Next Time I Fall In Love (Soo...

By aLexisse_rOse

4.3M 64.3K 5.1K

Sequel of Invisible Girl (Jared's side story) This time, siya naman ang bibida! All rights reserved 2013 alex... More

Next Time I Fall Inlove
Chapter One: Destiny
Chapter Two: The Party
Chapter Three: She's A Girl!
Chapter Four: The Heartbreaker
Chapter Five: Red Sports Car
Chapter Six: Her Black Knight
Chapter Seven: The Substitute
Chapter Eight: Rescue Her
Chapter Nine: He's Blushing
Chapter Ten: Creepy Feeling
Chapter Eleven: Dedma
Chapter Twelve: Babysitters
Chapter Thirteen: The Punishment
Chapter Fourteen: Living With Her
Chapter Fifteen: Exile
Chapter Sixteen: Girl In The Shore
Chapter Seventeen: Chinita
Chapter Eighteen: Lady In Red
Chapter Nineteen: Savior
Chapter Twenty: Second Life
Chapter Twenty One: Unexpected Confession
Chapter Twenty Two: She's Mine
Chapter Twenty Three: What if?
Chapter Twenty Four: The Past
Chapter Twenty Five: The Big Day
Chapter Twenty Six: Untamed
Chapter Twenty Seven: Forgotten
Chapter Twenty Eight: Giving Up
Chapter Twenty Nine: His Old Self
Chapter Thirty One: My Destiny (The Finale)
Epilogue
Special Chapter:

Chapter Thirty: Conspiracy

89.9K 1.7K 324
By aLexisse_rOse

Pasingit lang po... marami kasing nagtatanong kung ano raw ba ang tamang pagbigkas sa pangalan ni Patte. Two syllables po siya  (PAT-TE) at ganun din po ang kay Jared, (JA-RED).

Two more chapters na lang at maggu-goodbye -_________- na tayo kay Papa Jared. Sa mga nagre-request na habaan ko pa ang story, sorry guys.. hanggang doon na lang po talaga. Kailangan din naman nating pagbigyan ang ibang boys. Nagrereklamo na po si Vince dahil halos isang buwan nang nakabinbin ang kanyang lovestory. Ganon din po si Tyron na gusto nang unahan si Vinci Boy Pero sabi naman ni Mark, willing daw siyang maghintay kahit mahuli pa siya.

At sa mga nagko-comment na bitin daw ang update.. ganun po talaga ang mga on-going stories, laging bitin  ^____~ Y 

Enjoy reading everyone!



Chapter Thirty: Conspiracy

JARED

                "What brought you here?" Kunot-noong tanong ko nang madatnan si Mark sa loob ng aking opisina.

                "Gusto ko lang kamustahin ang kaibigan ko na natiis na hindi ako kontakin sa loob ng anim na buwan," nakangitin nyang sagot at umupo sa bakanteng silya na sa aking harapan.

                "Nagkita na tayo noong isang araw."

                "Nagkita nga tayo pero halos hindi mo naman ako kausapin. Hindi ka man lang nagpasalamat sa akin sa paghahatid ko sayo."

                "Anong kailangan mo?" Sigurado ako na may kailangan ang kaibigan kung bakit niya ako sinadya. At parang nahuhulaan ko na kung ano iyon.

                "Why are you so cold? Iyan ba ang na-adopt mo sa pagtatago sa Boston? Nandito ka na pala sa Pilipinas hindi ka man lang nagpasabi sa barkada. Akala mo ba hindi namin alam na isang linggo ka nang narito? Ikaw lang ang hinihintay na namin na kumontak sa amin. Pero mukhang wala kang balak na gawin iyon kaya ako na ang kusang pumunta rito."

                "You're talking too much, Mark. Sa pagkakaalam ko ay sina Tyron at Vince lang ang madaldal sa ating lima."

                "People change. Parang ikaw...bigla ka na lang nakalimot na mayroon kang mga kaibigan na handang dumamay sa'yo."

                Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Nang pumunta ako ng Boston ay sinadya ko talaga na hindi sila kontakin. Gusto kong mapag-isa at makalimot. Hindi ko naisip na kailangan ko sila ng mga panahong iyon. Umiwas ako sa kanila dahil alam ko na kahit papaano ay may koneksyon sila kay Pate, lalo na si Mark. And I don't want to hear anything about her.

                "Ano ba talaga ang sadya mo sa akin?"

                "I just came here to tell you na may tambay ang buong barkada mamaya. Sobra ka na nilang na-miss at ini-expect ka nila."

                "I can't. May lakad ako mamaya."

                "With whom? Another no one girl?" Sarkastikong tanong niya.

                Hindi ko pinansin ang kanyang sinabi. "Next time na lang. Pakisabi sa kanila."

                Ilang sandali akong tinitigan ni Mark. Tila nanantya. "Hindi na kita pipilitin. But if you change your mind...alam mo kung saan kami pupuntahan." Tumayo siya at tinungo ang pintuan nang muli lumingon. "May natuklasan akong bagong restaurant sa Makati. The foods and place are superb. You can give it a try," aniya bago tuluyang lumabas ng pinto.

                Sinubukan ko ang ni-refer na lugar ni Mark. And he is right. Napakaganda nga doon. Iyon nga lang ay medyo nasa remote area ang nasabing restaurant.

                "You impressed me. I like the place. How did you find this?" Si Melissa ang ka-date ko nang gabing iyon. Na-meet ko siya sa isang party na pinuntahan ko noong isang gabi. At dahil hindi ako sanay umuwi ng maaga sa bahay ay naisipan kong yayain siyang lumabas.

                "A friend of mine told me about this place," I said smiling. Pero nang maalala ko ang mga kaibigan ay nakaramdam ako ng lungkot. Kung tutuusin ay pwede kong ikansela ang lakad ko para sa kanila. I also miss them. Ngunit hindi pa ako handa na harapin silang lahat. Knowing them, baka mapikon lang ako sa mga kalokohan nila. Lalo na sina Tyron at Vince. Walang pa naman preno ang bibig ng mga iyon. Subalit sa kanilang lahat si Riley lang ang kinokontak ko. Syempre, siya ang bestfriend ko. Sa kanilang lahat siya ang pinaka-open minded at naintindihan niya ang  pinagdadaanan ko.

                Hinila ko ang isang silya para Melissa. Pagkatapos ay mabilis akong umikot at umupo sa kanyang harapan, nang may mahagip na pamilyar na pigura ang mga mata ko. Si Pate!

                Mag-isa lang siyang nakaokupa sa pandalawang mesa na nakapuwesto sa isang sulok. Malapit siya sa may veranda. At dahil nakatingin siya sa labas ay hindi niya napansin ang pagdating namin. Ang unang pumasok sa isip ko ay umalis sa lugar na iyon at lumipat na lang sa iba. Pero may kung anong pumigil sa akin na gawin iyon.

                "Sir?"

                Nag-angat ako ng tingin sa waiter na lumapit sa amin at inaabutan kami ng menu book. Nang muli kong sulyapan si Pate ay may kausap siya sa cellphone. Marahil ang taong hinihintay niya. Hindi naman siguro siya pupunta sa lugar na iyon kung wala siyang katagpo.

                "Jared!"

                Lumingon ako kay Melissa.  "I'm sorry?"

                "What do you think about their main course?" Itinuro niya sa menu ang tinutukoy.

                "It looks tempting," ang sabi ko na lang at muling sinulyapan ang kinaroroonan ng dalaga.

                Kumakain na kami ni Melissa. Pero hindi ko magawang i-enjoy ang pagkain kahit gaano pa iyon kasarap sa panlasa ko. At hindi ko rin magawang i-focus ang atensyon ko sa babaeng ka-date ko dahil sa presensya niya. Iniiwas ko na nga ang mga mata sa kanyang kinaroroonan. Ngunit sa bandang huli ay natagpuan ko na lang ang sarili ko na nakatingin ulit sa kanya.

                "Are you still with me?"

                "Huh?"

