One Dream (GxG) - SLOW UPDATE

By yhanmendez

4.4K 173 17

Nagmahal ka, nagmahal ka ulit, nagmahal ka ng paulit ulit, pero tama bang masaktan ka din ng paulit ulit? Ika... More

Prologue
***THE COMING***
***AN ENCOUNTER***
***UNEXPECTED***
***UNEXPECTED (Cont.)***
***A NEW START***
***Move on na nga ba?***
***Move On na nga Ba? (Cont.)***
***ILOCOS ADVENTURE (Cont.)***
***HOMECOMING***
***ACQUAINTANCE PARTY***
***THAT UNEXPECTED BEAUTY***
***CRUSH ***
*** DRUNK ***
*** Ms. Sungit ***
*** THE PROPOSAL ***
*** ANNOYING ***
*** SE RAPPROCHER ***
*** FRIENDSHIP OVER***
** REGRETS **
AUTHOR'S NOTE
** NOVEMBER 26, 2014 **
*** NOVEMBER 28, 2014 ***
*** NOVEMBER 29, 2014 ***
*** NOVEMBER 30, 2014 ***
*** STRUGGLE IS REAL ***
***A FAVOR FROM A FRIEND ***
***DECEMBER 05, 2014 ***

***ILOCOS ADVENTURE***

150 6 0
By yhanmendez

Mamaya na ang byahe namin papuntang Ilocos and it's a 12hours bus travel. Well I'm so excited. I love travelling kasi. At dahil mamaya na ang departure, oha! susyal eto kami busy sa mga waiver namin.

"Ang tagal naman ni sir. Di pako nakakapag ready ng mga dadalhin ko." pagmamaktol na sabi ni Mark, isa sa mga classmate ko.

"Oras na nga eh. Kanina pa tayo naghihintay. Hmp! Paimportante talaga. >.<" Naiinis na sabi ni Loise, classmate ko din yan. Paimportante nga naman talaga yung pipirma ng mga waiver namin.

So ayun after a long wait nakauwi din kami.

Kauwi ko I check my things if wala na ba akong nakalimutan. Anyways all set naman nako. Haha Ready to go na. :))

Habang naghihintay nalang ng time eh napagpasyahan ko munang makipagchika chika kina lola dear. Hay! Kung anu ano pinapabili saking pasalubong.

"Bili kang bagnet masarap yung ganun dun." request ni tita ko.

"Yung longganisa din dun masarap, mabawang. Bili ka." request din ni lola

"Chichacorn nalang sakin." sabi naman ni tito

"osige akin na yung mga pambili nyo?" tatawatawa kong sabi. :D

Natulog muna ko para may energy ako mamaya. Paggising ko gabi na. Kumakain ako ng hapunan ng dumating si lola.

"Ooh eto yung mga candies lagay mo sa bag mo para di ka masuka." sabay lapag sa mesa nung mdaming candies.

"Ihh lola noh pinakadami dami mo naman." reklamo ko.

"Ba lokong bata ka kala mo lang anu yung nagbabyahe."

"Nakasakay nga kong eroplano ng ilang beses na, bus lang sasakyan ko this time la."

"Ay kahit na." pagtatapos nya sa pagdedebate namin.

"Wag kang lalayo sa mga kasama mo, wag pairalin yang katigasan ng ulo mo." pahabol pa nyang sabi. Tong lola ko talaga oh, ginagawa akong bata.

Naligo nako at nagbihis kaya feel na feel ko na talaga na aalis nako and I'm so excited talaga. Hihi 8pm na ng gabi at naghhintay nalang ako ng oras bago ako pumunta ng school para di naman ako ganung halata na excited. Haha!

Orayttt nasa Ilocos nadin sa wakas. Pero joke lang nasa school muna kami, hinihintay pa yung iba. Haha :D

So eto na nasa bus na kami, all set na kaya eto taimtim na kaming nagdasal para sa isang safe and fruitful travel namin.

Byaheng Ilocos na ang peg namin. Sa Ilocos ko naba makikita yung taong magmamahal sakin? Makakabungguan ko ba sya sa Calle Crisologo? Haha! Napakaromantic naman nun.

Maingay sa bus, syempre maingay tong mga kaklasi ko. Merong maingay na nagdadaldalan, maingay na nagpapractice para sa mga kani kanilang events, meron namang mga maingay na natutulog at may kasama pang pag blow. Haha! Pag may maingay meron ding tahimik, ang mga tahimik na genius ayun tahimik silang nagrereview. Ako anong pinagkakaabalahan ko?

Nagtitext. Haha! Katext ko si Elle pasalubong daw. Katext ko din si tita ko na namimis na daw ako. Hahaha ang chena nya. :D

Nakatulog nako at nagising ng apat na beses wala pa din kami sa paroroonan namin. Grabe! Ang layo nga talaga.

"Dhang! Dhang! Dhang!" pang gising sakin ni Kerlyn

"Ohhh anu? Bakit? Anung nangyari?" pagkagulat kong sagot.

"May extra jacket ka? Peram nilalamig ako e."

"Hay girl naman e, kala ko naman anu na. Ohh eto." sabay abot sakanya nung jacket. Wooh! Bumilis heart beat ko dun kala ko napanu na kami.

Stop over kami pero di ko alam kung san lupalop na kami basta madaming pang pasalubong dito, mga dried fish ganun. Haha! Naghahanap ako ng dried sirena kaso wala sila e, bibili sana ako. Hehe corny! :D Byahe na ulit kaya tulog na ulit.

Nagising nako at mag aalmusal na kami. Finally nasa Ilocos na kami. Ilocos Sur nga lang, pero atleast nasa Ilocos na kami diba? Haha! Presenting the Capitol of Vigan. :))) So heto kami picture picture dito sa may simbahan. Di ko alam anung simbahan to basta kulay puti sya. Haha! Gutom na gutom na kami kaso di pa bukas yung mga kainan hindi tulad satin na 24 hours yung mga fast food chains.

Pero ang ganda dito grabe, napaka relaxing ng hangin then yung mga establishment napaka classic, para kang nasa Spanish times.

Sa wakas nagbukas na yung Jollibee kaya makakakain na kami. Ang order namin halos burger steak, yun kasi yung pinaka mabilis lutuin tapos yung drinks namin is hot choco dahil masakit na talaga yung tummy namin. Yun nga lang, isang malaking YUN NGA LANG hindi pala nakakaintindi ng tagalog itong si neneng kaya naman pala kanina pa nag oorder tong si Cindy e hindi kami matapos tapos. Jusme!!

"Hay finally makakakain na tayo." gigil na sabi ni Kerlyn

"Wooooah ang sarap, nyaaaam nyaaaam." sarap na sarap kong kain sa burger steak ng Jollibee. Haha! Gutom eh :P

"Ang adik mo honey. Sarap na sarap ka jan e gutom ka lang naman e." sabi sakin ni Kaye

"Masarap naman talaga noh dhang?" singit naman ni Kerlyn sa usapan.

"Gutom lang yan. Dalian nyo na para makagala pa tayo." Excited na sabi ni Cindy

"Ma'am here's your drinks." sabi nung crew

"Hindi naman pineapple yung drinks namin aa." inis na sabi ni Cindy

"Ma'am pineapple po yung order nyo." Pagpupumilit nung crew

"Hindi nga!" Pasigaw na sabi ni Cindy

"Ahh sir according to our receipt, hot choco ung mga orders namin. Too far from pineapple right?" sabi ko sa crew

"Mabubulunan nako kaya palitan mo na kuya. Di naman talaga yan yung order namin eh." paawang sabi ni Kaye.

So ayun katapos naming muntik ng makipag away sa crew na yun dahil sa kanilang super poor customer service, nag ikot ikot na muna kami para mahanap yung Calle Crisologo kaso kung san na kami umikot ikot di padin namin nakita. May nakita nalang kaming isang lumang pader na may pinta, mukhang historical kaya nag picture kami dun. Pose dito pose doon lang ang peg namin. At ang nakakahiya pa eh nung ako na yung kukuha ng picture sakanila nakalimutan ko na nasa gitna pala ako ng daan kaya ayun nagsitigil yung mga sasakyan para lang sakin. Nakakahiya kasi di ko namalayan yun, pero ang bait nila kasi di man sila bumusina, talagang tumigil lang sila. Hahaha!

