Limerence

By endlesslaugh

3.4M 48.4K 5.7K

"According to urbandictionary, limerence is an infatuation or crush that lasts at a much longer time span. A... More

Prologue
Chapter 1: Seatmate
Chapter 2: Chi
Chapter 3: Deal
Chapter 4: Lalaki
Chapter 5: Park
Chapter 6: Déjà vu
Chapter 7: Dan Gab
Chapter 8: Mommy at Daddy
Chapter 9: Spaghetti Sauce
Chapter 10: Periodic Exams
Chapter 11: Your Guardian Angel
Chapter 12: Keep Moving Forward
Chapter 13: Injury
Chapter 14: Monopoly
Chapter 15: Direk
Chapter 16: Cry
Chapter 17: Happily Ever After
Chapter 18: Oo Nga Pala
Chapter 20: Partners in Crime
Chapter 21: Maybe We're More
Chapter 22: Gusto Kita
Chapter 23: Toyota Prius
Chapter 24: Grandest Romantic Gesture
Chapter 25: Strawberry Taho
Chapter 26: The Feeling Is Mutual
Chapter 27: Phineas and Ferb
Chapter 28: Hairpin
Chapter 29: Paper Talk
Chapter 30: Wii Sports
Chapter 31: Please Be Careful With My Heart
Chapter 32: Banana
Chapter 33: That's What You Get
Chapter 34: Thesis Defense
Chapter 35: He-who-must-not-be-named
Chapter 36: Wonderstruck
Chapter 37: So Close
Chapter 38: Highlight
Chapter 39: Pangako
Chapter 40: Goodbyes
Epilogue
Author's Appreciation Note
Christmas Special
Class Suspension Special

Chapter 19: Walang Iba

78.9K 1K 160
By endlesslaugh

Chapter 19: Walang Iba

Bakit ba kasi nag-volunteer pa ako na magdala nito?

Nasa gate pa lang feeling ko mahihiwalay na yung braso ko sa katawan ko. Ang bigat pala nito. Ikaw ba naman magdala ng dalawang galon ng pintura, kung hindi ka umangal ewan ko na lang. Nakakabad trip din yung si manong guard kasi humingi na ako ng tulong kanina ayaw pa akong tulungan. May araw ka rin sa ‘kin, manong guard…

Sinisimulan ko nang isulat yung last will and testament ko sa utak ko ng may biglang kumuha ng hawak ko. SALAMAT! Sabi na nga ba may puso din si manong guard eh.

“Ako na magbibitbit nito, Sofia. Mukhang babagsak ka na sa lupa kapag nagtuloy-tuloy ka pa sa paglalakad,” sabi ni Dan Gab at naglakad na siya papunta sa Hall.

Ako naman, hindi makagalaw sa pwesto ko. Tinignan ko lang si Dan Gab na sobrang daming dala. May backpack, yung gitara niya, yung mga lumang CD na naka-assign sa kanyang dalhin tsaka yung dalawang galon ng pintura. Bumalik tuloy sa isip ko yung pag-uusap namin ni Mama noong nakaraang gabi…

Umalis si Papa tsaka si Kuya para manood ng liga sa may barangay. Naiwan kami ni Mama sa sala. Nililinisan niya ako ng kuko sa paa habang nakikinig siya sa palabas na teleserye sa TV.

“Ma,” panimula ko. Matagal ko na din kasing gustong itanong sa kanya ito eh. “Nung nakilala niyo ba si Papa, alam niyo na siya na yung para sa inyo?”

Napatigil naman siya sa paglilinis ng kuko ko at tumingin siya sa akin. “At bakit naman bigla mo atang naitanong?”

Nagkibit-balikat ako. “Wala lang. Gusto ko lang malaman. At saka girl bonding time natin ito. Hindi ba iyon ang ginagawa kapag girl bonding time?”

