Binasted ni Crush, Sinambot n...

By DoIReallyExist

71K 2K 177

"gagawin kitang perpekto, yung tipong pati yung gago na lalaking yun ay magsisisi sa lahat ng masasakit na sa... More

rejection
the beginning of new orene
nakakaasiwa ba mukha ko??
his reason
new PORCA
fonnerman clan
our time
umamin si crush
mall
ang pagtatapos???
ulterior fonnerman
billdoux not bilfo
mahal pa ba ako???
nag-assume
his side
sorry
bilfo <3
england
ikaw lang
gradbye
hindi pala xD
si bilfo sa bahay
parents niya
no!!!
arouch
ama
ako si porca?
ala-ala
ang simula
siya nga
false alarm
our baby
epilogue
PLEASE READ

napansin na niya ako

2.4K 87 12
By DoIReallyExist

CHAPTER 6

Orene’s POV

Andito na ako sa kwarto ko sa bahay namin, at kasalukuyang tinitingnan ang aking sarili sa salamin. .

“ang ganda ko” mahina kong imik, sadya naman eehhh!!! Hanggang ngayon nga hindi pa rin ako makapaniwalang ako itong babaing nakikita ko sa salamin

At alam nyo ba kahapon nung dumating ako dito sa bahay eehh hindi rin ako nakilala nina mama at papa, pati yung kapatid ko na si reinan. .kung hindi pa nila ako tititigang mabuti. .tsk!! tsk!! Hindi ba nila naramdaman ang lukso ng dugo sa simula palang????!!!

Tapos napatingin ako sa kama ko, na punong puno ng paper bag at kahon na panay bagong damit at sapatos ang laman. .kanino galing??? Syempre sa sponsor ko, hahahah!!! Si bilfo!!!

May pasok na bukas, shete!! Bigla tuloy akong kinabahan ng maalala ko yun. .eehh kasi naman panigurado katakot takot na tingin at bulungan ang mararanasan ko bukas, syempre artista na eehhh!!! Haha may sponsor na nga eehhh. .

Aarrrrggghhhhhh!!!! Ayoko ng isipin yun!!! Bahala na bukas!!! Makatulog na lang!!! baka pagnapuyat ako magsipagbalikan ang kampo ni Mr.P dito sa mukha ko. .

Kaya agad naman akong humiga sa kama at pumikit. .

………………………………………………………………………………………………………………………………………………

Kinaumagahan, habang kumakain ng agahan. .

“oh?? Ba’t hindi pa po kayo nagsisipagkain??” tanung ko kila mama, papa at reinan. .lahat kasi sila nakatulala lang sa akin, hindi maka-move on sa kagandahan ko???

“a-ate, ang ganda mo talaga” ani ni reinan habang tulala sakin

“oo nga anak” pahabol ni mama

Sus!!! Ganu ba ako kapanget dati??? Eehh sabi naman ni bilfo konti lang naman daw binago sakin aahhh. .wala ngang pinaretoke eehhh!!!

Hindi ko na lang pinansin ang ka-alien-nang nangyayari sa pamilya ko derederetso lang akong kumain at saktong tapos ko ng pagkain ay may bumusina na sa labas. .si bilfo na yan sure ako!! hindi lang kasi sponsor siya ng buhay ko kundi driver din. . hahahaha!!!

Kaya binilisan ko ang pagsisipilyo, at nung makatapos ako sa lahat ng gagawin ko eeehh sinulyapan ko muna ang pamilya kong tulaley pa rin sa akin, tsk!!! Malakas na ang tama ng mga ito. .

“alis na po ako!!” paalam ko sabay labas ng bahay, at nakita ko nga si bilfo na nakasandal sa kotse niya at nakahalukipkip pa. .wow!! kahit sabihing maganda na ako bakit kapag sasama ako sa lalaking ito ay nahihiya ako sa itsura ko???

Naka-checkered kasi siya ng red and black na hanggang siko ang haba ng manggas at may panloob na puting t-shirt, simple lang yung suot niya pero ang lakas ng dating ahhh!!!

“gwapo natin aahhh” aniko ng makalapit ako sa kanya, ngumiti siya at pinasadahan ng tingin ang suot ko,

Naka-dress lang ako na puti yung taas na ¾  at itim yung palda na hanggangt tuhod tapos na flatshoes ako ng itim. .

“not bad” anito sabay binuksan ang pinto sa front seat, kaya pumasok na din ako, pagkapasok ko umikot agad siya para sumakay sa driver seat. .at pinaandar na agad niya ang sasakyan. .

Habang nasa byahe kami papuntang school. .

“matanung ko nga, ikaw ba ay may driver lisence na?? diba third year ka palang??” ang bobo ko noh?? Ilang beses na akong nakasakay sa kotse niya na siya ang driver ngayon ko lang natanong??? Hahahahahaha. .

“student lisence” sagot niya ng hindi tumitingin sa akin, mukhang concentrate na concentrate siya sa pagda-drive, makatahimik na nga lang. .malapit na naman kami sa school eehhh. .

Nung maipasok na niya at maiparada sa parking lot ng school yung kotse niya ay mabilis kong hinawakan yung lock ng pinto ng kotse para makalabas agad, baka kasi may makakita pang ibang studyante, nakakahiya!!!

Kaya lang . .

“ui!! I-unlock mo naman yung pinto” utos ko kay bilfo, tapos tumingin siya sakin ng seryoso ang mukha, “b-bakit??” nakakapagtaka kasi ang reaksyon ng mukha niya, sanay ako dun sa laging nakangiti at nang-aasar. .

“bagong Poreene Anne Carossa ka na, hindi na ikaw yung tinatapaktapakan ng iba!! Patunayan mo ngayon sa akin yan!!” madiin yang imik sabay ngiti at labas ng kotse,

Alam ko yung ibig nyang sabihin, na dapat marunong na akong lumaban ngayon na dapat marunong na akong ipagtanggol ang aking sarili. .whoooww!!! bagong poreene!!! Kaya mo ito!!! Be proud of yourself!! Damihan ang confident!!! Kapalan ang mukha!!!

Tapos narinig kong binuksan na ni bilfo yung pinto sa tabi ko, kaya napatingin ako ng deretso sa kanya. .nakangiti siya sakin habang nakalahad ang kanang kamay niya. .huminga muna ako ng malalim sabay abot sa kamay niya at maingat naman niya akong hinila palabas ng sasakyan. .

At yung paglabas scene ko?? Ayun!! Nagmukhang telenovela, bakit??? Kasi lahat ng mata ng studyante eehh nakatingin talaga samin o sakin???. .

“sino siya?? New girlfriend ni billdoux??” narinig kong bulong nung isang studyante malapit samin, sabi ko sa inyo may radar ang taynga ko eehhh. .hindi pa ata nila ako makilala, mga teh!! Try nyo ako tititigan!!

“ang ganda naman niya, unlike dun kay poreene!” sagot nung isa, excuse me si poreene po ito. .

Tapos nagsimula na kaming lumakad ni bilfo, hindi po kami magkaholding hands aahhh, wala lang sabay lang maglakad. .hehe

“student din kaya siya dito??” rinig kong bulungan habang lumalakad kami ni bilfo

“kung ganun mawawala na ata sa top 1 ng magaganda si charlotte” imik pa, sige mga teh. .imik pa

Tuloy pa sana ang bulungan ng. .

“ORENE!!!!” boses palang kilala ko na -_- kaya hinanap ko kung nasaan yung bruhang yun at. . ayun!! Nasa kanan ko lang pala

“mel??!!” bati ko sa kanya, kaya lang bigla akong sinapok ng bruha. . “aray!!!” sigaw ko

“si poreene yan???!!!!” gulat na imik nung nasa gilid ko, na hindi kalayuan

“gosh!! Isang linggo lang ang nakalipas, nagbagong anyo yung lupa???” bulalas nung iba. .

“wow!! I can’t believe it!!” sigaw nung isa na halata pa rin ang pagkagulat. .

Dedma na lang ako, sabay lingon kay mel habang hawak ko ang aking batok na hinampas ng isang ito. .

“bakit ba???” imik ko sa kanya

“kailan mo binili yang damit na yan???!!! Yan yung gustong gusto ko sa mall eehh!!!” anito habang nagpapapadyak pa, haist!! Kala ko naman may utang ako sa kanyang hindi pa bayad. .

