawang sambit niya. Pero tama nga naman siya. Sabagay, may tampo pa si James sakin.

"Tsss.", naisagot ko na lang at tumahimik. May namoung katahimikan nang ilang minuto kaya agad akong nag-isip ng topic para mabasag 'tong katahimikan. Naiilang kaya ako sa tahimikan. "Btw, bago lang kita nakita ah.", sambit ko.

"Ewan ko. Hindi lang talaga siguro pinagko-cross yung landas natin kaya hindi natin nakikita yung isa't isa.", sagot niya habang nilalaro yung damuhan.

"Uhm, andami mo namang fangirls?", tanong ko. Ang weird na ng ina-act ko dito oh. Ano ba, Nadine. 'Wag ka ngang shunga -_-

He chuckled. "Si papa kasi yung dean dito.", ows. Kaya pala. "At syempre hindi lang dahil dun, isang rason rin dahil gwapo at cute ako kaya madaming nagkakarandapa sakin. Ako pa ba?", pagmamayabang niya. Natawa na lang ako sakanya. "And one more thing, diba family nyo nina James yung may ari netong malaking school?", curious niyang tanong. Hindi ko alam pero napatango ako. Tanga mo, Nadz. 'Di nga 'to sainyo ng mom mo diba? Sa langyang papa nyo lang ito na nang-iwan -_-

"Ows. Okay. Btw, bakit sobrang overwhelmed si James sakin? At may gusto ba siya sayo? Ang o.a naman ata niya sa mga kinikilos niya.", sambit niya.

"Ewan ko sakanya eh. Basta ang alam ko lang is kaibigan lang yung turing namin sa isa't isa.", sagot ko. Ngumisi siya sakin.

"Eh kaibigan lang pala eh.", mahinang sabi niya. "Pero hindi naman siya magre-react ng ganun kung... Kung wala siyang nararamdaman para sayo.", natigilan ako sa sinabi niya. Gusto? Asa. Wala samin ni James yung ganun.

"Ewan ko sayo. Wala nga siyang gusto sakin. Kahit itanong mo pa sakanya.", naiiritang sambit ko habang nakayuko.

"Eh ako, gusto kita.", napatingin ako sakanya. "Ganun ako eh. Inaamin ko kaagad sa harap mismo ng taong gusto ko dahil hindi ako torpe. Eh paano na lang kung naunahan ka nung isa?", taas noong sagot niya.

"Sorry Hend. I don't feel the same way.", nag-pout ako.

Tumawa siya ng mahina. Yung tawang pang-bitter. "I can wait. Kaya kong maghintay ng tamang panahon. Lahat naman ng bagay may tamang panahon eh. Matuto lang tayong maghintay.", sagot niya. Napangiti ako sa naging sagot niya.

"Tara na nga!", hinila ko na siya patayo. "Malapit na yung second subject kaya tara na.", tumayo naman siya.

Nagsimula na akong maglakad at nasa gilid ko naman siya. Napaisip ako sandali. Mukhang mabait naman siyang tao eh, kaso nga lang hindi pa ako handa sa mga ganoong bagay. Yung hinihinga niyang pangliligaw.

Nung maka-abot na kami sa tapat ng elevator agad na kaming sumakay. Marami-rami pa namang estudyante dito sa labas pero gusto ko na talagang magpahinga sa classroom eh.

"Ang tahimik mo naman.", napalingon ako sakanya. Sa ngayon, naglalakad kami patungong classroom. Andito na kami kasi sa 3rd floor.

Hindi ko siya sinagot at pumasok na lang ng room dahil andito na kami aa tapat ng room namin. Pumasok na ako at papasok na rin siya sana.

"Oh ba't ka papasok? Sa third subject lang tayo magkaklase nu.", natatawang sambit ko.

"Tsk. Oo nga pala, sige alis na 'ko. Bye.", nag-flying kiss pa siya sakin. Inirapan ko na lang.

Agad na akong pumasok at nakatingin silang lahat sakin.

"What?", walang alam kong tanong. Hindi naman sila sumagot at binaling muli yung tingin sa pinag-aabalahan nila.

Umiling na lang ako sa ka-weirduhan nila. Dumiretso na lang ako sa likod sa upuan ko. Natigilan ako, ba't wala dito si James? Siguro may pinuntahan lang at hindi pa nakabalik. Hinayaan ko na lang. Babalik na rin siguro siya maya-maya.

"Nadz.", napalingon ako sa nagsalita. Kaklase ko pala.

"Oh Kirsten. Bakit?", nagtatakang tanong ko.

"Uhm, matagal ko na sanang gustong sabihin 'to eh.", nag-aalinlangan pa siya. Kinabahan naman ako sa sasabihin niya.

"Huh? A-ano yun?"

"Uh... Can we be friends?", nakayukong sambit niya.

Tumawa ako ng mahina. "Oo naman nu. Ano ka ba.", sagot ko.

"Thank you ha. Nahihiya lang kasi ako na i-approach ka eh.", ngumiti siya.

"Ba't ka naman nahihi----.", 'di ko na naituloy yung isasagot ko sana dahil pumasok na si sir.

"Goodmorning class. Go back to your seats.", agad naman silang nagsibalikan.

"Nadz. Mamaya na lang ah." sambit ni Kirsten at bumalik na sa upuan niya. Well, maganda si Kirsten at balita ko madaming nangliligaw sa kanya pero ni isa wala siyang sinasagot. Study first daw muna.

"Okay class, ehem-hmm. At dahil next week na yung recognition nyo, kailangan na nating maghanda. Every class president. May meeting mamaya at 4pm. Sinong president dito?", tumayo naman ako habang  nakatingin sa pinto. Wala parin si James eh. Oo nag-aalala ako dahil magkaibigan kami. "Okay thank you. You may now take your seat.", umupo naman ako habang humahaba parin yung leeg ko sa kakabantay kay James sa pinto. Baka napaano na yun. "Ms. Lustre, are you waiting for someone?", tanong ni sir sakin.

"A-ah. W-wala naman po. May tinignan lang ako.", ngumiti ako kay sir. Tumango naman siya. I sighed.

Asan na ba kasi yung panget na yun. Tss -,- humanda lang talaga siya pagnagkataon.

"The bla bla bla chu chu chu is the chu bla chu. Understand?", taena this oh. Wala akong maintindihan sa pinagsasabi ni sir. Bahala na, tatanungin ko na lang mamaya yung leksyon at magre-research sa library o 'di kaya sa bahay. "Okay class. Dismissed. Btw, magbibigay ako ng long quiz bukas so be sure na mag-aaral kayo mamaya.", at tuluyan na siyang lumabas ng room.

Oh fvck. Ansabe? Long quiz? Hahayst!

Napatingin ako kay Kirsten at nakatingin rin pala siya sakin. Nginiyian niya ko. Ngumiti rin ako pabalik.

Maya't maya pa'y dumating na yung next teacher namin sa Economics. Pumasok naman si Hendricks. As what I said, magkaklase kami sa third subject. Agad namang nagtilian yung mga kaklase ko. Dumiretso siya sa likuran at umupo mismo sa tabi ko Bakanteng upuan kasi yung kaliwa ko at si James naman yung nakaupo sa kanan pero wala siya eh. Magkaklase kasi kami whole morning. Pero sa hapun, 2 subjects lang kami magkaklase. Pero ngayon ko lang talaga napansin 'tong pagmumukha ni Hendricks simula nung mag-aral ako dito.

"Hi.", bati niya sakin at nag-wink.

"Makinig ka na nga lang sa teacher.", inirapan ko siya.

"Sungit.", hindi ko na siya sinagot pa dahil naguumpisa na yung teacher sa pagle-lecture. Binaling ko na lang muna yung atensyon ko sa lection namin baka may long quiz na naman bukas. Mahirap na.

Napatingin ako kay Hendricks pero seryoso rin siyang nakikinig kaya nakinig na rin ako.

after 45 minutes natapos na 'tong letseng nakakaantok na subject. Salamat, Lord.