Natuwa si Mama sa sinabi ko. “Kami ng Papa mo… Bata pa lang kami magkakilala na. Pumasok kami sa parehong school noong elementary. Tapos noong nag-high school kami, nagkaiba kami ng school. Pero pagdating ng third year lumipat siya sa school namin. Alam mo ba kung bakit? Na-kick out siya sa school. Hindi magandang halimbawa para sa inyong mga bata, iyang Papa niyo. Masyadong bayolente iyan noon. Hindi makontrol ang init ng ulo. Mayaman naman ang lolo at lola mo kaya nagawang ilipat sa school namin ng walang masyadong problema. Noong mga panahong iyon, iyon lagi ang naisip ko, na sinuhulan nila ang school para makapasok sa honor’s class ang Papa niyo. Pero mali pala ako.

“Matalino naman talaga siya at sabi ng school aksaya lang kung hindi gagamitin yung talino niya. Kaya nakipagkasundo na lang na i-counsel si George. Araw-araw nasa Guidance Office siya. Alam ko, kasi member ako ng Peer Counseling Group. Nasa office ako every Friday. Kapag kinakausap siya ng counselor, hindi siya nakiki-cooperate. Two months na siya sa counseling, wala pa ding progress.  Isang beses, noong lumabas yung counselor, sumilip uli ako sa pinto. Hinding hindi ko makakalimutan yung unang sinabi niya sa kin. ‘Ano? Ngayon ka lang nakakita ng gwapo?’ Medyo, naasar ako sa kayabangan niya. Ang sinagot ko? ‘Akala ko bayolente ka lang. Hindi ko alam nagda-drugs ka din pala. Wala sa katinuan yang utak mo’

"Simula noon, lagi na akong hinahabol ng Papa mo. Niligawan niya ako pero hindi ko siya sinagot kasi may iba akong gusto noong mga panahong iyon. Pero kahit alam iyon ng Papa mo, hindi pa din siya sumuko. Nagkahiwalay din kami noong nag-college kami at 7 years after, nagkita uli kami. Sa wakas, pumayag din ako na mag-date kami ang pilit niya kasi. Noong natapos yung gabing iyon,na-realize ko na ibang tao na siya. Ang sarap niyang kasama. At napasaya niya ako. Noong tumagal kami, napaisip ako at nanghinayang sa mga panahon namin na nasayang. Na kaya ko din pala siyang mahalin. Hindi ko lang binigyan ng chance yung sarili ko na gawin iyon.”

“Hello, Sofia? Andyan ka pa ba?” pagsingit ni Dan Gab sa pagmumuni-muni ko. “Halika na.” Hinila na niya ako papunta sa Hall.

Napaisip ako at nanghinayang sa mga panahon namin na nasayang. Na kaya ko din pala siyang mahalin. Hindi ko lang binigyan ng chance yung sarili ko na gawin iyon.

Tumigil ako sa paglalakad tapos binago ko yung pagkakahawak niya sa kamay ko. Imbis na siya yung may hawak sa akin, ako yung may hawak sa kanya. “Dan Gab.” Nagulat siya sa ginawa ko. Bakas sa mukha niya. Napangiti naman ako at medyo lumapit sa kanya. Hinawakan din yung isa niyang kamay. Nung ginawa ko iyon, kumunot na yung noo niya.

Kinuha ko yung gitara sa isang kamay at yung CD sa kabila. “Salamat.” Tapos nauna na ako sa kanya. Pagtingin ko sa likod, hindi pa siya gumagalaw sa kinatatayuan niya. “Hello,  Dan Gab? Andyan ka pa ba? Ano? Tara na!”

Sa Hall, nandoon yung dalawang sections ng seniors. Tatapusin na namin yung preparation para sa themed party mamayang gabi. Finishing touches na lang din ang gagawin namin kasi nagawa na nung dalawang section yung iba kahapon.

Doon kami sa stage dumiretso ni Dan Gab. Yung mga classmates ko sobrang excited na para sa themed party. Pinag-uusapan na nila yung mga damit nila, yung sapatos nila, at kung ano-ano pa.

Magtatanong kayo: ano nga ba ang themed party na iyan? Yung themed party na ginagawa sa school, ay dinaraos every other year bago magsem break. Para siyang Halloween party pero dahil Catholic school ang pinapasukan ko, bawal yung mga costumes na demonic yung itsura. Doon naimbento yung themed party. May theme na ibibigay at yung costume mo ay depende doon sa theme. Parang noong last na themed party, vintage ang napagkasunduan ng student council na theme. This year, Black and White Masquerade. Buong high school department ang inaanyayahang  pumunta.

“Hindi ka talaga pupunta?” tanong ni Inna.

“Parang wala ako sa mood na pumunta eh.”

“Sayang naman. Last year mo na ito, sulitin mo na kaya.”

“May prom naman eh. Pareho lang iyon.”

“Dahil ba kay King?”

Kinuwento ko kay Inna yung nagyari noong nasa UST kami. Yung sinabi sa akin ni Dan Gab, yung pagtawag ni Joana kay King, lahat.

Umiling ako. “Hindi. Hindi dahil sa kanya. Ayoko lang. Ang dami pa kasing dapat gawin. Kailangan, appropriate yung suot mo. Tapos magpapaayos ka pa ng buhok. Maglalagay ng make-up sa mukha. May kung anu-anong abubot pang kailangan sa katawan. Parang nakakatamad, alam mo yun…”

Nung nag-bell na at dumating na yung mga adviser namin, nagsimula na kaming gumawa. Kami ni Inna, sumama kami sa mga nagpipintura.

Mga dalawang oras ko ding ginawa iyon. Kaya napagdesisyunan namin ni Inna na mag-break muna. Nagpunta siya sa canteen, ako naman nilinis ko yung mga ginamit naming mga paintbrush.

Kakatapos ko lang linisin ng isang paintbrush ng may naramdaman akong may naglagay ng malamig at malagkit sa pisngi ko.

Humarap ako at nakita si Dan Gab na nakangiti sa akin. "Sabihin mo nga sa akin na hindi pintura yung nilagay mo sa mukha ko."

"Ano ka ba naman Sofia, bagay naman sa iyo ah! Para kang yung nasa commercial," tumigil siya tapos kumanta. "Bonakid! Batang may laban!" Hawak na niya yung tiyan niya sa sobrang tuwa.

Dinampot ko yung paintbrush na hindi ko pa nalilinis. "Bonakid pala ah."

Tumigil siya sa pagtawa. Alam ata yung gagawin ko kaya nung lumalapit ako, umatras siya. Atras siya ng atras tapos kumaripas na ng takbo.

"Hoy! Bumalik ka dito!" hinabol ko siya. Buong school ata yung tinakbo namin. Maya maya nakita ko si Dan Gab na bumabagal na ng takbo. Nung nakarating na ako sa tabi niya, nakita ko yung dahilan kung bakit siya tumigil. Nasa harap niya yung principal.

"Yes, Ms. D. It won't happen again," sabi niya.

Tinignan lang ako ng masama ni Ms. D tapos umalis na siya.

"Pinagalitan ka?" Nagtanong pa ako eh obvious naman.

"Tumatakbo tayo sa campus eh. Grabe Sofia, ibang klase yang sistema mo. Hinihingal na ako tapos ikaw--"

Tumigil siya sa pagsasalita noong pininturahan ko yung mukha niya.

"BWAHAHAHA! Revenge is so sweet! Huwag kang magbalak na burahin 'yan!"

"Kapag hindi mo binura yung sa'yo."

Oo nga pala. May pintura din ako sa mukha. "Deal. Pero bawal lang burahin pag nasa school."

"Deal." At nag-shake hands pa kami.

Pagbalik namin sa Hall hinanap ko si Inna pero wala siya doon. Tinanong tanong ko pa sa iba naming kaklase kung nakita nila yun pero panay hindi alam kung nasaan si Inna. Kaya umupo na lang ako sa may gilid ng stage. Hindi naman mawawala yung babaeng yun. Nasa school lang yun.

