LIANNA's POV
*yawn*
Inaantok pa ako tapos may pasok na naman ngayon hay. Dalawang linggo na rin ako dito sa Academy. Ang bilis lang nang isang linggo.
Waaaah nakakamiss yung mga kaibigan ko huhu.
Ano ba yan di naman ako ganito eh. Sa totoo nga eh kinakawawa ko sila haha
Makapasok na nga.
Teka saan si Jess , baka pumasok na at iniwan ako. -___-
Yung bang habang naglalakad ka pinagtitinginan ka. Ano ako artista?
"Ang ganda nya talaga"
"Kaya lang bruha"
Bruha pero maganda astig din sila noh.
-__-. Grabe rinig na rinig ko sila di ba nila halata.
"Baka ikaw , bulag ka ba tingnan mo nga mas disenti pa yung ayos nya kesa sayo"
Go girl!
" Bakit ka ba nangingialam eh buhay ko to ah"
"Kaya nga buhay mo nga pero nangingialam ka pa nang ibang may buhay"
Ganda nila panuudin sa harap ko pa. Kaya ang gawa ko sumandal ako sa may pader at nanuod sa kanila. Kulang na lang pagkain haha.
"Paki mo ba"
"Paki ko rin sayo! Basta para sa akin maganda sya at malakas pa di tulad mo talaga bang Silver Class ka? Para kasing Bronze Class ka eh"
"Eh ikaw Bronze Class ka naman nanggaling diba lumakas ka lang kaya napunta ka sa Silver Class"
"Eh kasi hindi naman masama magpalakas kesa sayo na hindi nahiya isang mahina nilalait yung malakas oh diba para kang tanga"
Ganyan nga. Ang ganda nilang panoodin.
"Kung maka tanga ka ano pinagmamalaki mo ha"
"Malamang utak ko kasi mas may isip ako kesa sa sayo...gets mo"
"Ano naman ngayon, atleast maganda di tulad mo ang pangit"
"Maganda daw baka kabaligtaran , maganda kaya ako di mo ba nakikita malabo na siguro yang mata mo."
"Asumera"
"Baka ikaw ? Mas maganda naman si Lianna sayo, dyosa sya witch ka lang"
"Mas dyosa pa ako sa kanya"
"San banda di ko makita?"
Nakagulat ako nang biglang may tumabi sa akin.
"Mukhang enjoy ka ah" Si Prince Blake lang pala.
"Oo eh ganda nila panuodin eh, yung pinaguusapan nga nila sa harap lang nila" Sarcastic kong sabi.
Sumandal din sya sa pader na sinasandalan ko. Ano to nakikigaya sa akin. Di bali na lang.
"Aisst mas maganda pa rin si Roxanne kesa sa kanya"
"Mas maganda kaya si Lianna"
"Kaya pala" bulong na sabi ni Blake, kuha nya rin pala.
Ang totoo nyan nakikinig ako di lang dahil nagagandahan ako manuod sa kanila kundi dahil na rin sa pinupuri ako. ^__^v
Nginitian ko naman si Blake.
"Ang pangit nya kaya, dinaya nya lang yung nangyari sa Power Leveling Test kaya nakakuha sya ng level 89 "
"Daya ba yun ang linis kaya nya makipaglaban, bulag ka na nga tara samahan kita sa Clinic baka may magawa sila sa mata mong malabo"
"Sabi nang hindi malabo ang mata ko, talaga namang nan---Prince Blake"
"Malabo kaya...teka anong sabi mo Prince Blake eh si Lianna at Roxanne pinag-aawayan natin, nangdadamay ka naman ah"
"Tanga si Prince Blake nanunood sa atin"
"Eh tama ka nga....hi Lianna fan mo pala ako..hehe ganda mo talaga ikaw din Prince Blake ang gwapo mo"
Akala ba nila umalis ako kanina kaya di nila napansin na kanina ko pa sila pinapanuod.
Ngumiti lang ako sa babaeng pumupuri sa akin kanina pa. Maganda naman sya eh! Taga- Silver class nga sila pareho pero nag-aaway.
Si Prince Blake naman tinitingnan lang sila.
Tapos ayun parang nakaramdam nang hiya yung isa di nakapagsalita eh. Lakas makalait kanina ngayon parang ziniper yung bibig.
Lumakad naman ako, sumabay naman sa akin si Prince Blake. Tapos na kasi yung show sayang ang ganda pa naman nang away nila haha
Nakarating naman kami sa room.
At isa lang ang tao walang iba kundi si Prince Keith lang saan kaya yung iba. Wala din si Jess, pati yung ibang Royalties.
Ano ba ang meron ngayon?
Sino naman tatanungan ko ngayon , kung si Prince Keith naman baka di ako pansinin, naka-nap lang kasi sya malay mo baka tulog makaistorbo pa ako. Eh kung si Prince Blake naman, parang feeling close naman yata ako kinausap lang ako kanina ibig sabihin pwedi ko na syang kausapin. Kapal ng mukha lang ang peg.
Pero kung hindi ko kakapalan mukha ko di ko malalaman kung anong nangyayari bakit wala ang iba dito. Wala namang nabanggit sa akin si Jess.
"Ah...Prince Blake pweding magtanong?" Mahinang sabi ko baka magising yung katabi ko eh.
"Nasa Training Ground sila nag-eensayo para sa sunod na week" nangunot naman ang noo ko.
"Ano bang meron sa sunod na week" kinakalikot ko na yung buhok ko kasi nga baka maasar sya sa akin tanong ako ng tanong.
"White Academy Battle"
"Salamat Prince Blake" sabi ko sabay ngiti kahit di sya nakatingin sa akin.
Oo nga pala ano bang nangyayari tuwing White Academy Battle, battle na word pa lang siguro ay labanan. Pero bakit di ako aware? Si Jess talaga di man lang sinabi sa akin.
Bigla namang tumayo si Prince Blake. Saan kaya sya pupunta?
"Punta lang ako ng Training Ground" sabay lakad nya, bakit pa kaya sya nagpaalam pero ok lang naman nasagot naman yung tanong ko eh.
*kruuuugh*
Ngek tumunog yung alarm nang ng tiyan ko. Gutom na! Hindi nga pala ako nakakain ng umagahan. Tanga nakalimutan ko.
Nakita ko namang gumalaw yung mga braso ni Prince Keith. Narinig nya kaya, nakakahiya. >.<!
Isang Keith Feirrystan, Prince nang Whitens Territory nakarinig nang alarm ng tiyan ko. Waaaahhh! Nakakahiya!
Bigla naman syang tumayo at biglang lumabas, ano naman kaya gagawin nun.
Nag nap na lang ako, nakakapagod pumunta ng Canteen. Tiisin ko na lang ito.
Sa totoo lang tinatamad ako mag ensayo. Ang pagkakaroon ng bagong technique ay natutunan ko lang sa pamamagitan lang ng pagbabasa nang libro. Kapag may nahanap ako tinitestingan ko kung magagawa ko o kaya pag tungkol naman sa halaman na kailangang hanapin umaalis kaagad ako at simulang hanapin.
Baka ngayon mahihirapan ako di yata pwedi lumabas dito nang hindi nagpapaalam sa HM. Maliban na lang kung marunong kang gumawa nang portal palabas.
*yawn*
Itutulog ko na lang siguro yung gutom ko. Nagsabay kasi ang gutom at pagkaantok ko.
Naramdaman kong may parang nilagay sa desk ko. Umangat ako nang tingin nakita ko si Prince Kieth tapos yung supot sa harap ko.
Saan to galing? Di kaya sa kanya? Malamang siya nga yung nasa harap ko eh. Naman Lianna utak mo nasa'n na!
"Kainin mo, rinig ko yung ingay nang tiyan mo" ngek narinig nya nga.
"t-thank you" naabala ko pa tuloy sya, ayos lang naman sa akin kahit di muna kumain pwedi namang mamaya na lang.
Umupo naman ulit sya sa upuan niya, tabi ko.
Binuksan ko naman yung supot at bumungad sa akin ang di gaanong karaming pagkain kasama na ang dalawang apple at tubig. Seryoso, lalo akong nagutom.
Nilantakan ko naman yung pagkain. Gutom kasi ako, sensya na.
Ganyan ang nagagawa nang gutom sa halip na mabagal na pagnguya sa akin mabilis na pagnguya sana di ako mabulunan.
Sabi ko nga nabulunan ako.
Nakita ko naman na may umabot sa akin ng tubig. Agad ko naman itong kinuha dahil hindi na ako makahinga.
"Salamat" nakatingin lang pala sya sa akin.
Dobleng kahihiyan na pala ngayon ang natatamo ko. Kanina papuri ngayon kahihiyan. Naks. Ganda noh (sarcastic tone)
"Tss takaw"
Nginitian ko na lang sya basta kasi pagkain di ako umuurong. Masarap naman ang pagkain eh.
Kasi wala namang hindi masarap sa taong gutom.
Mabait naman pala sya eh. Masungit nga pero may tinatagong bait. Tao nga naman, nasa loob ang puso. Saging lang naman ang nakalabas ang puso.
SOMEONE'S POV
Kagagaling ko lang nang Training Ground at pumunta ako dito sa room.
Nakakapagod ah.
Hindi natuloy ang pagpasok ko nang makita ang scene nila. Masakit ah!
Di itatangging bagay sila.
Ngayon lang di tumanggi si Prince Keith na may umupo sa tabi nya eh pwedi naman nyang tanggihan yun.
Tapos ngayon ito sya inabutan ng tubig ang kumakaing Lianna na mukhang nabulunan sa kakakain. Nagkatinginan pa sila at makikita sa mata nila na parang may kakaibang meaning.
Tsss. Sakit ah.
Tagal ko na syang gusto di nya lang ako napapansin. Kasi nga di nya alam. Ayoko din magtapat kasi takot akong ma-reject nya, ngayon kahit di ko sabihin reject na talaga ako kahit di ko pa aminin sa kanya. Nasaktan na ako nang dahil sa kanya. Mahirap mag-move on sa tinagal na naging gusto ko sya hanggang sa naging mahal ko na sya.
Matagal na kitang mahal Prince Keith Fierrystan.
Di ko alam kung tama ba itong gagawin ko, para lang sa kaligayahan ko gagawin ko ang anumang paraan makuha ka lang lalo't na't ngayon malapit na ako sayo.
***
-btgkoorin-