Chapter 2

8.2K 188 28
                                    

Mabilis na lumipas ang mga araw at ngayon nga ang huling araw ng bakasyon. Sa mga nakalipas na araw ay nagawa kong makapagpasa ng bio-data sa McDonald's at Jollibee. Ang sabi ng mga guards ay tatawagan na lang nila ako pag nagkaroon na ng bakante. Nakuha ko na din ang uniporme ko at nang isukat ko ito ay tanging nasabi ko sa sarili..."this is good".

Andito kami ng pinsan kong si Diane sa kanilang terrace at kumakain kami ng paborito naming isaw, bato-bato at balut na nabili namin sa labas ng gate ng village nila.

"Ano isusuot mo bukas?" Tanong sa akin ng aking pinsan.

"Hmm...polo at slacks siguro. Ikaw?" Tugon ko.

"Ano pa ba? Eh di damit." Pang-asar na sagot nito.

"Gaga ka talaga!" May inis kong sabi habang nilalantakan ang pangatlo ko ng isaw on stick.

Tinawanan lang ako nito at nakain din ng kanang paboritong bato-bato. Maya maya pa...

"Excited na ako. Gusto ko na mag-duty sa ospital!" Masayang sambit ni Diane.

Hindi na ako magtataka kung bakit ito excited pumasok. Bata pa lang kami ay pangarap na nitong maging nurse dahil kay tito Leo na tatay niya. May sakit kasi ito sa kidney at para na din sa sarili niya na diabetic. Gusto niya maging dialysis nurse para pag dumating ang panahon na kailangan ng i-dialysis ni tito Leo ay siya na ang gagawa nito.

"Pagnakatapos tayo Denden, mag-abroad tayo. Tapos pag naka-ipon tayo, patayo tayo ng dialysis center." Sabi niya sa akin habang nakatingin sa labas ang ngumunguya.

Napatingin ako kay Diane dahil alam kong seryoso siya pagdating sa usapan tungkol sa aming mga future. Kahit naman burara at parang easy go lucky ang pinsan kong ito ay alam ko kung kelan ito nagsesersyoso,

"Ikaw na lang ang mag-abroad. Balak ko kasi mag-aral ulit at kumuha ng kursong journalism. Alam mo naman na pangarap kong maging broadcaster sa TV, di ba?" Sabi ko sa kanya.

"Hayaan mo magseshare ako pag nagpatayo ka ng dialysis center. Siguro naman 10 to 15 years from now eh may naipon ka na sa pag-aabroad mo at siguro malaki na din sahod ko bilang journalist." Dugtong ko pa.

"Ano ka ba? Sayang naman yung gugugulin mong panahon sa college kung hindi mo i-pupursue ang pagiging nurse mo." Sabi sa akin nito.

"Well, mahabang panahon pa naman ang gugugulin natin sa college, malay mo magustuhan ko din ang nursing, pero sa ngayon journalism talaga ang gusto ko." Nakangiting sabi ko dito habang binabasag ang pwet ng balot.

"Basta pakopyahin mo ako ng mga sagot mo, dapat tabi tayo pag-exam. Tulad nung Kinder pa tayo." Natatawa niyang sabi.

"Naalala mo pa yun? Teka nga, bakit wala ka sa top ten eh pinakopya naman kita noon." Takang tanong ko dito nang maaalala ko ang mga kinder days namin.

"Eh paano hindi ko maintindihan yung sulat mo. Hanggang ngayon ang pangit mo pa ding mag-sulat. Kaya pag pinakopya mo ako, gandahan mo ang sulat mo!" May pagbabantang sabi nito.

"Wala yan sa ganda ng sulat, nasa laman yan ng utak. Hahaha!" Natatawang sabi ko.

"Ikaw na ang matalino!" Ang parang inis niyang sambit.

"Alam mo yan!" Tugon ko.

Nagpatuloy lang ang amin usapan at tawanan. Binalikan ang mga alaala nung kami'y mga bata pa at na-excite sa magiging buhay namin sa colegio. Hindi nagtagal ay naubos na namin ang mga biniling street food. Dahil kapwa kami busog ay agad kaming dinalaw ng antok. Pumasok na siya sa kwarto ng kapatid niyang si Lovely dahil dun siya pansamantalang natutulog habang gamit namin ni mommy ang kwarto niya. Ako din ay pumasok na sa kwarto. Nang makahiga ay agad na akong binalot ng antok.

Fireworks (boyxboy) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon