Montereal Bastards 1: To Tame...

By reina_khaleesi

1.7M 43.5K 1.3K

Highest Rank: #35 in general fiction. Everything started with a wedding contract made years and years ago, a... More

Paalala!
Prologue
Chapter One
Chapter One Part 2
Chapter Two
Chapter Two Part Two
Special Chapter
Chapter Three
Chapter Three Part Two
Chapter Four
Chapter Four Part Two
Chapter Five
Chapter Five Part Two
Chapter Five Part Three
Chapter Six
Chapter Six Part Two
Chapter Seven
Chapter Seven Part Two
Chapter Eight
Chapter Eight Part Two
Chapter Nine
Chapter Nine Part Two
Chapter Ten
Chapter Ten Part Two
Chapter Eleven
Chapter Eleven Part Two
Chapter Twelve
Chapter Twelve Part Two
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fourteen Part Two
Chapter Fifteen
Chapter Fifteen Part Two
Author's Note
Chapter Sixteen
Chapter Sixteen Part Two
Chapter Seventeen
Chapter Seventeen Part Two
Chapter Eighteen
Chapter Eighteen Part Two
Chapter Nineteen
Chapter Nineteen Part Two
Chapter Twenty
Chapter Twenty Part Two
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-One Part Two
Chapter Twenty-two
Chapter Twenty-Two Part Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Three Part Two
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Four Part Two
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Five Part Two
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Six Part Two
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Seven Part Two
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Eight Part Two
Chapter Twenty-Nine
Chapter Twenty-Nine Part Two
Chapter Thirty
Epilogue
Special Chapter

Chapter Thirteen Part Two

20K 785 29
By reina_khaleesi

NIKI'S POV

Dinala kami ng lalaki sa isang animal clinic at doon ay ginamot ng isang Vet si Mico.

Oo, Mico ang ipinangalan ko sa aso. Naisip ko kasi, dahil mawawala naman na saken yung original na Mico, gagawa na lang ako ng panibagong Mico. Kahit papano nagpapasalamat ako kay Cookie dahil tinulungan niya akong mawala ang takot ko sa mga aso.

Tinurukan siya ng pampatulog kaya karga-karga ko siya palabas ng ospital. Siguro umabot din kami ng tatlong oras sa loob bago kami ni-release ng doctor. Maliban pala kasi sa pilay sa paa, may mga sugat na nakatago sa ilalim ng balahibo niya.

Kaya pala para akong kakainin kanina nung hawakan ko. Nasagi ko kasi yung isa sa mga sugat niya.

Dahil stray na si Mico, imbes na iwanan ko siya sa clinic, inampon ko na lang para kahit papano, may magbabantay saken sa bahay.

"So, saan kita ihahatid mahal na prinsesa?"

Inirapan ko ang lalaki. Hanggang ngayon pala hindi ko pa nalalaman ang pangalan niya. Napako kasi kay Mico ang buong atensiyon ko. Ni hindi ko na nga naalala na may kasama pala ako.

"Wala akong bahay kaya pwede mo na akong iwanan dito. Salamat nga pala ng marami."

Tiningnan niya ako na parang nasiraan na ako ng bait.

"Seryoso ka?"

Tumango ako saka kinamut-kamot ang parte ng katawan ni Mico na walang sugat. Umungol siya saka isinuksok ang ulo sa may kili-kili ko. Napangiti ako.

"You want me to leave you here kasi wala kang bahay." saad niya na hindi pa rin makapaniwala.

This time, ako naman ang tumingin sa kanya na parang siya ang nababaliw.

"Yung totoo, alin doon sa iwanan mo na lang ako dito yung hindi mo maintindihan?" ganti ko naman.

"Kung ganon, I'll just have to abduct you again and bring you to my place." saad niya.

Hintakot na tinitigan ko siya. Seryoso ba tong lalaki na to? Pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan namin, gagawin niya saken ang kahindik-hindik na bagay na iyon?

