Open Arms {hunhan}

By ahreuu

23.4K 564 115

I'm here, waiting for you, with open arms. (BOOK COVER INSPIRED BY SUJIROUMANABE'S ARTWORKS) More

Open Arms {hunhan}
Open Arms - 1
Open Arms - 2
Open Arms - 3
Open Arms - 4
Open Arms - 5
Open Arms - 7
Open Arms - 8
Open Arms - 9
Open Arms - 10
Open Arms - 11
clarifications + your comments and suggestions -not an update-
Open Arms - 12
FINALE

Open Arms - 6

1.2K 42 5
By ahreuu

"Text" - Diarogue

"Text" - flesh baek

"Text" - flesh baek diarogue

P.S : Manly LuLu ahead :3

------------------------

"Hindi ba parang ang unfair?! Pu-putang I-ina! Ano?! Da-*hik*dahil ba la..la..lalaki din a-ako? *hik* ha?! Dahil ba *hik* di k-ko s'ya kayang bi*hik*bigyan ng anak?!" sigaw ni Luhan sabay inom ng isang bote ng beer na hawak-hawak n'ya. Kasama n'ya si Yoona sa isang bar at naisipan n'yang maglasing dahil sa mga nangyari kagabi sa pagitan nila ni Sehun.

"Alam mo, Yoona" sabi ni Luhan at nilagay n'ya ang dalawang kamay n'ya sa magkabilang braso ni Yoona "Mahal na mahal na mahal na mahaaaaal ko si Sehun" tumulo ang luha ni Luhan "Ako ba, Yoona, minahal n'ya din ba ako?" tumingin sa gilid si Luhan at tumawa ng mahina, ngunit mayroon paring luha na nangingilid sa mata n'ya. Makailang segundo lang niyakap s'ya ni Yoona
"Shhh, Lu, alam kong mahal ka ni Sehun..." sabi ni Yoona habang hinihimas ang likod ni Luhan.

"Pero bakit ganon" humahagulgol na si Luhan dahil masakit para sa kanya na ipagpalit s'ya ni Sehun. Lalo na sa isang babae. Sobrang sakit.

"S-san ako n-nagkulang?"

--

Umuwi si Sehun sa apartment nilang dalawa ni Mars. Sinalubong s'ya ng yakap ni Mars na may ngiti sa kanyang mapupulang labi.
"Nasabi mo na ba?" seryosong tanong ni Mars kay Sehun habang nasa hapag-kainan sila. Tumango lang si Sehun at patuloy parin sa pagkain.
"Mabuti naman, naku! Dapat pag-usapan na na'tin yung kasal na'tin, ano kayang magandang motif? Saang simba—"

Tumayo si Sehun sa upuan n'ya "Aakyat na ko, pagod ako"

Hindi dahil sa pinagsisisihan ni Sehun ang ginawa n'ya, mahal n'ya si Mars. Sobra. Pero hindi tulad ng pagmamahal n'ya kay Luhan. Higit pa sa sobra. Pero alam n'ya sa umpisa pa lang na mali na ang relasyon nila sa mata ng mga tao, mga magulang n'ya at sa Diyos. Mahal n'ya si Luhan, Oo. Pero nadala s'ya sa emosyon n'ya. Sa mga gabing hindi s'ya makatulog dahil wala si Luhan sa tabi n'ya kung saan si Mars ang pumalit sa pwesto n'ya. Oo, para kay Sehun sapat na iyon, sapat na 'yon para mahalin n'ya si Mars. Naguguluhan s'ya.

Kinabukasan, pinuntahan n'ya si Luhan para kunin yung mga papeles para sa divorce nila

"Kamusta?" tanong ni Sehun kay Luhan na kasalukuyang pinipirmahan ang mga papeles.

Hindi s'ya sinagot ni Luhan at nagpatuloy pa din ito sa pagpirma ng papeles.

