She's The One

By KatrinaKayeDino_13

286K 2.7K 277

Kahit marami pang humadlang..kung mahal mo talaga siya kahit na pareho kayo ng kasarian Ipaglalaban mo ba si... More

She's The One<3
Chapter1: Love At First Sight<3
Chapte2: Ms. Sungit:)
Chapter3: Kulitan 101:)
Chapter4: NeckLace
Chapter5: Savior!:)
Chapter6: The Past!
Chapter7: What If
Chapter8: Sweet!;)
Chapter9: Cebu Baby:D
Chapter10: Day2 (Injury)
Chapter11: Day3 (Holding Hands:">)
Chapter12: Day4 (I Think I'm Fallen?)
Chapter13: Ikaw Rin Pala!:D
Chapter14: BadDay!:(
Chapter15: I Dunno Know:(
Chapter16: Sweet Morning:">
Chapter17: Sino nga ba?
Chapter18: Im Sorry:(
Chapter19: Tampo!
Chapter20: Jelly Baby:(
Chapter21: Back Again!!
Chapter22: OUCH!:"(
Chapter23: Masakit eh:'(
Chapter24: Why?
Chapter25: I Miss You:(
Chapter26: Tuloy parin?
Chapter27: Who's That Girl?
Chapter28: WAR!
Chapter29: The Truth
Chapter30: The Talk:)
Chapter31: The Start
Chapter32: Letting Her Go
Chapter33: I'll always be here for you;)
Chapter34: Christmas Eve;D
Chapter35: Christmas Date
Chapter36: Reminiscing The Past;D
Chapter37: Surprise Birthday Party!:D
Chapter38: The Rookies
Chapter39: AnSwet:"">
Chapter40: Wow!!:D
Chapter41: Getting Ready:)
Chapter42: Ateneo De Bora=)
Authors Note
Chapter43: Day2 (NoMo!=D)
Chapter44: Day3 (Inloved?!)
Chapter 45: Day4 (The Plan
Chapter 46: Day5 (Finally!!)
Chapter 47: Surprise!
Chapter 48: Start Of A Long Journey
Chapter 49: Kilig Overload
Chapter 50: Margie's Confession
Chapter 52: Stronger Together
Chapter 53: Forever and Always
Chapter 54: May Pag-asa kaya?
Chapter 57: Chance:)
Chapter 58: Mahal Kita<3
Chapter 59: My Valentine:)
Chapter 60: Mahal Kita, Walang Iba
Chapter 61: Cuddling:">
Chapter 62: Bihira nalang ang mga katulad niya:)
Chapter 63: The Sweet Manliligaw:)
Chapter 64: Lola Nanay:)
Chapter 65: Keleg Mats! :'"'>
Chapter 66: Bonfire Surprise
Chapter 67: AlyDen :)

Chapter 51: Dart Sa Heart :(

3.3K 37 1
By KatrinaKayeDino_13

MARGE'S POV

Hindi ko alam kung saang parte ng utak ko nakuha yung mga sinabi ko. Hindi ko alam kung saang sulok ng katawan ko nahugot yung lakas ng loob para sabihin sa kanya toh.

"M-marge..di kita maintidihan" sabi niya, pareho na kaming nakatayo pero medjo magkalayo ng distansya

Nagsalita na ako habang pinipigalan kong tumulo yung mga luha ko

"Hindi mo talaga ako maiintindihan. Kasi iniintindi mo ba talaga ako?..hindi naman diba..kasi siya yung Mahal mo, siya yung nagpapatibok ng puso mo, Samantalang ako..heto, at lihim na umiibig sa sayo!" nagsimula ng tumulo yung mga luha na kanina ko pa pinipigilan.

Naglakad na ako palayo sa kanya.

Wala siyang sinabi, walang lumabas sa bibig niya, wala.

Sumakay na ako sa kotse ko kasabay sa pagpatak ng mga luha ko. Hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko. May inis at takot. Nakakaramdam ako ng inis, kasi ni hindi man niya lang ako pinigilan, ni hindi man lang niya sinabi niya na mahal na niya din ako. Pero sa totoo lang, hindi naman niya talaga ako mahal eh. Ako lang nag-iisip na mahal niya ako. Anong magagawa ko kung hindi talaga niya ako mahal, kaibigan lang naman ako para sa kanya. Nakakaramdaman din ako ng takot, kasi baka after this, lumayo na siya sakin.

--

JIRAH'S POV

Napapikit na lang ako at napayuko pagkatapos kong marinig lahat ng sinabi niya.

