Fireworks (boyxboy) (Complete...

By malebolge

115K 2.6K 567

Naniniwala ka ba sa fairy tale? Eh sa sinasabi nilang sparks pag nakita mo ang taong posible mong mahalin? T... More

Fireworks
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Last Chapter
EPILOGUE - 10 years after

Chapter 5

6.7K 154 22
By malebolge

Mabilis na lumipas ang isang linggo, ito nga at sinisimulan na namin ang aming pinaka-unang class project, yun ay walang iba kundi ang isang group dance performance para sa aming PE. Kung tutuusin ay madali lang ito para sa akin dahil marunong naman ako sumayaw at isa pa ay mahilig akong sumayaw.

Andito kami ngayon sa quadrangle kung saan kami pinulong ng aming PE professor na si Mrs. De Silva. Nakakatuwa nga si Mrs. De Silva kasi para itong nanay na kalog at cool. Unang meeting pa lang namin last Thursday ay talaga namang alam mong gustong gusto siya ng aming klase. Paano ba naman, puro biro at pa-joke ang ginawa niya noong unang meeting at sinabihan kami nito na galingan namin ang aming class dance project ay siguradong mataas ang makukuha naming marka.

Bilang class president sa PE class ay ako ang naatasan na mag-isip kung anong klaseng sayaw ang aming sasayawin. Ang gusto ko sana ay modern dance, pero karamihan sa amin ay kaliwa ang mga paa kaya naman nagkaroon ng botohan kung anong sayaw ang aming sasayawin...

"Guys, ano ba ang gusto niyong sayawin? I am suggesting modern dance instead of the usual folk dance, pero kung meron kayong suggestion, feel free to share it to everyone." Sabi ko sa mga kaklase ko.

"Eh hindi naman lahat marunong sumayaw eh." Sabi ng isang classmate kong babae.

"Kaya nga I'm asking everyone kung ano ang gusto niyo. I'm just suggesting the modern dance kasi hindi siya ganun ka-boring. Isa pa, hindi siya magastos when it comes to costumes." Nakangiti kong sabi.

"Yeah, he is asking everyone the dance that we like." Maarteng sabi ni Gilbert na kaklase naming bakla na nagpaningkit ng mga mata ko.

Alam ko kasi na iniinis ako nito at hindi naman siya nabigo. Panay din ang ingles nito na pilit akong ginagaya kahit mali mali naman just to prove sa mga kaklase namin na marunong din siyang mag-ingles at para magmukha siyang sosyal sa lahat dahilan para kainisan siya ng buong klase. Ako naman ay nakasanayan na ng klase ang ugali ko, nung una ay ilag sila dahil akala nila hindi ako nagsasalita ng Filipino at para daw akong sosyal, pero nang malaman nila na kumakain din ako kung saan sila kumakain at sinasakyan ang mga sinaskyan din nilang mga PUV ay unti unti na silang napalapit sa akin, dahilan na din kung bakit ako ang pinili nila bilang class president sa karamihan ng aming subject. 

Hindi ko lang pinapansin si Gilbert sa mga pahaging nito sa akin. Hindi man direktang sabihin na ako yun, pero base sa mga pagpaparinig niya ay alam kong ako ang pinatatamaan nito. Nagtimpi lang ako nitong mga nakaraan araw, pero mukhang hindi ako nito titigilan, kaya naman...

"And why don't you just shut your f*cking mouth?" Sabi ko dito na ikinatahimik ng mga classmate namin.

"What do you mean?" Tanong nito.

"Oh c'mon, Gilbert. You are now in college and I think, you are not stupid either not to know what I mean." Sarkastikong sabi ko dito na ikinataas ng kilay niya.

"I will not ask if I know the answer." Mataray niyang sabi.

"Never mind." Sabi ko na lang. "Now, any suggestions?"

"Ang hirap kasi sa iba diyan masyadong mayabang. He is nothing but an ordinary student like me." Biglang parinig ni Gilbert.