Grabe uhaw na uhaw na ako. Matapos yun power run namin ni Dan Gab, kahit tubig ulan, iinumin ko para lang mawala yung uhaw ko.

At parang milagro, may nag-abot sa akin ng bote ng tubig.

"Salamat."

"Pinapabigay ni Inna. Sabi pupunta muna siya sa music room at may pinapagawa sa kanya si Mr. Salarza," umupo sa tabi ko si King.

Uminom ako ng tubig. Naubos ko pa yung nasa bote. Grabe halimaw lang uminom ng tubig eh. Sa tabi ko, hindi naman nagsasalita si King. Nakatingin lang siya sa paa niya na naka-dangle sa stage. Ako naman, nafi-feel ko yung need to fill the silence. Pero hindi naman siya awkward.

"So... pupunta ka mamaya?"

Tumango siya.

"Talaga?"

Napatingin sa akin si King dahil sa sagot ko."Bakit parang gulat ka?"

"Hindi kasi ikaw yung tipong pumupunta sa ganitong okasyon."

Ngayon, humarap ba talaga siya sa akin. "Teka nga. I'm missing something here. Enlighten me, please. Anong tipong tao ba ako?"

"Alam mo na..." Hindi niya ata naintindihan yung hand gestures ko. "Yung ano..." Paano ko ba sasabihin ito?

Ginaya ko yung mukha ni King. Yung pagkakunot ng noo niya kapag nagsasalita. Yung pagsimangot niya. "Themed party?" Pagsabi ko sa boses niya. "Ano namang gagawin ko diyan? Aksaya lang iyan ng pera. Mas madami pa akong magagawa sa bahay kesa sa party na hindi naman ako mage-enjoy."

Pinigilan ko yung tawa ko noong ginawa niya yung mukhang ginawa ko. Yung nakasimangot na nakakunot yung noo. "Hindi naman ako nagsasabi niyan ah."

"Pero iyon naman ang nasa isip mo. Teka nga. Bakit naman bigla mong gustong pumunta?"

"Pinapapunta ako ni Joana," simpleng sagot. Pero parang biglang bumagsak yung balikat ko nung narinig ko.

Ngumiti ako. Masaya na naman ako dahil kahit papaano nakarating kami ni King sa puntong ganito. Yung minsan na lang kami mag-asaran. Yung PARANG kaibigan na din niya ako. Ayos na ako doon. Tutal wala naman kaming paghahantungan diba? Hanggang magkaibigan lang. Iyon yung naging final na desisyon ko. Na mag-move on na kay King. Kasi nakakatakot na. Alam mo yung feeling na iyon? Yung nasa gilid ka na ng pinakamataas na building tapos isang step na lang malalaglag ka na. Ayokong gawin iyon. Ayokong magtake ng step kasi alam kong malalaglag ako. At natatakot ako.

"Talaga?! Ang sarap namang malamang may babaeng hindi mo matiis."

Hindi siya sumagot. "Ikaw kulot. Pupunta ka?"

"Hindi."

"Talaga?" Ginaya niya yung tono nung tinanong ko ito sa kanya kanina.

"Bakit parang gulat ka?" Ginaya ko din siya. Akala mo ah.

"Ikaw kasi yung tipong pupunta sa ganito."

Tinaasan ko siya ng kilay. "I'm missing something here. Enlighten me, please. Anong tipong tao ba ako?"

"Alam mo na," pati hand gestures ko ginaya. At in-attempt pang gayahin yung boses ko. "May party! Yehey! Happy happy na! Pasasayahin ko lahat ng nandito!!! Weeee!!"

Hawak ko na yung tiyan ko sa sobrang tuwa. He looks so ridiculus. Hindi bagay. Pero noong nag-sink in na yung mga sinabi niya sa akin, napatigil ako.

