Chapter 8

5.2K 140 19
                                    

Kinabukasan sa aking pag-gising ay tinignan ko ang aking cellphone kung nagtext na si Lucky. Sa kasamaang palad ay wala pa din akong natanggap sa kanya na kahit anong mensahe. Malungkot man ako, pero pinilit ko pa din na iwaksi yun sa aking pag-iisip at nagsimula ng maghanda upang pumasok.

Pag dating namin ni Diane sa eskwelahan ay nag-stay muna kami sa lobby hanggang sa magsi-datingan na din ang aming mga kaibigan. Maaga kasi kami palagi ni Diane pumasok dahil medyo mahirap sumakay ng pa-bayan kapag umaga. Nagkaroon muna kami ng kaunting pag-uusap hanggang sa nakita na namin si Mrs. Florague na paakyat na sa second floor upang tunguhin ang aming classroom.

Tulad ng mga nakaraang meeting ay discussion lang ang aming ginawa. Hindi mahilig magpa-graded recitation si Mrs. Florague o kahit ang magpa-quiz. Ang labanan daw sa kanya ay ang resulta ng bawat exam kada grading period at kahit wala pa mang prelims ay hindi naming maiwasang paghandaan ito. Bali-balita kasi sa mga upper levels na hinawakan niya ay madugo daw ito magpa-exam.

Naging mabilis naman ang aming klase kay Mrs. Florague at hirap man ako sa paghabol sa pagkopya ng lahat ng sinulat at diniscuss niya ay nagawa ko naman ito ng maayos. Bakit ba kasi hindi ako nagkaroon ng photographic memory para hindi na ako nahihirapang magsulat. Oo at madali akong matuto at madali umintindi ng lesson, pero kailangan ko iyon isulat at basahin upang lubos kong maintindihan. Pagkalabas namin ng classroom ay tutungo na sana kami sa kinakainan namin sa may Southridge School nang hatakin ako ni Natnat sa isang bakanteng kwarto.

"Ano ba ang problema mo?!" Singhal ko dito.

"Dapat pala dinadaan ka sa dahas para kausapin mo ako!" Inis ding sabi nito.

Tinignan ko lang siya ng masama at ilang saglit pa ay nagtangka akong lumabas ng classroom na yun, subalit pinigilan ulit ako ni Natnat at isinandal sa whiteboard.

"Pwede ba?! Patawarin mo na naman ako. Hangga't hindi mo ako pinapansin ay lalo mo lang pinapaalala sa akin yung ginawa ko sa'yo." Pagmamakaawa nito.

"Pwede din bang alisin mo yang mga kamay mo sa braso ko at baka hindi ako makapag-pigil!" Inis kong sabi dito, pero hindi niya ginawa.

"Please...ano ba ang pwede kong gawin para lang mapatawad mo ako. Hindi naman ganun kalaki ang kasalanan ko sa'yo para hindi mo na ako pansinin at kausapin. Please Arden, bumalik na tayo sa dati. Namimiss na kita..." Sabi nito.

"Natnat, sa totoo lang ay pinatawad na kita, pero hindi ko pa din matanggap sa loob ko na nagawa mo yun sa akin. Natnat, kaibigan kita at kung tutuusin ay ikaw ang pinaka-una kong naging kaibigan kahit nagkatampuhan agad tayo nung first day kaya ganun na lang ang hinanakit ko ng itulak mo ako at pagbantaan dahil lamang sa pagtulong ko sa'yo." mahabang litanya ko.

"Humingi naman na ako ng tawad. Ganyan ka ba katigas?!" Tanong nito sa akin at medyo napataas siya ng boses.

Pinilit kong wag sabayan ang inis nito at minabuti kong huminga muna ng malalim bago nagsalita.

"Hindi Natnat. Ganito lang talaga ako masaktan." Sabi ko dito na ikinatigil niya.

"Hayaan mo lang muna ako. Papalipasin ko lang ang sama ng loob ko sa'yo at pagkatapos nun, kung handa ka pa rin na maging kaibigan ako, babalik tayo sa dati. Huwag mo akong pilitin Natnat kasi lalong hindi maganda ang pwedeng mangyari." Sabi ko pa.

Nang naramdaman kong lumuwag ang paghawak sa akin ni Natnat ay bahagya ko siyang tinulak at saka lumakad palabas ng kwarto, pero bago pa man ako makalabas...

"Sana bumalik pa tayo sa dati Denden..."

Sandali akong tumigil, pero agad din akong lumabas at hindi na siya nilingon pa. Sa totoo lang ay parang may kung anong tumutusok sa dibdib ko sa pag-iwas ko kay Natnat. Mahal ko siya bilang kaibigan at hindi ko din itatangging mayroon din akong nararamdaman para sa kanya, subalit ayoko naman na lokohin ang sarili ko na magpanggap na ayos lang ako sa harap niya, pero ang totoo ay hindi.

Fireworks (boyxboy) (Completed)Where stories live. Discover now