                "You're not listening, Jared," she said pouting her lips. "Sino ba kasi ang tinitignan mo at kanina mo pa ako hindi pinapansin?" Lumingon si Melissa at sinulyapan ang kinaroroonan ni Pate. "Do you know her?"

                Mabilis akong umiling. "She looks pamilyar. Akala ko kakilala ko."

                Tinaasan lang ako ng kilay ni Melissa. "Really? No doubt she is beautiful. May pagkaboyish nga lang. Not your type."

                Pilit akong ngumiti. Kung alam lang niya na ang tinutukoy ay walang iba kundi ang babaeng minahal ko ng sobra ngunit sinaktan lamang ng labis ang aking damdamin. Nang muli kong sulyapan si Pate ay wala na siya sa kanyang puwesto. Where did she go?  Bigla nag-panic ang kalooban ko. Luminga ako sa paligid ngunit hindi ko na siya nakita.

                "Mel, let's get out of here." Agad na dinukot ko ang pitaka at naglabas ng pera.

                "What? W-why? Halos hindi pa nga tayo nagtatagal rito."

                "I don't like the food here. Lumipat na lang tayo sa iba." Tumayo at inalalayan ko si Melissa at saka hinila siya palabas. Ngunit hindi ko na ulit nakita si Pate. Hindi ko na siya naabutan.

                Halos hindi pa kami nakakalayo nang bigla na lang tumirik ang kotse ko sa gitna ng daan. Naman! Bakit ngayon pa!

                "What happened? Don't tell me...Oh no! I don't want to stuck here. Not here in this scary place," paghi-hysterical ni Melissa.

                Napilitan akong bumaba ng kotse para itsek ang makina ng sasakyan. Ang totoo ay wala akong alam sa pagkukumpuni. Gusto ko lang subukan kung may magagawa ako. Ngunit, wala akong maintindihan sa mga parts n'yon. Pinagmasdan ko ang paligid. Puro matataas na puno at mga halaman ang nasa magkabilang kalsada. Wala man lang akong matanaw na bahay o establisiyento na puwede kong mahingan ng tulong. Ano bang lugar itong napuntahan ko?

                Muli akong sumakay nang kotse at dinampot ang cellphone sa dashboard. Tatawag na lang ako nang pwedeng makatulong sa amin. Ngunit halos mabitiwan ko ang telepono nang biglang sumigaw si Melissa. May isang nilalang ang biglang sumulpot sa bintana.

                "Need a help," sabi niya na nagpalundag ng puso ko. Nang yumuko ang yumuko ang nasabing nilalang ay napatunayan kong tama ang hinala ko. Si Pate!

                "Mukhang tumirik ang kotse ninyo. Pwede ko kayong tulungan," sabi niya ulit habang nakatingin sa akin.

                "Marunong ka bang magkumpuni ng makina?" Tanong ni Melissa.

                Tumango lang si Pate.

                "Okay then, umpisahan mo na."

                "No!" Pigil ko. "I can manage to fix it." Umiiral na naman ang pride ko. Bakit naman kasi sa lahat ng tao na pwedeng tumulong sa amin ay siya pa?

                "Jared, let her fix the car. Baka madumihan lang ang mga kamay mo. Bayaran mo na lang siya pagkatapos kapag nagawa niya."

                Dismadong napalingon ako kay Melissa. Hindi ko nagustuhan ang inasal niya. Namalayan ko na lang na kinakalikot na pala ni Pate ang makina ng kotse. Bumaba ako ng sasakyan at inilawan ko siya ng flashlight. Nakita ko kasi na subo niya sa bibig ang maliit na flashlight habang nagkukumpuni. Tumingin siya saglit sa akin at muling binaling ang atensyon sa ginagawa.

                "Matagal pa ba iyan?" Hindi nakatiis si Melissa at bumaba na rin ng kotse. "My god! Lumalalim na ang gabi at nandito pa rin tayo."

                Napailing na lang ako. Parang gusto kong pagsisihan ang pagyaya sa kanya. Nanatili pa rin tahimik si Pate sa ginagawa nang mapansin ko ang butil-butil na pawis sa kanyang noo.

                "Monreal, nasisilaw ako sa flashlight mo."

