<14>

4.3K 15 6
                                    

VOTE |COMMENT | LIKE |

Patrick's POV

"Nak, are you all set? Yung gamot mo, okay na ba? How about your underwear, kompleto ba? Naku, nakakahiya---"

"Ma, ma, oks na 'ko. Kompleto na 'to. Dala ko na pati yung mga gamot in case matae ako, kompleto yung brief ko. Okay?"

Pinutol ko na ang sasabihin ni mama bago pa niya sabihin ulit ang buong listahan sa bagahe ko. Sus nako, mga nanay talaga.

"Tara, hatid na kita sa airport." Tsaka niya sinara ang pinto ng kwarto ko.

Oo, aalis na ako. Mag-aaral ako sa malayong lugar. Wala eh, gusto kong mapag-isa, gusto kong ma miss ako ni Ella.... Shutanginames, syempre joke lang! Pati ng barkada.

"NAK, HALI NA! NASA AIRPORT NA SINA ELLA! NAKAKAHIYA KA NAMAN PINAG HINTAY MO PA ANG BABAE!!" AY SHUTANGINAMES ULIT!!!BAKIT BA NASIGAW SI MAMA AYAN TULOY NAWALA ANG MOMENTUM KO!! :/

Deh, ang totoo niyan. Pupunta akong Davao. Syempre kasama si Ella. Oo, at si Ella lang. Ayos di ba?! ;) ;) HOY MGA WALANG HIYA DI AKO MANYAK! :/

Eh kasi may festival daw na magaganap sa Davao, tapos nang-imbita ng mga estudyante sa iba't ibang private schools. Dapat nga si Philip yun eh, kasi siya yung President shit ng Environmental ata? Oo, environmental club shit. Eh sa na-absent siya ng mga panahong yun, eh kailangan ng line up agad-agad, kaya ako nalang. Ako daw kasi yung president ng Rover. Ha! Galing ko talaga di ba?! ;)

Eh sa ilang araw kami lalagi ni Ella dun! Wala pang klase! Salamat naman ho!

Pagkatapos kong mag pa-gwapo (re-touch kumbaga sa mga babaeng maarte. Ano, kayo lang mga babae'ng meron nun? Tss), bumaba na ako na sinalubong naman ni yaya.

"Nako, koya!! Binata na talaga ekaw!! Pakabaet ka Davao ha. Maganda don!!!" Sabi niya na hinihimas himas pa yung tiyan ko. Nako, gawaing matatanda talaga eh no.

Ella's POV

"Maaaa!!! Ano ba kasi ang magandang pasalubong?!?!" Kanina ko pa to kinukulit si mama kung anong mabibili sa Davao eh ayaw niya naman bilhan ko sila ni Papa. Ala, eh minsan lang ako mabait ah!! Hhahahha joke. Seess, pakipot lang yan si mama if I know.

Ay ano ba 'yan, naiihi n---

"Bulaga!!!!"

"Hu hu hu nagulat ako Patrick, hu hu hu :/" sarcastic kong sabi sa kaniya.

"Walangya talaga 'tong babaeng to! Ano bang problema at ba't di ka nasabay sa mga trip ko?!" Pabiro niya pa akong inaway-away. Alangan naman nasabay ako, ang bulok nga ng trip, di worth it. Hahahah ang hard naman ata nun.

Inirapan ko nalang siya nang dahilan ng pag tawa niya. Ay ganern? Natawa ng walang dahilan? Ulol la---

"Hay nako, biro lang yun! 'To talaga! Loosen up my lady! Just chill!" Sinasabi niya yun habang naka ano, naka, ina-ano ako.... uhm... naka... akbay. He he. U-ulol. Ulon nga! Tssk.

"Tse! Ang---"

"Calling all the passengers of flight KS9875, from Manila to Davao. Again, last call--"

"Shit!" Nagitla naman ako dun sa babae! Ay walang hiya. Di pa ako ready umalis eh. Huhu mama! :"(

"O sya, sya. Baby, mag-iingat ka parati dun ha. Wag na wag kayong mag hiwalay, baka mawala pa kayo dun. Nako! Remember all my reminders, dear, okay?" Siya habang inaayos yung buhok ko. Eh naman eeehhh.

"Yeah ma." Sagot ko nalang at hinila na yung bagahe.

"Bye, mom. Bye ma--- ay este, tita pala hehe! Aalagaan ko pa anak nyo don't worry sanay ako mag baby sit!"