Ito ba yung kabayaran sa lahat ng kabutihan niyang pinakita? Ito na ba yung deal namin kanina? Deal, tutulungan kita tapos deal, ikakama kita? Ang bastos ng kumag! Naririndi ako.

"Hoy sir, kahit nakita mo akong mag-isang naglalakad sa madilim na kalsada, at kahit sinabi ko sayo na wala akong bahay ay may karapatan ka nang gawan ako ng masama!"

Kumunot ang noo niya sa sinabi ko pero pagdaka ay gumuhit ang isang pilyong ngiti sa labi.

"Are you thinking about..."

"Hep! May boyfriend ako, isusumbong kita sa kanya!"

Luminga-linga siya sa paligid na parang may hinahanap.

"I see nobody. Walang makakatulong sayo kung dadalhin kita ngayon." saka kumuha ng hakbang papalapit sa akin.

"Wag ka nga kasing lalapit kundi sisigaw ako!"

"Gabi na Niki, walang makakarinig sayo sa lugar na to."

Bigla akong natigilan. Kilala niya ako? Paano niya ako nakilala?

Sinubukan kong alalahanin kung nasabi ko ba ng hindi sinasadya ang pangalan ko pero wala akong maisip. Stalker ko ba to? Baka baliw nga talaga siya at nagkukunwari lang na normal para magtiwala ako. Pero may baliw ba na kayang magkunwari?

"Tara na. Remember that deal?" nakangisi niyang saad habang inilalahad ang kamay para kunin ko.

Sa tingin niya ba hahawak ako sa kamay niyang yan? Yung totoo, sa tingin niya ba kaladkarin akong babae?

Biglang nag-ring ang cellphone niya na nakatago sa pants.

Nakita kong parang nagulat siya, ibinaba niya ang tingin sa gawi ng cellphone niya at nag-akmang kukunin iyon. Ginamit ko ang pagkakataon na yun para kumaripas ng takbo.

Isang malakas na mura ang pinakawalan niya bago nagsimulang maghabol. Ang totoo niyan, mabilis naman talaga akong tumakbo, naging player pa nga ako ng track n field, kaso dahil na rin sa hawak ko si Mico kaya di ko magawang ibigay ang best ko.

Sa huli nahawakan niya ako sa likod ng T-shirt ko. Sa sobrang kaba at takot, mas binilisan ko ang mga hakbang ko kaso malakas ang kapit niya sa tshirt. Hawak-hawak niya ang tshirt ko, habang may kinakausap siya sa cellphone.

Mula sa kawalan ay isang malakas na tunog ng napunit na tela ang bumasag sa katahimikan ng gabi. Natigil ako sa pagtakbo at nanlalaki ang mga matang tumingin sa napunit kong tela. Hindi niya napansin na tumigil ako bigla kaya dumire-diretso siya hanggang sa magkabungguan kami.

Parang naka-slow motion ang pangyayari  habang nakatingin ako sa kanya. Kahit siya rin ay nanlalaki ang mga matang hinintay ang salpukan namin.

"Uhmp." tumilapon ako sa mga basurang nakatambak sa gilid habang siya naman ay nakangudngud ang mukha sa semento.

Sa loob ng ilang minuto ay nanatili kaming walang imik. Hanggang sa biglang kumawala ang mahinang tawa mula sa mga labi ko. Nanlalaki ang mga matang tinutop ko ang bibig. Pero hindi ko napigilan ang pagkawala ng halakhak. Natatawa ako sa mukha niyang may konting galos sa ilong. Yun kasi ang pinakanagdala ng bigat ng katawan niya. Parang hindi siya makapaniwala na nangudngud siya. May pakiramdam ako na first time itong mangyari sa buong buhay niya.

Maya-maya ay nakisalo na siya sa tawa ko at di nagtagal ay para na kaming mga hibang na tawa ng tawa sa dilim. Ni hindi na rin namin napansin na may isang sports car na pumara sa tapat namin at ang paglabas dito ng kaisa-isang tao na hindi ko aakalaing makikita ko pa sa buong buhay ko.