"Grabe girl nakakahiya todo pose pa naman kami." natatawang sabi ni Cindy

"Eii malay ko bang tumigil ang mundo nun dahil sakin. Hahahaha! :D"

Natapos ang umagang mejo side trip at balik byahe kami papuntang Ilocos Norte. Ang ganda ng view, puro nagsi tumbahang puno yung makikita sa mga bundok. Habang nagpapahinga ka maririnig mo yung mabilis na takbo ng bus, yung paikot ikot at paakyat na daan. Sa labas makikita mo yung mga mabeberdeng dahon na nasisinagan ng araw, napaka fresh ng paligid, sarap mag seniti. Haha! Pero alam mo yun, what I love with travelling is that it refreshes me. Nakatulog ako sa kakatingin sa paligid, sa mga dinadaanan ng bus na sinasakyan namin.

"Yhaaaannnniiiiiiiiii!" sigaw sakin ni Bevs sabay pisil nya sa cheeks ko. Ahuhuhu! Ang sakit non.

"Ihhh anu ba bevs?"

"Tara na!!!" sabay hila nya sakin. Ang hyper naman netong babaeng to. Haist!

"Papicture tayo don, saka dun, saka dun." excited na sabi ni Bevs ng may kasamang pagturo kung saan saan.

--------------------------------------------------------------------------------------------

Touch down Paoay, Ilocos Norte. Oo nasa norte na kami, konti nalang at mararating na namin yung venue ng birthday ko. Haha charot lang! Venue ng convention sa may Plaza del Norte Hotel but before that dito muna tayo sa Paoay adventure namin. :)))

Andito po kami ngayon sa may Paoay church. Picture dito picture doon. Hila ng hila tong si Bevs kung saan saan. Ginawa talaga nyang bakasyon to eh side trip lang naman to at convention ang totoong pakay namin sa pagpunta dito. Pero dahil andito nadin naman eh sulitin na namin. :)))

"Yhaaan tara picture tayo dun ohhh dali!!!" si Bevs ulit yan.

"Ang gulo mo talaga." Sabi ko sakanya kaso wala pa din. Hinila pa din nya ko kung saan saan. Ayun picture dito picture doon na naman kami.

Ang ganda talaga dito sa Ilocos, superrrrr!! Babalik talaga ulit ako dito. Pagtapos namin dito sa Paoay church gumora na kami patungo sa convention kasi past 10 am na at wala pa kami dun e 8 am yung start ng event which is the seminar lead by the four leading accounting firms here in the Philippines.

So finally we're already here after more than 12 hours of travel. Ang sakit sa butt infareness. Haha! May naabutan pa naman kami dun sa seminar, we find it so boring. Yung mga delegates na may events today ayun nagsipaghanda na, kami naman na wala heto kami chillax lang – feeling turista kumbaga. Hehe! :D

After ng seminar binigyan na kami ng mga souvenirs from this convention. Like bag, umbrella kasi sobrang init talga dito, tumbler at kung anu ano pa. Syempre ang pinakaimportante sa mga binigay nila is yung mga food stab namin for two days. At dahil malapit na mag lunch inavail na namin yung isang food stab for lunch.

"Daming pagkain kaso parang may kulang pa din." nakangising sabi ni Josie, classmate ko.

"Anong kulang?" tanong ni Pattie, classmate ko din.

"Kulang ng lasa." sabi ni Josie sabay tawa. Nagtawanan na din kami. Ang adik talaga ng mga kaklasi ko. Well tama nga naman, lahat ng pagkain matabang. May shortage ata ng asin dito sa Ilocos eh.

"Pati pakwan matabang. Hmp!" reklamo din ni Sir Carlo, prof namin.

Katabi namin ng table yung mga tiga ibang school.

"Ooh tiga accf mga yan." sabi ni JM. Napatingin naman ako sa kabilang table then naalala ko yung crush ko tiga accf kaya tinignan ko yung mga nakaganung jpia shirt kaso di ko sya makita. Sayang naman, nakakainip na pa naman dito. Then naalala ko na may number pala nya ako.

