You're the ONLY ONE (KathNiel...

By DianNeJoy

253K 1.1K 318

Kahit anong mangyari, ikaw parin. Ikaw lang. Hindi ko man masabi, sana, sana maramdaman mo. // REVISED &... More

UM WOULD YOU MIND READING THIS FIRST
Prologue
Characters
<1>
<2>
<3>
<4>
<5>
<6>
<7>
<8>
<9>
<10>
<11.1>
<11.2>
<12.1>
<12.2>
<13>
<14>
<15>
< 15.3 > We own the Night
< 16 > Home
< 17 > : All I Know is ...
< 18 > Signs
< 19 > Favor
< 20 > Flashback
< 21 > Promise me. To keep this. and Not to break it.
< 22 > This is the LAST.
< 23 > He Changed
< 24 > kasi TRIP KO LANG.
< 25 > New Friend.
< 26 > Para sayo.
< 27 > Conclusions..
< 28 > Ruined Day.
< 29 > Begging
< 30 > Gift from someone.
< 31 > Dedicated to YOU.
< 32 > Advice ni Dr. Love.
< 33 > Naka - oo na eh...
< 34 > "Miss na kita. "
< 35 > Red Rose.
< 36 > Nasaan ka Ella.
[EC ] : NO WAY !!
< 37 > I want HIS support
< 38 > Alone.
< 39 > "Merry Christmas! I love you! ♥ -Batman"
<40> Trapped
<41> OUR first and last.
<42> Kahihiyan.com.ph
<43> Back for a night
<44> Accident
<45> The game is over
<46> Roses [1]
<46> Roses [2]
<47> Tristan
<48> Meeting his target
<49> Spilled to an untrusted person
<50> Continuation....
<51> WTH?!
<52> Plan failed
<53> Call
<54> - Hi Crush ko
<55> Phone
<56> Magulong Usapan

<15.2>

4.4K 17 12
By DianNeJoy

VOTE | COMMENT | LIKE | TWEET | SHARE | PIN IT | BE A FAN TARA CHUMIKA :))


========================================================



Ella's POV


"Good morning, madam! Bumangon na ho kayo."


Naks, kay ganda-gandang umaga kung ito ang bubungad sa'kin! Hahahahahahahahaha biro lang hahahaha. :/


"Mmm, morning din."


"Sige na, bumangon ka na't mag ayos. Alas nwebe call time nun." Sagot niya habang hinihila ako sa kama.


"Yes, Dad!" sabay salute ko pa sa kaniya. Tapos tiningnan niya lang ako ng "Anong-Dad-Sinasabi-Mo".


"Ano ka ba, ka-aga aga, 'di na mabiro!" Sabay tapik ko sa kaniya, tapos kinurot naman niya yung cheeks ko.


"Arey, mashaket, shandali! Taposh ka na maligo?" Bango bango na kasi niya, tapos ako, ano? Baka may laway pa sa mukha. Turn Off, Dimalanta! :/


"Oo naman! Fresh like a babyyyy!" Sabay sayaw pa niya nung Charap-Charap ni Ryzza Mae, habang napalapit sa'kin. Ew. Hilahin ko nguso mo dyan, Rivero eh! De joke. XD



"Maliligo na ako, sige na!" Tsaka ko siya tinulak.




Patrick's POV


Buti nalang talaga maaga akong nagising. Kasi, wala lang! Hahahaha may oras pa akong titigan ang mukha niya, (wag nalang natin isali yung naka buka niyang bungaga habang nahilik ). Lintek lang talaga kasi yung kahapon, nakaka kilig! Shit lang! Da moves mo talaga, Rivero! Benta! :D


"Ella, can I borrow your phone?" Na-alarm na kasi yung phone niya, ako narin nag-off edi susulitin na ang pangigealam. >:)


"ANO?!"


Tamo 'tong babaeng 'to! Walang common sense paminsan, 'di nalang sinara yung shower para marinig ako. Kailangan pa talagang nasigaw. -_-


"Ang sabi ko kako, pwede ba mahiram ng cellphone mo?!" Nasayang lang English ko sa babaeng to. tsk.