                "Sorry." Hindi ko namalayan na naitutok ko na pala iyon sa mukha niya. "Here. Punasan mo ang pawis mo," inabot ko sa kanya ang dala kong panyo.

                Tinignan lang iyon ni Pate bago muling nagpatuloy sa ginagawa.

                Ang tigas talaga ng ulo! Ibabalik ko na sana sa bulsa ang panyo nang magsalita siya.

                "Pakipunas na lang. Madumi ang mga kamay ko."

                I went still. Gabundok ang pagpipigil ko sa sarili na gawin ang inuutos niya. Why I would do that? No way!

                Sabay kami nag-angat ng mukha ni Pate nang may paparating na sasakyan. Isa iyong taxi. Mabilis na pinara iyon ni Melissa. Ngunit laking pagkadismaya ko nang bigla na lamang sumakay. "Sorry, Jared, but can't wait any longer. I need to go first. See yah." Iyon lang at pinaalis na nito ang taxi.

                "Anong nginingiti mo dyan?" Banayad kong asik kay Pate.

                "Nothing!" She said. Bago muling binalikan ang kinukumpuni. Ilang sandali ay nauwi iyon sa malakas na pagtawa. And I felt insulted. Tinignan ko siya ng matalim. Pero habang pinapanood ko ang pagtawa niya ay nag-iiba ang pakiramdam ko. Iyon na naman ang pamilyar na pagtibok ng pasaway kong puso. This is not good.

                "Paki-start ang kotse."

                "Huh?"

                "Ang sabi ko i-start mo ang kotse," sabi niya na may nakakalokong ngiti sa kanyang mga labi.

                Agad akong tumalima at sumakay. Pero nakailang ulit akong pihit ng ignition ay hindi pa rin iyon nag-i-start. Muli akong bumaba ng sasakyan.

                "It's hopeless. Wala na akong magagawa."

                "Are you sure? Tignan mo ulit."

               

                Ngunit imbes na balikan ni Pate ang makina nang sasakyan ay tinungo niya ang nakaparadang motorbike. "W-where are you going?"

                "Maghahanap ako ng makakatulong sayo."

                "Iiwan mo akong mag-isa rito?" And to my horror, mabilis na tumanog ang dalaga.

                "Hindi kita pwedeng i-angkas. Wala akong dalang spare helmet. At isa pa, malambot na ang gulong ng motorbike ko. Hindi kakayanin ang bigat nating dalawa."

                "No way! Hindi ako papayag na iwanan mo rito."

                "Babalik naman ako."

                "Ayoko pa rin!" Hinawakan ko si Pate sa braso upang pigilan siya. Pakiwari ko kapag pinakawalan ko siya ay hindi ko na ulit makikita ang dalaga kahit kailan.

                "Huwag kang mag-aalala walang multo rito," aniya habang nakangisi. "Baka aswang meron pa."

                Napalingon kaming dalawa sa paparating na sasakyan. Bigla akong nabuhayan ng loob at mabilis na kinawayan iyon para humingi ng tulong. Huminto naman ang van sa mismong tapat namin. Ngunit pagbukas ng pinto ay dalawang lalaking naka-bonet ang bumaba. Ang isa ay tinutukan ako ng baril. Ang isa naman ay sinunggaban si Pate.

                "W-what do you want?" Napalunok ako habang nakatitig sa dulo ng baril na nakatutok sa aking mukha. "You can take my car, my wallet and cellphone. P-please spare us."

                Umiling-iling ang lalaki. "Siya ang kailangan namin," aniya sabay turo kay Pate.

                Teka! Parang pamilyar sa akin ang boses na iyon.

                "Let me go!" Pilit na isinasakay ng lalaki ang nagpupumiglas na dalaga.

                "Hey! Anong gagawin nyo sa kanya?"

                "Hindi pa ba obyus na kikidnapin namin siya."

                Parang boses iyon ni...

                "Jared!" Sigaw ni Pate na humihingi ng tulong sa akin. Binitbit na kasi siya ng lalaki at tuluyang naisakay ng van.

