*** NOVEMBER 28, 2014 ***

49 1 4
                                    

Walang pasok ngayon, pero di ko ramdam kasi nagpiprepare ako for tomorrow, sa madugong auditing. Review dito review doon. Nakakatamad na nga ee. Well as if I have a choice, kailangan eh.

Si Kelly katext ko sya ulit, kasi?? Kasi?? Kasi?? Haha Bakit nga ba? Hindi ko din alam. Haha!

Wala daw yung superior nila at mag-uundertime daw sila. Mga daga nga naman pag wala ang pusa. Haha! Naalala ko tuloy kung panu kami ni Elle nung ojt times pag wala si Tessaroar, yun tawag namin dun sa partner ni sir Ferds.

Bibili daw sya ng panregalo for their chris-kringlechuba at may naisip daw sya. "Bat di ko daw sya samahan bumili?" Mabubulunan ata ako sa batang to, pabigla bigla nanaman. Haha! Kung ako tatanungin, gusto ko naman kaso nahihiya ako ee. Haha! Di pa kasi ako sanay na kami lang. Kaya sabi ko bat di nalang nya isama si Kathy. Kaso di daw pwede si Kathy eeh. Hmmm! Chena nya lang yun ... Kaya tinext ko sya na samahan si Kelly, ayun pumayag sya. Oha lakasss eeh.:D

Kailangan ko palang pumunta sa office ni Ferds today. Hay! Nakakatamad talaga. Dry na magtext si Kelly, nagtatampo nato. Kaya para pambawi sinabi ko magkita nalang kami sa SM, tas mg'arcade na din kami. Ayun di na sya dry magtext at nang aasar na. Hihi!

@office...

Ate Cams with Melissa (ang future accountant ng mga chanak. Hihi) Makita palang nya ko umuusok na ilong nya. Pag pumupunta ako dito, sa chair ni sir Ferdy ako umuupo. Hehe! Feeling boss eh. Hoho! Umalis si Ate Cams at sabi nya bantayan ko daw yung ojt na chanak.Haha

Nakakinip sa office kaya nagpatugtog ako. Kaso napagalitan ako "accounting firm ito miss hindi bar". Oha! Sungeet talaga. Parang magme-menopause na. Haha! Syempre di naman ako nakinig. Hihi!

Nag encode nalang ako ng katambak na receipts ng NFGH. Mahirap na mag journal entries pag actual. salamat sa chart of accounts. Habang ako nag eencode si chanak nagsusulat sa mga books, manual recording sya eh, awawa naman. Hehehe. Aba! Loko to sumasabay sa kanta ko aa. Mapatay nga yung sounds. Ansama na ng tingin nya sakin sabay kurot sakin ng madami. Ihhh bugbog sarado na naman ako. Huhuhu :'(

Katext ko si KT (Kelly) habang nag eencode, ayun inaasar nya lang ako. Haha di sila nakapag undertime dumating kasi yung pusa. Hahay gutom na akech, pupunta sana akong mcdo kaso yung chanak nilock yung door. Di ako makalabas, ayaw naman nya magpaiwan dito. Di rin naman pwedeng isama ko sya kasi wlang tao dito. Tiis gutom nalang. :/

Five na dumating si Ate Cams at nakaalis nadin ako. Naglakad nako gang SM. Nakabili nako ng mga stuffs ko wala padin sila. Ang tagaaal!!!

Malapit na daw sila sabi ni Kelly. Tinanong nya kung nasan ako sabi ko sa harap ng kfc, then tinanong kung sa sm ba daw ang sagot ko ayala (syempre noh sm nga yung usapan e, di naman ako ganun ka shunga) syempre nagjojoke lang ako kaso tong si KT agad umuusok yung nose. Hehe. Gang sa di nila alam nasa likod na nila ako. Kasama pala nila yung criminology na babae na parang jowa ni Kathy. Okay lang as if I had a choice. LOL! Pero okay lang gusto ko din naman maging close kami. Inalok ko sya ng fries ko kaso tinanggihan ako ng loka. Haha. Sya na! Barilin ko to eeh. Haha!

Ikot ikot lang kami sa SM pero ako syempre distant sakanila. Lagi naman akong ganito pag nasa mall ee. Nagrereview nalang ako habang naglalakad para wala akong idle time. Kinakausap naman ako ni Kelly, sometimes tinatakpan nya yung nirereview ko. Ayun nakahanap na sila ng cheap na shukoleyt. Haha!

Pauwi na sana kaso huminto pa si Kathy dun sa parang sari sari store. (may sarisari store ba sa sm? Im referring to one of those stalls or carts basta yung mga yun.) May tumutugtog na song (let her go) dun sa store. Di ko nalang pinansin, tapos to namang si Kelly talagang pinansin pa. Sinabe pa talaga sakin. Bully talaga netong batang to.

I let her go already. I'm sure of that. I know in myself that I already let her go. But the pain she gave me left scars in my heart.

Pupunta pakong bayan, dun din pauwi kina Kelly. Hinintay ko talaga sya kasi gusto ko syang makasabay sa jeep papunta dun kaso baka ayaw naman nya ko kasabay. Pero mali ako kasi gusto din naman nya. Hihi!

Sa jeep kasabay ko nga si Kelly. Diko na alam kung ano na mga napag usapan namin dun. Hehe. Napaka short term ko kasi eh. Hays! Alam ko lang kinuha nya yung nirereview ko para makapagusap daw kami. Haha. Gaya gaya daw ng time yung phone ko, lakas makabintang neto sakanya nga yung gaya gaya eh.

Sobrang bigat ng traffic pero ok lang, di nakakainip kasi kausap ko naman si Kelly ko. Ang sarap at ang saya lang nyang kausap, kakabitin kasi kailangan na nyang bumaba. Kung pwede lang isang ikot pa eh. Haha!

Ako heto pauwi na din sana kaso may nakasabay pakong kakilala sa jeep at manlilibre daw kaya sumama ako. Sayang naman kung tatanggihan diba? Blessings kaya un. Hihi! Matagal ko din di nakasama to simula nung grad namen. Kaya heto nalate nanaman ako sa daan.

Tumawag si Bevs kasi si Maine daw ayaw umuwi. Kinausap ko si Maine, nakakalungkot lang. Nalungkot talaga ako dahil dun. Anyway I should be happy kasi may bata sa harap ng screen na nahihirapan para lang pasayahin ako. Hehe! Ayun natulog naman ako ng masaya.

"Thank you for this day Kelly! Grabee! Dami ko ng utang sayo.. Goodnight!!"


I love you Kelly! :* Yeah, I'm loving you now.

One Dream (GxG) - SLOW UPDATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon