The way I was

By xxakanexx

2M 60.2K 7.8K

What will you do if you found out that everything you believe into is nothing but lies? Consunji Legacy # 18 ... More

The way I was
Prologue: Green eyes
1. Where is home?
2. Hazel Eyes
3. Dante, masakit
4. Again
5. Soul
6. Chaos
7. Crossroads
8. News
9. Nostalgia
10. Mahal
11. Bad news
12. Explosives
13. Billboard
14. Game Change
15. War
17. Usap-usapan
Epilogue: Spiel

16. Paninindigan

53.8K 2.1K 120
By xxakanexx

"Did you miss me?"

I almost rolled my eyes when I saw Hyron Demitri on his side of bed, already awake and smirking like that. Gusto ko siyang taasan ng kilay pero naisip kong hindi pa nga pala ako nagto-tooth brush kaya itinakip ko sa bibig ko ang kumot na nasa pagitan naming dalawa. Itinaas baba niya ang mga kilay niya.

"Bakit hindi ka sumasagot, huh?" Napaigik ako nang bigla niyang tusukin ang tagiliran ko.

"Hyron!" I giggled. Lumapit siya sa akin to bury his face on my eck. I felt a lot better when he's near to me like this. Naiisip ko ang tagal nang panahong nasayang naming dalawa dahil natakot ako sa tunay na buhay na mayroon siya. Natakot ako kay Eos Demitri at natakot akong marinig ang sinasabi ng mga tao sa paligid ko that I am not good eough for him.

Dapat pala kasi wala akong pakialam sa kahit na anong sabihin ng ibang tao laban sa akin at sa kung anong mayroon kaming dalawa. Hyron Demitri is Hyron Demitri – kahit na anong pangalan ang ikabit niya sa kanyang sarili, hindi rin naman mawawala sa kanya ang dugong nananalaytay sa kanya.

He will always be a Demitri and I will always be myself.

"Did you miss me? Back when you were in Italy?" Tanong niya. Hindi ko alam kung bakit kailangan niyang tanungin iyon sa akin. Sa totoo lang wala namang ibang alam ang isipan ko noon kundi siya. I did what I did to spare him the pain, ang akala ko kasi ay makakalimutan ko ang lahat ng ito, siya, pero hindi ko nagawa. Kahit saan man ako makarating, alam kong uuwi pa rin ako sa puso ni Dante – o ni Hyron. It doesn't matter, he's the man I love.

"Of course, I missed you." I smiled at him kahit na hindi niya ako nakikita dahil nasa leeg ko ang buon mukha niya. I played with the curls of his hair. Noon siya tumingin sa akin.

"Aalis tayo, may pupuntahan tayo."

"Saan?" I asked. Ibinalik niya ang mukha niya sa leeg ko.

"I will introduce you to my parents."

Hindi kaagad ako nakakibo. Paano niya gagawin iyon? The last time I remember, his family hates me. Akala ng kapatid niyang si Hunter, bayaran akong babae. Ipinakilala niya ako as his girl back in the days. Everyone in his family thinks that I'm a hooker. Tapos iyong pinsan ni Hyron – si Tia Vejar, she saw me in Eos Demitri's house and she somehow got this impression na karelasyon ako si Eos Demitri. Matagal nang panahon iyon pero ang tao ay napakahirap lumimot.

"You said you'd stay beside me, right? Stay with me, Lualhati." Sabi niya pa. I played with his hair again. I will stay with him. I will fight for him. Papatunayan kong ako ang para sa kanya at hindi ibang tao.

Nagsimula ang araw namin ni Hyron nang ipagluto ko siya nang almusal. I am not used to seeing him like this – iyong naghahanda siya para sa sarili niya – he was picking ties, vest and other things. Nakapasok ako sa walk in closet niya at halos lumuwa ang mga mata ko nang makita ko ang iba't ibang klaseng rolex watch niya na nakalagay sa ilalim ng coffee table. He grinned when he saw my reaction.

"I have plenty of these. You want?"

"Nope. I'm good. Nasaan ang necktie mo?" Tanong ko pa. Itinuro niya ang necktie niya. Kinuha koi yon at inayos sa kanya. He wore a gray three – piece suit. May kasama pang hat iyon. Tuwang-tuwa si Hyron habang nakatingin siya sa akin.

"Bakit?"

"Hindi ko kasi naisip na possible pa ito. Thank you for coming back."

"Don't thank me yet. Eos Demitri is a bomb ticking. Hindi ko alam kung anong kaya niyang gawin."

Lalong yumabang ang hitsura ni Hyron.

"He's just Eos." Sabi niya. Hinagkan niya ako sa labi nang matagal tapos ay pinakatitigan, matapos iyon ay muli na naman niya akong hinagkan sa noo.

