Random picture of Chester --->
***
Halos liparin ko ang kabilang unit matapos mabasa ang note sa akin ni Chester . Kinatok ko ng paulit-ulit ang pintuan hanggang hindi nya binubuksan . Hindi ko kasi maipaliwanag yung nararamdaman kong kakaibang emosyon ngayon e . Naiiyak ako na natatawang hindi mawari . Para kasing namiss ko sya ng sobra .
Pag bukas ng pintuan , handa na akong yumakap sa kanya pero mabilis kong pinigilan ang mga braso ko dahil ang bumungad sa akin sa pinto ay si Bev , hindi si Chester .
“B-bev ! Hi ?” alanganin ang ngiti ko habang nakasandal sa gilid ng pintuan .
Ngumiti ito . Namumula pa yata ?
“Kuya Ice , pasok ka .” sabi nito bago niluwagan ang pagkakabukas ng pintuan .
Napakamot ako sa ulo .
“Hindi , ano . . . Anjan ba si Chester ? May itatanong lang sana ako . Pero baka naman nakakaistorbo ako ?” mejo alanganin kong tanong .
“Nasa CR sya e .” sabi nito .
Tumango-tango na lang ako bago tumalikod .
“Pasabi na lang dumaan ako .” sabi ko habang nakatalikod . Pumasok agad ako sa unit ko .
Pagka-saradong pagkasarado ng pintuan ay awtomatikong napahawak ako sa dibdib ko . Leche , alam kong flat ang dibdib ko , pero bakit ramdam na ramdam ko ang napakalakas na pagtibok ng puso ko ? Yun bang , sa sobrang lakas , parang kumikirot na ?
Napailing-iling ako bago napasandal sa pintuan . Hindi ako natutuwa sa mga nagiging reaction ng katawan ko . Bakit , e ano ba sa akin kung nandun ngayon sa unit ni Chester si Bev ? May something na nga yata talaga sila , kaya nandun sya . Pero bakit itong traidor at pasaway kong puso , naghuhuramentado kanina pa !
Bumungtonghininga ako ng napakalalim bago tumikhim .
“Shit ka , Ice . Pull yourself together .” kinakausap ko na naman ang sarili ko .
Napatingin ako sa cake na nasa table . Nagpakawala ulit ako ng isang mahabang buntong hininga bago ko kinuha yung cake at inilagay sa loob ng fridge .
***
Kahit na 2nd week pa lang ng December ay ready na ang Christmas Party sa office . Tumutulong ako kay Miss Cherry sa paglalagay ng Christmas ornaments sa giant Christmas tree . Nagsabit ako ng kung ano-anong palamuti bago ako bumaba ng hagdanan .
“Ok na ! Thanks sa help , Ice ! Oyy nga pala , may fireworks display tayong aattendan after ng party kaya wag ka agad uuwi ah ! Kilala kita , nabobore to death ka sa mga party pero please lang , wag ka muna umuwi , ha ?” sabi nito nang makababa ako .
Tumango ako at ngumiti . “Ok , sabi mo e ! HEHE .”
Ngumiti sya bago tumalikod .
Tinanggal ko ang suot kong checkered polo shirt dahil tagaktak na ang pawis ko . Ipinamunas ko na lang sa aking noo dahil basang-basa na rin pati ang panyo ko .
Biglang nag-ring ang cellphone ko . Pag tingin ko , si Kuya Andy .
“Hello , Kuya Andy ?”
“Ice ? Saan ka mags-spend ng Christmas ?”
“Uhm , hindi ko alam . Baka umuwi na lang akong Batangas . Bakit ?”
“Kung ok lang sayo , pwede bang magspend ka ng Christmas na kasama namin ni Mama ?”
Napangiti ako . Ang sarap sa pakiramdam ng ganito . Feeling ko ay mabilis akong makaka-belong sa pamilyang ito na ang turing sa akin ay parang hindi iba .
“Ok , sige ba .” sabi ko .
“Yes ! Thanks bro ! I’m so happy ! I’m excited imma tell Mama ! Bye Ice !”
Nakangiti ako habang isinisilid sa bulsa ang cellphone ko .
“Naks mukang masaya tayo ah !” pang-aasar ni Kuya Baste .
Inirapan ko lang sya . Haha . Masaya talaga ako .
