Chapter 57: Chance:)

3.1K 45 3
                                    

JIRAH'S POV

Nung una hindi ako sigurado sa gagawin ko. Pero naisip ko na baka pag umatras pa ako, lalo lang kaming lumayo sa isa't isa. At ayoko naman na malayo sa kanya. Ngayon pa nga lang nahihirapan na ako, nasanay lang talaga siguro

ako na lagi ko siyang kasama.

Bumalik na ako sa dorm na may kasamang kaba, kinakabahan ako siguro dahil hindi ako handa sa magiging reaction niya pag nagkita kami.

Pero pagdating ko sa dorm, sina Mommy Fille at Mommy Gretch yung nadatnan ko. Parang bigla akong nabuhayan nung makita ko sila. Yung mga pagaalala nila at concern nila sakin nadamang dama ko. To be honest, sa kanila ako humuhugot ng lakas ng loob ngayon.

After kung makipag kwentohan kina Mommy Gretch at Mommy Fille, umakyat na ako sa room namin kasi gusto kong magpahinga saglit eh.

Pagpasok ko, syempre nanibago ako kasi ilang days rin akong hindi natulog dito. Yung tipong pagpasok ko palang ng pinto, pabango niya agad yung malalanghap ko. Ugh! namiss ko siya ng sobra

Ganun parin yung kwarto niya, malinis, mabango, maayos, isa lang naman yung napansin kong nabago eh. Para lumongkot ang dating masayang kwarto.

After kung maayos yung nga gamit ko sa cabinet ko. Umupo muna ako sa study table ko, namiss ko eh:)

Habang hinahalungkat ko yung mga libro ko, naramdaman kong parang may natamaan yung siko ko kaya napatingin ako sa sahig.

Nahulog yung post its ni Marge..

Pinulot ko at nakita ko yung nakasulat.

"My biggest mistake wasn't falling for you, it was thinking that you had fallen for me too"

Nagets ko naman yung nakasulat, pero hindi ko magets kong bakit niya sinulat to.

Sumakit na yung ulo ko sa kakaisip kong ano ba yung dahilan kung bakit niya sinulat ito. Kaya tinigilan ko na

Humiga muna ako bed ko, gusto kong matulog pero hindi ako madalaw ng antok eh kaya magdamag akong nga nga..

Nakarinig na ako ng pagbukas ng pinto. Unang pumasok sa isip ko si Marge kaya napaupo ako sa kama sa kaba.

Pero nung makita ko na si Gizelle yun, napahinga ako ng maluwag.

"Jirah!" sabi niya

"Hello" sabi ko ng nakangiti

"Buti naman at naisipan mong umuwi dito?" sabi niya

"Syempre..namiss ko kaya kayo" sabi ko

"Ahem! kami ba o Siya?" sabi niya

"Hahaha..hay ewan ko sayo" sabi ko

"Kanina ka pa?" sabi niya at lumapit siya sakin at bumeso

"Oo..kanina pa" sabi ko at bumeso rin ako sa kanya

"Nasa baba siya" sabi niya

"Ah.." sagot ko

"Bihis muna ako" sabi niya

"Cge" sagot ko at umupo ulit ako sa kama

After a few minutes, lumabas na siya galing sa CR tapos nagpaalam na bababa saglit. Hindi na ako sumama kasi hindi pa ako handang makita siya

Hindi ako mapakali sa upuan ko, hindi ko alam kung bababa ba ako o hindi na? Kinakabahan talaga ako eh

She's The OneWhere stories live. Discover now