Play With Blaze [FINAL EDITIO...

By IMKJLEE

72.2K 864 49

A twisted story with twisted characters. They both desire for one thing... To have a child. [From: December 1... More

Play With Blaze
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Epilogue

Chapter 11

2.1K 27 3
By IMKJLEE

Kinabukasan nag-commute nga kami ni Blaise. KKB kami sa pamasahe at feeling ko male-late na ko. Antagal kasi maligo, kainis! Dinaig pa ko.


At eto pa, antagak naming nakakuha ng jeep! Pero nung nakasakay naman na kami, parang wala lang yung oras, nagkwenthan lang kami hanggang sa hindi namin namalayan na asa babaan na kami ng LRT.


Maraming tao, at andami ding napapatingin sakanya. Pati mga kampon ng kadiliman, napapatingin din sakanya. Mahirap pala talaga pag sobra-sobra sa biyaya ang BF mo.


Gwapo talaga si Blaise, hindi halatang wala siyang pera. Ubod kasi siya ng puti na mamula-mula, tipong parang hindi pa siya nakakagat ng lamok simula nung iniluwal siya sa mundo. And syempre kapag maputi, parang ang linis-linis. Parang ang bango-bango? Kaya mukha siyang gwapo, pero siguro pag-pinunta mo siya sa European countries, walang-wala ang angkin niya mala-prinsepeng pangangatawan sa mata ng mga asiano.


Anyways, kamay ko naman ang hawak ng lalakeng pinapantasya nila. Matunaw sila sa inggit!


Umakyat na kami sa hagdan at bumili na ng ticket. Sobrang dami ng tao! Box office hit ung train, para siyang isang malaking barko na inaabangan ng mga pirata!


Kami ni Blaise ung prinsepe't prinsesa na hostage.


Ghad! Ano na bang nangyayari sa kin??? Kung ano-ano ng kakornihan ang pumapasok sa utak ko! Hindi na to healthy sa ispiritu ng tunay kong katauhan.


Nang makabili na kami ng ticket, saktong paparating na ung train kaya nagmadali na kaming pumasok sa loob. Kahit na asa dulo kami ng pila pinilit ko si Blaise na sumakay na. Ayoko kayang malate!


Asa tapat na tapat kami ng pinto at para kaming mga sardinas na nagsisiksikan sa loob! Gosh, I HATE RUSH HOUR!!! Kaya nga ako bumili ng sasakyan para hindi maranasan ang ganito, ito naman kasing si Blaise, kung ano-ano ang naiisip.


Pero okay lang din naman, may free hug ako.


"Do you need some air? Bababa tayo sa next station"


"No I'm okay. Don't worry you're giving me enough space"


Two minutes kaming ganun, and nung nag-stop ung train sa Gil Puyat, bumababa kami para mag-bigay daan sa mga bababa, ito kasing mahirap sa mga tao dito sa LRT, wala silang sistema sa katawan, alam na nga nilang asa tapat sila ng pintuan ayaw pang bumaba saglit para dun sa mga lalabas, haay buti na lang kaming dalawa ni Blaise ang nasa tapat. Pumasok na kami ulet at sumuksok na sa mejo gitna nang wala ng lalabas.


"Pano pala pag wala ako? Edi naipit ka na dyan, ay hindi, napirat ka na"


"May kotse ako, hindi ko na kailangang mag-commute"


"Pag nasiraan ang kotse mo?"


"Taxi"


"Ah kaya pala nakita kitang nag-lrt last time! Bat di ka nag-taxi nung time na un?"


"Maaga pa naman nun!"


"Maaga pa rin naman ngayon ah."


Nakakainis! Lagi na lang akong nauubusan ng sasabihin sakanya.


"Ah basta! Nakalimutan ko lang nung araw na yun na mag-taxi! Wag kang mag-alala, kasi hindi na talaga ako mag-e-LRT ng DI KA KASAMA!"


Oh ayan, sana naman na-satisfy ko na siya. Nag-smirk siya.


"Galit ka na nyan?"


"HINDI!"


"Hindi pero mataas ang boses mo."


How can I stay calm in this situation??


"Wala! Drama ko lang to, wag mo kong pansinin."


"Okay."


Tapos hinalikan niya ko sa cheek. Napalingon ako sakanya at pinalo ko ang braso niya.


"Blaise! Ano ba."


Nakakahiya sa mga babaeng nakaupo sa tapat namin! Kanina pa sila nanonood at alam ko namang kay Blaise lang nakatuon ang 99.9 percent ng atensyon nila.


Nag-chuckle si Blaise.


Humarap ulit ako sa bintana at humawak ako sa kapitan, hindi ko siya pinapansin hanggang sa maya-maya, nahagip ko yung tingin ng babae sa kin kaya nag-wink ako sakanya.