                Sa isang iglap ay lumipad ang kamao ko at sapul sa mukha ang lalaking nasa aking harapan. Dahil doon ay nabitiwan niya ang hawak na baril. Isang suntok muli ang pinakawalan ko sa kanyang mukha at binigyan siya ng isang malakas na bigwas sa sikmura. Ganon din ang ginawa ko sa lalaking may bihag kay Pate. Pinaulanan ko siya ng suntok at sipa hanggang sa tuluyan siyang bumagsak.

                "Run!" Sigaw ko kay Pate habang hawak-hawak ko ang kanyang kamay. Kailangan namin makalayo sa lugar na iyon. Kailangan namin mailigtas ang aming mga sarili.

                Isang malaking puno ang nakita ko sa gilid ng kalsada at doon ko dinala si Pate. Mas mainam na magtago kami sa likuran n'yon kaysa patuloy na tumakbo.

                "Are you alright?" Mabilis kong sinapo ng mga kamay ang mukha kanyang mukha at wala sa loob na hinalikan siya sa mga labi. "May masakit ba sayo? Tell me?"

                Nakatitig lang sa akin si Pate. "H-how did you do that?"

                Kumunot ang noo ko. "Do what? This?" At muli ko siyang hinalikan pero agad din niya akong tinulak.

                "I mean, paano mo nagawang pabagsakin ang mga lalaking iyon?"

                "Ang totoo hindi ko rin alam na magagawa ko iyon. My instict told me to save you."

                Nang marinig ko ang paparating na tunog ng sasakyan ay mabilis kong kinabig si Pate at niyakap. Sigurado ako na sasakyan iyon ng mga lalaking nagtangka sa amin. Hindi nila kami dapat makita. Saka ko lang siya binitiwan nang tuluyang makalayo ang van.

                "Let's go." Muli kong hinila si Pate at tumakbo ulit. Kailangan naming balikan ang kanyang motorbike. Iyon na lang ang pag-asa namin para tuluyang makaligtas sa mga taong nagtatangka sa amin.

                "J-jared..."

                Naramdaman ko ang pagbagal niya hanggang sa parang naglalakad na siya. "Pate, bilisan mo. Baka balikan nila tayo." Hindi ko pa rin binibitiwan ang kanyang kamay.

                "C-can we talk?"

                "This is not the right time to talk," patuloy pa rin ako sa paglalakad ng mabilis at halos kaladkarin siya. Ngunit tuluyan nang huminto si Patte. Marahil ay napapagod na siya. Pagpihit ko paharap sa kanya ay bigla na lang niya akong sinunggapan at niyakap.

                "Jared..." Damang-dama ko ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso. She must be scared.

                "Ssshhh...you're safe with me. I won't let anything happen to you. I promise." Wala sa loob na hinalikan ko siya sa ibabaw ng kanyang ulo. Naramdaman ko na lang na humigpit ang pagkakayakap niya sa akin.

                "J-Jared, I'm sorry..." She sobbed.

                "Bakit ka nagso-sorry? Hindi mo naman kasalanan kung bakit ka gustong kidnapin ng lalaking iyon."

                "I-I'm sorry for all what I've done. I'm sorry for hurting your feelings."

                I stiffed. Hindi ko inaasahan na marinig ang mga iyon. Mabilis akong bumitiw sa kanya ngunit ayaw akong pakawalan ni Pate.

                "We can talk about this later. Not now."

                "I know I caused you too much pain. But can you forgive me?"

                "Trisha..."

                "Please, Jared. Tell me you do." Sa pagkakataon na ito ay umiiyak na siya.

                It seems like the pain is all coming back. At doon ko na-realized na hindi pa pala ako okay. Hanggang ngayon ay hindi ako maka-move on dahil sa ginawa niya. At hindi ko alam kung magagawa ko siyang mapatawad sa mga kasalanang ginawa niya.

                "Trisha, please...not now." Sa naghihirap na loob ay pilit ko siyang inilayo sa akin. "We're not safe yet. Kailangan pa nating makaalis sa lugar na ito."

                Yumuko lang siya at nagpatuloy sa tahimik na pag-iyak. Mabilis akong tumalikod. I don't want to see her crying.

