Di Bale Nalang [MinSul]

By darkkkAJ

336K 5.1K 890

Niloko at iniwan ng taong mahal niya, ayan si Senna. Isa siyang babaeng sawing-sawi sa pag-ibig. Ngunit sa na... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
BONUS CHAPTER
BONUS CHAPTER II

Chapter 19

6.9K 123 16
By darkkkAJ

Martin and Suzette on Multimedia.

-----

CHAPTER 19 – Sila Na Pala... Tayo Kaya?

Nag-explain ako kina Jose pagdating ng Lunes. Sinabi ko na hindi ako pwedeng magpakita kay Leo dahil baka masira ang party niya nang dahil sa akin. Naintindihan naman nila iyon dahil kilala rin naman nila si Leo at alam nila ang nangyari sa aming dalawa.

“Pero alam mo, Senna, hinahanap ka niya sa amin.” Sabi ni Jose.

“Huh? At bakit naman? Anong trip niya?” iritado kong tanong.

“Ewan.” Tanging sagot niya.

Oh, bakit ako hinahanap ‘nun? Ano ‘yun, kamustahan? Tapos pagtatawanan niya ako kapag nalaman niyang hindi pa ako nakaka-move on? Pero correction... I’m on the state of moving on right now. Tama si Marco, dapat pakawalan ko na si Leo. Hindi pwedeng ganito ako palagi. Walang mangyayari sa buhay ko. May pitong bilyong tao sa mundo, hindi dapat na masira lang ng isang tao ang buhay ko. Dapat ipasira ko sa pitong bilyon para mas masaya. Hahaha! May thrill.

“Sige, Senna, may klase pa kami.” Paalam ni Jose at umalis na silang apat. Nginitian ko sila saka ako tumalikod at naglakad na rin papunta sa classroom ko.

Nagdaan ang prelims at midterms, at ganun pa rin ang drama ko, “State of Moving On”. Madalas rin naman ako inaaliw (in his own way) ni Marco kaya hindi ko na rin naiisip si Leo, talagang hindi na!

Isang araw habang nag-rereview ako para sa semi-finals sa cafeteria (dahil vacant period ko) ay biglang may narinig akong malakas na sigawan sa labas. Ang ibang mga estudyante na nasa loob ng cafeteria ay nagsilabasan para tingnan kung anong nangyayari.

Dahil ako ay medyo may pagka-tsismosa ay hindi ko na rin napigilang lumabas. Nagulat ako nang makita ko si Suzette na pinagtutulungan ng dalawang babae, habang pinapalibutan sila ng marami pang ibang babae. Ang isa ay hawak ang magkabilang braso ni Suzette at ang isa ay sinasabunutan siya.

“Anong nangyayari dito?!” sigaw ko nang hindi ko na mapigilan ang ginagawa nila kay Suzette.

Humarap sa akin ang mga babae at sumagot ang babaeng nananabunot kay Suzette.

“Look who’s here. Miss Senna Cuevas!”

Lumapit ako sa kanila. “Bitawan mo nga siya!” singhal ko sa babaeng may hawak ng magkabilang braso ni Suzette. Agad naman siyang binitawan ng babae at hinila ko si Suzette sa tabi ko. Nakayuko lang siya roon, gulo-gulo ang damit at buhok. Kung hindi ako nagkakamali, gamit rin niya ang nakakalat sa sahig.

“Wag mo nga siyang ipagtanggol, Senna!” sabi ng isang babae. Saka ko naman doon narealize na ang dalawang babaeng nagututulungan para saktan si Suzette ay ang mga alagad ng kadiliman niya noon!

“Teka, Suzette. Itong dalawang ito ‘yung mga bestfriends mo noon ha! Anong nangyari?” tanong ko kay Suzette na nasa gilid ko. Hindi siya sumagot at nakayuko pa rin doon.

“Senna...” lumapit sa akin ‘yung babaeng kung hindi ako nagkakamali ay Trisha ang pangalan. Hinawakan niya pa ako sa kamay, akala mo kung close kami. “...alam mo ba ang ginawa ni Suzette?”