"Ay, yeah, sure!"


Ini-scan (oo, ini-scan talaga, ang barak pakinggan ano ba 'yan) ko kaagad yung playlist niya. Maka hanap nga ng magandang kanta. Hmm, ay ito! 'Habambuhay' ni Yeng Constantino.


Isali kaya namin 'to sa playlist namin pag nag gi-gig kami? Letche, na sesepanx ako sa banda ko! Whoo!


"Ba'kit yan?!" Sigaw nanaman niya galing banyo, pero 'di naka on ang shower.


"Wala lang."


"Para kanino 'yan? Yung crush mo sa school? Neks nemen, pare!"


"Ha?! Ano?! 'Di ah! Tigilan mo 'ko oy!"


"Hahahaha! Pikon ka, koya?" Sagot nalang tapos in-on yung shower.


"Mukha mo. Para sa'yo 'tong kantang 'to eh. Manhid mo kasi!"


Pasalamat nalang akong may shower, at kalahating bingi siya. 'Di naman niya parin ako maririnig eh, hanggang bulong nalang ako. :/


Dahil ilang oras pa ata 'tong babaeng 'to, nag sound trip nalang ako. Pakiramdam ko tuloy na high ako nung nagsimulang tumugtog ang 'Heartbreak Girl' ng 5SOS



Third Person's POV


Dahil feeling punk rock singer si Patrick, dinala niya ang telepono ni Ella at pumwesto sa harap ng pinto ng banyo at nag sisimulang kumanta. Damang dama pa ang lyrics. Lalo na sa: "Hold you tight straight to the daylight. I'm right here when you gonna realize" Sabay head bang mala Ashton Irwin at ang pag gigitara na ala Michael Clifford. Rock kung rock, acting kung acting!


Pag dating naman sa bandang:

"He treats you so bad and I'm so good for you, it's not fair" humuhugot naman si Patrick dahil nga selos na selos siya pag dating kay Philip. Bakit ba hindi nalang siya? Ay loko, torpe nga eh! Nakalimutan niya, umuurong pala apog niya pag dating kay Ella.



Sa bandang banyo naman, si Ella na sa wakas ay patapos nang naliligo ay nag taka naman ba't parang ang lakas lakas na ng tugtog at ang lapit na, kanina naman ay mahina lang at malayo ang pag kakarinig niya sa speakers ng phone niya. 'Di naman siya ganun ka-bingi para 'di mapansin yun 'no!



Patrick's POV


"Heartbreak Girl!!!!!" Sinabayan ko na kasi patapos na! Langya, nakaka hingal pala 'to!


"Pst. Anong ginagawa mo, ha?!" Pfsht! Shit! Shit! Shit! Langya! Potek! May pa-pikit pikit pa kasing nalalaman! Ayan, nasa harapan mo na pala!


"Ay wala, may hinahanap. Nalaglag piso ko eh, 'di ko makita." Sabay nag hanap kunwari.


"'Di bale na. Mag bihis ka na, hintayin kita sa baba ha." tsaka na ako umalis kaagad. Mahalata pa'ko, sus! Bobo mubs! -_-


Pag baba ko naka sabay ko pa yung ibang representatives, may mga id na kasi silang naka suot. Pagka baba ko, tumambay nalang ako sa may hagdan para naman makita agad ako ni Ella. Tiningnan ko pa pati yung ibang estudyante, langya, ayaw ko na ata. Nag e-englishan silang lahat dito! :/


Pero natigil yung tingin ko sa isang babae na naka tingin din sa'kin, nginitian niya ako, kaya ngumiti na din ako. Hmm, maganda narin. Pwede na. ;)


"Pst, nangiti ka dyan?! Nan chi-chiks ka eh!" Sabay batok sa'kin. Langya, kung 'di lang si Ella 'to, nasapok ko na eh! Sus!


"Mukha mo! Nabati sila eh, alangan namang isnobin ko diba?!"


Hah! Kala niyo matatameme ako pag lingon ko sa kaniya?! Yung tipong slowmo ang pag baba niya sa hagdan tapos laglag panga ako? Mukha niyo! 'Di 'to fairy tale o love story! Nakaka bakla naman kayo oy! Real life 'to!


