*** STRUGGLE IS REAL ***

67 2 2
                                    

Habang tumatagal lalo akong napapalapit sa tinitibok ng puso ko ngayon, si Kelly. Natatakot ako na magmahal ulit at muling masaktan. Natatakot akong mawalan ulit ng isang mabuting kaibigan ng dahil sa lecheng damdamin ko. Natatakot akong mawasak muli. Ayokong maging unfair sakanya. Gustuhin ko mang iwasan sya ng mapigilan tong nararamdaman ko, pero pano? Masasaktan ko sya. Ayoko naman iwan sya ng walang dahilan kasi masakit na masakit yun. Kung sasabihin ko naman tong dahilan ko, para ko na din sinabi yung damdamin ko at baka iwasan nya ko. Anung gagawin ko? Gulong gulo nako.

Mahirap, napakahirap mainlab sa kaibigan mo. Mahirap na sabihin ang totoo, mahirap pa na may posibilidad na mawala sya sakin at masira yung pagkakaibigan namin. Lalo na sa sitwasyon ko na pareho kaming beauty.

Ako yung may problema, ako tong may kakaibang nararamdaman sakanya, ako lang.

At dahil ako lang, ako lang ang dapat humanap ng solusyon dito.

Patuloy ang pagkakaibigan, patuloy ang pagtibok ng puso ko sakanya, patuloy ang lahat. Mahulog na kung mahulog, masaktan na kung masaktan, mamahalin ko pa din sya ng palihim. In that way, I can be with her, I can love her, can touch her, can hold her hands, can hug her. This way I can be near her. Atleast.

Walang aminan to. I will never disclose the feelings I have for her. This love will just live here in my heart. Mahirap man pigilan itong lumabas, still di pa din nya to dapat malaman.

One Dream (GxG) - SLOW UPDATEWhere stories live. Discover now