“eto???” sabay tingin sa suot ko, “bigay lang ito eehh” sagot ko sabay tingin kay bilfo, siya kasi nagbigay nito diba?? Malay nyo maibili nya ng ganito si mel, hehehe kaya lang ang walangya hindi ata na-gets ang ‘ibili-mo-din-siya-look’ kasi iniwasan lang niya ako ng tingin. .

“aaahh. .regalo ba sa iyo ni boyfie??” mukhang na-gets ata ni mel na galing to kay bilfo kasi nang-aasar na eehhh. . “ganda natin aahh!!! Parang kang artista” pahabol nitong imik

Teka nga!!! Nakilala agad ako ni mel???

“nakilala mo agad ako???” nagtataaka kong tanung sa kanya, eehh kasi diba?? Pamilya ko nga hindi ako nakilala. .

“unang tingin hindi, pero nung tinitigan kita OO!!!” sagot nito, “at saka bakit naman kita hindi makikilala eehh hindi ka naman nagparetoke aaahhh” wow!!! Tama siya aahhh. .kaya mahal na mahal ko itong kaibigan ko eehhh. .

“ehem!! Late na po tayo” biglang sulpot ni bilfo sa usapan kaya napatingin kami sa kanya, at oo nga tama siya. . kaya nagsimula na kami sa paglalakad papunta sa room namin. .at habang naglalakad kami hindi pa rin nawawala yung tingin ng mga nakakasalubong at nadadaanan namin. .kumalat na siguro yung balitang nag-evolved na ang POREENE ng campus (pokemon lang??? haha)

Nasaan kaya si louis??? Umabot na kaya sa kanya ang balita??? Wuhhooww!!! Naging excited tuloy akong magkita kami, hehe anu kayang magiging reaksyon niya??? Maiinlove na kaya siya sakin??? Hehe kinilig naman ako bigla!!!

Hanggang sa makarating kami sa room. .

…………………………………………………………………………………………………………………………………………………...

Lunch break na. .

Wala namang bago sa nangyare sa loob ng klase, bukod sa hindi rin ako nakilala ng mga teacher ko eehh wala na. .at ngayon??? Papunta na kami ni mel sa canteen para lumafang, si bilfo??? Ewan ko ba dun bigla biglang nawawala eehh. .

At habang naglalakad kami ay nakasunod pa rin sakin ang mga mata ng mga estudyanteng nagugulantang pa rin sa bago kong itsura, kaya yukong yuko na lang ako at tahimik na nakikinig sa kinekwento nitong si mel. .at dahil nga sa nakayuko ako. .

BBBOOOOGGGSSHHH!!!

 May nabangga ako dahilan para mapaupo ako sa sahig, “a-aray!!” yung pwet ko magkakapasa ata sa sobrang lakas ng bagsak ko. .

“naku miss!! Sorry!!” isang pamilyar na boses ang aking narinig mula sa aking harapan, kaya napatunghay naman agad ako

O_O

O_O

O_O

O_O

“l-louis” imik ko, tapos medyo tumaas yung isang kilay niya sabay lahad ng kanang kamay niya. .

“magkakilala ba tayo??” tanong niya sakin, sabay ngiti at lalong inilapit sakin ang kanyang kamay, taena!! Ito yung sinasabi nilang grab the oppurtunity, kaya inabot ko agad yung kamay niyang nakalahad, wuuhhoo!!! Nahawakan ko na ang kamay ni louis!!!

Ng makatayo na ako, “si poreene ako!!” imik ko na hindi inaalis sa mga mata niya ang aking mga mata. .

“poreene??? Poreene carossa??” aniya sa hindi makapaniwalang mukha. .tapos tumango tango ako habang nakangiti at hindi pa rin inaalis sa mga mata niya ang aking mga mata. .tapos tinitigan niya ako at pinasadahan ng tingin ang kabuuan ko. . “w-wow!!” tanging nasabi niya. .

Tapos lalo lumaki yung ngiti ko, napansin nya yung pagbabago ko??? Wwhhhaaa!!! Dream come true!!!

“ang ganda mo na!!” dagdag niya, sabay hawak sa aking pisngi habang nakangiti siya. .

Wwwwhhhhhaaaaa!!!! Nikikilig ako!!! wwwhhhhaaaa!!!!!

