17.) She Returned

1.4K 43 0
                                    

Nadine

Heto kami ngayon ng mga president at vice pres sa backstage. Pinayagan na si Cassy na siya na lang yung magiging Vice ko. Buti nga.

12 kami dito ngayon. 12 sections rin kasi eh and mas kinakaba ko is first section kami so kami ni Cassy yung first na mag-iintroduce.

"Mic test.", narinig ko na yung emcee na nagsalita. Mas lalo tuloy akong kinabahan. Hindi lang ako magpapakilala meron pang ipepresent na speech tungkol sa pagiging president. Gosh. Hindi ko 'to napag-praktisan ng maayos kagabj dahil nakatulog ako. Aish! Bahala na si Batman o 'di kaya si Ironman.

"Okay let's call on our president's from every section of 1st year students.", ani emcee.

Oo, first year sections lang yung pinili na magintroduce. Pwede naman second year, third year o di kaya fourth year pero ewan ba't kami pang mga 1st year.

"Ms. Nadine Alexis P. Lustre.", paninimula ng emcee. Parang pageant na nga eh. Naghiyawan naman yung mga tao.

"Witwew!", pamito ng isang lalaki pagkalabas ko.

"Crush! Papicture.", ani naman nung isa.

"Ang ganda nyo po."

"Nadine!!!"

Hanggang sa nagpatuloy parin sila sa paghiyaw.

"Okay. With her Vice President Ms. Cassandra Marie De Leon.", naghiyawan na naman ulit sila. "And now from section two.", sambit muli ng emcee. "Michelle Pangilinan.", nagpalakpakan na naman muli. "With her Vice President Mr. Dominic Tuazon.", nagpalakpakan na naman muli at naghiyawan.

Hanggang sa nagpatuloy at nagpatuloy parin...

"Let's now start from section one. Ms. Lustre and Ms. De Leon, please step forward.", sambit ng emcee. Humakbang naman kami ni Cassy.

"Cupcake kaya natin 'to.", bulong sakin ni Cassy na medyo nagpagaan naman ng loob ko. Nginitian niya 'ko. Ngumiti na rin ako pabalik kahit labag sa kalooban ko na ngumiti. Yeah, kaya mo 'to Nadine.

The Unexpected Love (Jadine)Where stories live. Discover now