Chapter 62: Bihira nalang ang mga katulad niya:)

2.9K 34 11
                                    

GRETCH'S POV

Pagmulat ko ng mga mata ko, puteng kisame ang bumungad sa mga singkit kong mga mata.

Inikot ko yung ulo ko para tignan si Fille kaso napansin kong ang liit ng kama at may bakal ito sa gilid.

Inikot ko ulit yung ulo sa kabila at bumungad sakin si Mama na natutulog sa may kamay ko.

Nasa hospital ako?! :O

Hinawakan ko yung ulo ni Mama para magising siya..

Minulat niya yung mga mata niya at tumingin sakin..

"Anak, gising ka na pala" sabi niya at umupo siya ng maayos

"Ma anong nangyari?" tanong ko

>>>FLASHBACK<<<

Nung gabing naghaharutan kami ni Fille sa kwarto, hindi ko na naramdaman na may sakit ako, nakalimutan ko na may lagnat pala ako.

Siguro dahil sa sobrang saya, nakalimutan ko.. :)

Nung time na nakasandal siya sa pinto at hinahalikan ko siya, iba na talaga yung tumatakbo sa isip ko nung mga oras na yun, kahit na alam kung hindi pa yun yung tamang oras para gawin namin yun, kahit alam kong pareho pa kaming hindi handa. Iba na talaga yung takbo ng isip ko, talagang atat na talaga akong gawin.

Nung lumalim na yung mga halik namin sa isa't isa. Nakaramdam ako ng pagkahilo. Ayaw kong itigil yung halik, ayaw kong humiwalay yung labi ko sa labi niya. Pero dahil nahihilo na talaga ako. Tinanggal ko na yung labi ko sa labi niya.

Sinandal ko yung noo ko sa noo niya, minulat ko yung mga mata ko.

"Bakit ka tumigil?" tanong niya

"Nahilo ako bigla" sagot ko

Hinimas niya yung noo ko.

"Mainit ka nanaman" sabi niya

Hinila niya ako at pinahiga sa kama, inayos niya yung unan ko at tsaka yung kumot. Binasa niya yung towel at nilagay sa noo ko.

"Nagpagod ka kasi eh" sabi niya

Pinakain niya ako ng dinner tsaka pina-inom ulit ng gamot. Hindi siya umalis sa tabi ko hanggang sa makatulog ako.

Nagising ako kasi nilagyan ulit ako ng towel sa noo ni Fille. Bigla na lang nanginig yung buo kong katawan. At naghina ako ng todo.

"Babe?!..Gretch...Anong nangyayari sayo?!" narinig kong sabi ni Fille

Hindi ko na siya masyadong marinig.

Nakapikit yung mata ko habang tuloy yung pag-nginig ko ng todo.

Narinig ko ng pumasok sa pinto namin sina Dzi. Feeling ko binuhat na nila ako.

>>>END OF FLASHBACK<<<

"Sabi nung doktor, okey kana daw. Pwede ka na daw lumabas the day after tomorrow." sabi ni Mama.

"Ha?! Pero may training at may mga paper works pa ako" sabi ko

"Gretch..yung sa trainings mo, kinausap na nina Dzi si Coach Roger. Tapos yung sa paper works mo, napass na lahat ni Fille" sabi niya

"Nasan siya?" tanong ko

Tumingin si Mama sa may sofa sa likod niya kaya napatingin rin ako.

Mahimbing ang tulog ni Fille.

Tumingin ulit sakin si Mama.

"Hindi siya umalis buong magdamag, hindi ka niya iniwan. Pinilit ko siyang umuwi, pinilit siya nina Dzi pero ayaw niya paring umuwi. Kaya sabi ko magpahinga muna siya. Dahil wala na siyang pahinga. Wala pa siyang tulog" sabi ni Mama

She's The OneWhere stories live. Discover now