Hindi ko inexpect ito, hindi ko inexpect na mangyayari toh, hindi ko inexpect na hahantong tong gabi na toh dito, hindi ko lubos akalain na Mahal niya ako.

Gusto siyang sundan kaninang naglalakad siya palayo, gusto ko siyang pigilan.

Hindi ko alam kung uuwi ba ako sa dorm ngayon o hindi. Kasi baka nasa dorm narin si Marge, baka pag nagkita kami baka hindi niya lang ako kausapin pagkatapos ng nangyari.

--

MARGE'S POV

Biglang nag-vibrate yung phone ko. Sign na may nag text.

*1 new message from Ate Dzi*

Napapunas ako sa mga luha sa mata ko.

Binasa ko yung message ni Ate Dzi

"Marge, nasan ka..its getting late na. Uwi na"

Kahit hindi ko kayang umuwi sa dorm, kahit hindi pa ako handa pag nagkita kami. Ayoko namang magalit sina Ate Dzi sakin

Nireplayan ko na yung text.

"Pauwi na po ako Ate Dzi..sorry po" replay ko

Sumakay na akong kotse ko at nag drive na pa-uwi ng dorm.

Habang nag da-drive ako, iniisip ko yung mga pwedeng mangyari mamaya. Iniisip ko yung pwede mangyari pag nagkita kami. Magkasama pa naman kami sa iisang room lang.

Pinarada ko na yung kotse ko sa parking lot ng Eliazo.

Hahawak na sana ako sa door knob pero bigla itong bumukas.

Si Ate Dzi..

Napayuko na lang ako nung nakita ko siya

"Hoy, okey ka lang" habang nakahawak siya sa braso ko

Inangat ko yung ulo at nagsimula ng tumulo yung mga luha ko.

Niyakap niya ako.

"What happened?" sabi niya

Pinapasok na niya ako sa loob at pinaupo sa sofa. Katabi ko si Ate Jem. Kinuhanan ako ng isang basong tubig ni Ate Dzi

"Oh, inom ka muna" alok niya

"Salamat Teh Dzi" sagot ko

Umupo siya sa tabi ko

"What happened?" sabi niya ulit

Hindi ako makasagot, hindi ko alam kung anong isasagot ko sa tanong nila

Napayuko nanaman ako.

"Nag-away ba kayo ni Jirah?" tanong ni Ate Jem habang hinahagod yung likod ko.

"U-umamin na po ako sa k-kanya" nauutal utal na ako dahil sa iyak ko

Hindi sila nakasagot pareho. Alam ko nagulat sila sa sinabi ko. Pero alam ko naman na alam nila na Mahal ko si Jirah.

"Ano?..kailan?" tanong ulit ni Ate Jem

"K-kanina lang po" sagot ko

"Ha?..ano bang nangyari?" ramdam ko talaga sa boses ni Ate Dzi at Ate Jem yung pag-aalala nila para sakin.

"I was about to go home kanina, pero she text me, sabi niya puntahan mo daw siya sa Park. Nung una hindi ko alam kong pupunta ba ako kasi this past few days hindi na kami masyadong nag-uusap. Pero naisip ko rin na baka may problema siya tsaka baka kailangan niya ako. Kaya hindi na ako nag dalawang isip na puntahan siya." tumigil ako at nagpunas ng luha na kanina pa tumutulo.

"Pagdating ko sa Park, nakita ko siya sa swing nakaupo, magisa at malalim yung iniisip. Kaya naisip ko na baka tama yung naisip ko kanina na baka may problema siya. Tinanong ko siya kung okey lang siya. Sabi ni Oo, pero hindi ako naniwala kasi nakikita ko sa mukha niya na may problema talaga. Then tinanong ko ulit kong may problema siya. Then she say na Nanliligaw na daw si Rex. At that time gusto ko ng lumubog sa kumg saan man ako nakatayo nung mga oras na yun. Humihingin siya ng payo sakin kung okey na ba daw na sagutin na niya si Rex. Ang sakit lang isipin na yung taong mahal mo humihingi ng payo na kung pwede siyang mapunta sa iba." magkahawak yung dalawang kamay ko habang tumutulo yung mga luha ko.

Huminga ako ng malalim at tinuloy ko yung sinasabi ko.

"Hindi ko na talaga napigilan yung sarili ko kaya umamin na ako sa kanya."

Niyakap ako ni Ate Dzi at nilagay yung ulo ko sa leeg niya. Habang hinahagod ni Ate Jem yung likod ko.

"Marge hindi naman sa sinisisi kita, pero kasalanan mo rin toh eh. Kung umamin kana dati pa, di hindi sana humihingin sayo ng payo ngayon si Jirah. Di sana hindi siya pumayag na manligaw si Rex sa kanya." aaminin ko nabuhayan ako sa mga sinabi ni Ate Dzi sakin. Kahit papano nakapag-pagaan ng loob ko.