Maalala ko , hindi pa pala ako nakakapagpasalamat kay Chester sa binigay nyang cake nung isang araw . Hanggang ngayon kasi hindi pa rin kami nagkikita ulit e . Hindi ko naman sya matiempuhan sa unit nya . Isa pa , natatakot ako na baka pag kumatok na naman ako , si Bev na naman ang magbubukas ng pintuan .
Nung makauwi na ako , sumalampak na lang ako sa couch . Hindi ko namalayang nakaidlip na pala ako . Nagising na lang ako dahil may naramdaman akong humahaplos sa pisngi ko .
“R-royce !” napaupo ako sa gulat . Anong ginagawa nito dito at paano sya nakapasok ?
“Ang himbing ng tulog mo , para kang baby .”
“Paano ka nakapasok dito ?” nagtatakang tanong ko .
Ngumiti sya . “Ice , pag dating ko dito kanina , nakabukas ang pintuan mo . Naka-awang ng ganito .” sabi nya habang iminumostra nya ang layo ng pagitan ng dalawa nyang kamay .
“Bukas ang pinto ko ? ? ?” para akong nakarinig ng atomic bomb . Taeng yan ! Mananakawan ako sa mga pinag gagagawa ko . Simpleng pag sarado na lang ng pinto , hindi ko pa magawa ?
“Ice , next time , maging careful ka naman oh . Lagi mong i-double check kung nakasarado ba ang pintuan o hindi . Baka kasi mapasok ka na ng kung sino-sino lang jan .”
Tumango ako . May point naman talaga sya . Pero ano nga ba talaga ang ginagawa nito dito ?
“Anong ginagawa mo dito ?” tanong ko . Nakaupo pa rin ito sa couch samantalang ako , andito na sa gilid ng counter at dito nakatayo .
“Aayain sana ulit kitang lumabas .” sabi nitong nakangiti .
Yumuko ako at tumitig sa paa ko . “Wag na lang muna siguro ngayon . Marami akong gagawin ngayon e . Saka na lang .” sabi ko .
Tumango lang ito bago tumayo na rin agad .
“Ok . Uuna na ako . Nagbaka sakali lang naman . Sige , Ice .” sabi nito at lumabas nan g unit ko .
Nakaramdam ako ng hiya at awa para sa kanya . Grabe kasi sya mag effort e . Nahihiya na tuloy ako na lagi ko syang pinu-push away . Pero anong magagawa ko ? Natatakot ako e .
Sumalampak na lang ulit ako sa couch . Yung totoo kasi , wala naman talaga akong gagawin ngayon . Tinatamad akong mag gawa ng volume 3 kaya naisip ko na itulog na lang ito .
***
Ngayon na ang Christmas Party namin pero latang-lata ako . Hindi ko nga alam kung bakit e . Habang naglalakad ako papunta sa mini function hall , ramdam ko na parang wala ako sa sarili . Aissh kainis . Siguro kasi dahil kulang ako sa tulog lately .
Sinalubong ako nina Erin at Monique .
“Hi pogi ! Merry Christmas !” nakangiting bati ni Erin sa akin .
Ngumiti din ako . “Loko ka , Erin . HAHA .”
Tumawa lang naman ito . Si Monique naman ang nagsalita .
“Ice , sama ka sa amin mamaya ah ? Bar hopping tayo after ng fireworks display .”
Ngumiti ako ng alangan . “Ay , sorry hindi ako makakasama . Masama ang pakiramdam ko e . Hanggang sa fireworks display lang siguro ako makakasama kung maaga pa .” sabi ko .
Tumango lang naman si Monique pero nakasimangot si Erin .
“Badtrip naman , bat ngayon ka pa sinamaan ng pakiramdam ! Wala tuloy kaming kasama mag jamming nito .” sabi ni Erin .
“Sorry talaga . Next time na lang .” sabi ko .
Tumango naman ito at hinila na ako papasok .
Kakaunti lang naman kami dito na empleyado ni Sir Greg . Kaya maliit na salu-salo lang ito .
Nag ikot ikot muna ako . Hindi muna ako uminom kasi baka sumakit agad ang ulo ko . Isa pa , nagbabawas na ako ng alcohol intake ngayon . Bagong buhay na . Hehe .
Nag ring ang phone ko . Nag dalawang isip ako kung sasagutin ko si Royce .
Pero sinagot ko na rin . “Hello ?”