"I may be an ordinary student like you, but we're totally different. You see Gilbert, speaking in english doesn't make you "sosyal", especially if you're always gramatically incorrect. If you really want to be "sosyal", you must have breeding. Unfortunately, you lack that." Sabi ko sa kanya.

"Whatever! I'll just go and leave this school. My tita is rich enough to enroll me in a school for rich people like me." Sabi nito sabay tayo at kuha ng bag.

"Go on, Gilbert. Go ahead and suck your aunt's blood dry. That's what parasites do, di ba?" Nakangisi kong sabi dito na ikinasingkit ng mata niya.

"I'm not parasite. It's not my fault if I'm born rich." Pagmamalaki pa nito.

"That's right, Gilbert. Keep telling yourself that." Pang-asar ko sa kanya at hindi nagtagal ay umalis na ito sa meeting namin.

"Now, show's over! Suggestions?" Tanong ko sa klase.

-----------------

Napagkasunduan na gawin modern dance at ballroon ang gagawin naming class project. All for you ni Janet Jackson ang sa modern dance at Baila ni Jennifer Loper naman ang sa ballroom. Nagpresenta naman ang classmate naming si Dulce na siya ang bahala sa choreographer para sa modern dance at si AJ naman ang bahala sa ballroom since nagbo-ballroom ito.

Nang matapos ang aming meeting ay pinaglaro na lang kami ni Mrs. Da Silva. Kanya kanyang kuha ng bola ang mga classmates ko sa office ni Mrs. Da Silva. Mapa-basketball or volleyball meron. Meron din na nag-badminton at may naglaro ng patintero. Ako dahil hindi ako masyadong mahilig sa sports ay tinapos ko na lang ang Harry Potter: Prizoner of Azkaban na ibinigay sa akin ni ate Ria. Niyaya naman ako nila Gerlie na maglaro, pero tinanggihan ko ito dahil mas gusto ko pang magbasa kaysa maglaro.

Habang nagbabasa ako ay may umakbay na naman sa akin at this time ay sinigurado ko muna kung sino ito dahil baka mapahiya na naman ako. Paglingon ko sa umakbay sa akin ay hindi ko napigilang sikuhin ito.

"Argh! Ang sadista mo naman!" Pag-atungal nito habang hinihimas ang parte ng katawan niya na natamaan ko.

"Pwede ba Mr. Ang, tigilan mo yang pag-akbay akbay mo sa akin. Hindi ako natutuwa!" Singhal ko dito.

"Bakit, sino gusto mo umakbay sa'yo? Yung asungot na Natnat na yun." Tugon niya sabay turo kay Natnat na naglalaro ng basketball.

"Ayoko ng may umaakbay sa akin at kahit siya ay ayaw ko din na umaakbay sa akin." Inis na sabi ko dito.

"Tss! Pakipot ka masyado!" Singhal nito sa akin.

"Hindi ako nagpapakipot! Ayoko lang sa'yo!" Singhal ko din sa kanya na ikinatahimik niya.

Ilang sandali din itong natahimik, pero ng akala ko'y lulubayan na ako eh nagkamali ako...

"Wala pa akong ginusto na hindi ko nakuha." Bulong nito sa akin na may halong pagbabanta.

Tinignan ko ito ng masama at saka nagsalita...

"Meron na! Ako!" Sabi ko at saka tumayo, subalit napa-"aray" ako ng mahigpit niyang hinawakan ang aking kanang wrist.

Agad naman itong humingi ng paumanhin at sinabing nabigla lang siya. Nakapukaw ng atensyon ng iba ko pang mga kaklase ang nangyari sa amin kaya naman agad na nagpaalam sa akin si LJ. Hindi ko alam, pero parang nakakita ako ng lungkot sa mga mata nito kaya naman agad ko itong hinabol upang hindi siya mapag-hinalaan ng mga kaklase ko.