Namula si girl!! Hahaha. Akalain mong may effect pa rin ako sa iba. Ayan tuloy bigla na lang niyang iniyuko ang ulo niya. Hindi ko mapigilan ang tawa ko. Ano ba yan! Hahaha


"Cindy what are you doing?"


He said in a whisper. Napansin niya pala.


"Flirting."


I answered him in a whisper too, and he laughed. He pinched my cheek.


"Tara na, next station na tayo."


Iniwan na nga namin ang gitnang pwesto at lumipat na ulit sa tapat ng pinto.


Sa Pedro Gil kami bumaba, at paglabas namin sa mismong station, naglakad na kami papunta sa kinatatayuan ng building ng pinagta-trabahuhan ko.


Pwede naman kaming sumakay ng jeep, dahil kalsada talaga to at maraming restaurants sa mga gilid. Pero malapit lang din naman kaya okay lang na mag-lakad kami.


Nakakatuwa kasi simula pa kanina, everytime na magkakahiwalay ang mga kamay namin, lagi niyang binabalik. Lalo na ngayon, na wala ng dahilan para magkahiwalay pa sila.

Asa pagitan ng mga daliri ko, ang daliri niya habang sabay kaming naglalakad.


Sana pala tumino-tino na ko nung high school, para marami pa sana akong naranasan na ganito. Hindi yung higit bente na ko, ngayon ko pa lang talaga anatitikman ang tunay na luto ng Diyos.


Sana dumating na siya ng mas maaga pa dati, para nakapag-bagong buhay ako agad. Hindi yung parang ngayon lang ako nag-dadalaga.


Pero hindi ko rin naman pinag-sisisihan ang mga nagawa ko noon, at kahit kelan hindi ko pa rin tatalikuran ang tunay na sarili ko. Siguro ganito talaga, isa nanamang discovery, at tulad ng nakasanayan, tanggap na tanggap ko kung ano man ang mga preferences ko.


Huminto na kami ng malapit na kami sa building ng company namin.


"Sige na, mauna ka na."


"Pwede ka namang pumasok sa loob."


"Wag na, hindi ka makapagmamadali pag sinama mo pa ko, sunduin na lang kita mamaya. Anong oras ba out mo?"


"4."


"Okay. Magkita na lang tayo sa restaurant malapit dito, tawagan na lang kita."


"Okay."


"Bye na."


Then he gave me a peck on the lips.


"Balik mo mamaya yan."


Nag-nod lang ako at nagpalitan na kami ng ngiti bago pa siya tuluyang umalis.



*********


Pumasok na ko sa gate at binati ako ng mga SGs.


"Good morning ma'am!"


"Good morning."


"Ma'am ang gwapo naman ng boyfriend mo."


"Hahaha talaga? Maganda naman ako kaya kelangan pantay."


Hahaha! Bakit ba mataas confidence ko.


"Si ma'am talaga, ang hilig mag-biro."


Aba't, parang sinabi niyang pangit ako!


"Ma'am parang may kamukha si Sir, sana ma'am pinapasok niyo na."


"Maarte ei. ayaw kayong makita, natatakot daw sa inyo. Hahaha, joke, sige pasok na ko."


Badtrip.


Tumakbo na ko papunta sa office at paupo sa cubicle ko. Sakto naman, pag-dating ko, dumating na rin yung mga papeles na ta-trabahuhin ko.


Lumipas ang ilang oras hanggang sa lunch break na. Nag-stretch muna ako, bago tuluyang tumayo at umalis sa cubicle. Nag-lakad na ko sa pinto.


"HUY!"


"Ay palaka!!"


Sobrang parang humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan dahil sa pang-gugulat na ginawa ni Jess!


"Jess! Ano ba, ginulat mo ko!"


"Grabe ka! Parang kinakalimutan mo na ko."


"Ha?"


"Dati sabay tayong lumalabas lagi!"


"Sabay naman tayong mag-lunch everyday ah!"


"Oo nga! Pero lagi ka namang nakatu-tok sa phone mo!"


"Ha?"


"Tyka yan, ANO YAN??"


Tinuro niya ang mga band aid sa leeg ko.


Sh!T! Ito na nga bang sinasabi ko ei. Blaise kasi.


"Nung isang araw, dalawang patong lang yan ah! Bakit ngayon tatlo na???"


"Ano, wala toh. Allergy lang."


"Allergy??? Bakit kumain ka nanaman ng sea food??? Edi ba alam mo namang bawal ka nun???"


"Jess teka nga, wag mo kong pagalitan dito sa hallway okay? Dun na lang sa canteen tara."


At para tumigil nga siya, hinila ko na siya pababa.



*********


Naka-order na kami ng mga pagkain at naka-upo na rin kami dito sa canteen.


"Buti hindi nalagyan yang mukha mo."


"Oo nga ei."


Buti hindi niya naisipan.


"Pero bakit hindi namamantal? Tyka anliit?"


