<2>

8.7K 60 7
                                    

VOTE | COMMENT | LIKE | SHARE | TWEET | PIN IT | SUGGESTION | TALK TO ME HEH!

============================================================

ELLA'S POV 


"Yung. Bag. Ko. Sino naka kita ng bag ko?" nag pa-panic na ako nun. Naku importanteng importante ang bag ko, (atsaka bago sayang naman ang pera). Nawala ang hiya ko sa sandaling 'yun. 

"Um, Ella ba? Tama? Ah yung bag mo andun nilagay ko." pagkatapos ay ngumuso siya dun sa isang upuan kung saan naka sabit yung upuan ko. Sa pag kaka-alala ko, siya si Patrick. Oo siya nga. Patrick.... Patrick..... hindi ko talaga alam apelyido niya. 

"Ah, hah. Sige salamat." ngumiti pa ako. Naramdaman kong naka daan lahat ng hangin sa buong katawan ko. Hay salamat. 

Ngumiti siya in return. Ayos. Ang ayos ng ngiti niya. 

Kinuha ko yung bag, tsaka ko naisip. Ngumiti. Ako.Great! AT. WALA. AKONG. UPUAN. AT BAKIT AKO NGUMITI SA KANYA EH KINUHA NIYA LANG NAMAN YUNG BAG KO AT NILAGAY SA KABILANG UPUAN AT AKO ANG NAUNA NUN. Kasi baka siya talaga ang nauna dun. Diba? "Ella, Ella?" sabay pa tapik tapik sa likod ko. 

"Tammy! Oh my gosh! I missed you! Ikaw naman kasi, 'di ka man lang nag text for two months! Samantalang ako ngangang-nganga sa bahay. Hhahaha!" Sana naman hindi masyadong masaya ang tono ko dun. Haha. 

"Hahahaha! Wala akong pera pang load eh, kaya 'di ako nakaka text. Buti naman sana kung may baon pa 'ko. Galing talaga, meant to be tayo! Classmate parin tayo hanggang sa'yo. Nagsasawa na ako sa mukha mo. Haha!" kumalas na siya sa yakap, syempre. 

"Wag kang mag-alala. The feeling's mutual. Nag sasawa narin ako sa mukha mo! Haha!" sabay high five. 

""Oh, good morning students! Good morning! Please take a seat!" Nag pa-paypay pa si Ma'am ng panyo niya. "Ah! Kulang ata ang ating mga upuan... Hmm..." "... Rivero? Rivero ba? Ah yes you, mister. Can you go downstairs and ask some chairs to our utility personnel? Thank you." Inutusan niya si..... Patrick. Ah, Rivero. Napaka lalake. Bagay na bagay sa kanya. 

 

"El, CR lang ako ah, sandali lang." narinig ko siyang nagpaalam.

Umayos ako ng upo, 'di pa ako komportable kasi nga bagong classroom. Mas malaki ata 'to nung nasa 2nd year ako eh. Tapos-- Okay, may pumalo palo ng cartolina sa likod ko. Nilingon ko kung sino man siya para sumbatan kaso... 

"Ella!!" sigaw na niya sa'kin bago pa ako maka-react. Tikoy! "Oh! Tikoy! 'Di kita napansin! Ayos ah! Asensado!" Nag apir kami. Masaya akong makita siya. 

Maya maya't dumating si Patrick. May kasamang utility at dalang mga upuan.

 

"Makikitabi ako ah!" hinila ko yung upuan. Tumabi ako kay Tikoy.

"Syempre naman! Makaka angal pa ba ako! Haha!" 

"Oy, Patrick! Ang tahimik mo? Kadalasan naman ang ingay mo ah!" sabay siko niya kay Patrick. Napalingon ako, ah oo. Andun pala siya. "Anong tahimik? Ingay ko naman ah. Oh, hi Ella!"

"Hello." sabay tango ko.Ngumiti siya in return.


And I could say, ang gwapo niya nga. 

"Tss." bulong ko. Lumingon ako at nakitang naka tingin sa'kin si Tikoy na parang alien ako. "What?"

"Hahah! Naga-gwapuhan ata sa'yo, Pat! May binulong bulong eh!" baliw.