Lumabas na ako dahil recess na. Sumunod naman sakin si Hendricks.

"Problema mo ba Hend? Para kang linta sa kakadikit sakin eh."

"Mahal kita eh.", tipid niyang sambit. Naglakad na lang ako at nung makatungo na ako nung canteen naupo na ako. Ay buwiset umupo rin siya sa table na pinili ko -_-

Sinamaan ko siya ng tingin pero nginitian niya lang ako.

"Cupcake.", salubong ni Cassy sakin habang hinahabol yung hininga.

"Oh napaano ka?", natatawang tanong ko. "Mukhang galing gyera ah?"

"H-hind kasi...", naputol siya sa sasabihin niya kasi nagtanong si Hendricks.

"Anong gusto nyo? My treat.", masiglang tanong niya.

"Talaga Hend? Treat mo? Oh sige makaupo na nga dito.",  masayang sambit ni Cassy.

"Anong gusto nyo?", tanong niya.

"Kahit ano na lang.", sagot ko. Sumang-ayon na rin si Cassy. Kahit ano na lang din daw. Umalis na si Hendricks upang mag-order.

"Cupcake...", seryosong sambit ni Cassy.

"Ano nga? Konti na lang, babatukan na kita eh. Sabihin mo na kasi."

"Si James kasi sinugod sa hospital.", napadilat yung mga mata ko sa narinig ko.

"What?!", gulat na tanong kom "B-bakit daw?"

"Oy kalma. Low down your voice. Ang ingay mo naman.", sagot niya. Sinamaan ko na lang siya ng tingin. "Eh kasi sina Drake, niyaya nila si James magcutting eh dinala pala nila sa bar. Sa bar nina Drake, uminom sila doon ng uminom hangga't sa mapuruhan si James at sumakit yung ulo niya. Kaya nahimatay siya.", paliwanag niya.

"Omhayghad.", nasabi ko na lamang dahil nag-aalala ako. "E-eh anong hospital b-ba yan?", gulantang na tanong ko.

Agad niyang in-open yung phone niya at ipinakita sakin yung text ni Lanz. Hindi ko na muna inusisa kung bakit magka-text sila ni Lanz. Baka okay na siguro sila.

"Eto na oh.", inilagay ni Hendricks yung food sa mesa.

"Uhm... Sorry Hendricks ha. Emergency lang kasi eh. Babawi ako next time promise.", hindi ko na hinintay yung sagot niya at tumakbo na. Wala pa pala yung parents niya kaya siguradong sina Drake lang yung kasama niya doon.

Naghintay ako ng taxi na masasakyan at sumakay na. Sinabi ko sa driver yung pangalan ng ospital.

Ite-next ko muna si Cassy na sabihin kay Prof na sumama yung pakiramdam ko kaya umuwi ako. Yun na yun. Wala na akong maisip na dahilan eh.

Agad na akong bumaba nung maka-abot na kami doon. Nagbayad na ako sa driver at pumasok ng hospital.

Nakwento kasi ni mama sakin na bawal daw siya sa mga alak na hard drinks kapag umabot na siya sa edad na pwede ng uminom kasi kung mapuruhan daw siya baka bumalik yung sakit niya... Yun daw yung sabi ni tita. Pero pwede siyang uminom 'wag lang yung mga hard drinks.

Ba't ka ba kasi uminom James? You're so stupid as fvck.

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 47.7K 94
Maddison Sloan starts her residency at Seattle Grace Hospital and runs into old faces and new friends. "Ugh, men are idiots." OC x OC
365K 13.1K 59
After Pein's invasion, Naruto is betrayed by his comrades and left to die. When he wakes up, he somehow travelled back in time to when he was genin a...
304K 10K 52
There's no way you're hitting on me right now. ━ Lando Norris x Fem!OC © KissLeclerc , April 2024 Started: April 8, 2024 Completed: May 10, 2...
436K 15.5K 93
The story is about the little girl who has 7 older brothers, honestly, 7 overprotective brothers!! It's a series by the way!!! 😂💜 my first fanfic...