"Will I see you tonight?" He asked.

"You will. I just have to deal with some appointments. May pictorial din kasi ako."

"Alright. I will miss you, Pangga." Kinindtan niya ako saka umalis na. Inayos ko naman muna ang mga gamit niya bago ako umalis din ng condo unit niya. Wala na ang sasakyan ni Hyron nang magpunta ako sa parking lot. Inaasahan ko na rin kasi na babalikan ako ni Eos Demitri at hindi nga ako nagkamali. Ngayon ko pinagsisihan ang mga desisyon ko noon – kung bakit tinaggap ko ang tulong na ibinibigay niya – kung bakit sumama ako sa bahay niya – kung bakit hinayaan ko siyang pumasok sa buhay ko.

Pakiramdam ko ay isinanla ko ang kaluluwa ko sa demonyo.

Pinalibutan ako ng mga tauhan niya. Hindi naman nagtagal ay pumarada sa harapan ko ang kotse niya. I stood still. Wala akong dapat katakutan.

"Hello, Lualhati." He smiled at me.

"Hi din naman, Epal." I said. Natawa siya.

"Tumaob ang Bangka. Sumama ka na naman sa kanya. They will never approve of you." I rolled my eyes. Matagal at maraming beses ko nang naririnig ang bagay na ito. Noon ay pinanghihinaan ako ng loob pero ngayon, wala na lang sa akin ang mga sinasabi niya.

"Wala bang bago?" I asked him.

"I will kill, Hyron." Seryosong sabi niya.

"O, tapos?" I sighed. "Alam mo Eos, tawagan mo ako kapag may iba ka nang ibabanta sa akin na matatakot talaga ako." Sabi ko sa kanya. Nilagpasan ko siya at sumakay sa unang taxi na huminto sa harapan ko. Umuwi ako sa hotel kung saan ako naka-stay. Pagdating ko roon ay sinalubong kaagad ako ng kapatid ko. Sa couch na nga yata siya natulog.

"Ate, saan ka galing?"

"Tumawag na ba iyong ka-meeting natin ngayon?" I asked her.

"Hindi pa. Kumain ka na ba? Mag-ayos ka na kaya para hindi tayo ma-late. Traffic pa naman. Saan ka ba kasi galing?" She asked again. Naupo ako sa couch kung nasaan siya at saka ngumiti.

Ngayon lang ako nakakangiti nang ganito. Kanina kasi ay may halong takot at kaba talaga.

"Kasama ko si Hyron buong gabi." Pag-amin ko. Nanlaki ang mga mata ng kapatid ko.

"As in si Kuya Dante?! Nagkabalikan na kayo? Paano na si Eos? Akala ko talaga kayong dalawa!"

"Hindi..." I smiled again. "Kasama ko si Hyron..." I sighed again. "Magkasama kami and it feels damn good."

*******

"You missed me?"

Tumawa ako pagpasok ni Junko sa opisina ko. I was sitting in my swivel chair while looking at the view of the thirty-second floor of my office. Ngising-ngisi na ako.

"How's Nigeria, Junks?" I asked her.

"Mainit pero maganda. Next time sa Cambodia ako pupunta. Why are you smiling like that?" Tanong niya. Kung meron mang makakapuna ng kakaibang saya ko, si Hyan iyon o kaya man si Junko pero dahil nauna kong nakita si Junko ay tama talaga ang hula niya.

"I am with Lualhati again. This time it's for real." Sabi ko sa kanya. Naupo siya sa gilid ng mesa ko tapos ay tumawa

"Dapat naman, Hyron. Ang tagal na! Ilang chicken joy na ang kinain natin pero hindi pa rin napapasa'yo ang joy na hinahanap mo, at least now, you are one step closer, Hyron. And I am really happy for you." Sabi niya. Dama ko naman ang sensiredad sa boses niya. Tumayo ako para yakapin siya nang mahigpit but then the hug was cut too short because my office door opened at iniluwa niyon si Hyan – ang kakambal ko at si Hunter na kunot na naman ang noo.


Dala ni Hyan ang pamangkin naming si Louise.

"Oh, Hello, Junko." Bati ni Hyan. Bumaling siya sa akin. "You look extra happy." Sabi niya sa akin. Junko laughed. Hinampas niya ang balikat ko.

"Anyway, iiwan ko si Louise dito dahil pupunta kami ni Abel sa ospital for his general check-up kayo na muna ni Junko ang bahala sa anak ko, please lang, Hyron, 'wag mo siyang bigyan ng chocolates! Hindi siya makakatulog kaagad!"

