29.) Takas

1.4K 32 3
                                    

James

Tengene talaga dis. 2 months ba naman? Tsk.

Eh ano pa nga bang magagawa ko? Edi sundin na lang, kesa naman mas magalit pa si Dad sakin.

Tumayo ako sa kama ko. Pagkatapos kasi ng letseng pag-uusap na yun namin ni Dad agad na akong pumasok ng kwarto ko.

Tinignan ko yung laptop ko na nakapatong sa desk. Gusto ko sanang gamitin kaso, baka mahuli ako ni Dad eh. Sabi niya kasi, malalaman niya pa din kung lalabag ako sa parusa niya.

"Tss.", sambit ko sa sarili at napailing na lang. Bumalik na ako sa pagkahiga. I stared at the celling. Gusto ko sanang i-text si Nady upang magpa-thank you. Pero nasa kay Dad nga yung phone ko.

Bigla akong napangiti na parang ewan. Bigla ko kasi naalala yung sa phone niya na BABY JAMES iyong nakasulat ^_^

Siguro nagtataka kayo kung gusto ko ba siya? Hindi... HINDI ko siya gusto. Bestfriend ko lang talaga siya.

Nagulat ako dahil biglang may nagbukas ng pintuan ko. Si D-a-d.

"Where's your iPad, Laptop and other gadgets? Ibigay mo na. Now na.", tinignan niya 'ko ng masama. Napairap na lang ako atsaka tumayo upang kunin yung mga gadgets ko.

Kinuha ko na lahat at padabog na ibinigay iyon sa kanya. "Here.", mahina pero naiinis na sambit ko.

"Good.", tinignan niya 'ko ng seryoso. Hindi lang seryoso. Seryosong seryoso. "2 months remember.", at tuluyan na niyang isinirado yung pintuan ko.

"What the F was that? Omay gadgets! My life.", bulong ko sa sarili. 'Di pa talaga ako naka-get over.

Umupo na lang ako ng kama at kinuha si Baymax. Yung baymax na galing kay Nady.

The Unexpected Love (Jadine)Where stories live. Discover now