Kumunot ang noo ko at hinintay ang sasabihin niya.

“Nilandi niya si Martin!” sabi naman nung isa na ang pangalan ay Jenny.

Huminga ako ng maluwag saka ko tinanggal ang kamay ni Trisha sa kamay ko. Bumalik ako sa tabi ni Suzette pero walang tigil sa katatalak si Trisha. “Sila na ngayon, Senna! Hindi ba’t ikaw ang gusto ni Martin? Hindi ba mali ito? Ilang taon nang nanliligaw si Martin sa iyo tapos maagaw lang ni Suzette dahil sa kalandian niya? Senna, hindi kami makakapayag.”

Wow naman. So itong mga babaeng ito ata ang grupo ng fans ni Martin dito sa campus. Lahat sila may gusto kay Martin, pero walang may kayang makakuha ng atensyon ni Martin dahil nga nasa akin ang atensyon niya mula pa noon. Pero tingin ko, ngayon ay nagbago na. Ito siguro ang ipinuputok ng butchi ng mga babaeng ito.

“Ano namang pakialam niyo?” tanong ko.

Nanlaki ang mata nina Trisha at Jenny.

“Ano ngayon kung sila na ni Martin? Wala na kayo doon, okay?” sabi ko sa kanila habang tinitingnan ko isa-isa ang mga pagmumukha nila. “At kung totoo man na nilandi ni Suzette si Martin, ay lalong wala kayong pakialam. Ang sabihin ninyo, naiinggit lang kayo dahil nagawa ni Suzette na makuha ang atensyon ni Martin. Which is, hindi ninyo kaya, whatever desperate action you do.”

Nakita ko kung paano manlisik ang mga mata nila sa akin.

“Walang hiya ka, Senna!” sigaw ni Jenny. “Wala kaming ibang gusto para kay Martin kundi ikaw! Noong una, hindi ka namin tanggap pero sinubukan pa rin naming tanggapin ‘yun dahil ikaw ang gusto ni Martin! Kung hindi kami ang makakatuluyan niya, sige ikaw nalang! Tanggap na namin ‘yun. Pero itong si Suzette?! Malandi siya at nilandi niya si Martin. Malamang ay inakit niya lang ‘yun! Kaya hindi kami makakapayag na mapunta lang siya sa malanding babaeng ‘yan.”

Napasipol ako. Grabe ang tama ng mga babaeng ito kay Martin. Grabe naman kasi ‘yung mukha ni Martin, ubod ng kaguwapuhan. Nasaan na ba ang kumag na ‘yun? Kung totoong sila na ni Suzette, dapat nandito siya ngayon para protektahan ang girlfriend niya.

“Alam niyo, mga ate...” Kalmado kong sabi. “Tanggapin niyo nalang. Kahit naman landiin ni Suzette si Martin or akitin ni Suzette si Martin kung ayaw talaga ni Martin sa kanya, hindi papatol si Martin sa kanya. Naiintindihan niyo? Malay natin, gusto naman talaga ni Martin si Suzette. Hindi lang natin alam.”

Hindi sila nakasagot.

“Bumalik na kayo sa mga klase niyo. Gumagawa kayo ng iskandalo dito. Para kayong mga sira! Nandito kayo para mag-aral hindi para sambahin si Martin Lopez.” sakto rin na dumating ang mga guards at ang Discipline Officer ng school namin. Agad na dinala sa Discipline Office ang mga fans ni Martin at pinulot ko ang mga gamit ni Suzette na nagkalat sa sahig saka ko siya inakay palayo sa lugar na ‘yun.

Nang makarating kami sa may quadrangle ay inilabas ko ang suklay sa bag niya at inayos ko ang buhok niya. Hinawi ko ang buhok na nakaharang sa mukha niya at nakita kong lumuluha siya.

“Hayaan mo na sila, Suzette.” Sabi ko.

