Chapter 3

6.2K 166 10
                                    

Kinabukasan ay maaga kaming pumasok ni Diane. Alas-otso kasi ang una naming klase at kahit basa pa ang mga buhok namin at umalis na kami tutal matutuyo naman ito agad dahil sa bilis ng mga jeep papuntang Antipolo.

Habang nasa biyahe kami ay hindi ko naiwasang isipin si Natnat. Hindi kasi naging maganda ang paghihiwalay namin kahapon. Isa pa, hindi din ako nito kinausap o binati man lang matapos kaming mananghalian. Alam ko naman na nakapagbitiw ako ng hindi maganda, pero talagang isa yun sa mga pet peeves ko kaya naman hindi ko naiwasang mainis. Nakatulala lang ako nang bigla akong kausapin ni Diane...

"Sino kaya ang magiging prof natin sa Logic? Sabi nung isang kaklase natin baka daw yung dean." Sabi ni Diane.

"Naku, hindi ko alam. Wala naman kasing nakalagay sa mga classcards natin. Eh ano kung yung dean ang magiging prof?" Sabi ko dito.

"Sobrang strict daw nun sabi." At napatingin ito sa akin.

"Paano mo naman nalaman eh hindi pa nga natin name-meet?" Tanong ko dito.

"Sabi kasi nung isang kaklase natin, narinig daw niya yun sa mga higher level. Tapos every meeting my graded recitation at ang pinakamalala, nambabagsak." Sabi nito na tila ba kinakabahan.

"Sus! Eh ano kung may recitation? Eh di mag-aral nang may maisagot. Isa pa anong malala sa pagbagsak? Mangyayari lang yun kung hindi ka nag-aaral." Sabi ko.

"Palibhasa matalino ka kaya ganyan ka. Eh sa katulad ko, paano na?" Medyo inis nitong sabi.

"Eh ano pa't naging pinsan mo ako? Syempre tutulungan kita." Nakangiti kong tugon.

"Sabi mo yan! Pag ako bumagsak, bugbog ka sa akin." Natatawang sabi nito.

"Oo na!" Sabi ko din at bahagyang natawa sa ka-bruskohan ng pinsan ko.

Hindi nagtagal ay narating na namin ang bayan. Tulad kahapon pagkababa namin sa may simbahan ay sumakay na kami ng tricycle patungo sa aming eskwelahan. 

Nang marating namin iyon ay medyo nakakapanibago. Paano ba naman, sobrang tahimik at akala mo ghost town ang loob. Siguro, ganito lang talaga pag maaga ang oras ng klase. Nakita din namin ang iba pa naming mga kaklase na nakaupo sa mga upuan sa lobby ng eskwelahan habang hinihintay ang oras. Umupo din kami malapit sa kanila ng may makita kami ni Diane na bakante.

"Hi! Di ba classmates namin kayo?" Tanong nung babae naming classmate.

"Oo. Ako si Diane at ito ang pinsan kong si Arden." Pagapapakilala ni Diane.

"Hello! Oo mukhang sikat na nga itong si Arden sa classroom. Umamin daw ba kasi sa buong klase." Sabi nito at biglang tumawa dahilan para mapatawa ang iba naming kaklase na naka-upo din sa may lobby.

"I don't know what's funny with what I said yesterday, besides why should I hide when I know for a fact that I'm a homosexual?" Sabi ko na medyo irita.

"Grabe naman ang taray!" Sabi nung classmate na kausap namin at nagtawanan muli sila. Maya maya pa ay huminahon na ang mga ito.

"Ganyan ba kayong mga taga Maynila? Masyado niyong sineseryoso ang lahat?" Tanong nito.

"No, but making a---" Hindi ko na naituloy ng pigilan ako nito

"Hep! Hep! Pwede bang mag-tagalog ka? Nasa Pilipinas ka at wala sa Amerika. Isa pa, hindi mo kailangan magyabang na marunong kang mag-ingles." Sabi nito na bahagya pang natawa.

Fireworks (boyxboy) (Completed)Where stories live. Discover now