"LJ, sandali!" Pagtawag ko dito na ikinalingon naman niya.

"Sorry talaga, Arden. Hindi ko talaga sinasadya na mahigpitan ko ang pagkakahawak sa'yo." Paghingi nito ng paumanhin.

"Okay lang yun, LJ. Pasensya na din kung nasungitan kita. Ayoko lang kasi na may umaakbay sa akin." Sabi ko.

"Promise, di na ako uulit." Sabi ni LJ.

"Nangako ka na ha." Nakangiti kong sabi dito.

Matapos nun ay nagpaalam na si LJ at ako naman ay bumalik na sa pwesto ko. Ipinagpatuloy ko ang pagbabasa hanggang sa matapos ang subject namin. Pagkatapos nun ay naglunch kami kasabay nila Gerlie, pero sa pagkakataong ito ay sumabay din sa amin si Natnat. Nagkataon na nagkasabay kami ni Natnat na umorder at hindi ko inaasahan ang sinabi nito.

"Mukhang nagkakamabutihan na kayo ng ungas na yun ah." Sabi nito.

"Huh? Sino?" Tanong ko.

"Yung LJ." Maiksi niyang tugon.

"Ah yun ba? Naku hindi. Nagkalinawan lang kami. Yun siguro ang mas akmang dapat sabihin." Sabi ko.

"Ah...payong kaibigan lang, Denden. Hangga't maari, iwasan mo yung LJ na yun." Pagpapaalala nito.

"Bakit naman?" Tanong ko.

"Basta lang. Iba kasi pakiramdam ko sa taong yun. Isa pa, nabalitaan ko na pang-limang eskwelahan na niya itong eskwelahan natin. Tarantado daw kasi yun at miyembro pa ng T_ _ G _ _ _ _ Fraternity. Basag ulo lang ang alam nila kaya umiwas ka na lang para hindi ka madamay." Pagpapaliwanag nito.

"Kaya mo ba sinasabi yan kasi sasali ka din sa A _ _ Fraternity?" Tanong ko dito na ikinabigla niya.

"Paano---" Ang hindi niya naituloy dahil pinutol ko na ito.

"Kay Gerlie. Magkabatch nga daw kayo." Sabi ko. "Kung basag ulo lang ang frat na kinabibilangan ni LJ, ano naman ang sa inyo?" Tanong ko na ikinatahimik ni Natnat.

"Natnat, hindi naman ako against sa mga fraternities. May nababalitaan man akong hindi maganda tungkol sa ganyang samahan eh, mayroon din naman na mabubuti silang ginagawa. Isa pa, malapit ka ng maging member ng isang sikat na fraternity at sa tingin ko ay ayaw mo din na sabihin ng iba na basag ulo lang ang alam niyo." Mahabant litanya ko dito.

"Oo na po, master..." Sabi nito na ikina-iling ko. 

Patuloy ang naging pag-uusap namin hanggang sa makuha na namin ang aming inorder. Pilit pa din akong pinapalayo ni Natnat kay LJ, pero sinabi kong kaya ko ang sarili ko. Marahil ay alam nito ang posibleng mangyari sa pagitan nila ni LJ at ayaw lang siguro ako nito madamay. Kahit pa man wala pa akong nababalitaan o nabalitaan na nagkaroon ng frat war sa eskwelahan namin ay hindi pa din maiaalis sa lahat ang pangambang maari itong umusbong.

Hindi na namin pinag-usapan pa ni Natnat ang tungkol sa frat o kahit ang tungkol kay LJ nang makarating kami sa aming pwesto. Masaya kaming kumain at nagulat pa ito ng sumandok ako ng ulam niya. Natulala pa siya nung una, pero nang nagsandukan na kami nila Gerlie ng ulam ay nakita ko itong napangiti at hindi nagtagal ay sumandok din siya ng aking ulam.

