Montereal Bastards 1: To Tame...

بواسطة reina_khaleesi

1.7M 43.6K 1.3K

Highest Rank: #35 in general fiction. Everything started with a wedding contract made years and years ago, a... المزيد

Paalala!
Prologue
Chapter One
Chapter One Part 2
Chapter Two
Chapter Two Part Two
Special Chapter
Chapter Three
Chapter Three Part Two
Chapter Four
Chapter Four Part Two
Chapter Five
Chapter Five Part Two
Chapter Five Part Three
Chapter Six
Chapter Six Part Two
Chapter Seven
Chapter Seven Part Two
Chapter Eight
Chapter Eight Part Two
Chapter Nine
Chapter Nine Part Two
Chapter Ten
Chapter Ten Part Two
Chapter Eleven
Chapter Eleven Part Two
Chapter Twelve
Chapter Twelve Part Two
Chapter Thirteen
Chapter Thirteen Part Two
Chapter Fourteen
Chapter Fourteen Part Two
Chapter Fifteen
Chapter Fifteen Part Two
Author's Note
Chapter Sixteen
Chapter Sixteen Part Two
Chapter Seventeen
Chapter Seventeen Part Two
Chapter Eighteen
Chapter Eighteen Part Two
Chapter Nineteen
Chapter Nineteen Part Two
Chapter Twenty
Chapter Twenty Part Two
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-One Part Two
Chapter Twenty-two
Chapter Twenty-Two Part Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Three Part Two
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Four Part Two
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Five Part Two
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Six Part Two
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Eight Part Two
Chapter Twenty-Nine
Chapter Twenty-Nine Part Two
Chapter Thirty
Epilogue
Special Chapter

Chapter Twenty-Seven Part Two

19.3K 511 8
بواسطة reina_khaleesi

Niki

"Maaam Niki, may naghahanap po sa inyo. " saad ni Manang nang bigla itong sumulpot sa loob ng kwarto. Kasalukuyan ko noong tinititigan ang mukha ni Mico kasi namimiss ko na siya talaga. Gusto ko na ulit marinig ang boses niya.

"Sino ho Manang?" hindi ko inalis ang mukha ko sa paborito kong larawan ni Mico. Grabe, bakit ba ang gwapo ng mokong na to? Normal bang mas maganda ang pilik-mata niya kaysa sa akin?

"Me!" sigaw ng isang malalim na boses sa likod ko.

Isang singhap ang pinakawalan ko nang marinig ko iyon! It's Cade!

Isang linggo ko nang pinagpaliban ang pagpunta sa kanila lalo at bantay sarado ako ni Mico. Sasabihin ko din sana sa kanya ang tungkol sa plano ko pero nag-aalala ako na baka hindi niya maintindihan. Baka sa halip na maayos ang mga buhay namin, mas lalong gumulo.

Isa pa, kasama ko si Cade at hindi ako nun pababayaan.

"Cade!" inakap ko siya saka hinawakan ang kamay niya para hilahin siya patungo sa garden.

"Ang layo naman ng tagpuan natin." natatawa niyang saad. Nakitawa na din ako saka hinampas siya ng marahan sa braso. Ang flirt talaga ng lalaking ito.

"Dito na lang kasi baka kung sino makaabot sa atin, may kailangan kang i-report di ba?"

Biglang nagbago ang mukha niya kaya kinabahan ako. I know he discovered something. I just knew it.

"Ano? Sabihin mo na, Cade." utos ko.

"Nakita ko na si Ally." mahina niyang saad.

Napaupo ako sa bakal na upuan sa garden. Nahanap na siya, thank God.

"Asan siya? Okay lang ba siya? Anong ginagawa niya ngayon?" sunod-sunod ang naging pagtanong ko kaya itinaas ni Cade ang dalawang kamay niya at tumawa.

"Hinay-hinay Niki. Mahina ang kalaban. Nasa bahay siya, okay lang siya at nang iwanan ko siya ay nakatali siya sa kama ko."

"Ha!?" nagulat ako sa huli niyang sinabi. Anong nakatali? Bakit?

Tumawa siya ng pagak. "That girl is a walking time bomb. Pano kayo naging magkaibigan ng babaeng yun?"

Umiling ako. Kahit ako kasi hindi ko rin maintindihan kung paano na lang kami biglang naging magkaibigan ni Ally. Bigla na lang. Parang iyong soul-mate kind. Isang beses mong nakita tapos agad-agad yung connection niyo.

"Bakit siya nakatali?"

"Gusto niyang umalis. Gusto niyang magtago pero hindi ko siya hinahayaan. Hindi ko rin siya pinagkakatiwalaan." kumuyom ang kamao niya kaya marahas akong napatingin sa gawi niya.

"Cade, what do you mean?"

"Espiya siya." mahina niyang sagot.

"Espiya? Si Ally?" hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi niya. Hindi espiya si Ally. Paano naman mangyayari iyon e, may sarili siyang pamilya.

"Sinabi niya lahat sa akin Niki. Tinakot ko siya at sinabi niya lahat sa akin. Wala siyang pamilya, binayaran niya lang ang mga taong yun para magpanggap. Kinuha siya ni Pyre sa isang bahay-ampunan."

"Pyre!?" halos magpintig ang tainga ko sa lakas ng pinakawalan kong boses. Sakto naman ang pagbalik ni Manang sa garden para magpaalam na mamamalengke.

Tumango ako pero wala doon ang isip ko. Si Pyre, ang ama ni Mico ang pinagtatrabahuhan ni Ally?

"Yes, Niki, siya ang nagpakidnap sayo nung bata ka pa. Siya din ang pumatay kay Lola Sabel mo at sa isang Mang Berto ang pangalan."

Halos pawian ako ng ulirat sa mga naririnig ko kay Cade. Si Pyre. All this time, siya lang pala ang kalaban. Siya lang pala ang dahilan ng lahat ng kamalasan sa buhay naming lahat.

"Siya yung nagdala sa akin sa motel para makita sina Mico at Nigella-- I mean Katherine na magkasama. He did all of it. Nakaplano ang lahat. Totoo nga ang sinabi ni Mico."

I stared at him.

"To think na nagtiwala ako sa kanya. To think na hindi ko man lang pinakinggan ang panig ni Mico bago ako naglayas." nanlulumo kong saad.

Nakatingin lang siya saken at nakikinig. He is sympathizing and yet, hindi ko kailangan ang awa ngayon. Inipon ko ang lahat ng galit at itinapon iyon kay Pyre.

Mexico will be hurt. I have to protect him. Kailangan kong --

Hindi ko natapos ang ideyang nabuo sa isipan ko. Hinawakan ni Cade ang kamay ko ang piniga iyon.

"You can do it. You have to do it. Maging malakas ka Niki."

Tumango ako at hinawakan din ang kamay niya. Siya lang ang makakatulong nang hindi nasasaktan ang iba ko pang mahal sa buhay. Siya lang ang makakatulong para protektahan ko si Mico.

"May balak din siya Niki."

Napatingin ako sa gawi niya gamit ang nagtatanong na mga mata.

"Balak niyang pabagsakin ang kompanya niyo, and destroy your lives. Ikaw pati na din si Mico."

"What the hell did we do! Bakit ang init ng dugo niya sa amin?"

Nalulungkot na umiling si Cade.

"That's the only thing na hindi maipaliwanag ng kaibigan mo. She never really knew Pyre. Tinatawagan lang daw siya nito pero walang personal na pag-uusap na nagaganap."

Tinitigan ko ang mabait na mukha.

"Please take care of her. Please. Kahit espiya siya ni Pyre, I felt her love while we were growing up."

Matagal bago siya sumagot. Pinag-iisipan niya pa siguro kung aakuin ang responsibilidad kay Ally.

"I'll try."

"Sala--"

Bago pa man ako makapagbigkas ng pasasalamat, isang marahas na kamay ang humatak sa kamay ko dahilan para mabitawan namin ang isa't isa.

Napahiyaw ako sa gulat at ganun na din sa sakit.

"What--"

Hindi na natapos ni Cade ang gustong sabihin dahil agad namang umigkas ang kamay ni Mico patungo sa panga niya.

"Mico!" sumigaw ulit ako dahil sa pag-aalala. Mico looks like a deranged person. Para siyang leon na maninila ng kaaway. Para siyang papatay ng tao sa itsura niya.

"Mico, calm down man." dahan-dahang pakiusap ni Cade.

Malaking tao si Cade pero itinuturing niyang kaibigan si Mico kaya hindi siya lumalaban. Ganun pa man, ayaw magpaawat ni Mico gamit ang salita.

Binirahan pa niya ng dalawang magkasund na igkas ng kamao si Cade dahilan para madapa ito sa sakit. Tumakbo ako para pigilan ang sunod na suntok na balak niyang igawad sa kaibigan. Hinawakan ko siya sa kanyang naninigas na braso na nanginginig pa sa galit.

Parang naka-slow mo ang mga pangyayari simula nun.

Hinawakan ko ang braso niya pero hinawi niya lang ako na parang isang insekto. Napaatras ako sa gulat kaya hindi ko napansin ang isang butas na ginawa ko doon sa lupa nang maghardin ako nung isang araw. Natapilok ako sa sarili kong sapatos at marahas na natumba sa lupa, sapo-sapo ang nananakit na balakang.

Isang malalim na sakit ang gumuhit sa puson ko. Para akong nagkakaroon ng stomach cramps kapag magreregla. Yung tipo nga lang na twenty times na mas masakit.

Pagtingin ko sa paa ko, nakita ko ang pag-agos ng dugo doon.

Marahas na hikbi ang kumawala sa akin ng makita ang dugo.

Ang baby ko, ang little angel namin ni Mico. Pinagdikit ko ang hita na parang sa pamamagitan nun ay matitigil ang sakit at pag-agos ng dugo.

"Mico.." tawag ko sa kanya. "Mico please."

Mula sa kailaliman ng galit niya ay narinig niya ang mahina kong usal. Bumaling siya sa akin na saka namang ginamit na pagkakataon ni Cade para suntukin siya sa mukha.

Nakita ko ang pagbabago ng itsura niya. Mula sa mukhang galit na galit hanggang sa bumaba ang tingin niya sa namumula kong pantalon. Agad siyang tumayo at patakbong tinahak ang lugar kung saan ako nakaupo.

"Dahan-dahan please. Wag mong ibubuka ang binti ko baka umagos ang dugo. Mico, dahan-dahan.." humahagulhol ako habang tumatakbo siya papunta ng kotse niya.

"Shh.. Baby, don't talk. Everything's gonna be fine." paulit-ulit ang litanya niya sa akin. "Everything will be fine. He will be fine."

Pumasok siya sa loob at akmang isasara ang seatbelt ko kaso nanginginig ng sobra ang kamay niya.

"Shit!" mahinang mura niya at sinubukan muli.

Kinuha ko ang seatbelt sa mga kamay niya at isinara iyon.

"Drive." tumango siya at nagsimulang paandarin ang kotse ng hindi nakasara ang sarili niyang seatbelt.

Para kaming lumilipad sa bilis niyang magpatakbo. Kaya wala pang limang minuto ay nasa emergency room na kami. Litong-lito ako sa dami nang nakapaligid na nurse sa akin. Tinurukan ako ng isa ng dextrose at dinala sa isang kwarto.

"Masyadong maraming dugo ang nababawas." saad ng isa. Lalo kong hinigpitan ang hita ko.

Kapit ka lang baby. Kapit ka please. Wag mong iiwan si mommy.

Patuloy ang pag-agos ng luha ko hanggang sa kabilang kwarto habang hawak-hawak ang kamay ni Mico. He was also crying but I can't seem to process the events.

Biglang may sumigaw pero hindi ko na ininda iyon. Medyo nanlalamig na ako at hinihila ako ng antok.

Hinawakan ang buhok ko ni Mico.

"Don't sleep baby. Niki please, lumaban ka. Wag kang matutulog." he kissed me over and over urging me to stay awake ang stay with him. Putlang-putla na ang mukha niya at halata ang matinding pag-aalala.

Tinanguan ko siya or so I thought. Parang wala na kasing naiwan na lakas sa katawan ko.

"Kailangan namin ng blood donor sir, naubusan ng supply ang ospital dahil sa demand." saad ng isang nurse sa kanya.

Nagmura siya muli sabay sabunot sa buhok. Pagkatapos ay nililis ang kanyang long sleeves para makuhanan siya ng kailangang dugo.

"Ako, take everything you need. Pareho kami ng bloodtype." narinig kong saad niya.

Pinahiga siya sa tabi ko at nakita kong habang kinukuhanan siya ng dugo ay dumidiretso naman iyon sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko dahil magkatabi lang kami.

"I will give my life just to make you live. So please live."

Makalipas ang ilang minuto ay binalingan siya ng nurse at tinanggal ang dextrose.

"Tapos na po sir, maximum na po nakuha ko sa inyo."

"Sapat na ba iyon sa kanya?"

"Kulang pa po pero parating na ang dugo na kailangan namin."

"Take what she needs from me." matigas niyang tugon.

"S-sir, hindi na po pwede. Makakasama na sa inyo."

Hindi ko alam kung saan niya pa nakuha ang lakas na meron siya. Kinuhanan siya ng dugo kaya natural lang na manghina siya pero nahawakan niya pa ang nurse sa kwelyo nito.

"Kunin mo ang kailangan ng asawa ko, I don't care if I die!"

Bumaling ang nurse sa iba pang tumitingin sa amin. Hinigit naman ni Mico ang kamay nito at inilagay sa kamay niya.

"Take what she needs!" sigaw niya.

Lalong nanginig sa takot ang nurse.May kalakihan si Mico at talagang nakakaintimidate ang tindig at boses niya.

Dalawang guard ang lumapit sa noon ay nagwawala nang Mico. Hinawakan nila ang dalawang kamay niya pero nagpumiglas siya at pinagsisipa ang dalawang nakahawak.

"Bitawan niyo ko, putang ina! Bitawan niyo ko, kailangan ako ng asawa ko!" umiiyak siya habang nagpupumiglas pero wala siyang laban sa dalawang guard. Nanghihina siya dahil sa nawalang dugo sa kanyang katawan.

"Sir, lumabas na lang ho muna tayo."

"God she needs me. She can't go through this alone. Please."

Umiling na lang ang dalawa at dinala siya sa labas ng kwarto. In the end, nagpaubaya nalang siya.

Latang-lata na ang pakiramdam ko. Halos hindi ko na maikurap ang mga mata ko dahil sa pagod. Para akong hinehele sa isang duyan. In the end, hinayaan ko na ang sarili na magpaubaya sa dilim. Mukhang doon ay hindi masyadong masakit, doon ay may naghihintay na mabait na kamay na magtatanggal ng sakit.

And that's the last of what I remembered kasi nagdilim na ng tuluyan ang paningin ko.

Pero bago pa iyon, nakita kong binalingan ni Mico ang pader ng ospital saka pinagsusuntok iyon, pagkatapos ay nanghihinang napasandig siya sa pader na pinag-iinitan niya kanina. His hands wounded on his hair and his face look so devastated and alone that I almost whimpered in pain. His shoulders are shaking with silent tears and his mouth twisted in a grimace.

Halos madurog ang puso ko sa nakita.
I can take all the pain in the world, just not seeing him like this. Not my Mico looking like this.

*****

---a/n: ako lang, oo ako lang.. Ako lang ang umiiyak habang isinusulat ko to. Hay naku, kung hindi ko man naconvey ng maayos babies, lawakan niyo na lang ang 'imagination' niyo-- by shawn mendez.

I am so broken. 😭😭😭

missgladys

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

60.8K 3.3K 38
Isang malusog na sperm. Ito lang ang kailangan ni Virgou sa lalaking nakitaan niya ng katangian para maging ama ng kanyang anak. Si Zerriko Gray. E...
1.8M 49.9K 39
"H-Hanggang k-kailan m-mo ba ako ikukulong dito A-Alas?" tanong ko na niyakap ang dalawang tuhod habang hilam sa luha ang mukha. Itinaas niya ng Zipp...
25.5M 907K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...
231K 7.2K 48
Nick & Van Even if we ended up apart, at least, for a while... you were mine.