“H-hindi ka bag alit sa akin?” tanong niya.

“Bakit naman ako magagalit sa iyo? Adik ka ba?” Nang maayos na ang buhok niya ay binigyan ko siya ng tissue. “Punasan mo ‘yang mga luha mo.”

Agad naman niyang pinunasan ang mga luha niya at niyakap ako. “Thank you, Senna. Thank you! Hindi ko akalain na ikaw pa pala ang magtatanggol at dadamay sa ngayon. Sorry dahil ang sama-sama ko sa iyo noon! Sorry, Senna!”

Hinaplos ko ang likod niya. “Ano ka ba? Okay lang ‘yun.” Naka-ngiting sabi ko.

Ilang saglit lang ay dumating na si Martin na mukhang hinihingal.

“Saan ka ba galing? Anong klaseng boyfriend ka?!” tanong ko agad kay Martin. Naka-tanga lang siya sa akin at laglag ang panga saka tumingin kay Suzette.

“A-alam mo na?” tanong niya.

“Malamang! Hinarass itong girlfriend mo sa may cafeteria kanina!” sabi ko.

“HAAA?!” Kitang-kita ang pag-aalala sa mukha ni Martin saka tinabihan si Suzette at hinawakan sa kamay. “Okay ka lang ba?”

Tipid akong napa-ngiti habang pinapanood silang dalawa. Putik. Kinikilig ako! Bagay na bagay silang dalawa. Eeeh. OTP na ito! MarZette? SuTin? SuMar? ZetTin? Yieeee <3

“Okay lang ako. Buti nga nandoon si Senna.” Sabi ni Suzette sa boyfriend niya. Tumingin naman si Martin sa akin at ngumiti.

“Sorry, Senna, hindi ako agad nasabi sa iyo. Sa iba mo pa tuloy nalaman. Nahihiya kasi ako sa iyo, hindi ko alam kung paano sasabihin...” paliwanag ni Martin.

“Ikaw talaga! Hindi naman na kailangang magpaalam sa ‘kin. Sabi ko naman sa iyo diba, maraming ibang nagmamahal sa iyo diyan na kaya suklian ‘yung pagmamahal na ibinibigay mo sa akin noon. Ayan oh, si Suzette! Buti naman at nakinig ka rin, finally!” masaya kong sabi.

“Oo nga eh. Salamat sa paulit-ulit na pambabasted. Hehehe.” Sabi ni Martin sa sakin saka niyakap si Suzette.

Oh please. Ang perfect! Ang sarap nilang picture-an na dalawa.

“Senna, anong nangyayari sa’yo?” tanong ni Martin nang makita niya akong halos manisay na sa kilig. Putik.

“Bulag ka ba? Kinikilig ako sa inyong dalawa. Putik kayo.” Sabi ko. “Ehh! I’m so happy for you guys, payakap naman!” Lumapit ako sa kanila at nag-group hug.

Sakto namang ang last class naming sa araw na iyon ay magkakaklase kami. Sabay-sabay kaming pumasok sa klase habang pinagtitinginan ng mga tao.

“Oh my! Hindi ba awkward?!” rinig kong sabi ng isang babae.

“Awkward mo mukha mo!” sagot ko sa kanya. Agad naman siyang napayuko. Adik kasi, bubulong na nga, ‘yung maririnig naman ng buong school.

Natapos ang klase. Next week ay semi-finals na kaya kailangang mag-aral ng bongga. Konting echos nalang talaga at second sem na! Malapit na akong matapos sa pag-aaral!

Sabay-sabay pa rin kaming tatlo na pumunta sa parking. Nagkakwentuhan pa kami sandali. Pinagtatawanan namin ang pagmumukha ng mga fans ni Martin kanina. Mga bwisit na bwisit. Si Martin ay panay lang ang iling habang kami ni Suzette ay sagad-sagaran sa buto ang panlalait.

“Duh. Paano ka nakapag-tiis doon kina Trisha at Jenny?” tanong ko kay Suzette.