“Hello , Ice ? Busy ka ba ngayon ?” tanong nito sa kabilang linya .
“Uhm . Mejo e . Nandito kasi ako sa Christmas Party sa office .” sabi ko .
“Ahh . Ganun ba ? Aayain sana kita na manood ng fireworks display mamayang gabi e .”
Fireworks display ? “Ahh , yun bang diyan sa may harapan ng UP ? Pupunta din kami ng mga co-workers ko jan mamaya e .” sabi ko .
Bigla itong tumawa . “Talaga ? Eh di ok ! Magkita na lang tayo mamaya sa harap ng campus ? Ok lang ba ?”
Napangiti ako sa kakulitan nya . “Ok .”
“Yes ! Thanks Ice ! I’ll see you later !”
Isinilid ko na ulit sa bulsa ko ang cellphone bago ako kumuha ng isang pinggan na puno ng macaroons . dinala ko sa isang sulok at yun ang binanatan kong kainin .
After ng ilang laro , gift-giving at kainan na umabot ng mahigit apat na oras , natapos na din sa wakas ang party . Tamang-tama para sa pagsisimula ng fireworks display .
Inaya na ako nina Miss Cherry , Monique , Erin at iba pa na pumunta na daw kami sa venue . Kaya sumama na lang din ako dahil alam kong hindi nila ako tatantanan .
Nung nandun na kami , parang nagsisi ako sa pagpunta dahil sa kapal ng tao sa may outer fields . Bakit ba nakasama sama pa ako ngayon dito ?
“Ice ! Hi !”
Nginitian ko ng matipid si Royce habang papalapit ito . Ilang dipa na lang ang layo nito sa akin nang bigla ay may sumulpot na isang babae at biglaang niyakap si Royce .
Nung matitigan ko , si Shena pala yung babae . Napailing na naman ako . Ang persistent talaga ng babaeng yun . Grabe , hanga na ako sa kanya .
Nung makalapit na sa akin si Royce , kasama si Shena na kapit na kapit sa bisig niya , nagsalita agad ito .
“Ice , this is nothing . You know this is nothing .” sabi nito na ang tinutukoy ay sila si Shena .
Lumunok ako . “E ano ? Sus . HAHA .” sabi ko .
Bumuntong hininga si Royce . Ngumiti naman si Shena .
“Hi Ice . I’m sure you don’t mind me joining you guys for tonight’s show .”sabi nito .
Ngumiti ako . “Oo naman no , go na go lang .” sagot ko .
Halata mo sa mukha ni Royce na hindi sya natutuwa sa mga nangyayari . Pero masyado yatang mabait itong lalaking ito dahil hindi nya magawang itaboy si Shena kung ayaw nya naman talaga na kinukulit sya . Pero nga dahil ang bait nya , hinahayaan nya na lang .
Maya-maya pa , nag announce na bigla na magsisimula na daw ang display . Naeexcite din naman ako pero hindi ako nakapag concentrate sa sinasabi nung announcer nung may mapansin ako .
“Saglit lang ha ?” sabi ko kay Royce habang naglalakad ako palayo ; nakatitig sa isang tao sa di kalayuang parte .
“Bev ?” bati ko sa kanya nang makalapit na ako .
Lumingon sya nung tinawag ko ang pangalan nya . Mukhang nagulat ito . At kahit na mejo dumidilim na , kitang-kita pa rin ang biglaang pamumula ng mga pisngi nito .
“Kuya Ice !” sabi nito na parang gulat na gulat akong makita .
Ngumiti ako . “Sinong kasama mo ?”
As if to answer my question , may biglang umakbay sa akin mula sa likuran .
“Hi ! Nandito ka rin ! Bati na ba tayo ? Nakain mo na ba ang cake ?”
Siniko ko si Chester dahil nakatitig sa amin si Bev . Isa pa , gusto ko lang na mejo lumayo sya ng kaunti dahil baka marinig nya ang tambol sa loob ng ribcage ko .
“Natikman ko na , masarap nga e . Kaso di ko pa nauubos . Ang tamis e ! Salamat ah ! Bati na tayo . Sorry din , hehe .” sagot ko sa kanya .
Ngumiti ito at pinisil ang pisngi ko . “Yey ! Nga pala , bat andito ka ?”
Sumimangot ako . “Malamang manonood ng fireworks .”