Andami niya namang tanong!


"Sa beywang ko kasi talaga madami tyka uminom na ko ng gamot."


"Haaay, ikaw talaga! Sino bang nag-pakain sayo ng sea food kagabi at hindi ka nakatanggi kahit alam mong bawal ka ha???"


Ano ka ba, hindi seafood! Binusog niya ko ng ibang klaseng pag-mamahal.


"Tyka bakit nga ba hindi ka na pumupunta sa min para mag-dinner?"


Kelangan ko na bang sabihin sakanya na kami na ni Blaise???


"Ano, maraming inaasikaso sa pad."


Lalo na andun si Blaise,


Ano ba yan! Puro ako Blaise, blaise, BLAISE!


Sumandal si Jess sa upuan niya, nag-cross arms at tinignan ako ng may pag-dududa.


"May tinatago ka, ano yun?"


"Wala! Sadyang kailangan ko lang ayunsin yung pad para maiba naman."


"Hindi ako naniniwala."


Haay, ano nga bang sense ng pag-sisinungaling ko sakanya kung kilang-kilala na niya ako???


I sighed and I have no choice but to say the truth, but I can sugar coat it... I think?


"Okay fine. I have a boyfriend."

.

.

.

.

.

.

.

.

"ANO???? BOYFRIEND????"


Nadabog niya ang lamesa at hindi ko pinakitang nagulat ako.


"Teka, iba ang depinisyon mo ng boyfriend ei. baka naman-


"Jess! Totoo may BOYFRIEND ako, kaya sorry kung nawawalan tayo ng time together. Don't worry I'll introduce him to you soon."


Mejo kumalma naman na siya ng onte at sumandal ulit sa upuan niya.


...


"Sakanya galing yan noh?"


Nakatingin siya sa mga band aid sa leeg ko.


"Ha?"


"Kiss mark yan!"


"Hindi-hindi! Allergy talaga!"


"Talaga?"


Nang-hahamon ang tingin niya sa kin. Wala na! Basta kahit anong mangyari paninindigan kong allergy to!


"Patingin nga!"


Lalapit na sana siya pero lumayo ako at umiwas sa kamay niyang padapo na sa leeg ko.


"ANO KA BA! BA'T BA AYAW MONG MANIWALA SA KIN???? KAHIT BA PUMUNTA TAYO SA OSPITAL NGAYON EI!!!"


Tinignan ko siya mata sa mata at kahit ano talagang manyari, HINDI AKO AAMIN!


"Sige na nga, naniniwala na ko!"


At bumalik na siya sa kinauupuan niya.


Haay sa wakas.


"Sino ba siya?"


"You'll find out soon."


"Mamaya nyan, yung kinuwento mo saking naka-one-night-stand mo yan ha! Susuntukin talaga kita ng bonggang bongga!"


SIYA NGA!


"No-no-no-no. Hindi siya."


Hindi naman na niya siguro malalaman na iisang tao lang sila ni Blaise, unless nag-kwento rin sakanya si Blaise.


Dapat pala hindi ko na kinuwento sakanya yung unang gabi namin! Pero dapat may clue na rin siya kung sino ang boyfriend ko, kasi nga di ba, sabi ni Blaise siya daw ang kinukulit niya tungkol sa kin?


"He should pass all my requirements, at pag-ayaw ko talaga sakanya, AYOKO TALAGA. Get that?"


"Okay."


Ganyan naman yan. Mabanta lang, pero mabait. Kaya alam kong tatanggapin niya si Blaise.



*********


4:00 pm


Out ko na at tumawag na sakin si Blaise kung saang restaurant kami mag-kikita.


Sinunod ko lang siya. Pag-pasok ko sa loob, hinanap ko agad siya at may nakita akong kamay na nag-we-wave sa kin.


Napangiti ako ng makita ko na siya ang kumakaway pero nakapag-tataka na merong babaeng nakaupo sa tapat niya. Bigla akong kinabahan palapit sakanila. Familiar kasi ang likod ng babaeng yun. At nung asa tapat na ko ng table nila. Laking gulat ko ng makita ko ulit siya.


"Lizzy."


"Cindy."


Tumigil ang mundo at nanginig ang buong katawan ko ng mag-tamang muli ang mga mata namin makalipas ang dalawang taon.


"Wow! That's great! Magkakilala kayo."


No it's not.


Hindi ko alam kung saan ako lulugar ngayon.


I'm with my boyfriend...


and with my Ex...

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 94.8K 87
Daksh singh chauhan - the crowned prince and future king of Jodhpur is a multi billionaire and the CEO of Ratore group. He is highly honored and resp...
1.6M 95.8K 39
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...
2.9M 186K 89
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...
226M 6.9M 92
When billionaire bad boy Eros meets shy, nerdy Jade, he doesn't recognize her from his past. Will they be able to look past their secrets and fall in...