“Ewan ko rin! Sana pala kinaibigan na kita noon pala! Ang sarap mo palang kasama!” sagot naman niya. “No wonder lagi kang gustong kasama ng kuya ko!”

Napatigil naman ako sa pagtawa nang banggitin niya ang kuya niya. Parang nag-skip ng isang beat ang puso ko. Hindi pa binabanggit ang pangalan niya ha! Pero may epekto na sa akin. Nababaliw na ata ako? Pa-check na kaya ako sa doctor? Lol.

Natahimik kami doon nang biglang may sumulpot.

“Kuya!” sabi ni Suzette at lumapit siya sa Kuya niya para yakapin ito. “Kuya, may ipapakilala nga pala ako sa iyo.”

Hinila niya ang kuya niya palapit sa amin. Agad namang tumayo si Martin.

“Kuya, si Martin nga pala, boyfriend ko.” Naka-ngiting sabi ni Suzette.

Nanlaki ang mga mata ni Marco. “Boyfriend? Boyfriend mo na ito? Dati crush lang ha? Kayo na? Agad-agad?”

“Kuya naman eh.” Sabi ni Suzette. “Martin, si Kuya Marco, kuya ko.”

“Hello po, doc.” Sabi ni Martin saka siya naglahad ng kamay. “Martin Lopez po.”

Nag-shake hands sila habang naka-titig pa rin si Marco kay Martin.

“Wag nalang ‘doc’, masyadong pormal eh. Kuya nalang rin.” Sabi ni Marco. Agad naman na napa-ngiti si Martin.

“Okay po, kuya.” Humarap sa akin si Martin saka siya ngumisi. Aba’t kung maka-ngisi ha!

“Nga pala, Kuya, from now on... Wag mo na akong sunduin. Si Martin na maghahatid sa akin.” Sabi ni Suzette. Tumango-tango naman si Martin.

“Sino bang nagsabing ikaw ang sinusundo ko dito?” tanong ni Marco at agad siyang humarap sa akin at ngumisi. Ayan na naman ang puso kong halos pumutok na sa sobrang OA ng tibok.

Ngumiti ng makahulugan ‘yung dalawang love birds.

“Ah... Oo nga naman, sabi ko rin.” Sabi ni Suzette. “Sige, una na po kami.”

Hindi na ako nakasingit pa dahil mabilis silang sumakay sa kotse ni Martin at parang nagmamadaling umalis. Kami tuloy ni Marco ang naiwan doon. *kroo kroo*

“Ano ka ba, may kotse naman ako.” Sabi ko kay Marco nang hindi tumitingin sa kanya.

“From now on, ‘wag ka nang magdala ng kotse.” Sabi niya. “Diba, hatid-sundo pa rin?”

Tumingin ako sa kanya at naka-pout siya! Nakngtofu! Pa-cute talaga ‘tong doktor na ito.

“Eh dala ko nga ‘yung kotse ko ngayon.” Sabi ko.

“Sige, sumakay ka na sa kotse mo at susunod ako sa iyo. Basta next time, wag ka nang magdadala ng kotse ha.” Sabi niya. Hindi na ako sumagot at sumakay ako sa kotse ko. Tulad nga ng sabi niya, naka-sunod lang ang Audi R8 niya sa akin hanggang sa makarating kami sa Vieda Towers.

Nang maipark ko na ang kotse ko ay bumaba na ako. Saktong naka-abang na siya roon.

“Akin na ‘yung susi ng kotse mo.” Sabi niya at nakalahad ang kanang kamay niya.

“Bakit naman?” tanong ko.

“Para siguradong hindi mo magagamit ang kotse mo.” Sabi niya.

“Ayoko nga!” pagmamatigas ko. Itinago ko sa likuran ko ang susi.

“Wag nang matigas ang ulo, Senna.” Sabi niya. “Akin na.”

Umiling ako at tinalukaran ko siya saka ako naglakad palayo.