"Kalokohan!""Kalokohan!" sabi naming nasabi. 'Hahahaha! Jinx!" sabay nanaman naming sabi.

"Okay, okay! Ako na OP! Galing!" tapos pumalakpak pa siya.

"Good morning, once again! And as I observed, lahat naman kayo old students. So I guess, we may not have the introduction anymore, besides it's also a waste of time." 

"Hay nako, sana naman tinuloy nalang.Para naman at least, ma recognize ng lahat ang ka gwapuhan ko"Binulong niya yun sa'kin. Siniko ko nalang para alam niyang narinig ko siya.  

"Lakas ata ng hangin dito." sabay lingon ni Patrick kay Tikoy. "Gwapo ka na niyan?" Patuloy niya. 

"Alam nyo, kayong dalawa...." binatukan niya kami nang sabay dun. "Pinag kakaisahan niyo ako ha!" at isa pang batok.

"Ah talaga?" Sinampal ko siya nang palaro. Sabay naman batok ni Patrick sa kanya. Haha. "SUMUSOBRA NA KAYO!!!!" napalakas ata ang boses kasi naman

"Is there any problem there?" sabay lingon ni Ma'am at ngumiti, pero alam mong dapat kang matakot.

 

"Ah, na-na-nothing, ma'am! Hehe" hinimas himas pa ni Tikoy batok niya nun.

 

PATRICK'S POV

Hindi ko inaasahan na maganda ang kinalalabasan ng araw na 'to. Nakilala ko si Ella(kilala ko naman siya dati pero walang kibuan. Kilala na 'di kilala ba), atsaka si Tammy. Sabay pakilala nila sa'kin kay Britney. Silang tatlo kaibigan na ni Tikoy, and I could say may pinagsamahan naman sila kahit papaano. 

Kada recess, cafeteria and tambayan namin. At kada recess walang tigil ang pag pupuputok ng butsi ni Tikoy kasi nga daw ang raming bumabati sa'king babae, sa kanya, siya pa raw ang bumabati. Haha Loko.


Maaga kaming pinalabas. (Sana nga palagi nalang unang araw para maaga haha.) Nagpaalam na agad si Tikoy, si Tammy at Britney aalis agad'bibili daw ng gamit kasi kulang' ang rason. Kaya kaming dalawa ni Ella ang naiwan. Masasabi kong 'di pa ako komportable sa kanya, at alam kong siya din.

"Ah Ella. Uuwi ka na ba?" tanong ko sa kanya nang nauna siya lumabas. Nasa likod lang niya ako.

"'Siguro. 'Di pa naman ata." tsaka siya ngumiti. Palagi siyang ngumingiti. "Mahilig ka bang street foods? Nagugutom ako eh, gusto mong sumama?"

"Nakakapagod gumastos" sabi niya. Pero gumastos naman siya kanina. Haha

"Libre?" tanong na pang-aanyaya ko sa kanya. "Ayos! Hinihintay ko lang 'yan sabihin mo eh!" 


Syempre, tulad ng nangyari. Kumain kami. Nag usapan ng kahit ano. Napag usapan din namin yung mga oras na dina-daan daanan lang namin ang isa tapos eto kami ngayon, sabay kumakain ng street foods. 

"Salamat pala sa pag sama Ella ah. 'Di ko akalain ang bilis mong kumain ng barbeque pati isaw. Haha! Nalamangan mo ako dun ah! Buti 'di pa ubos pera ko."

"Eh ikaw 'tong nag-yaya tapos nag rereklamo ka! Hahaha! Syempre, tanggihan ba naman ang grasya? Naku, no no 'yan sa labas!" lagi nalang ata kami mag tatawanan nito.

"Sige, Patrick. Una na ako? I really had fun. Thank you. Tsaka baka 'di na ako mag hahapunan nito. Hahaha!" pagpapaalam niya. "Salamat din! Ingat!" sinigaw ko nalang kasi naman malayo layo na siya. 


And I could say, so far ito ang pinaka masayang 'first-day' ko. Syempre nung lumaki laki na ako. (Iba parin yung bata ka pa at pinaka unang araw mo yun sa skwelahan diba? haha)

==================================================================== 

 //edited//

You're the ONLY ONE (KathNiel ) -HIATUS-Where stories live. Discover now