May sasabihin pa sana siya ng may biglang humila sa braso ko at inilayo ako kay louis. .pagtingin ko, si bilfo hindi siya nakatingin sakin kundi kay louis, at masama yung tingin niya aahhh. .

“b-bilfo” mahina kong imik habang titig na titig kay bilfo na masama ang tingin kay louis

“matagal na siyang maganda dude, hindi mo lang makita dati kasi TAN*A ka!!” madiing imik ni bilfo kay louis, na siyang ikinasama din ng tingin ni louis. .

“I’m just complimenting her beauty, bakit ganyan ka agad makapagsalita???!!” medyo galit na sagot ni louis, oo nga naman!! Etong si bilfo, hindi naman siya inaaway ni louis eehhh. . tsk!!

“bilfo” mahina kong saway kay bilfo, mukhang gagawa pa ata ng gulo dito eehh tsk!! Ayaw ko pa naman ng pinagtitinginan. .

“wow!! Bigla atang lumiwanag yang awra mo kay porca” ani bilfo, “eeh as far as I know, you’re disgust her!!”

“dati yun!!!” sigaw ni louis na akmang manununtok na ata. .buti na lang hindi niya itinuloy kasi madami na ngang nakatingin sa amin

“edi umamin ka rin!!! Nag-iba yung trato mo kay porca kasi maganda na siya ngayon!! BOBO!!” huling sigaw ni bilfo sabay hila sakin palayo, at hindi pa kami nakakalayo eehh huminto ulet siya at humarap kay louis

“stay away from her or else, ikaw naman ang hindi makikilala ng lahat!!” saka itinuloy ang paghila sakin. .

“b-bilfo!!” ani ko habang pinipigilan siya sa paghila sakin, kaya lang malakas siya kaya wala na rin akong nagawa kundi ang magpahila. .bakit imbis na magalit ako kay louis kasi saka lang niya ako napansin nung gumanda na ako eehh hindi ko magawa??? Haist!!! Epekto ng pag-ibig!!! Sa halip ay natuwa pa ako kasi nag bago yung trato niya sakin ngayon. .

Ang saya saya, sinabihan ako ni louis na maganada daw ako!!! hehehe. .

“anong nginingiti-ngiti mo diyan??” biglang sulpot na tanung ni bilfo, nakatigil na pala kami dito sa garden. .

“sabi kasi ni louis, maganda na daw ako eehh” aniko habang nakangiti,

“tss!!” yun lang narinig kong sagot ni bilfo, tapos napalingon ako sa kanya. .may atraso nga pala to sakin, sinira niya moment namin ni louis!!!

“hoy!!! Ano bang problema mo kanina at bigla bigla ka na lang nagsalita ng masasamang salita kay louis??!!” galit kong sigaw sa kanya, habang nakapameywang pa. .

“can’t you see the obvious?? Nagbago siya ng trato sa iyo kasi maganda ka na??? imagine mo kung panget ka pa?? magiging ganun ba siya sa iyo???” tapos isinuklay niya ng madiin sa buhok niya yung mga daliri niya, “pisikal na anyo lang ang tinitingnan niya sa mga tao porca!!!” dagdag niya na medyo sa galit na tono. .

“eehh hindi naman ikaw ako aahh?? Ako nga hindi nagagalit eehh!!!” sagot ko, bobo na kung bobo, mahal ko na si louis eehhh!! At gagawin ko lahat mahalin lang niya ako pabalik. .

“aarrgghhh!!! Ano bang gusto mong mangyari porca??!!! Ha!!!” ani bilfo,

“ang mahalin din ako ni louis” mahina kong sagot habang nakayuko ako. .

Tapos tumahimik ng ilang saglit, kaya napatunghay ako at tiningnan si bilfo. .hindi siya nakatingin sakin, nakatagilid lang yung mukha nya bale yung kalhati lang ng face niya ang kita ko, gets nyo???

Huminga muna siya ng malalim

“girlfriend kita, Porca” imik niya sabay tingin sakin “ wala namang bastusan oohh”

………………………………………………………………………………………………………………………………………………………

VOTE AND COMMENT naman diyan mga KAIBIGAN ^_^ hehehe

Continue Reading

You'll Also Like

168M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
134M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
63.1M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!