Pagkatapos namin mag-lunch ay nagpaalam sila Gerlie at Natnat dahil imimeeting sila sa frat na kanilang sinalihan. Gusto ko din sanang sumali nang imbitahan kami noon sa orientation, kaso mas pinili kong mag-concentrate na lang sa aking studies. Since may bakanteng kaming dalawang oras ay nag-desisyon akong pumunta ng library upang magbasa. Sila Diane at ang aming mga kaibigan/kaklase ay nagpasya namang pumunta ng bayan upang samahan si Gie na bumili ng damit. Pagkadating ko sa library ay agad ako naghanap ng mga paranormal books, sa kasamaang palad ay puro mga medical books ang nandoon kaya naman pinagpatuloy ko na lang basahin ang Harry Potter book na dala ko. Humanap ako ng bakanteng la mesa at nagsimulang magbasa.

"Harry Potter...nice book!" Sabi ng isang lalaki.

Nang tignan ko ito ay tila ba tumigil ang galaw sa buong paligid at tanging tibok lang ng puso ko ang aking naririnig. Hindi ko alam, pero tila ba nawala ako sa aking sarili at natauhan na lang ako ng alugin nito ang braso ko.

"Okay ka lang? Kanina pa ako nagtatanong kung pwedeng maki-share ng table." Nakangiti nitong sabi.

Wala sa wisyo na tumango ako dito at maya maya pa ay tumabi na ito sa akin at nagsimula ng magsulat.

Hawak ko lang ang libro ko at sa kanya pa din ako nakatingin. Tila ba namagnet ang mga mata ko at hindi ko maalis ang pagtitig ko sa kanya. Matangkad, medyo chubby, pero ang cute lang ng lalaking katabi ko ngayon. Not your typical greek god type, pero pasok na pasok sa pagiging boy next door type. Hindi ko namalayan na nakangiti pala ako habang tinitignan ko ito at marahil kung cartoon lang ako ay naghugis puso na ang mga mata ko. Natauhan na lang ako ng marinig ko itong magsalita...

"Baka matunaw ako niyan." Sabi niya na tila ba natatawa pa.

Agad ko namang inalis ang tingin ko sa kanya at itinutok ang aking mga mata sa librong aking tangan. Ganun man ang aking posisyon ay hindi pa din mapakali ang aking mga mata sa pagsulyap sulyap dito. Nagulat na lang ako ng maramdaman ko ang pagdampi ng panyo na kanyang hawak sa gilid ng aking labi.

"May laway kasi." Nakangiti niyang sabi.

Naramdaman ko ang pag-init ng aking mukha at saka kinuha ang panyo ko sa bulsa at ipinunas yun sa aking bibig. Alam kong nakakatawa dahil totoo ngang may laway ang gilid ng aking labi at kulang na lang ay lamunin ako ng lupa sa sobrang kahihiyan. Habang nakayuko at nagpupunas ng aking laway ay narinig ko ang bahagyang pagtawa nito dahilan upang lingunin ko ito subalit agad din akong umiwas ng may sabihin ito sa akin.

"You're blushing." Naka-ngiting sabi nito na aking ikinayuko.

Hindi ko alam kung gaano katagal iyon dahil pakiramdam ko ay lutang na lutang ang isip ko sa mga oras na iyon. Muling akong natauhan ng magsalita siyang muli.

"I'm Lucky Ramos and you are?" Pagpapakilala nito sa akin.

"De--De." Ang nautal kong sabi.

"Dede? Dede ang pangalan mo?" Nakangiti pa din siya.

"Hi--hindi. Denden...Denden ang pangalan ko este Arden. Arden Tuazon, pero Denden ang itawag mo sa akin." Ang nauutal at natataranta sabi ko.

Natawa naman siya matapos kong sabihin ang pangalan ko, lakas loob kong tinanong kung ano ang nakakatawa. Ang sabi niya lang ay natawa siya sa pagpapakilala ko at ang cute ng nickname ko.