"Cade.." puno ng iritasyon ang boses na tinawag niya yung lalaki. Parang bigla itong nanigas sa kinahihigaan, nawala ang ngiti nito sa labi at biglang nagbago ang mukha.

Sabay kaming tumingin sa bagong dating. 

"Mico?"

"Mexico. Long time no see man!"

Hinablot ako ni Mico mula sa basurahan at pinagpagan ang buong katawan ko. Naramdaman kong humigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko nang makita niya ang punit sa damit. Nangalahati kasi iyon at nasisilip na ang bra. Medyo may katandaan na kasi ang mga damit ko kaya halos konting hila lang, may posibilidad na masira.

"Mico, masakit.." sa wakas ay lumuwag ang pagkakahawak niya pero hindi pa rin siya umiimik.

"Mex, pinalipad mo ba ang sports car mo at ganun mo kabilis narating ang lugar na to?" nakangising saad ng lalaki na si Cade. Cade pala ang pangalan niya.

Teka nga, magkakilala sila, at kilala ako ni Cade. Bigla siyang dumating sa oras na hindi ko inaasahan. Ibig sabihin ba nito sinusundan ako ni Cade?

"Don't talk to me man or I'm gonna punch you in the face." mariin na saad ni Mico.

Itinaas ni Cade ang dalawang kamay sabay lakad paalis. Sinundan ko siya ng tingin.

Nagulat ako ng bigla siyang naglakad pabalik, hinigit ako mula kay Mico at hinalikan ako sa pisngi.

Ni hindi ako makakilos sa sobrang gulat.

"Fuck off!" biglang turan ni Mico saka itinulak itong palayo. Ngumisi lang si Cade.

"I'll see you around babe." saad nito bago naglaho sa dilim.

"Fucking asshole." nagngingitngit pa rin siya hanggang sa makapasok kami sa sasakyan samantalang ako, di na yata ako makakaget-over sa gulat.

"Pag nagkita kami ulit, I swear I'm gonna kill him." kausap niya sa sarili.

Hinihintay kong tumakbo ang sasakyan pero nanatili iyong nakaparada.

"Will you fuckin wear your damned seatbelt!?" sigaw niya.

Para akong nagising sa kung ano mang bumalot sa utak ko dahil sa lakas ng sigaw niya. Isang madugong irap ang ibinaling ko sa kanya bago ko padabog na kinuha ang seatbelt at ikinasa iyon. Kailangan niya bang sumigaw? Ano bang problema niya?

"Snap out of it Niki. Masarap ba ang halik niya at para kang naestatuwa diyan?"

Hindi ako makapaniwala sa pinagsasasabi niya.

"Mico," mahina kong usal, "isa pang mura at sigaw mo sa harap ko, bibigwasan na kita. Naririndi na ako sayo ha." Nagtitigan kami ng matagal bago siya muling nagsalita.

"Like hell," saad niya bago tinanggal ang sariling seatbelt at marahas akong hinalikan sa labi.

*****

---a/n: hay lab Mico! Yung mga sunggab-sunggab na yan, kakilig ay.

So kumusta naman si Cade para sa inyo mga mahal ko? Haha, the nerve to kiss our baby Niki.

Ps. Don't forget to hit that 🌟  at the bottom. And click comment if you wanna add something spicy to our story.

Continue Reading

You'll Also Like

494K 17.4K 40
Kilan tama ang pag-ibig? Kung ang salitang yun ang naging dahilan ng pagkasira ng kung anong meron kami?
44.7K 1.8K 53
"Every person has their own flaws except me" Miguel Xion Fuentes is a damn perfectionist, every piece of paper even the small things are in the right...
38K 1.8K 22
Mighty Jocks Series Book # 01
70.9K 3.5K 37
Love, and ignorance of loving brought her inside the cold corners surrounded by bars. She was left alone with a growing life inside her womb she thou...