Chapter 59: My Valentine:)

3.1K 45 7
                                    

DZI'S POV

Ang matagal ko ng tinatago, ang matagal ko ng tinitiis, ang matagal ko ng iniiyakan. Sa wakas! Naamin ko rin sa kanya.

Para akong nabunutan ng tinik na matagal ng naka tusok sa puso ko. Para akong naka-ahon matapos akong malubog sa malalim na pagtitiis. Para akong nabuhay, mula sa pagkamatay.

Nakatingin parin siya sa dagat habang naka-ngiti matapos marinig ang lahat ng sinabi ko.

"Carol?"

Tumingin siya sakin pero hindi siya nagsasalita

"Di ko naman inakala na magiging ganito yung nararamdaman ko para sayo eh. Oo, dati kaibigan lang yung tingin ko sayo. Pero ngayon, higit pa sa kaibigan yung tingin ko sayo. Mahal na kita A"

Muli siyang tumingin sa dagat.

"Ako rin naman eh, hindi ko naman inakala na magiging ganito ka kahalaga sakin. Hindi ko naman inakala na mahahalin kita ng ganito" sabi niya habang nakatingin siya sa malayo

Hinawakan ko yung kamay niya sa tabi ko.

"Mahal kita A"

Tumingin siya sa kamay ko na nakahawak sa kamay niya

"Kaya ko bang palitan si Jeriel jan sa puso mo?" sabi habang nakatingin sakin.

"Carol, hindi mo naman siya kailangan palitan eh. Kasi ikaw lang yung laman ng puso ko. Ikaw lang."

Siya naman ang humawak sa kamay ko.

"Mahal na Mahal Dzi..pero"

"Pero ano?" pinigilan ko yung hininga ko sa kaba habang hinihintay yung sagot niya

"Pero...Pwede bang ligawan muna kita" napahinga ako ng maluwag at napa-ngiti.

Napa-ngiti rin siya..

"Gusto kong ligawan muna kita. Para kung sakaling sakin talaga. Alam kong pinaghirapan kita."

--

MARGE'S POV

Simula na ng aking panliligaw.

Since its our free day today. Feeling ko ako nanaman ata ang pinaka-naunang nagising.

Bumangon na ako at una kong hinanap yung post its ko.

Nagsulat ako tsaka ko dinikit sa phone ni Jirah. Tinitigan ko muna yung maganda niyang mukha. Then kiniss ko siya sa noo.

Bumaba na ako para maghilamos.

Nasa baba sina Dzi at Ate A..

"Goodmor---"

O.O

Halos mapako ako sa hagdan nung makita kong nakaback-hug si Ate A kay Ate Dzi sa sala.

Kumalas naman si Ate A nung nakita niya ako.

"Goodmorning Baby Marge" bati nila sakin

Hindi parin ako makapagsalita. Hindi parin ako makapaniwala sa nakita ko..:))

"Se-seryoso yu-yun??" mautal-utal kong tanong

Lumapit sakin si Ate Dzi at inakbayan ako..pero hindi nagsalita

"Ka-ka-kayo na?" tanong ko

Nagtinginan silang dalawa.

"Nililigawan ko palang" sagot ni Ate A

She's The OneWhere stories live. Discover now