Hindi na ako nakapag-basa pa dahil nagsimula na akong kausapin ni Lucky. Nalaman ko na 19 years old na siya at 2nd year irregular sa kursong PT. Sa ginawa niyang pakikipag-usap sa akin ay aaminin kong sobra akong nailang at nahiya nung una, subalit dahil mabait siya at parang masarap kausap ay nag-loosen up na din ako at hindi naman ako nagsisi na makipag-usap sa katulad niya.

Sa mga oras na iyon ay pakiramdam ko na parang kaming dalawa lang ang nasa loob ng library. May mga pagkakataon na nagbibiro ito at kahit pa ang boring eh para bang nakakatawa ito sa aking pandinig. Nalaman ko din na mahilig din siya sa Harry Potter tulad ko at paborito niya si Severus Snape. Nang sabihin ko sa kanya na paborito ko si Hermione Granger ay hindi na ito nagtaka dahil halata naman daw na babae ang gusto kong character. Nang matapos naming pag-usapan ang tungok sa Harry Potter ay may tinanong ito na bigla ko naman ikinaseryoso...

"Denden, I saw you and LJ Ang last week. I was supposed to greet you dahil naalala ko nun na ikaw yung nabangga ko, pero bigla ka na lang inakbayan ni LJ Ang. May namamagitan ba sa inyo ni Mr. Ang?" Litanya nito.

"Huh? Wala!" Pagtanggi ko. "Actually, nakita din kita noon at na-excite nga ako nang makita kong palapit ka sa akin kaso bigla kang umiwas dahil kay LJ." Sabi ko na bahagyang nalungkot sa huling sinabi ko.

"I see...close ba kayo ni Mr. Ang para akbayan ka niya?" Tanong nitong muli.

"Honestly, that's the first time that I met him and believe it or not eh nabanas ako ng akbayan niya ako kasi hindi ka na lumapit sa akin." Sabi ko at nang malaman ko ang huli kong nasabi ay napatakip ako ng aking bibig.

Napatawa naman si Lucky sa ginawa ko. Para daw akong batang nahuling nagsisinungaling. Ilang saglit pa...

"I hope we can be friends, Denden. Kahit pa magkaiba tayo ng course at 1 level higher ako sa'yo, sana hindi yun maging hadlang para maging close tayo." Nakangiti niyang sabi.

Marahil ay kumukutitap na parang bituin ang aking mga mata sa mga oras na iyon at ramdam ko din ang pag-rigudon ng puso ko matapos kong marinig ang salitang "maging close tayo". 

"Siya na kaya ang prince charming ko?" Tanong ko sa aking sarili at hindi ko na naman namalayan na lumutang na naman ang aking isip. Natauhan muli ako ng alugin uli ako ni Lucky.

"Nakakatawa ka talaga at ang cute mo lang pag natutulala ka." Natatawang sabi nito na agad ko namang ikinapula.

Hindi namin namalayan ang oras hanggang sa makatanggap ako ng text mula sa aking pinsan na nasa room na daw sila at doon na lang din daw ako dumiretso. Nagpaalam na ako kay Lucky, pero bago iyon ay kinuha ni Lucky ang cellphone number ko para naman daw makapag-usap pa din kung sakaling hindi kami magkita dahil sa magkaibang schedule namin. Matapos makuha ni Lucky ang number ko ay tila ba inuugoy ako ng hangin at parang hindi ko maramdaman ang aking mga paa ng lumabas ako ng library. Saktong paglabas ko ng pinto ay nag-vibrate ang phone ko at nang basahin ko ito...