Narinig ko siya napa-sh*t doon saka ko naramdamang nakasunod siya sa akin.

“Akin na, Senna, please?” pangungulit niya.

“Bakit ba?”

“Eh paano kita mahahatid-sundo ko kung may dala ka namang kotse?” malungkot na sabi niya. “Panira namang kotse yan...” mahinang sabi niya.

“Paano kung masira ang kotse ko kung hindi ko gagamitin?” this time, humarap ako sa kanya.

“Edi gagamitin natin once a week!” naka-ngiting sabi niya.

Inirapan ko siya para lang maitago ang nagbabadyang pagngiti ko.

“Akin na, Senna, please? Please?”

Kulit talaga ng isang ito! Walang sabi-sabing inilagay ko sa kamay niya ang susi ng kotse ko saka naglakad palayo. Narinig ko ang mahinang sigaw (meron ba ‘yun? Lol) niya ng “Yes! Yes!” Akala mo naman kung sinagot na siya ng nililigawan niya. Napa-iling nalang ako.

“Susunduin kita bukas ha.”

“Saan naman tayo pupunta?”

“Diba, date... este friendly date every Thursdays? Pero kasi, umuwi ka na agad dahil may dala kang kotse.” Malungkot na naman ang tono niya. “Kaya bukas nalang!”

“Di pwede. Magrereview ako. Semi-finals na next week.” Sagot ko.

“Sasamahan kitang magreview! Magaling akong tutor!” sabi na naman niya.


“Di na kelangan. May duty ka, Henri. Tumigil ka nga. Ang hyper mo!”

Nag-pout na naman siya. Putik na pout ‘yan! Huhuhu. Ang cute! >___<

“Eh paano mo naman ako irereview? Wala kang alam sa subjects ko. Baka puro gamot at sakit ang i-review mo sa akin. Hindi naman related ang natapos mo sa kurso ko.” Nakapamaywang kong sabi sa kanya.

He sighed in defeat.

“Hayaan mo, after semi-finals magde-date...” lumiwanag ang mukha niya. “...este friendly date tayo. Kahit araw-arawin mo pa!”

“Araw-araw?!” naka-ngising sabi niya.

“Umalis ka na nga!” sabi ko at pinagtulakan ko siya habang naka-ngisi pa rin siya sa akin.

“Teka nga. Si Suzette at Martin na diba?” tanong niya bigla.

“Oh bakit?”

“Sila na pala... Tayo kaya?” inosenteng tanong niya.

O___O Ano daw? Hindi ako nakasagot. Anong ibig niyang sabihin?

“Hahaha! Biro lang. Sige, alis na ako.”

Okay. Hindi magandang biro ‘yun. Hindi talaga. >__< Nag-skip na naman ang isang beat ang puso ko. Baka magkaroon na ako ng sakit sa puso neto!

Humakbang na siya paalis pero biglang humarap ulit sa akin at iwinagayway ang susi ng kotse ko sa ere. Napa-iling nalang ako at nagpigil ng tawa.

 

 

Mag-saya ka lang na hawak mo ang susi ng kotse ko, Marco. May spare key naman ako. Mwahahaha!

-----

Next update will be on Saturday. Exam week namin eh, tapos bakasyon na! Yehey! Hahaha. :)

Continue Reading

You'll Also Like

132K 3.2K 52
What will you do if you end up in someone else body?
2.8M 24.2K 85
[UNEDITED] Arranged Marriage. Not everyone is pleased with this agreement but there's this one girl who experienced the true meaning of HAPPINESS an...
53.6K 1K 52
Naranasan mo na ba ma-Heartbroken? Masakit diba? So, move on na? Eh, pano kung hindi mo siya makalimutan? Suicide na ba? Lol. Thats a big NO! Edi m...
1M 32K 62
[WILL UNDERGO MAJOR REVISION] Isang simpleng babae na may tahimik na buhay at nakilala ang limang lalaki na grabe ang kasikatan sa bansa..Ano na lan...