Dumating si Yoona na may bitbit na dalawang baso ng kape "Salamat Yoona" sabi ni Luhan ng naka-ngiti kay Yoona. Tumango si Yoona at umalis na. Natapos si Luhan sa pagpirma at tinignan n'ya si Sehun para iabot yung envelope.

"Bakit... Maga yang mata mo?" tanong ni Sehun na hindi pa din inaalis yung tingin n'ya kay Luhan
Umiwas ng tingin si Luhan "W-wala, alam mo na, The Fault in Our Stars, kakatapos ko lang uli basahin kagabi. Pati napanuod ko yung Titanic" palusot ni Luhan. Tumango-tango lang si Sehun "Sige" sagot n'ya na animo'y kumbinsido sa sagot ni Luhan. Kahit na alam n'yang hindi naman talaga 'yon ang dahilan. Tumayo si Sehun sa kinauupuan n'ya. "Salamat" sambit n'ya ngunit bago pa man s'ya maka-alis ay tinawag s'ya ni Luhan
"Sehun..." mahinang sabi ni Luhan. Napatigil sa paglalakad si Sehun at nilingon n'ya si Luhan.

"P-pwedeng..." huminga ng malalim si Luhan. It's now or never, ika nga n'ya at kailangan n'yang makasama si Sehun sa huling pagkakataon "Bumalik ka dito? Kahit, bukas lang?" naka-yukong sambit ni Luhan "P-please" nag-crack ang boses ni Luhan na s'ya namang kumurot sa puso ni Sehun. Oo. Gusto n'ya gusto n'yang makasama si Luhan sa huling pagkakataon gusto n'yang mayakap uli s'ya, gusto n'y—

"Hindi pwede" sabi ni Sehun. Gusto n'ya, pero si Mars. Naghihintay.
"P-parang awa mo na, Sehun" Napakadesperadong pakinggan ni Luhan. Pero gusto n'yang makasama si Sehun.

Nakatayo lang si Sehun sa tapat ng pinto.

Lumingon s'ya kay Luhan.

"Sige"

--

Kinabukasan, masayang binati ni Luhan si Sehun na nasa tapat ng kanyang pintuan sa muling pagbabalik ni Sehun. Masaya si Luhan. Hindi, sobrang saya n'ya. Kumain silang tatlo ng sabay-sabay, si Yoona, si Luhan at si Sehun. Pero umuwi din agad si Yoona pagkatapos non. Masaya si Luhan. Baliw na kung baliw, basta masaya s'ya. Masaya s'ya dahil nandyan si Sehun.

--

"Luhan" kumatok si Sehun sa labas ng pintuan ng dating nilang kwarto ni Luhan "Luhan..." muli n'yang sabi habang kinakatok ang pintuan "Aalis na ko". Sapat na siguro 'yon, naisip ni Sehun. Tumalikod na s'ya sa pintuan ng kwarto ni Luhan pero may narinig s'ya.
"Nghh..." napalingon s'ya sa pintuan ng kwarto ni Luhan ngunit hindi na n'ya pinansin iyon at nagsimula ng mag-lakad "Nggghhh..." "Nghh..."

Hindi na mapigilang tumakbo ni Sehun pabalik sa pintuan ng kwarto ni Luhan. Kumatok s'ya "Luhan..." hindi sumasagot si Luhan kaya naman kumatok s'ya ulit, mas may pwersa at mas malakas "Luhan! Ayos ka lang ba?!" kumatok ng kumatok si Sehun. Naisipan n'yang tawagan si Yoona, kinuha n'ya ang cellphone n'ya, pero pag-bukas n'ya "Shit" ang tanging lumabas na salita sa bibig n'ya. Naalala n'ya na wala nga pala s'yang number ni Yoona. Nataranta si Sehun. Kinuha n'ya ang wallet n'ya na may naka-sabit na susi. Susi ng kwarto nila—ng kwarto ni Luhan. Hindi n'ya alam kung bakit n'ya pa ito tinatago, ewan n'ya ba. Napaka-halaga ng susing iyon para sa kanya. Binuksan n'ya yung pintuan at nagulat s'ya sa nakita n'ya. Si Luhan, naka-talukbong ng kumot.
"Ngghhh..." sabi ni Luhan sa ilalim ng kumot. Tumakbo si Sehun palapit sa kanya "Shit" sambit n'ya "O-okay k-ka lang ba? Teka, tatawagan ko si Yoona, pati tatawag ako sa ospital, kay—" hindi na pinatapos ni Luhan si Sehun magsalita, sa halip ay inalis n'ya ang kumot na naka-talukbong sa kanya at pilit na tumayo "O-okay l-lang a-ako Se-Sehun..." tinignan n'ya si Sehun sa mata "H-hindi ko s-sila k-kailangan..." naramdaman ni Luhan ang mga nangingilid na luha sa mata n'ya na pinipigilan n'ya sa pagbagsak mula sa mga malamlam n'yang mata

"Ikaw... I-ikaw ang k-kailangan ko... Please... Dito ka muna... Wag mo muna akong i-iwan..."

--

65 Missed Calls.

Tinitigan ni Sehun ang cellphone n'ya. Lahat ng 'yon ay galing kay Mars.

Tinignan n'ya ang inbox n'ya at binasa ang mga text messages na galing din kay Mars. Hindi n'ya pinansin 'yon at binalik n'ya ang cellphone n'ya sa kanyang bulsa.

Tinignan n'ya si Luhan na kasalukuyang natutulog. Pinunasan n'ya ng basang bimpo ang noo ni Luhan.

Habang tinitignan n'ya si Luhan, nagawi ang tingin n'ya sa isang bahagi ng mukha ni Luhan na s'ya namang ikinahabag ng puso n'ya. Ang marka sugat ni Luhan sa baba ng labi n'ya.

Pinigilan n'yang tumulo ang mga nangingilid na luha sa mata n'ya. Naalala n'ya kasi yung dahilan nung sugat na iyon. Hinding-hindi n'ya iyon makakalimutan, yun kasi yung unang beses na literal na pinag-laban ni Luhan ang pagmamahal n'ya kay Sehun.

3rd Year si Sehun at 4th Year si Luhan at 3 buwan na ang naka-lipas simula nung inamin ni Sehun ang tunay n'yang nararamdaman kay Luhan.

Naglalakad si Sehun sa hallway ng may narinig s'yang tumatawa sa likuran n'ya. Nilingon n'ya ito at nakita n'ya ang dalawang lalaki na naka-turo sa likuran n'ya habang tumatawa. Hindi 'yon pinansin ni Sehun, sa halip ay nag-patuloy na lang s'ya sa paglalakad. Pero sa paglalakad n'ya, lalong dumadami ang tumatawa at naka-turo sa likuran n'ya. Hanggang sa bigla s'yang tinawag ng isang lalaki.
"Bakla!" Sigaw ng isang lalaki at tumawa ito ng malakas sabay ng iba pang mga lalaki.

Hindi alam ni Sehun kung anong gagawin n'ya. Naguguluhan s'ya. Anong sinasabi nila? Ano yung tinuttukoy nila? Tungkol ba 'yon sa kanila ni Luhan? Wala namang masama don, diba? Nag-mamahal lang naman s'ya. Ganun ba kakitid yung mga utak nila para hindi maintindihan 'yon?

Merong naramdaman si Sehun na nangingilid sa gilid ng mata n'ya. Hindi na n'ya kaya, kaya tumakbo s'ya palayo sa mga taong nagtatawanan at nagtago sa gilid at doon binuhos ang kanyang mga luha.