"It was nice to finally meet and talk to you. Looking forward for more chats with you. - Lucky c'',)"

Kulang na lang ay himatayin ako sa sobrang kilig na nararamdaman ko. Parang hindi pa din ako makapaniwala na nakausap ko na at makakausap pa ang taong nagpaparigudon ng aking puso. Sa sobrang kasiyahan ay hindi ko namalayan na narating ko na ang aming classroom. Nagtanong man sila Diane kung saan ako nagpunta ay tila ba lutang akong sinagot sila na kanila naman kinataka.

Dumating, nag-discuss at umalis ang aming professor nang hindi ko man namamalayan. Tila ba wala ako sa sarili at ramdam na ramdam ko pa din ang pag-tibok ng aking puso na tila ba tinatawag ang pangalan ni Lucky. Kung hindi pa ako binatukan ni Diane ay hindi ko malalaman na uwian na pala. Nang makalabas kami ng eskwelahan ay naunang nagpaalam sila Natnat at Gerlie dahil pupunta pa ito sa tambayan ng sinalihan nilang frat. Sumunod na din ang iba pa naming mga kaibigan at kaklase at kami naman ni Diane ay naiwan upang mag-abang ng tricycle pa-bayan. Habang naghihintay ay nag-vibrate ang aking cellphone kaya naman agad kong tinignan kung sino ang nagtext.

"LUCKY MYLABS: Ingat ka sa pag-uwi, Denden. I'll see you around. c",)"

Kaya naman halos lumampas ang ngiti ko sa aking tenga matapos ko iyon mabasa. Magrereply sana ako ng may nagtext muli.

"CUTIE NATNAT: Ingat kayo ni Diane sa pag-uwi. Lalo ka na. Pinapasabi ni Gerlie na ang pangit niyo daw! Hahaha! Kita-kits tom! ^.^v"

Napangiti muli ako sa text na iyon mula kay Natnat at sinabi ko sa pinsan ko ang sinabi ni Gerlie dahilan para kunin ni Diane ang phone niya at itext si Gerlie. 

Muli ay nagtangka akong replyan sila Lucky at Natnat nang muling may pumasok na text message.

"0918XXXXXXX: Denden tingin ka sa likod mo sa bandang taas..."

Nakakapagtaka man na number lang ito ay tumingin ako sa aking likuran at nang tanawin ko ang second floor ay nakita ko si LJ na nakadungaw sa bintana at kumakaway sa akin. Kinawayan ko ito at nagsenyas siya na tignan ko muli ang aking cellphone. Maya maya pa ay nag-vibrate muli ito.

"0918XXXXXXX: Ingat ka sa pag-uwi. May klase pa kasi ako kaya dito na lang ako nagbabye sa'yo. I'll see you soon! Tsup! :-)"

Matapos kong mabasa ang text ni LJ ay nilingon ko ito at kumaway muli bilang tanda ng pagpapaalam ko sa kanya. Kumaway muli ito at ilang sandali pa ay kinalabit na ako ni Diane dahil nakapag-para na ito ng tricyle. Bago ako sumakay ay kumawaya muli ako ng isa pang beses kay LJ at ganun din ang kanyang ginawa, pero this time may kasama pang flying kiss.

Nang nasa byahe na kami pauwi ay hindi ko maiwasang mapangiti sa mga nangyari sa akin sa eskwelahan lalo na nung uwian kung saan nakatanggap ako ng mga text messages sa tatlong lalaki na akin ng mga kaibigan. Hindi ko tuloy maalis sa aking isipan na baka isa na sa kanila ang aking magiging prince charming na sasagot sa aking mga katanungan tungkol sa pag-ibig.   

Continue Reading

You'll Also Like

2.9M 180K 59
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
2M 24.9K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...
113K 2.9K 21
He was dubbed as the most notorious playboy sa barkadahan nila. Maangas, matalino, at oozing with sex appeal: ilan lamang iyan sa mga katangian ni Re...
2.6K 252 24
Simple lang ang pangarap ni River, ang magkaroon ng sarili niyang lugar na pwede niyang tirhan at punta puntahan na naganap agad dahil sa passion niy...