"Teka. Hindi kita maintindihan."

"Kulot. Iyon ang lagi mong ginagawa. Kapag may nakikita kang tao na hindi masaya pasasayahin mo. Ginagawa mong responsibilidad na pasayahin lahat ng tao."

"So mukha akong clown sa iyo."

"Hindi iyon ang ibig kong sabihin," hinagod niya yung kamay niya sa buhok niya. "Una, yung kay Joana. Tapos na yung pustahan natin pero tinulungan mo pa din siya. Sinamahan mo kami noong kumain kami sa labas. Yung sa lola mo, hindi mo na inisip yung sarili mo, lagi kang nasa ospital pag-uwi kasi sabi mo kailangang magpahinga ng Mama mo dahil maghapon na siyang nagbabantay. Nung play, pwede kang tumanggi na kunin yung role pero ginanap mo pa din. Ngayon naman..."

"Ngayon naman?"

"Wala. Kalimutan mo na iyon."

“Hmph. Akala ko wala na. Masungit pa din pala,” bulong ko sa sarili ko.

“Ha?”

“Ah. Wala. Sabi ko aalis na muna ako,” at sakto sa minutong iyon, tinatawag ni Lyka  yung atensyon ko mula sa malayo. “May kailangan ata sa akin si Lyka.”

Umakyat ako sa stage tapos lumapit kay Lyka. May tinatanong siya tungkol sa bagong novel na pinapabasa ko sa kanya. Dumadaldal pa ako noong marinig kong may tumutugtog ng gitara sa may right side ng stage. Na-distract ako kasi hindi ako makapag-concentrate sa kinukwento ko kay Lyka kaya napatingin ako sa mga classmates ko na nagsa-soundtrip sa tabi. Nagigitara si Dan Gab. Figures. Lagi namang nagigitara si Dan Gab eh.

“Sofia!” nakabilog yung dalawang kamay niya sa bibig niya habang sinisigaw yung pangalan ko. “Pakinggan mo ito!”

Ilang beses ng nag-away
Hanggang sa magkasakitan
Na 'di alam ang pinagmulan

Pati maliliit na bagay
Na napag-uusapan
Bigla na lang pinag-aawayan

Ngunit kahit na ganito
Madalas na 'di tayo magkasundo
Ikaw lang ang gusto kong makapiling
Sa buong buhay ko

Kahit na binabato mo ako ng kung anu-ano
Ikaw pa rin ang gusto ko
Kahit na sinasampal mo ako't
Sinisipa't nasusugatan mo
Ikaw pa rin
Walang iba
Ang gusto kong makasama
Walang iba
Walang iba

Nagsimula sa mga asaran
Hanggang sa magkainitan
Isang eksenang bangayan na naman
Ba't ba kase pinagpipilitan
Ang hindi maintindihan
Di naman kinakailangan

Ngunit kahit na ganito
Madalas na di tayo magkasundo
Ikaw lang ang gusto kong makapiling
Sa buong buhay ko…

Sumabay pa yung mga ka-tropa niya sa pagkanta.



Kahit na binabato mo ako ng kung anu-ano
Ikaw pa rin ang gusto ko
Kahit na sinasampal mo ako't
Sinisipa't nasusugatan mo
Ikaw pa rin
Walang iba
Ang gusto kong makasama
Walang iba

Kahit na binabato mo ako ng kung anu-ano
Ikaw pa rin ang gusto ko
Kahit na sinasampal mo ako't
Sinisipa't nasusugatan mo
Ikaw pa rin
Walang iba
Ang gusto kong makasama
Walang iba

Wag ka ng mawawala
Hmm, walang iba.

Malakas na palakpakan naman ang binigay ng mga classmates ko dahil nakasaksi pa sila ng libreng concert. Ako naman, hindi makagalaw sa kinatatayuan ko. Nagulat lang talaga ako sa ginawa ni Dan Gab. Kahit kelan sa buhay ko hindi pa ako naka-experience na maharana ng kahit sino kaya… wow. Nakakahiya din pala. Nararamdaman kong umiinit yung pisngi ko. Should I be flattered or embarrassed?

Lumapit sa akin si Dan Gab na may hawak na mansanas. Noong nasa harap ko na siya, sinabi niya, “Sabi ko sa’yo liligawan kita eh. There’s more to come. Ito,” nilagay niya yung mansanas sa kamay ko. “Sabi nila, ‘An apple a day keeps the doctor away.’”

Tumawa ako. “Banat ba iyan? Ang corny.”

Nagkibit balikat siya. “Whatever works. See you tonight, Sofia.”

“Hindi ako pupunta mamaya.”

“Pupunta ka. Trust me.”

“Ano ba Ate huwag ka nang umiyak,” pagmamakaawa ni Joana.

“Hindi ko mapigilan eh. Torture itong ginagawa ninyo sa akin!”

“Basta huwag ka na kasing umiyak para matapos na natin ito.”

“Bakit pa kasi kailangan pa akong lagyan ng eye-liner? Bakit kailangan ko pang mag-make up? Bakit kailangan ko pang magsuot ng high heels? Bakit? Bakit? Bakit!!!”

“Ate, sinasabi ko sa’yo kapag hindi ka tumigil sa pagiinarte itatali kita sa upuan,” at binalikan na niyang i-ambush yung mata ko.

So sa pagkakaalam ninyo, hindi ako pupunta ng themed party. Sa pagkakaalam ko din eh. Pero bakit ako nag-aayos? Simple lang ang explanation. Responsibilities.

Kinausap ako ni Mrs. Saragosa na kailangan daw ako para mag-assist sa program sa gabi dahil ako daw yung gumawa ng flow. Nagdahilan pa ako kay Mrs. Saragosa na maayos na yung flow at naibigay ko na yng instructions kina Angela para i-execute nila. Hindi na nila ako kailangan. Magagaling na din naman sila kahit wala ako.

“Ayan, tapos na,” sabi ni Joana noong natapos na siya. “Bakit kasi last minute ka na kung magpasabi. Ayan tuloy rush na yung mga damit na binili sa’yo ni tita. Pero bagay sa iyo, ate. Sayang nga lang nakatago pa yung mukha mo sa maskara,” tumingin siya sa relo niya. “Baka ma-late pa tayo.”

May kumatok sa pinto ng kwarto niya at binuksan yung pinto. “Jo, ihahatid na kayo ng Daddy mo.”

Si Joana, na kanina lang ay nakangiti ay biglang napasimangot. “Huwag na, Ma. Kaya na namin ni Ate Pia.”

Nakita kong kinagat ni Tita yung labi niya na parang may gusto pa siyang sabihin pero pinigil niya yung sarili niya. Tapos nagbuntong hininga siya. “Sige. Mag-ingat kayo ah,” tinignan niya si Joana tapos ako. “Pia.”

“Thank you po, Tita. Sisiguraduhin ko pong uuwi si Joana in one piece.”

Noong sumara na ang pinto, hinarap ko si Joana. “Okay. Ano iyon. Bakit parang may nangyayaring hindi ko alam?”

“Ah. Wala iyon, Ate. ‘Wag mo nang pansinin,” iniwasan niya ang tingin ko at nagpunta sa banyo.

Sinundan ko siya. “May problema ba? Alam mo namang mapagsasabihan mo ako di ba? Bata pa lang ganyan na tayo,” pinakita ko sa kanya ang magkadikit kong hintuturo at middle finger.

Tumigil siya sa harap ng salamin tapos doon niya ako tinignan. “Matagal ko nang gustong sabihin pero hindi na tayo madalas magkita. Not since…” tumigil siya.

Not since mamatay si Lola.

Iyon ang dapat niyang sasabihin. Simula noong pumanaw si Lola naging madalang na ang family bonding time namin.