-----

"I'm gayWHAT THE FUCK?! ANO TO?!" hindi makapaniwala si Kai sa nabasa n'ya. Mayroon kasing papel na nakalagay sa likuran ni Sehun at 'yan ang nakalagay don. Nakita na nga nilang umiiyak si Sehun sa  "Is this about you and Luhan?" tanong ni Kai. Hindi kasi s'ya maka-paniwala, alam n'ya ang sitwasyon ni Sehun dahil ganito rin ang sitwasyon nila ng kanyang kasintahan na si Kyungsoo, at alam n'yang mali ang ginawa ng mga taong iyon, maling-mali. "Hindi na nila ni-respeto yung relasyon n'yo ni Luhan" singit naman ni Chanyeol, nakikita n'ya kasi na masyado ng nagagalit si Kai kaya pina-upo n'ya muna ito. Hindi nag-sasalita si Sehun. Tahimik lang s'ya. 

"Anong nangyari?" tanong ng isang pamilyar na boses. Inangat ni Sehun ang ulo n'ya "Hyung?" natakot s'ya. Anong gagawin n'ya? Magagalit ba si Luhan kung sasabihin n'ya ang totoo?

"Anong nangyari sa'yo?" nilapitan s'ya ni Luhan "Umiyak ka ba?" 

Hindi n'ya sinasagot si Luhan. Kaya naman tumayo si Luhan at lumabas ng silid

"Saan ka pupunta?" tanong ni Chanyeol kay Luhan

"May aayusin lang ako" sagot ni Luhan na nanggigigil

Hindi na napigilan ni Sehun ang mga luha n'ya. Parang may sarili silang utak, ayaw nilang magpapapigil. Lumayo ng tingin si Sehun sa kasalukuyang natutulog na si Luhan. Lumabas s'ya ng kwarto at nagpunta sa kusina.

Naglakad na papalabas si Luhan. Nagkatinginan naman si Chanyeol at Kai. Tinignan ni Kai si Sehun "Dito ka lang" bilin sa kanya ni Kai, sinenyasan ni Kai si Chanyeol, tumango si Chanyeol at sinundan palabas si Luhan. Hindi na nakatiis si Sehun at sinundan n'ya sila Chanyeol. Sa may bandang quadrangle, may mga nagkakagulo, nanlaki ang mga mata ni Sehun 

"Ano bang problema mo? Ha, Bakla?!" sigaw ng lalaki kay Luhan. Nanlaki ang mata ni Sehun. 'Yon yung lalaking tinawag din s'yang bakla kanina, anong problema n'ya kay Luhan? "Nagsumbong ba sa'yo yung bakla mo ding shota? Ha?!" tumawa yung lalaki, pero bigla s'yang sinikmuraan ni Luhan at napa-upo sa sahig "Gago ka pala eh!" ani Luhan "Ano ngayon?! Puta! Inggit ka? Ha?! Edi shotain mo yung mga bakla d'yan sa labas ng campus!" tinadyakan ni Luhan ang lalaki na nasa lapag "Sa susunod na kakantiin mo si Sehun, siguraduhin mong kaya mong lumaban, mas lalaki pa nga s'ya sa'yo eh! Mas bakla ka, gago" tuluyan ng umalis si Luhan at sinundan naman s'ya ni Chanyeol at Kai, sumunod din si Sehun sa kanila. Natanaw ni Sehun si Luhan at agad s'yang tinakbo si Luhan at niyakap ito. 

"Luhan... Bakit mo ginawa 'yon" kahit na mas matanda si Luhan ay hindi na s'ya gumagamit ng honorifics, ayaw n'ya, bakit pa? Eh diba kasintahan n'ya si Luhan. Pero kahit na mas matanda si Luhan, mas matangkad naman si Sehun.

"Ayoko lang nakikita kang nagkakaganito ng dahil sa'kin..." kumalas si Luhan sa pagkakayakapp ni Sehun at naglakad na ito pauwi.

---

Habang pauwi si Luhan, may tatlong lalaking naka-takip ang mukha ang sumalubong sa kanya, ang isa dito ay naglabas ng patalim at dinambahan s'ya. Akmang sasaksakin n'ya si Luhan pero buti na lang at naka-iwas s'ya, at tanging daplis lang sa ibabang labi ang natamio n'ya. Sinipa n'ya ang lalaki at tumakbo ng mabilis hanggang sa makalayo sa mga lalaki. Nanghihina na si Luhan, konting lakad na lang... Kaya naman nagpatuloy pa din s'ya sa paglalakad. Sa bahay n'ya, naabutan n'ya si Sehun sa harap ng bahay n'ya.