"hi! :))" text ko sakanya.

"who's this?" Well expected ko ng English isasagot sakin nun.

"Ariane :))"

"who's Ariane? And where did you get my number?"

"kabatch mo ko nung nag rereview ng CAT."

"ohh panu mo nga nakuha number ko?" mataray nyang tanong.


FLASHBACK

CAT- Certfied Accounting Technician, so bago ka magkaron ng ganyang title kailangan mo muna ipasa yung exam nila. But before that ayun may mga review sessions muna. So we'll be having our first session of review. Actually nag start na sila last saturday, every sat. lang kasi yung review. Pero di kami naka attend nun ni Kathy kasi nga di kami nainfform, mahina yung wifi samin.

So it's Saturday at habang nag titeam building ang aming mga ka jpian heto kami ni Kathy kasama kong mag titake ng exam. 7am palang andito na kami sa review center, wala pang ibang tao kaya pumunta muna kami sa kaharap na Jollibee.

Eat eat muna, then habang humihigop higop ako ng aking hot choco napatingin ako sa labas at dun ko nakita yung isang maliit na girl. Nakasuot sya ng fitted black glossy pants, black t-shirt, nakapusod yung hair nya, may anklet, at may suot na madaming bracelet. Ang cool nyang tignan, ang astig lang. Sya nalang pala tinitignan ko. Nakita din pala sya ni Kathy at pati sya na astigan dun. Haha!

After namin kumain balik review center na kami, nakakagulat na kasama pala namin sa review yung girl kanina.

"Bhestie ayun yung cute na girl ohh." sabi ni Kathy sabay nguso dun sa kinaroroonan nung girl.

"Haha oo nga inspired nyan.hehe" ngingiti ngiti kong sabi. Pinapasok na kami sa isang room at pinakilala kaming mga bagong kaanib sa kapatiran ng mga magaganda. Haha :D Lahat kaming mga magtitake ng level 1 ng CAT ay nandito kahit saan school pa kami galing.

Habang wala pa yung professor daldalan muna tong mga kasamahan namin dito, kami naman ni Kathy abala sa pagbabasa ng mga ni review na last week.

"Ihh bhestie andami naman natin di nareview, wala kasi tayo last week e." nag aalalang sabi ni Kathy

"Oo nga grabe half of this book yung kailangan ireview."

"Panu tayo nyan? May exam daw tayo ngayon e." nagpapanic na sabi ni Kathy.

"Nge! Chilax ka lang jan. Keribam yan." mayabang kong sabi pero kinakabahan ako.

"Ohhh my gosh. I thought I'll be late." Maarting sabi nung isa.

"Friend naman alam mo namang 8 am yung pasok e." sabi nung maliit na girl na nakita ko kanina. May accent ang pagkakasabi nya jan aah, kahit tagalog.

"I'm trying to call you unfortunately I can't reach you." maarti ulit sabi nung isa.

"Ohh why? You didn't know my numbehhh?" sabi ulit ni little girl.

"Bat hindi mo kasi binigay yung number mo Myra?" sabat nung isa.

"Eto na ohh 09********. Ohh alam mo na friend ahh." sabi ni Myra. Yun pala ang name nya. At yun din pala number nya. Grabe tanda ko pa din yung number nya.

EndOfFlashback


"ayun ganun ko nakuha yung number mo. hehe :))" reply ko

"ohh my gosh! di ko alam na ginawa ko yun. anyway bat mo nga pala ako tinext?"

"nakakainip kasi dito sa myc e. sumama ka ba?"

"nge di man ako eh, ano na bang events?"

"mga pang academics muna, mamayang gabi pa yung mga non-acad."

"ayy oo. yun lang pamo yung pampagising jan. ay meron pa pala! haha."

"ano?"

"ako. haha ^.^. may fb ka?"

"hahaha ikaw talaga, meron po."

"anung name? add kita."

"hehe di ko tanda yung name ko jan e. mamaya nalang pag nasa hotel na kami check ko ahh?"