"Oh my fudge!" Sabay akbay niya sa'kin para ka-level ko siya.


"It's him! It's him!"


"Anong 'It's him'? Sino?!"


"That freaking guy from yesterday! Nakalimutan mo na?"


"Are you sure? Where?" Pwe, napapa english din tuloy ako.


"There! Wait, hali ka na, hanap na tayo ng mauupuan." Habang hinanap namin yung pangalan ng school sa mga upuan dito sa lounge ay hindi naman natigil 'tong si Ella.


"Holy shit, I guess he saw us!" Para pa siyang bata na nag tago sa tabi ko.


Hanggang sa nakita ko na rin yung lalake! Ayun! Linte, ba't andito yun?! Pero, parang 'di naman niya kami nakita, palinga-linga pa siya eh.


"Hindi, may hinahanap ata." Sagot ko nalang, hanggang sa may babaeng lumapit sa kaniya. Yung babaeng ngumiti sa'kin, tapos hinalikan nung lalake sa cheeks. Nyeta! Babaero ata talaga 'to ah! Kahapon si Ella, ngayon, 'yung babaeng maganda?! Langya.


"Omg, omg, omg, holy o shit, papalapit siya dito!" Ayan na, pinag papalo na niya ako.


"Hey, Ella, right?" Tumayo si Ella, (sa kanan namin sila, at dahil sa kanan ko naka upo si Ella, siya nasa harapan ko) kaya tumayo na rin ako.


"Uh, yeah. Ella Dimalanta." Tsaka sila nag shake hands.


"And oh, your boyfriend. You are?"


"Patrick Rivero." Kinuha ko nalang rin yung kamay niya.


"BJ, by the way. And oh, my girlfriend, Jessie. Jessie, this is Ella and her boyfriend, Patrick."


"Hi, nice to meet you!" Nakipag kamay siya sa'min. Langya ulit, may syota pala ba't pa hiningi number ni Ella?! Ano 'yon?! Collect and collect ka, 'tol?!



Umm, 'di ako galit, naiinis lang. -_-


**


Nag simula ang orientation, as usual, boring. Sarap na ngang tulugan eh. Kaso kailangan rin naming mag participate, ito namang si Ella, masyadong good girl, kesyo daw baka may survey at ipadadala sa school kung ano ang performance namin. Paranoid lang?! Tsk. Kaya ayun, team building, (wag nalang natin isali yung halos palagi naming ka grupo sila Jessie at BJ.), lecture about Davao, atbp.


At ang hindi ko inaasahan ay ang, "Okay, everyone, prepare your things, we will be leaving this hotel after 5 minutes. We are gonna tour you around the city!"


Kaya nabuhayan ako ng luob, hay nako salamat!


// Unang destinasyon yung Crocodile Park, Tribu K' Mindanawan. Lecture nanaman, picture dito, picture duon. Itong si Ella, ilang beses ko nang sinabihan na pwede naman namin tong balikan balang araw, libre ko pa, pero 'di parin nakikinig. Tsk. Da moves na nga eh!


"Ok, gather around, students. I'll be giving you an hour to explore the place. You are not around to leave the area otherwise, you are told to do so. You have my contact number whenever you need help. Alright, enjoy."


Hala, kaniya-kaniyang disperse naman sila. Yung kasama ko naman, ignorante ata sa Zorb ball, hinila agad ako. Leche.


"Kuya, kuya! Magkano ho dito?" Tanong niya.


"Ay, wampipty po!"


"Heheheeeee, libre mo 'ko. :)"


"Ayan tayo eh! Dimalanta, tumigil ka! 'Di ako sasakay diyan. Bahala ka gumulong mag isa mo." Sagot ko sa kaniya at aalis na sana.


"Ay nako, tol! Pag bigyan mo na girl friend mo. Hahaha." Dumating lang nga sila BJ at Jessie.


"Ayan na sabi eh! Sige na, babe!" Sabay kindat pa ni Ella. jusko. Patigilin nyo ho sila.