Si Hunter ay ganoon na lang ang sama ng tingin sa akin. I just shook my head. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay hindi niya ako napapatawad sa nangyari sa amin at sa pamilya ko. It's been a long time at naka-move on na ang lahat. Siya na lang yata ang hindi.

Dumaan ang araw na si Louise ang kasama ko sa opisina. Bukas pa daw ang balik ni Hyan at ni Abel. Iniisip ko kung iuuwi ko ba si Louise sa bahay nila Mama o iuuwi ko siya sa unit ko. Tutal naroon naman si Lualhati – but then I choose the latter. Umuwi ako sa unit ko tapos ako na rin ang nagluto dahil pagdating ko roon ay wala naman siya.

Alas siete nang gabi nang dumati ng si Lualhati. She looked tired. Pinagmamasdan ko lang siya habang natayo ako sa bar. I used to spend my nights just staring at her while she sleeps beside me.

Malaki na ang ipinabago niya. Wala na ang babaeng nakilala ko noon sa aplaya. All that was left was her face, her built pero hindi ko rin maitatanggi na may pagbabago sa ugali niya. She's bolder now, mas confident, she's everything a woman should be and I don't know if I should be thanking Eos Demitri for that...

She made Lualhati this... but I still hate her dahil kinuha niya sa akin si Lualhati nang napakatagal na panahon.

Natigilan siya nang mapansin niya si Louise na nakaupo sa couch ko at nakatingin sa kanya.

"Hey there little guy!" She smiled. "Anong pangalan mo?"

"Louise po. Ikaw? Girlfriend ka ni Uncle Daddy?" Tanong ng pamangkin ko.

"Parang ganoon na nga." Humagikgik siya. I was wrong. Naroon pa rin ang mapaglarong si Lualhati. Lahat ay pisikal na pagbabago lamang, pero hindi ang ugali niya.

Noon ako lumabas na may dalang isang basong tubig at ibinigay kay Louise. Hinagkan ko si Lualhati sa pisngi tapos ay yumakap siya sa akin.

"May bubwit pala dito! Anak ng kakambal mo?"

"Yup! Isipin mo, baling araw magkakaganyan din tayo." Namula ang mukha niya.

"Hyron ha, 'wag dito, may bata. Sira ulo ka." Binatukan niya ako. Muli ko naman siyang hinalikan.

"Nagluto ako pero tumawag na si Mama, kailangan kong ihatid si Louise sa mansion." Noon ako humawak sa kamay niya. "Isasama kita."

Matagal kaming nagtitigan. Sa tingin ko naman ay naintindihan niya ang sinabi niya sa akin. But then Lualhati smiled back and nodded at me. Kinuha niya ang bag niya at sumama sa amin ni Louise.

Aaminin kong kabado ako habang nagmamaneho papunta sa mansion ng mga magulang ko. Iniisip ko nab aka magkagulo, but then if they love me, they will love the woman I love.

When we got there, si Louise ang kauna-unahang bumaba ng sasakyan at tumakbo papasok sa bahay. Hawak ko ang kamay ni Hati. Naramdaman kong nanginginig siya habang papasok kaming dalawa.


Si Haley ang una kong nadatnan. Pababa siya ng hagdanan at natigilan nang makita ako. Si Hunter naman ay tiningnan si Lualhati mula ulo hanggang paa tapos ay umiling na tila ba may ibig siyang sabihin. Pero wala akog pakialam. Hinatak ko siya papunta sa silid ng mga magulang ko sa itaas.

My mother seemed appalled when she saw me with Hati. Si Daddy naman ay nakatayo sa may bintana at karga ang apo niya.

"Ma, Dad, this is Lualhati Serena, I am in love with her. Siya ang babaeng mahal ko, mamahalin ko at pakamamahalin ko sa buong buhay ko. I plan on making her one of us by marrying her. I've marked her, I've sealed her. She is mine as I was hers."

Walang nang atrasan. Paninindigan ko na ito. 

Continue Reading

You'll Also Like

2.1M 72.1K 22
Lost and found. Finders keepers. Missing Person. Wanted. Nagpatuloy ang buhay para kay Axel John. Pilit niyang kinakalimutan ang nawawala. Kung iisi...
Fix you By Cher

General Fiction

1.3M 45.2K 12
Monica Elizabeth Soria have made her decision: she is going to grow old alone. Why? Becayse the love of her life has finally found the love of his li...
2.7M 95.9K 21
Orion Consunji hated Red's former secretary, Victoria. She is too stiff, too organized and she always always rude to him. He made sure that he will s...
73.1K 174 1
Kahit kailan hindi ko ginusto maging center of attraction. Mas gusto ko 'yung invisible lang ako sa lahat ng tao. Lalo na sa school. Pero dahil sa ta...