"aah wala pa kayo sa hotel nyan?"

"wala pa nga eh. grabiiii ang init dito nakabilad kami. wala pa kaming sasakyan papuntang hotel namin eh malayo pamo daw yun." naiinis kong reply. Ang init kasi tapos kanina pa kami naghihintay dito. Buti pa yung ibang university nahatid na nila, yung iba naman dito na sa mismong convention yung hotel nila.

"yung bus nyo ba di nyo pwedeng sakyan?"

"iniwanan kami e. ayun pumunta na sa hotel dala yung mga gamit namin. alam kasi nung driver may ipoprovide na maghahatid samin dun e." paliwanag ko.

"nge oras na ohh, wala pa kayong pahinga nyan :((" with a sad face nyang sagot

"oo nga yung mga participants nga namin di na nakapaghilamos ayun salang na agad sila, oras na e."

"wawa naman sila. ohh wag kang sisimangot jan. :)"

"di na, heto na may sasakyan na kami, finally :)" sobrang pagod na din kasi ako sa byahe kaya gusto na namin magpahinga pero kailangan pa din namin bumyahe. Haaayyy.

"sige ingat kayo, yung fb name ahh?" paalala nya.

"opo :)"

"sige hintayin ko.hehe"

Di nako nagreply kasi sobrang pagod nako. Pinagmamasdan ko muna si Ilocos Norte. Nandito ako ngayon sa malayong lugar, 12hours away from my hometown. Walang traffic dito, halos wala ngang dumadaan sa dinadaanan namin e. Maraming dragon fruit dito, parang kada bahay dito may tanim na ganun sa bakuran nila.

Patuloy pa din ang byahe kaya patuloy pa din ang pagtingin ko sa mga dinadaanan naming mga puno, bahay, tao, sasakyan. Nasa Laoag na kami kaya may traffic na pero di naman ganun kabigat. Akala ko dadaan pa kaming papuntang Pagudpud pero lumiko na kami, so after almost an hour of travel from the convention and after a very very long travel from our hometown, finally we reached our hotel. Kanya kanyang bitbit ng gamit. And I want to present to you my room mates.

Si Jenny classmate ko, kaibigan na din pero di kami ganun ka close.

Si Kerlyn o kilala nyo nay an ahh.haha

Si Cindy kilala nyo na din yan.

Si Kaye Kilala nyo na din yan.

Tatlo yung kama sa room namin, may isang cr, may cabinet, may tv, may ref at may terrace. So tabi kami ni Cindy, tabi si Jenny and Kaye, solowista naman si Kerlyn. Walang gustong tumabi sakanya at ayaw nya din may katabi kasi nagbabasa sya ng spg. Hahaha!

Nagsi ligo na silang lahat at habang may tao pa sa cr, ako heto ayos ayos muna ng gamit. Ni ready ko na din yung cup noodles na kakainin ko at ako yung last na maliligo matagal ako e. Habang hinihintay ko sila matapos chineck ko muna yung name ko sa fb, so ayun tinext ko na dun sa bago kong textmate.

"Sa hotel na kami. heto fb name ko yhanmendez." text ko kay Myra.

"haha sige add kita."

Di nako nagreply kasi naligo nako. Pagtapos ko maligo kain ng cup noodles habang nuod ng balita. Medyo iba yung mga palabas dito, iba yung mga channel e.

Di ko din naubos yung kinakain ko at humiga nako, tinext ko muna yung kapatid at tita ko na nasa hotel nako then yun natulog nako. Tabi kami ni CIndy pero dun ako sa paanan nya. Malikot kasi ako baka masapok ko sya haha! Patulog na sana ako ng nag ring ang phone ko, si Bridget. Hmmm. Ano na naman kailangan neto? Di ko sya sinagot. Dedma ang lola nyong yummy. Hihi.

Continue Reading

You'll Also Like

175K 10.3K 25
Sta. Maria Series (Herrer Girls- 3rd Generation) ON-GOING
3M 77.2K 18
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
74.5K 5.7K 16
Kenny Rae B. Sinclair is a fourth-year college student. Pretty handsome but aloof and prefers to be alone. She has only two friends at school and has...