Courting Jeon Jungkook (COMPL...

Galing kay zepriex

20K 638 64

"Jeon Jungkook! I will court you whether you like it or not. GETS?" -Krystal Lee. AT nagsimula na nga ang mis... Higit pa

Prologue
1- Dare ♥
2 - Kiss ♥
3- Detention ♥
4- Courting Mission 101 ♥
5- Start ♥
6- Mikaela ♥
7- TV ♥
8- Truth or Dare ♥
9- Sick ♥
10- Sister ♥
11- Transferee ♥
12- Ex Crush ♥
13- Jealous? ♥
14- Camping ♥
15- Day 1 ♥
16- Bonfire♥
17- Lost ♥
18- Basted? ♥
19- Beginning of the End ♥
20- A date with JB ♥
21- Hashtag ♥
22- I Likes You ♥
23 - Nooo! ♥
24- She's back ♥
25- Taeyeon ♥
26- Her voice ♥
27- Jungkook's side ♥
28- Mission: Courting Krystal Lee ♥
29- Suitors ❤️
30- Confrontation ❤️
31- Party ♥
32- Her reason ❤
33- Thoughts ❤
35- Sweet goodbye (The Last Chapter)

34- Tears are falling ❤

417 14 0
Galing kay zepriex

34.

Tears are falling

(P.S, listen to the song. Kahit na alam kong popular yan siya at maybe alam niyo na, pero it really suits this chapter/ Krystal's feelings.)

Krystal.

Napakapit ako sa laylayan ng damit ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. May nakahuli na sakin, at baka maging epic fail na talaga yung plano. Nanatili lang akong nakatayo, di gumagalaw at nakatulala sa pader ng kwarto ko.

"Krystal? Ikaw ba 'yan?"

Napalunok ako. Ano ng gagawin ko? Alangan namang tumakbo ako, eh di ko pa nakukuha passport ko. What am I gonna do?

"Sobrang tagal ka naming hinintay na bumalik. Every night dito na nakakatulog si mommy, iniintay ka niya. Lahat kami dito nalungkot, Krystal. Lahat kami dito nagsisisi." sambit pa niya.

Nagbabadya ng tumulo ang mga luha ko pero kinagat ko ang labi ko, nagbabaka sakaling mapigilan ang mga ito.

"Kung panaginip man lang 'to, sasabihin ko pa rin sayo yung mga gusto kong sabihin. Im sorry, Krystal. Kahit saang anggulo tingnan, alam kong mali ako. Nagpakaselfish ako, hindi ko man lang naisip ang nararamdaman mo. Tama si Yannie, I don't have the right to be insecure kasi in the first place, na sakin naman na lahat ang gusto ko. Im sorry. Sana dumating yung araw na mapatawad mo ako, kami, at bumalik ka na dito ng tuluyan." naiiyak niyang sabi. Pinilit ko ang sarili ko na wag humarap. Kasi tumulo na ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

"Krystal, sana bumalik ka na."

Lalo lang ako nanigas nung biglang dumilat ng paunti-unti ang mga mata ni mommy. Dahan-dahan siyang bumangon at kinusot ang kanyang mata, saka siya napatingin sakin. Napaatras ako.

"J-jessica? K-krystal?" tanong niya at napahikab. Nilapag niya ang picture frame na yakap-yakap niya sa kama. Tumayo siya at naglakad papalapit sakin.

Ako naman, mukhang tanga na atras pa rin ng atras.

Ayoko munang marinig ang sasabihin nila ngayon. Ayokong bumigay. Dahil di ko yata kakayanin ang lahat ng 'to ngayon.

"K-krystal? Baby?" halos paiyak ng sabi ni mommy habang naglalakad papalapit sakin. Umaatras pa rin ako hanggang sa maramdaman ko na sa likod ko si Jessica.

"Mag-usap kayo ni mommy, Krystal. Gigisingin ko lang sina kuya." sabi ni Jessica at narinig ko ang pagsara ng pinto.

"Baby.." sabi ni mommy at umiiyak na niyakap ako. Nanatili lang akong nanigas, at di man lang gumalaw. Patuloy pa rin ang pag-agos ng luha ko.

"Sorry, anak. Im sorry kung nagkulang kami sayo." naiiyak niyang sabi habang yakap-yakap ako ng mahigpit. Hindi ako umimik.

Aminin ko man o hindi, nakakamiss din pala ang yakap ng isang ina. Her arms were the safest, making me feel comfortable. Bata pa lang siguro ako nung huli kong naramdaman na mahal nila ako. Nung huli silang nagkaroon ng pakialam sakin.

"Sorry kung di namin pinaramdam sayo na mahalaga ka, na mahal ka namin. Im sorry kung di ka namin nabigyan ng sapat na atensyon. Sorry kung wala kami sa oras na kinailangan mo kami. Sorry kung di ka namin nasabayan lumaki." umiiyak pa niyang sabi.

Kahit gaano pala kalaki ang galit mo sa pamilya mo, isang sorry lang nila mapapatawad mo na agad sila. Siguro ganun talaga. Pamilya eh.

Kahit na sobrang dami kong gustong isumbat o sabihin, parang natuyo ang lalamunan ko at di ko magawang magsalita. Hindi ako umiimik, hanggang sa napansin ko na lang na kusang gumagalaw ang mga kamay ko at niyakap pabalik ang mommy ko.

Di ko namalayan, nakikisabay na rin pala ako sa iyak ni mommy.

"Im sorry." sabi ni mommy habang patuloy pa rin sa pagiyak. Di na lang ako nagsalita at naiyak na lang.

Biglang bumukas ang pinto sa likuran namin.

Lalo ko lang binaon ang mukha ko sa balikat ni mommy. Nakarinig ako ng mga yabag na naglalakad papalapit samin.

Naramdaman ko na lang na may mga kamay na pumalibot saming dalawa ni mommy mula sa likuran ko.

"We're very sorry, anak."

Lalo lang akong naiyak.

Jessica.

Seeing them in that situation, breaks my heart into pieces. Krystal always wanted to feel loved. At nakuha na niya yun mula kila Jungkook, pero sinubukan ko pang agawin.

When in fact, nasakin naman yung gusto niya.

Ang sama ko. Ang sama-sama kong kapatid. Ang sama kong tao.

Tahimik lang akong umiiyak sa gilid habang pinagmamasdan sila. Naramdaman kong may umakbay sakin.

"Its not your fault. Everybody wants to be happy, okay? We tend to do things because of our thirst for happiness." sambit ni kuya habang nakangiti sakin, pero kitang-kita ko ang mga luhang tumutulo mula sakanyang mata.

Ngumiti na lang rin ako pabalik at pinunasan ang mga luha ko.

Mga ilang minuto rin ang lumipas ng kumalas na sina mommy mula sa yakapan. Pinunasan ni mommy gamit ang thumb niya ang mga luha ni Krystal.

"Babawi kami sayo, baby. We promise that." umiiyak na sabi ni mommy.

Hindi na sumagot si Krystal at tumango-tango na lang.

"Halika nga dito baby girl," nakangiting sabi ni kuya at hinila papalapit samin si Krystal.

Medyo kinabahan ako at napaatras. Baka kasi hindi pa ako napapatawad ni Krystal. Aalis na sana ako pero lalong hinigpitan ni kuya ang pagkakaakbay niya sakin.

"Magbati na kayo. Para maayos na rin natin ang pamilyang 'to." nakangiti sabi ni kuya at tinulak ako papalapit kay Krystal. Nakatingin lang siya sa taas at nakapamulsa.

Naiiyak na naman ako e.

"Sige na. Nagkakahiyaan pa, e." dagdag pa ni kuya.

"Sorry.." bulong ko sabay iyak. Napatingin siya sakin at nagyakapan kami.

"Sorry din." naiiyak niyang sabi.

"No, ako dapat yung magsorry. Wala ka naman talagang kasalanan, e. Sadyang selfish lang talaga ako. Im sorry."

"Basta, sorry din."

"Group hug!" sigaw ni kuya at pinalibutan nila kami.

Nagkatinginan kami ni Krystal at sabay nagtawanan. Pinunasan rin namin ang mga luha namin.

"Ano ba yan, lagi niyo na lang ako pinapaiyak." biro ni Krystal habang pinupunasan ang ilalim ng mata niya.

Ginulo naman ni kuya ang buhok niya.

"Last na 'to, baby girl. Next time, tears of joy naman." nakangiting sabi ni kuya at inakbayan kaming dalawa ni Krystal.

"Teka kuya, si Yannie pala naghihintay sa baba!" biglang sabi ni Krystal.

"Ha? Saglit!" nagmamadaling bumaba si kuya.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Krystal.

"Basta Yannie talaga e, mas mabilis pa yun kay flash." natatawa niyang sabi.

Krystal.

Nakangiti akong bumaba ng hagdan. First time ko ata na ngumiti ng ganito after everything na nangyari. And it actually feels good na wala ka ng sama ng loob na dinadala kada gising mo. Wala ka ng iniisip na worries, na puot sa kaloob-looban mo. For the first time, hindi na ako thug life. Enjoy life na ako ngayon.

"Good morning! Tara kain!" bati ni Jessica na nasa sala at hinila ako papuntang dining. Grabe, sobrang dami ng pagkain. Si mommy nakasuot pa ng apron at naglalapag ng omelet sa mesa. Napatingin siya sakin sabay ngiti.

"Good morning! Kain na tayo." bati ni mommy.

Napatingin ako kay dad na umiinom ng kape habang tutok na tutok sa newspaper niya. Napansin niya sigurong nakatingin ako sakanya kaya inangat niya ang kanyang tingin.

Ngumiti siya sakin.

"Good morning." bati niya. Ngumiti na lang ako.

Umupo ako sa tabi ni Jessica.

"Teka, asan nga pala si kuya?" tanong ko.

"Ah, hinatid pa si Yannie---" biglang may pumasok sa kusina. "O, andyan na pala siya."

"Tara kuya, kain na tayo!" nakangiting sabi ni Jessica at umupo na si kuya sa tabi ko.

Nagpray muna kami ng sabay bago kami kumain.

"Mommy, babalik po kayo ng States?" tanong ko.

I was actually hoping na she'd answer no, mas gusto ko na dito na lang kami magkakasama. Mas gusto ko pang matagal silang makasama.

"Yes," nakangiting sagot ni mommy. Bigla akong nalungkot. Iiwan na naman nila ako dito. "Actually, tayong lahat pupunta ng States. Diba sabi namin sayo na babawi kami?"

Napaawang ang bibig ko. Pupunta kami ng States? For real?

"Mom?" nagsalita bigla si kuya Jin. Napatingin ako sakanya. Naisip ko kaagad si Yannie. Kung pupunta kami ng States, pano na siya? Ang tropang bts?

Eh pano si... Jungkook?

"Don't worry, kasama natin si Yannie. Pumayag na din naman parents niya since nagpaplano na din sila na magsettle dun, inaayos lang nila ang business nila dito." paliwanag ni mommy.

Napatingin si Jessica sakin, tingin na parang nag-aalala. Tumango na lang ako at ngumiti ng alinlangan.

Is leaving really the best choice for now?

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

258K 9.9K 62
My collection of JENLISA one shot stories. May contain some stories written in Filipino.
21M 515K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
63.3M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!