“Anyway,” pagpapatuloy niya. “Ikukwento ko sa iyo pagkatapos ng party. I promise. Sa ngayon, mag-enjoy muna tayo.”

Wow.

Iyan ang unang sumagi sa isip ko pagdating namin sa Hall. Kaninang umaga, maganda na siya. Pero ngayong gabi, at nasamahan na ng lights at yung ambience na dala nung mga tao, feeling ko nasa pelikula ako. Yung mala-fairy tale na pelikula.

Nakakalula. Kahit saan ka tumingin, itim at puti lang yung kulay na makikita mo. Hindi, mali. Itim at puti yung damit. But the masks… iba-iba. Para akong malulunod sa dami ng maskarang hindi ko alam kung sino yung tao. Hindi ko tuloy alam kung saan ako pupunta.

Ah. Backstage. Kailangan kong pumunta sa backstage para sa trabaho ko. Tapos uuwi na ako. Okay! Good plan.

Sa backstage nakita ko si Lyka, Angela at Maren. Binaling nila yung atensyon nila sa akin noong pumasok ako. Wala silang suot na maskara kaya tinanggal ko din yung akin.

“Guys, ano na?” bati ko.

“Sofia?” nagtatakang tanong ni Angela.

“Bakit?” nagtataka ko ding sagot.

“Sofia!” ulit ni Angela.

“Bakit!”

“Sofia!” tumili na siya.

“Nako Angela kapag inulit mo pa yung pangalan ko ewan ko na lang kung anong gagawin ko sa’yo!”

“Hindi ko lang mapigilan. Ikaw ba iyan? Hindi kita makilala.” Tapos tumawa siya. Nakita ko din sina Lyka at Maren na parang hindi makapaniwala sa nakikita nila.

“Mukha ba akong clown?” Hinawakan ko yung pisngi ko. Parang ang dami kasing pulbo na nilagay ni Joana doon.

“Clown?” sabi ni Maren. “You look stunning!”

“Bakit ngayon ka lang nag-ayas ng sarili mo. Tinatago mo pa pala iyang beauty mo.”

I snorted. “Beauty? Artificial beauty kamo. Make-up lang may gawa niyan. Tsaka madilim. Nako! Huwag niya na akong pansinin. Ituloy na natin yung plano.”

“Akala ko ba hindi ka pupunta, Sofia,” sabi ni Lyka.

“Ha? Eh hindi ba kailangan niyo daw ako ngayon? Sabi ni Mrs. Saragosa kinausap niyo daw siya.”

“Kinausap? Hindi ah. Kaya na naman namin ito eh.”

Bumagsak ang balikat ko dahil parang nasayang yung effort ko sa pagpunta. Not to mention ang mahal ng ticket. “Kung ganon, sinong nagsabi sa kanyang pumunta ako sa themed party?”

“Ako,” sabi ng boses sa likod ko. Humarap ako para tignan kung sino yung nagsalita. At sa harap ko, isang lalaking naka-slacks, rolled up sleeved white shirt topped with black vest and a killer smile ang sumalubong sa akin.

Si Dan Gab.  

• • • • • • • • • • • • • •

to be continued...

Continue Reading

You'll Also Like

21.1K 6.4K 37
Paano kung mangyari sa buhay mo ang nangyayari sa iyong Love Game App? Anong gagawin mo? Remember that this is not your ordinary Love Game App. DON'...
318K 1.4K 5
Diane is one of the boys kind of gal. Dahil laki sa Hacienda, kasama ng mga trabahador, natuto siyang magpakumbaba sa kabila ng angat siya sa buhay...
4.7K 544 46
Everything to Chrisvy Leonore Fransisco was just like a blink of an eye. She left her bestfriend who cheated on her. She was devastated. Before she l...
164K 3.2K 73
She's Floricel Valencia Tahimik na buhay lang ang tanging gusto nya kaya nag paka layo layo sya sa pamilya nya. Pero talagang mapag laro ang tadhana...