Beauty and the GEEK -- Chapte...

By SUPERMEE

28.9K 605 235

Pwede kayang mahulog ang isang gwapo (lalo na kung walang glasses), mayaman at SUPER TALINO sa isang babaeng... More

Beauty and the GEEK
CHAPTER 1: BERNARD LUIS BRAGANZA III
CHAPTER 2: Franceska "Iska" Morinn Babaan
CHAPTER 3: Started with a Kiss
CHAPTER 4: Mr.ANTIPATIKO
CHAPTER 5: Start of the Ending
CHAPTER 6: Knight in Shining Armor
CHAPTER 7: A Night to be Cursed
CHAPTER 8: FTW! (FOR THE WIN!) :""D
CHAPTER 9: UNTITLED. :D
CHAPTER 10: PRINCESS FRANCE :))
CHAPTER 11: Violet
CHAPTER 12: Past and Present
CHAPTER 13: NAUGHTY ISKA
CHAPTER 14: ISKANG TANGA = CRUSH >__________<""
CHAPTER 15: MALE ISSUE
CHAPTER 16: Damoves. XD
CHAPTER 17: weDATED ♥
CHAPTER 18: Beauty Vs. Geek
CHAPTER 19: The "Antagonists."
CHAPTER 20: Iska's Possitive Side. :P
CHAPTER 22: Back To The Game ^_______^V
CHAPTER 23: Jeighn Sobell
CHAPTER 24: Jeighn Vs. Iska
CHAPTER 25: Desire
CHAPTER 26: Partners in Crime
CHAPTER 27: UNDER THE WATER
CHAPTER 28: FAILED CONFESSION
CHAPTER 29: Twist
CHAPTER 30: 8 months before.
CHAPTER 31: Alison Smith

CHAPTER 21: Iska meets "Jealousy."

661 12 0
By SUPERMEE

SOOOOOOOOOOOVER po talaga ng ginagawa ko kaya super late din ang Update. SORRRRRRRY talaga! Promise, every 3-4 days mag a-update na ako. PROMISE! (crossed fingers.) XD

Enjoy reading. ^_______^v

 ♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥

~BERNARD POV~

"Kailan, kailan mo ba mapapansin ang aking lihim 

Kahit ano'ng aking gawin, 'di mo pinapansin 

Kailan, kailan hahaplusin ang pusong bitin na bitin 

Kahit ano'ng gawing lambing, 'di mo pa rin pansin"

Na e-LSS (last song syndrome) ako kay Iska... I mean, to that song... After that kiss, I never seen her again. Where did she go? Hmm.. Is she with B-Brandon? Well, bahala sila. Good morning!

"Bernard!"

Halos mapatalon ako sa gulat. Past time niya na sigurong gulatin ako. =____=" 

"What are you doing here? Hindi ka talaga marunong kumatok ano?"

"Kanina pa ako katok ng katok no! Ayaw mo lang talaga akong pagbuksan..." So kumakatok na pala siya habang nag pe-play sa utak ko yung kinanta niya last night.

"Bakit naman bihis na bihis ka?"

"Eh di ba i eenroll mo na ako sa school mo?" Shiyet. Enrollment nga pala ngayon for the second semester. Desidido  talala siyang pumasok sa Wilhelm? 

"Ahh. I forgot. Okay, I'll just take a bath. Hintayin mo na lang ako sa baba."

"Dito na lang kita hihintayin."

Kamanyakan na naman.. Alam na.

"No. You wait me downstairs."

"Kiss muna."

As I said, diba? Wala na kayang alam to kung kamanyakan? Tsss. =_____="

"Okay. Pumikit ka muna."

She then close her eyes...Before she knew it, kinarga ko na siya palabas ng kwarto ko. I quickly locked my door. So ayon, end of discussion. :D

After an hour.

"Madaya ka na matagal ka pa!"

Madaya na kung madaya, atleast hindi manyak.

"Madaya mong mukha mo. Tara na."

"Teka Bernard, may pilikmata ka oh.." Napapikit ako habang papalapit yung kamay niya sa mata ko... tapos...

*TSUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUPPP!*

SHIT! She kissed me! Palusot lang pala niya yon! >_______< May papilikmata pilikmata pa siya! Bago ako makaganti, mabilis na siyang pumunta sa kotse ko. Haaaaay. Napaka talaga! ISKAAA!

Habang nasa kotse...

"Dala mo ba lahat ng kailangan mo?"

"Yes ser!"

"Good."

-katahimikan-

"Ahmm.. Bernard?"

"Why?"

"May music ka ba dito?"

"Wala."

-katahimikan-

"Franceska?"

"Bakit Bernard?"

"Naboboring ka ba?"

"Hindi."

-kahimikan ulit-

"Bernard?"

"Hmmm?"

"Perstaym mo akong tawagin sa pangalan ko."

then I glanced at her.. She's smiling.. like an angel.

"Ayaw mo ba?"

"Gusto ko! Gusto ko talaga!"

"Okay. We're here."

Ano pa ba? Dating gawi. Bahala siyang magbukas ng pinto niya. Hindi porque ginagawa sakanya ni Brandon yon, gagawin ko na din sa kanya. Ano siya ubod ng swerte? Geez.