"Hindi naman siya Manhid. Baka hindi lang niya maintindihan dati kasi ayaw mo siyang diretsohin?"

Kahit hindi ako sigurado dito sa gagawin ko, kahit hindi ko alam kung kaya ko ba o hindi. Sabi nga nila Ate Dzi, kasalan ko rin naman toh eh. Kung hindi ako nagpadala sa takot ko, baka dati pa..nung wala pang hadlang, naka-amin na ako. Masakit mang isipin pero alam ko naman na hindi niya ako Mahal eh. Kahit alam kong mali, pilit kong pinapaniwala yung sarili ko na sana Mahal niya rin ako.

Pagkatapos akong pahimasmasan at mapagaan yung loob ko nina Ate Jem at Ate Dzi. Pina-akyat na nila ako sa room ko para makapag-pahinga.

--

FILLE'S POV

Nakatodo yung aircon, nakasara yung mga kurtina at nakapatay yung ilaw.

Nakaunan ako sa braso niya, nakayakap at nakadantay ako sa kanya. Habang nanunuod kami ng Movie.

"Babe?" sabi niya

"Hm?" tumungin ako sa kanya

"May class ka bukas?" tanong niya

"Uhm meron..pero 8:00 to 12:00 lang po" sabi ko

"Ah ganun bha" sabi niya

"Why..may gusto ka bang puntahan?" tanong ko

"Uhm..uwi sana tayo sa bahay, I wanna tell Daddy na kasi eh" sabi niya

"Sure kana ba..baka mag-away lang kayo?" sabi ko

"Hindi naman siguro..basta, gagawa ako ng paraan" sabi niya

"Sige..I'll try to go home early tomorrow..okey?" sabi ko

"Thanks Babe" sabi niya

"No problem. I Love You" then lumapit siya sakin at hinalikan ako sa lips.

"I Love You More" tapos niyakap ko siya.

Biglang sumindi yung ilaw..

Si Dzi pala..di man lang kumatok-_-

"Landian nanaman?" habang sinasarado yung pinto at pumasok siya

"Haha..what can we do for you?" at umupo ako kama at umupo rin si Dzi sa harap namin

"Vivideo-hin ko sana yung landian niyo eh" sabi niya. Baliw talaga toh:)

Binato siya ni Gretch ng unan pero nasalo niya..Alert!

"Haha..joke lang..may sasabihin ako sa inyo" sabi niya at nilagay niya sa lap niya yung binatong unan ni Gretch

"What it is?" tanong ko

"Yung Baby niyo...umuwing luhaan" sabi niya..

Napa-upo narin si Gretch sa tabi ko. Nagulat siguro.

"Sino si Jirah??" tanong ni Gretch

"No, its Marge" sabi ni Dzi

"What happened?" tanong ko

"Eh sinapian siya ng lakas ng loob eh. Ayun, umamin kay Jirah!" sabi niya

"Ano?!" sabay naming sagot ni Gretch

"Kaya pala late ng umuwi. Yun pala yung dahilan. Eh baka kung hindi ko pa tinext, baka binunggo na niya yung kotse niya sa bigat ng nararamdaman niya" sabi ni Dzi

"Nasan siya?" tanong ni Gretch

"Nasa room na niya. Nagpapahinga na. Inaasikaso na siya si Jem. Hindi ko na siya pinapunta dito sa room niyo kasi for sure iiyak nanaman sa inyo yun." sabi ni Dzi

"Okey na siya?" sabi ni Gretch

"Pinakalma na namin siya sa baba kanina nung pagdating niya." sabi ni Dzi

"Si Jirah..nasan siya?" sabi ko

"Hindi pa siya umuuwi" sabi ni Dzi

Tumayo ako then kinuha ko yung phone ko sa may hand bag ko. Then I dialled Jirah's number.

*Calling....Jirah*

*PHONE CONVO*

"Baby Ji?" bungad ko

Nakaloud speaker kaya naririnig rin nina Dzi at Gretch

Hindi siya sumasagot pero naririnig ko yung paghinga niya. Mukang kakatapos niya ring umiyak.

"Baby Ji, nasan ka..gabi na oh." sabi ko

"Mommy..nasa bahay po ako" sagot niya

"Ah..so, hindi ka muna uuwi tonight?" tanong ko

"Hindi po muna Mommy" malungkot niyang sagot

"Baby Jirah..I heard what happened" sabi ko

Rinig namin yung paghinga niya ng malalim

"Baby Ji, alam namin nabigla ka sa nangyari" sabi ko

"Mommy...gulong gulo na po ako" and she starts to cry

"Hey Baby..shhh..don't cry na. Wala ako jan para punasan yang mga luha mo. Sige ka." trying my best to make my Baby smile.