                "Let's go." Nagpatiuna akong naglakad. It's up to her kung susundan niya ako.

TRISHA

                "What?!"

                Napangiwi ako sa lakas ng boses ng dalawang lalaki sa harapan ko. Katatapos ko lang ikinuwento sa kanila ang nangyari sa pagitan namin ni Jared. Our plan is failed. Ni-reject ako ng binata.

                "I can't believe this! Pagkatapos naming magpabugbog, wala rin palang mangyayari sa inyo," reklamo ni Vince habang sapu-sapo ng ice compress ang mukhang may pasa.

                "Tang'na! Malilintikan sa akin ang Jared na iyan! Siya na ang hinahabol, siya pa ang maarte!" Sa itsura ni Tyron ay parang gusto niyang magwala. Katulad ni Vince ay may mga pasa rin siya sa mukha. Pero sa tingin ko sa kanilang dalawa ay siya ang pinakanapuruhan.

                "Let him be. Maybe he needs time to think," kampanteng sagot ni Mark habang nakaupo sa sofa. Sa kanilang tatlo siya lang ang walang pinsala. Siya kasi ang pasimuno ng lahat ng ito. Ang plano... i-set up si Jared para makausap ko siya ng sarilinan. Pagkakataon ko na iyon para muli siyang maibalik sa buhay ko.

                Si Mark ang nag-utos kay Jianne na kalikutin ang kotse ni Jared para masira iyon. Ganon din ang pagpapanggap nila ni Vince at Tyron bilang mga holdaper. Ang plano ay para takutin ang binata at para na rin paaminin ang binata sa nararamdaman niya para sa akin. Pero hindi naman nila inaasahan na lalabanan ang binata. Lahat kami ay nasorpresa sa self defense technique na pinatikim niya..

                "This is all your fault," asik ni Vince kay Mark. "Ang sabi mo magiging effective ang plano mo. Pero tignan mo ang nangyari? Okay lang naman na mabugbog kami-"

                "Hindi okay sa akin!" Nakasimangot na sabat ni Tyron.

                Sinulyapan niya ng matalim ang kaibigan. "Okay lang naman na mabugbog ako," binigyan diin niya ang salitang ako. "Pero, Mark, sana siniguro mo na magkakaayos sina Trisha at Jared. Hindi na bale na hindi sila magkabalikan. Maging okay lang sana silang dalawa."

                "Everybody's happy sana!" Si Tyron ulit.

                "This is all my fault, guys. I'm sorry," nahihiya sabi ko. Pagkatapos nila akong tulungan ay ito pa ang mapapala nila.

                "Huwag mong sisihin ang sarili mo, Trish. Ang dapat sisihin dito ay si Mark," sabay turo ni Vince sa binatang doktor.

                "Bakit ako?"

                "Oo nga! Siya ang mastermind," sang-ayon ni Tyron. "May nalalaman ka pang game plan, palpak naman!"

                Hindi ko na sila naawat nang bigla nilang sunggaban ang pobreng binata. Para silang mga bata na nag-wrestling sa ibabaw ng sofa.

                Ngayon ko na-realized na hindi ganon kadali na ibalik si Jared sa buhay ko. Kung kailan naman handa na ako na harapin siya, siya naman pala ang hindi. Matatagalan pa siguro bago niya ako tuluyang mapatawad. Tuloy, naisip ko na isuko na lang siya at hayaan ko na lang ang tadhana na nagdesisyon para sa aming dalawa.

Continue Reading

You'll Also Like

19.7M 579K 81
On her 18th birthday, Claret finds out that her destiny is to be a healer in Nemetio Spiran, a vampire world where all is not as it seems. ...
4.3M 64.3K 34
Sequel of Invisible Girl (Jared's side story) This time, siya naman ang bibida! All rights reserved 2013 alexisse_rose© Highest rank achieved: #5 in...
783 43 20
Mahal mo? Mahal ka ba? Pero tunay na pag-ibig na ba talaga? Dalawang tao ang pinagtagpo upang magmahalan. Sa relasyong mayroon sila ay may mga pagsub...