"Ay naku, ser! Mag gerlpren-boypren kayo? Dalawapung pesu nalang! Discounted!" Wala na akong ibang ginawa kundi mag bigay ng kwarta kay kuya, mamomobre ako sa babaeng 'to nako!


"At nga pala, ser, maam! Pag magandang sigaw, mag bibigay kami additional tickets! Kaya enjoy!"


"Ha ha, sige kuya, Salamat ho :| " sagot ko.



Ella's POV


Hay nako, thank you po, Lord! Natupad din Life Goal ko na makasakay nito! Ang sarap ng libre! Wohoooo!!!!


Pinasakay na kami sa luob tapos kinabitan ng belt. Yung mukha ni Patrick, parang kinakabahan. Nako, napilitan pa naman 'tong mag bayad para sa'kin. Di bale na, lilibre ko nalang siya mamaya para maka bawi ako. Hahaha, kargo de konsensya ko pa eh. Tapos excited na excited na talaga ako langya!!!!! Hay nako, sigaw daw, ulol. Di ako sisigaw Hehehe.


"Bibilang na ako ah!" Sabi ni kuya. "Isa, Dalaw-" hindi pa siya tapos sinigawan ko na.


"KUYA, ITULAK MO NA! DALI!" "Okay h-"


Tawa lang ako nang tawa, kasi naman tong si Mokong! Naka pikit na agad! Ayun, sa wakas, gumulong na! Hahaha!


"Hoy, Patrick! Sigaw ka dali! Para may libre tayong ticket! Sige na! Yung tarush na tarush!"


"Loko ka ah! Bahala ka!"


"Sige na! Libre kita maya! Dali! Pleaseeeee!"


"Tsk."


"Sige na! Yung pang beki para surebol na may tickets! Please please please!"


"Ayaw...... AY SHETE OO NA! OO NA! AAAAHHHH, DI KO KERI ITETCH! I LOVE DAVAO! SUPER DUPER EKLABUSH! OMG OMG OMG OMAYGALERD!!!!!!!!"


HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHA SHET. NASIGAW NGA. HAHAHAHAHA SHET ULIT ISA PA. HAHAHAHA. BIRO LANG. HAHAHA NAKAKA BINGI YUNG SIGAW NIYA. HAHAHAHAHAHAH AYOKO NA. SORRY. HAHAHAHAHAHA.



Pag dating sa dulo (nabali ang sanga??? de jk), pinalabas na kami sa Zorb ball. Ako yung nauna, dahil parang ako lang naman yung nasa wisyo. Si Patrick, parang nasusuka na hindi.


"Nice one, bro! Ang rami mong fans o! Lahat sila nanunuod sa inyo, grabe! Laughtrip!


"Ay maam, okay lang ho ba si ser? Nako, ito pa yung free tickets nyo pa. Wala hong expiration yan! Congrats!" Tsaka ngumiti yung kuya sa'kin.


"Omg, Pat! Pat! You're the best! Omg! Thank you!" tsaka ako nag tatatalon, at niyakap siya.


"Yo-Your welcome. Gusto sana kitang kayakap, kaso baka masukahan kita." Agad naman akong napabitaw dun. Ano daw? :o


=================================================


//edited //

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 53.1K 25
အပျော်သဘောဖြင့် ရေးထားခြင်း ဖြစ်ပါသည်။
496K 50.5K 200
လယ်သမားဇနီးမှာ နေရာလွတ်ရှိနေတယ် GP1 (26-175) 500 GP2 (176-325) 2500 GP3 (326-475) 2500 GP4 (476-625) 2500 GP5 (626-725) 2000
326K 4.9K 14
ယောက်ဖကို မြူစွယ်မည့် ဒွိလိင်ကောင်လေးအကြောင်း 21+ ပါ smut အသားပေး fiction တစ်ပုဒ်ဖြစ်လို့ အသက်မပြည့်ရင်မဖတ်စေလိုပါ။
2.3M 172K 35
Myanmar×OC အချစ်ဦး၊အချစ်ဆုံး၊လက်တွဲ​ဖော်ဟာ တစ်ထပ်တည်းကျ​သောအခါဝယ် 8.2.2023 ___ 8.4.2023