25.) Pag-alala

1.4K 44 4
                                    

Nadine

Pumasok ako ng maaga. Nung papasok pa lang ako ng room muntik na akong mapasigaw dahil may humila sakin. Idinikit niya 'ko sa pader habang siya naman ay nasa harapan ko. Kung gagalaw ako may posibilidad na magkahalikan kami. Ang lapit-lapit kaya ng mga mukha namin.

Napaidlip ako ng mata nung nalaman kong si Hendricks pala 'to. Kanina kasi  hindi ko maaninaw nang maayos yung buong mukha niya.

"Hendricks, ano ba! Lumayo ka nga.", inis kong sabi.

"Relax babe. Hindi kita sasaktan.", sambit niya.

"Babe mo mukha mo!", sigaw ko sakanya. Aalis na sana ako kaso pinigilan niya 'ko.

"Wag ka namang maging masungit please. I'm trying to be nice na nga og. Akala ko ba friends na tayo?", nakikita ko ang sincerity sa mga mata niya.

Bumuntong ako ng malalim na hininga bago nagsalita. "Ano bang gusto mo?", seryosong tanong ko.

"Sabayan ka.", masigla niyang sambit. Napaka-jolly naman dis boy. Napangiti na rin ako. "Oy ngumiti siya.", nag-wink siya sakin. Napailing na lang ako.

"Sige na nga. Hali ka na.", dederetso na sana kami ng room nang pinigilan niya ako. "Bakit?", takang tanong ko.

"Wala kaya tayong pasok sa first subject. Wala si Sir eh.", paliwanag niya. "So, doon muna tayo?", turo niya sa park. Nginitian ko na lang siya at tumango.

Pero bago namin maabot yung park dadaan muna kami sa harap dahil nasa other side yung park. Sa lawak ba naman netong school namin este kina James lang pala -_-

The Unexpected Love (Jadine)Where stories live. Discover now