"Haha..Thank you Mommy" sa wakas tumawa rin siya:)

"Baby Jirah, siguro mas makakatulong sayo na makapag-isip kung jan ka muna. Pero babalik ka dito ah." sabi ko

"Haha..oo naman Mommy. Miss ko na kaya yung landian niyo ni Mommy Gretch" tawa naman si Gretch at Dzi

"Haha..basta, come back when everything is clear na for you ha?" sabi ko

"I will Mommy..nakauwi na po ba siya?" she is reffering to Marge

"Uhm..Yes, natutulog na siya." sagot ko naman

"Ah..sige po Mommy. I need to go na po" sabi niya

"Sige Baby..just call when you need anything ok?" sabi ko

"Thanks Mommy.." sabi niya

"Sige na Baby..we love you Baby" sabi ko

"I Love you Mommy..I Love You all..Bye Mommy" and she hangs up na

Tinabi ko na yung cellphone ko sa bag ko at umupo ulit ako sa tabi ni Gretch

"They will get over this" sabi ni Gretch

"Yes, they will" sagot ko naman

Tumayo na si Dzi

"Pagpahingahin muna natin yung isa don. Bukas niyo na lang siya kausapin" sabi niya

"Sige.." sagot ni Gretch

"Sige na..matulog na ako ha. Mukang naka-udlot ko pa ata yung landian niyo!" sabay tawa si Dzi

"Sira ulo ka talaga" sabi ni Gretch

"Haha..joke lang..sige na..Goodnight Bebe" sabi niya at nakipagbeso na siya samin ni Gretch

Lumabas na si Dzi at sinarado ko na yung pinto at pinatay yung ilaw.

I cuddle into our bed and hug her.

"Babe..i wanna talk to Marge" sabi ko habang nakahiga yung head ko sa chest niya then nakayakap ako sa kanya and and her left hand is wraps in my shoulder.

"Ako rin naman Babe. But she needs to rest muna. Bukas, will talk to her" sabi niya

"Siguro nga, kailangan niya munang magpahinga." sabi ko

"Babe..wag mo na muna silang masyadong isipin ha..everythings gonna be alright" sabi niya at dinikit ang mga labi niya sa forehead ko..

"Thanks Babe..I Love You" my favorite words that I always want to say to her.

"I love You More Babe..so so Much"

And my most favorite part everytime we cuddle with each other. The most sweetest kiss we shared as a perfect couple:'">

--

MARGE'S POV

Ang hirap gumising sa umaga kapag puyat ka. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. Hindi ako nakatulog ng maayos kasi iniisip ko parin yung mga nangyari kahapon. Iniisip ko yung pwedeng mangyari pag nagkita kami ulit.

Ang hirap gumising sa umaga lalo na at alam mong hindi mo siya makikita. Walang babati ng Good Morning sayo, walang magyayayang sabay na kayong mag breakfast. Parang nakakatakot isipin na dahil sa isang pangyayari, hindi na kayo pwedeng maging katulad nung dati.

Hindi ko alam kung merong magbabago sa kung anong meron saming dalawa. Ano nga ba kami? Magkaibigan..Magkaibigan lang?

Minsan nga napapaisip ako kung ano na talaga kami ni Jirah eh. Yung tipong ang sweet sweet namin sa isa't isa. Yung tipong mag turingan kami is More Than Friends. Not literally Super Duper Mega Bestfriend, what I'm trying to say is..kung magturingan kami parang KAMI..

Nung..nung hindi pa niya nakilala si Rex Intal. Rex Intal kasi is member of Ateneo Men's Volleyball Team. Kaya we used to see him at the gym during our trainings. Hanggang sa maging close sila ni Jirah. Nawala lahat ng kasweetan clingyness namin sa isa't isa simula nung dumating si Rex.

Nabuhayan ako sa malalim na pag-iisip nung biglang may kumatok sa pinto.

Si Mommy Fille..

Napa-upo ako sa kama nung pumasok na siya.

"Goodmorning Baby" bati niya

Tumayo ako at niyakap siya

"Goodmorning Mommy" bati ko naman

Umupo kami sa kama ko

"Okey kana??" tanong niya

Umiling lang ako

"Nakwento na samin ni Dzi yung nangyari kagabi." sabi niya

Napayuko ako habang nakatingin sa mga kamay ko.