“Ahy ! HAHA . Oo nga naman . Ang stupid ko talaga . Sinong kasama mo ?” tanong nito habang tumataas – baba ang kilay nito na parang nang aasar . Bwisit .
“Mga co-workers ko .” sabi ko habang nakataas din ang kilay .
Inirapan nya ako . “Hmp , co-workers . Alam ko ka-date mo si Prof dito . Aminin ! ! !”
“Muka mo . Hindi kaya . Bahala ka jan , ayoko magpaliwanag sayo .”
Tumawa naman ito bago tinanggal ang pagkaka akbay sa akin . Lumapit ito kay Bev at ito naman ang inakbayan . Hindi ko mapigilang hindi mapatitig . Badtrip e , bakit kasi naf-feel ko to ? Nakakarami na ng atraso sakin ang batang to ! Kakabati lang namin pero eto na naman sya . Teka nga , teka nga , ano bang ginawa nya para kainisan ko sya ?
Napapailing ako sa naiisip . Nasisiraan na talaga ako ng bait .
“Bibili muna ako ng snacks , Kuya Ice , samahan mo muna si Bev please . Thanks !” paalam ni Chester bago umalis .
Kumakapal na ang tao . Karamihan sa mga ito ay mga estudyante at mga mags-syota . Hindi ko na halos makita yung mga kasama ko kanina . Baka mamaya hanapin na ako ng mga iyon . Babalik agad ako pagbalik ni Chester dito .
Lumapit ako kay Bev at umupo sa tabi nya sa damuhan . Nagbubunot sya ng mga damo . Hindi ko ma-gets kung anong klaseng ka-weirduhan meron sya . Pag nabunot nya yung damo , pipilasin nya tapos isasabog sa paanan nya . Tsk . Napailing na lang ako .
Lumapit ako lalo sa kanya dahil may tumabi sa akin na lalaking pawis na pawis at amoy na amoy ang body odor . Badtrip na yan . Ngayon tuloy , magkadikit na kaming dalawa ng balikat ni Bev .
“Ok ka lang , Bev ?” tanong ko sa kanya .
Humarap ito sa akin . Napalunok ako kasi ang lapit ng mukha nya . Nakita ko agad ang biglaang paglaki ng mga mata nito . Bigla tuloy itong yumuko .
Napakamot ako sa batok at umiwas na lang din ako ng tingin . Nahihiwagaan na talaga ako sa batang ito . Ayoko isipin ito pero bakit pakiramdam ko e type nya ako ? Haha kapal ng mukha ko . Pero yun talaga nararamdaman ko e .
“Hoy ! Masyado kang malapit sa kanya !” Nasa harapan na pala namin si Chester at may dala-dalang tatlong pirasong popsicle bars . Itinulak nya ako palayo .
Nagseselos ba sya sa amin ni Bev ? Tsk ! Ang sama ng tingin nya sa akin e !
Tumayo si Bev . “Magsi-CR lang ako .” At tumakbo na agad ito .
Tumabi sa akin sa pagkakaupo si Chester at iniabot ang isang popsicle .
“Badtrip ka naman e , feeling ko type mo si Bev !” sabi nito .
Nanlaki naman ang butas ng ilong ko sa sinabi nya . Oo nga at may pagka-manly ako pero hindi ibig sabihin noon ay babae din ang tipo ko ! No way . Baka nagseselos pa , oo !
Wait , what ? Nagseselos ako ? At saan naman galing yun ngayon ?
“Feeling ko , gusto mo syang halikan kanina !” reklamo pa rin ni Chester habang kinakain yung popsicle nya . Napapalunok ako nung napatitig ako sa mapupula nyang labi na nadadampian ng popsicle . Tae kung ano ano na napasok sa utak ko !
“Hoy ! Bakit di ka nasagot ! Type mo nga syang halikan no !” untag nito sa akin . Humarap ito sa akin at ilang hibla na lang ang layo ng mukha ko sa kanya .
Damn those lips ! Hindi ako makapagsalita . Wala na yata sa katinuan ang utak ko . Nagsasalita pa rin sya . Hindi ko sya mapatigil . So I did what my mind’s telling me .
Hinila ko ang kwelyo ng damit nya . . . At hinalikan ko sya . That shut him up .
----------
Sorry , that was lame , I know . :p Will try to improve next chap .