Narinig ko pang sigaw ni Mokong para magpaalam. Ayun, binatukan ko nga! Ulol eh! Kahit ano pinag sasabi! Ni wala nga yung kapatid na maliit para maalam siyang mag baby sit! Hahaha! >:D

Hindi naman din siya naka palag kasi andyan naman si mama. Hihihi! Nakarating kami sa loob ng eroplano ng matiwasay, siya nga nag dala ng hand carry namin eh. Hahaha! Buti nga!

"Hoy, ako nga yung sa bintana!" Sigaw-bulong ko sa kaniya habang hinahanap yung seat number namin.

"Edi sa iyo! 'Di ako nakikipag talo no! Kahiya naman sa'yo, madam!" Sagot rin niya. Ha ha ha! Takot lang yan eh!

"Good!" Tsaka ako nangiti ng malapad at tumakbo sa upuan ko ng makita ang seat number.

"Tss, duga ng babaeng 'to!" Sabi niya, ay hindi, bulong pala na rinig ko naman parin. Binelatan ko nalang hahahaha! Sorrreeh!

Pagka-upo na pagka upo ko isinaksak ko kaagad ang earphones ko sa magka bilang tenga tsaka pumikit. Ilang minuto na ang nakaraan at Naramdaman ko namang may natitig sa akin.

"Bakit?" Tanong ko sa kaniya ng kunwaring naiinis.

"Seryoso ka bang matutulog ka lang dyan buong byahe? I meant, di ka man lang makikipag usap o ano?" Bored na bored na talaga siya at kitang kita yun sa mukha niya. Gusto kong tumawa tbh. Haahhahah!!!

"Uhhh, inaantok ako eh." Sagot ko nalang at napikit ulit. Sorry, Pat, but I love sleep. He he.

//

"Huy, gising na. Gising na. Ella, lalanding na tayo, huy!" Kulbit sa'kin ni Mokong. Ay shet, natulugan ko nga talaga siya ata. Nag-g-guilty tuloy ako. Oops.

"Ah, o-oo." Nauna siyang tumayo at kinuha ang hand carry namin.

Kami rin ang naunang nababa dahil minor kami at 'traveling alone'. Siya na ang nag-abalang kumuha nang bagahe namin. Aba, nabait ata talaga 'to ah!

Pagka-labas na pagka-labas namin, nasakay agad kami ng taxi.

"Kuya, sa pinaka malapit po na mall dito?" Si Mokong na ang nag sabi sa driver. Ilang minuto lang rin nang naka dating kami. Grabe, ang bilis nga eh. Di parehas sa Manila ilang oras pa ang aabutin. :/

"Kuya o." Ako na ang nag abot ng bayad. Syempre nag hati kami walang puso yan eh. Joke!!

Pag pasok namin ng mall, tanaw na tanaw namin ang jollibee, kaya nadiretso na kami dun. Natingin pa nga ang iba dahil masyadong obvious na turista kami.

"Upo ka na muna dyan. Ako na mag o-order ha." Biglang sabi ni Mokong. Eheheee, date na itey.... de joke ew. :/

Napansin kong may grupo ng kalalakihan na teenagers din sa kabilang table ang ingay pa nila. Tsk.

"Huy, pre! Ano na 'yan!"

"Hahaha, gago to ah!"

"Hahaha, pahingi nga nagugutom ako eh!"

Ayan ang ingay. Nag halumbaba lang ako at natingin kahit saan. Pinag mamasdan ko lang yung mga tao nang may lumapit sa akin, akala ko si Mokong na sisigawan ko sana eh. Kaso iba pala.

"Hi, miss." Uh. . . Okay feeling wait... WAIT AKO BA YUNG KAUSAP NIYA? LECHE NATATAKOT AKO HOY SINO BA TONG LALAKENG TO KIKIDNAPIN BA N---

"Ah, h-hello." Nasagot ko nalang. Wadapak Dimalanta? Umatras na ba tapang mo?

"Ah, gusto ko sanang hingiin number mo?" Ay shit narinig ko naman yung tawanan ng mga kaibigan niya sa kabilang table. Sila pala yun. Grupo ng maaangas at gwapo????? Ok.

"Gusto ka kasi ng----" di pa natatapos yung linya niya nang...

"You can't have her number, she's my girlfriend."

==============================

//edited

You're the ONLY ONE (KathNiel ) -HIATUS-Where stories live. Discover now