Lumapit siya sakin at humawak sa mga kamay ko.

"Baby Marge, alam ko mabigat yung nararamdaman mo ngayon. Pero wag mong kakalimutan na nandito lang ako at si Gretch para sayo ha" sabi niya

Tumulo na yung mga luha na kanina ko pa pinipigilan kasi ayaw kong nakikita ako ni Mommy Fille at Mommy Gretch na umiiyak ako. Kasi kakaawaan lang nila ako, ayaw kong ipakita sa kanila na mahina ako. Pero di ko na kayang pikehen pa, kaya tumulo na mga traydor kong luha.

Niyakap ako ni Mommy Fille.

"Shhh..tama na..tahan na. Its going to be alright" sabi niya habang hinahaplos ang ulo ko

Hindi ko man siya kadugo, hindi ko man siya ka ano ano, pero ramdam ko ang isang alaga at pagmamahal ng isang teammate, doormate, ate, friend and ng isang Mommy.:)

Inangat ko na yung ulo ko sa balikat niya

Pinunasan niya yung mga luha ko sa pisngi

"Magiging okey rin ang lahat Marge. Tiwala lang ha" sabi niya

Tumango lang ako at pinilit na ngumiti kahit peke.

--

Matapos pagaanin ni Mommy Fille yung pakiramdam ko. Lumabas na siya ng room ko kasi my class pa daw siya.

After kung maghilamos, inayos ko na yung kama. Habang nag-aayos ako, biglang may pumasok sa pinto.

Si Jirah...??

Kala ko si Jirah..si Ate Dzi pala:)

Miss ko na kasi siya eh..:(

"Goodmorning Teh Dzi" bati ko

"Goodmorning..kala ko di kapa gising" sabi niya

"Ah..gising na po ako kanina pa" sagot ko naman

"Ah..oh, okey ka na ba?" sabi niya

"Medjo po" sabi ko

"Haha..halika na, ikain mo na lang yan mabuti pa. Hinihintay na tayo nina Gretch sa baba" sabi niya

"Sige po" at sabay na kaming bumaba ng pinto

Bumaba na kami at sakto namang nagsisimula palang kumain sina Ate A at Mommy Gretch.

"Hi Mommy..wala kang pasok" sabi ko at nakipagbeso ako kay Mommy Gretch

"Hi Babe, Goodmorning..wala eh, free day ko" sagot niya

Umupo na kami at nagsimula ng kumain.

"Ikaw wala kang pasok?" tanong ni Ate Dzi

"Night class po" sabi ko

"Oh, napapadalas night class mo ah" sabi ni Ate A

"Dami pong ginagawa eh" sagot ko

"Pahinga rin ha," sabi ni Mommy Gretch

"Opo" sabi ko

After kumain, umakyat nanaman ako sa kwarto ko. Silang tatlo naiwan sa baba, manunuod daw ng Movie, eh ayaw kong manuod kasi di ko feel yung pinapanuod nila:)

Dahil wala akong alam gawin ngayon, umupo nalang ulit ako sa kama at kung ano ano nanaman yung tumatakbo sa isipan ko.

Naisipan kong kunin yung cellphone ko, nagbabakasakaling nagtext siya, pero wala.

"Sorry" nakatype na yan sa message ko ba isesend ko sana sa kanya kaso binura ko din, Baka hindi rin magreplay,. Kaya tinabi ko na lang ulit yung phone ko

 Namimiss ko na siya..:(

Habang pinapalibot ko yung paningin ko sa buong kwarto. Natigil ako, nung nakita ko yung post its ko sa ibabaw ng study table ni Jirah

Kinuha ko

Walang nakasulat sa ni isa. Sa next page wala rin, sa next pag wala rin. Eh nakakatamad kung titignan ko lahat kaya hindi ko na tinignan.

Naisipan kong magsulat.

"My biggest mistake wasn't falling for you, it was thinking that you had fallen for me too"

--

Continue Reading

You'll Also Like

1.6M 35.3K 162
A story made for Jedean Gawong Fan❀🌈
138K 5.3K 50
"I like the feeling of having a crush on someone... but going beyond that feeling is a no." - Riley [TAGLISH] Most Impressive Ranking #675 lesbian ou...
2.8K 619 135
Park Jimin- a.k.a- Jess/jass Min Yoongi- a.k.a- Red Kim taehyung- a.k.a- Fatima Jeon Jungkook-a.k.a- Luigi Kim Namjoon- a.k.a- Neil Kim Seokjin- a.k...
187K 14.9K 97
COMPLETED βœ” What would you do if you found out you were a Royal Princess? What would you do if you were the missing Princess and everyone thought you...