<42> Kahihiyan.com.ph

1.9K 7 5
                                    

*kaway kaway* Hello po sa inyong lahat! Klase na bukas! haha! Salamat nga po pala sa mga nag VOTE, NAG FAN PO SA AKIN, SA MGA NAG COMMENT, SA MGA NAG LAGAY RIN PO NG STORY KO SA MGA RL NILA. THANK YOU PO NG SOBRA~ :D 

Dedicated po sa kanya... Gusto ko pong mag pa salamat sa pag VOTE sa lahat ng chapter.. salamat po sa pag fan at comment. :* Keep on reading po! *hugs* 

Wag po kalimutan bukas, PAI. tsaka ang 24/7 in love po. Showing na po yun sa November 21. Gora na sa mga sinehan! :) 


VOTE | COMMENT | LIKE | SHARE | PROMOTE | BE A FAN ♥ 

=============================================================

 

Bryan’s POV

Pagkatapos na pagkatapos ng kanta… Hinalika niya sa pisngi si Ella at tumakbo paalis. Umiiyak siya.. Umiiyak siya dahil alam kong matagal na niyang mayakap ulit si Ella. Alam kong masakit sa kanya ang lahat. Ngayon, si Michelle naman ang tumakbo. Hinabol ko, malamang.

Nasa terrace. Umiiyak.

“Ssshh..” habang hinihimas ko ang likod niya. Sige parin siya sa iyak.

“Akala ko… Akala ko.. Di ko na siya mahal. Bakit masakit parin?” sabi niya habang humihikbi.

Ngayon. Dalawa na ang problema ko. Si Ella at Michelle.

Sino ba ang GUSTO ko?! At sino ang MAHAL ko?!

Ngayon, kayo nanaman ang naguguluhan. Hala! Sige! Magkalituhan tayo.Eto, siryoso na talaga. Oo, alam kong alam ninyong lahat na mahal ko si ELLA sa kwentong to. Pero kagaya sa ibang kwento, nababago ang isang pangyayari nang ‘di inaasahan. Katulad ngayon.

“Ssshh.. Tama na Michelle.” Ako habang naka upo kami sa semento at hinahagod yung buhok niya.

Matagal tagal nadin kami naging kaibigan ni Michelle. Sa totoo lang, ayaw ko naman talaga sa kanya dati. Kaso nung nakilala ko talaga siya, nag-iba yung first impression ko sa kanya. Kinaibigan ko lang naman talaga siya kasi gusto ko malaman kung siya yung naging dahilan nung pagka lunod ni Ella sa pool.

Hanggang sa… Sige, sabihin na nating naging ‘malapit’ na din kami sa isa’t isa. Kahit papaano.

 

==flashback==

“Michelle tama na oh! Kelan mo  ba ititigil ang dare na yan ha?!” pasigaw na tanong ni Patrick.

“Hanggat gusto ko… ayyy! Oo nga pala… ibang dare ang nilalaro natin.. hindi ko ba nasabi sa’yo?” sagot ni Michelle

Tangna naman Michelle oh! Hindi naman panghabang buhay yang dare diba?!  Nag tatagal lang yan ng ilang oras o minuto !” – kahit hindi ko sila nakikita, sigurado ako, sa boses palang ni Patrick. Pinipigilan na niya ang galit niya.  

==end of flashback==

Narinig ko sila once na nag-usap sa classroom. Silang dalawa lang. Hindi ko alam, at hindi ko matukoy kung ano yung pinag-uusapan nila. Gusto ko mang alamin, hindi ko naman pwedeng tanungin kung tungkol saan yun, dahil alam kong hindi rin naman nya sasabihin yun totoo. Siguro…

**

Ella’s POV

Okay.. Bagong araw, bagong buhay. ‘deh charot lang. inaantok pa kasi talaga ako, kaso wala tayong magawa. Sadyang umaandar ang oras, Lunes na. Sobrang layo sa Biyernes. Tinamad ako bigla. Haaay. Buhay. Eto ako ngayon, paalis na papuntang school.

You're the ONLY ONE (KathNiel ) -HIATUS-Where stories live. Discover now