Nanlaki ang mata ni Sehun at tumakbo s'ya palapit kay Luhan na may dugong tumutulo sa baba ng labi n'ya.

"Se-Sehun..." 'yon ang mga huling salita na lumabas sa labi ni Luhan hanggang sa mawalan na s'ya ng malay.

----

Nagising si Luhan sa mahapding bulak na dumampi sa labi n'ya "S-Sehun?" sambit n'ya, bakas pa din kay Luhan ang panghihina dahil sa dami ng dugo na nawala sa kanya kanina "Anong ginagawa mo dito?"  tanong n'ya kay Sehun

"Malamang ginagamot yung sugat mo" sagot ni Sehun na hindi pa'din tumitigil sa pag-lagay ng gamot sa bandang labi ni Luhan

Nagulat naman si Luhan sa biglaang mood swing ni Sehun, pero kahit na... Sanay naman na s'ya

"Hyung..." nagulat si Luhan sa biglang pagsasalita ni Sehun. Binitawan ni Sehun ang bulak at nilapag ito sa gilid na lamesa "Sa tingin ko,dapat na nating itigil 'to..." mahinang sabi ni Sehun. Hinawakan ni Luhan si Sehun sa mukha "Sehun... Bakit? Hindi ba, masaya naman tayo?" sambit ni Luhan. 

"Ayoko kasing nakikita kang..." napabuntong-hininga si Sehun "...nahihirapan... Buti sana kung ako lang, ayos lang sa'kin 'yon, pero maski ikaw, Luhan, nadadamay ka na, dapat pala sa umpisa pa lang hindi ko na sinabi, dapat pala hindi ko na lang ipinagtapat, edi sana ngayon, maayos ang reputasyon mona'ting dalawa, mali yung ginawa ko, maling—" hindi na naituloy ni Sehun ang sinasabi n'ya dahil biglang nag-salita si Luhan

"Sehun, alam kong hindi pa tayo nagtatagal, pero, wala akong pinagsisisihan, mahal din naman kita eh, alam mo yan, ayoko lang ding nakikita kang nasasaktan kaya ginawa ko 'yon, mahal kita kaya ginawa ko 'yon" ani Luhan

"Alam mo naman na mahal din kita, ayoko lang talaga na nakikita kang naapektuhan at nasasaktan ng dahil sa'kin, okay lang na ako, wag lang ikaw, at tsaka dapat ako yung nagtatanggol sa'yo, hindi ikaw" sabi ni Sehun

"Sehun..." sambit ni Luhan habang nakayakap s'ya kay Sehun

"Hmm?" 

"Mangako ka"

"Ano 'yon?"

"Mangako ka na yung peklat dito sa labi ko yung magiging simbolo ng pagmamahalan na'tin, na hangga't hindi nawawala 'to, hindi rin tayo maghihiwalay" sabi ni Luhan

"Ang corny naman, pero sige na nga, tutal hindi din naman kita iiwan"


Tumulo ang mga luha ni Sehun, di n'ya sukat akalain na di n'ya matutupad ang pangako n'ya kay Luhan. Humahagulgol ng iyak si Sehun hanggang sa may nag-bukas ng pintuan.

"Sehun?" tanong ni Yoona

"Yoona.."

"Sehun..."

"Ano 'yon?"

"Mahal po ba si Luhan?"

Natauhan si Sehun sa tanong ni Yoona...

Mahal n'ya pa nga ba si Luhan?

---

5 pages ^__________^

aish sayang yung unang update, nabura >_<

pero anyway, bawing bawi ^_^

time check : 12:19 am

BYEEEEE~

- Nah

Continue Reading

You'll Also Like

9.7K 1.5K 41
true love is just around the bend but lovers find it hard to get one...
124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
168M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
3.2M 159K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...