"Ang bilis naman mag enroll dito. Hindi katulad don sa dati kong pinapasukan... akala mo may binibigay na rilipguds sa haba ng  pila."

"High standards dito eh... Malayo talaga sa dati mong pinapasukan... bulok."

*BUUUUUUGGGGGSH*

"Sorry miss."

"Sorry din miss."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa nakikita ko ngayon... totoo ba 'to? Oh'GOD. 

~FRANCESKA POV~

Bulok daw? bulok-in mong mukha mo! Buti nga don mababa ang pang matrikula eh! Kung maka-bulok to. Hello! Pare parehas lang naman ang iskul at pagtuturo no! Ang kaibahan lang meron ditong bintilador na lumalamig kahit walang elisi! >______<

*BUUUUUUGGGGGSH*

"Sorry miss."

"Sorry din miss."

Hayan.. Hindi kasi ako tumintingin... nakabunggo na naman ako. >____< Disgrasya na naman to. 

"B-berny?" 

Narinig ko na lang magsalita yung nakabunggo kong babae. Pagtingin ko kay Bernard, tulala siya. Bakit kaya? Kilala niya rin kaya yung babae? At saka.. bakit Berny? Close kaya sila nung babae? Ano nga ba? 

"Oh.. H-hi Jeighn."

Jeighn? Sino si Jeighn?

"Berny! I've missed you a lot!"

tapos...

tapos nakita ko na lang na yumapos yung babae kay Bernard... teka.   Bakit parang may tumutusok sa dibdib ko? Parang may gustong lumabas sa mga mata ko? Bakit parang.... nasasaktan ako?

Tumingin ako kay Bernard... dahan dahan niyang sinagot ang mga yakap nung Jeighn. Kung mahigpit ang yakap ni Jeighn.. mas mahighpit naman yung kay Bernard... ramdam kong na miss niya rin si Jeighn. tapos.... hinalikan niya si Jeighn sa noo.  Teka. Ano ba?!! Langya naman. Bro, wala namang ganyanan. T_______T

"I've missed you more Jeighn. How are you?"

"I'm fine. How about you? Nawalan na ako ng balita sayo.. You didn't answer my emails."

"I'm so sorry about that. I'm just.. too busy."

Sa sobrang pagka miss nila sa isa't isa nakalimutan na ata ako ni Bernard. T_______T

"By the way this is Iska.. I mean, Franceska. My... my... my maid."

*BALGAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAMMM!* *BOOOOOOOOOOOOOOOOOOM*

Okay na yung kaibigan man lang eh...Pero may magagawa ba ako? Eh katulong niya naman talaga ako. Diba? Ikaw talaga Iska! Uma-ambisyon ka na naman! </3

"Is she going to enroll here?"

"Yes, in fact, tapos na kami."

"Really? So can we have lunch outside? I really missed you that much Berny."

Berny Berny.. Mukha mo Berny! Ang arte eh! Hmmmmp! Ingglisera ka pero mas maganda ako sa'yo no! Kahit ba... maputi siya! >_____<

Tumingin sakin si Bernard sakin. Pagkatapos kay Jeighn naman. Tapos sakin ulit. Parang gusto niyang itanong na.. "Pano yung kasama ko?"

 "Uuwi na ako."

Syempre nagkusa na ako. Kesa naman marinig ko pang ipagtabuyan ako ni Bernard. Alam ko namang yun ang gusto nung mokong na yon. HIndi niya lang talaga masabi. :(( 

"Are you sure?" tanong sakin ni Jeighn.

"Ahh. Oo. Shur."

Patalikod na ako biglang...

"Iska." narinig kong tinawag ako ni Bernard! Napangiti naman ako. Sabi ko na eh! Hindi niya ako matitiis.

"Bakit?" Nakangiti ko pang tanong.

"Sabihin mo kay Mommy baka ma-late ako ng uwi." Sabay talikod. 

ganito yung ichura ko nung pagharap ko ---> ^____^ tapos naging ganito. U_U. Ang bigat talaga ng loob ko. Tapos gagabihin pa sila ng uwi? Eh diba kakain lang sila? Gano katagal silang kakain? Anong gagawin nilang pagkatapos? Ang gagawin nilang panghimagas? ---- Shooo! Shoooo! Ang dumi ng isip ko! >_____<" Makauwi na nga. Mukhang namiss talaga nila ang isa't isa eh?

.

.

.

.

.

Kung may magagawa nga lang ako... Pano naman yon? Langit siya... eh ako? uod lang ako sa halaman na nakatanim sa lupa. =____=

Habang naglalakad ako pauwi.. bigla kong naisip. Sino nga ba si Jeighn?

Sino si Jeighn sa buhay niya?

Kinakapatid niya ba ito?

Classmate dati?

o baka naman katulong dati?

o di kaya'y..

pinsan? Cousin? Cousin-tahan? WAAAAH!

Sino ba kasi si Jeighn?!!!! >____<" 

 ♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥

MONDAY update ako ulit! Pangako na po! ^_______^v

Thank you readers! Muah! Muah! >:D<

Continue Reading