RETURN TO FOREVER (KimXi FF)

By calebnchloe

102K 1.4K 494

More

RETURN TO FOREVER (KimXi FF)
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 19
Chapter 20 Ending

Chapter 3

6K 87 16
By calebnchloe

                   Ilang araw nang hindi pumapasok si Kim sa klase. For the first time mula ng nag-college sya, ngayon lang nangyaring um-absent sya ng walang dahilan. Well kung susumahin,pwede na bang i-consider  ang dahilang na-indespair sya sa pag-ibig!.... Bakit ba!?

Kasalukuyan sya ngayong nagkukulong sa sariling bathroom. Naka pajama at nakahiga sa loob ng bathtub pero wala nmang tubig. Umiiyak. Trip nyang lunurin ang sarili sa pagdadalamhati sa invisible na tubig ng pagkawasak!

Ni mga tawag ng kaibigan, dedma sa kanya. Kahit ang Papa nya, alam nyang worried na .Dangan nga lang at masyado itong busy ngayon at mas madalas sa mga trips abroad.

Bigong-bigo ang pakiramdam nya mula pa ng araw na malaman nyang may girlfriend na si Xian. Masyado nyang dinamdam ang katangahang nangyari sa kanya.Ang pagpapa-cute nya . Ang pagpapantasya!

Ganun pala yun. Yung pakiramdam na umasa ka sa wala. Yung akala mo malapit ka na at abot kamay mo na ang lalaking pinapangarap mo tapos butata nman pala. Ampao. Walang laman kundi hangin.

Noon, pinagtatawanan nya ang mga babaeng iniiyakan ang mga boyfriends. Isa na si Monique  tuwing makikipag break ito o nakipag-away sa mga naging boyfriends nito sasabihan pa nya na umayos ito at lalaki lang yun. Na masyado itong punong-puno ng drama samantalang sya ngayon ay may sariling drama.

Eh ang mas nakakatawa pa sa kanya, hindi nman naging sila ni Xian pero daig pa nya ang napagtaksilan at ipinagpalit sa iba?

Nagulat pa sya ng biglang bumukas ang pinto nya at iluwa noon ang kaibigang si Monique.

"Hey Kimberly Sue! What's happening to you? Hindi mo sinasagot ang phonecalls ko...Hindi ka pumapasok sa school! Don't you know na malapit na ang midterm, balak mo bang ibagsak lahat yun?" Walang preno na talak nito.Nakapamewang at taas kilay na pinagagalitan sya .

Hindi sya sumagot. Sa halip lalong lumakas ang iyak nya. Para bang nakahanap sya ng kakampi sa katauhan ni Monique. Nang mapagsusumbungan.

"Huy tahan na! Ano bang nangyayari sa'yo? Hinahanap ka na ni pogi sa akin noong isang araw, dahil absent ka nga..." tukoy nito kay Xian.

"Pwede ba, huwag mo ngang mabanggit ang lalaking yun! That bastard! I hate him!" may bagsik sa pagkakasabi nya ng putulin ang kwento ng kaibigan.

"Woah, girl! Easy ka lang! Hala anong meron , may na-miss ba ako ?" natatawang pakalma nito kay Kim.

Natauhan nman si Kim at na-guilty sa pagsigaw sa kaibigan. 

"May girlfriend na sya!" walang abisong bulalas nya.

"Ah , so kaya ka pala ganyan kase basted ka...na friendzoned ka ni Xian!...okay!" tumango-tango pa ito na parang hindi malaking problema sa parte nya ang sinabi nya dito.

Bakit ba pagdating sa relasyon napaka-cool ng kaibigan nya. Bakit ba hindi man lang sya nakamana ng ganitong attitude dito...bakeet!?

"So sa tingin mo, yang depre-depression drama effect mo eh makakatulong para ma-reverse mo ang situation mo, ganun? ...Eh baka nga lalo kang pagtawanan nun kapag nalaman nya ang ginagawa mong kagagahan!" brutal na sabi nito.

Mukhang napahiya si Kim . Napatuwid ng upo mula sa bathtub. Si Monique nman ay pumasok din sa loob nun at naupo opposite kay Kim. Na parang may counsel meeting at may mabubuong napaka-brilliant idea na makakagaling ng walang lunas na karamdaman.

"Monique, mahal ko na talaga sya eh. Kaso ibang babae ang mahal nya!" sumbong nya dito.

Tiningnan ng pagkaawa ni Monique ang kaibigan. Gets nya ang pinagdaraanan at hugot ni Kim. Sa kamalas-malasan, first time ma-inlove ng kaibigan nya, natabla pa! 

"Okay cge! ganito lang yan Kim. Dalawa lang yan. Mamili ka lang kung aling path ang gusto mong solusyon at puntahan..." hinawakan pa nito ang mga kamay ni Kim at parang bata ang pinapaliwanagan. "...two things: either you accept defeat, try to forget him and move on! OR.... Fight for your love!...Afterall, girlfriend pa lang nman yun hindi pa asawa. Ngayon mamili ka na lang..." 

                   "Kim kumusta? Tagal mong nawala ah! Nagkasakit ka daw? Sana okay ka na!" nakangiti at masayang bati ni Xian nang madatnan si Kim na nakaupo sa klase. Wala pa ang kanilang prof at may ilang minuto pa bago mag-umpisa ang klase.

Parang walang narinig si Kim at patuloy lang sa binabasa. Ni hindi man lang nag-angat ng mukha. Naiinis sya! Hindi dito kundi sa sarili. Dahil konting pangungumusta lang nito, parang gusto na nya itong patawarin na parang walang nangyaring kahihiyan sa sarili nya. Parang gusto nyang magbago ng isip sa mga desisyon nya.

Ilang araw kase matapos syang dalawin ni Monique, makaraming beses nyang in-assessed ang mga payo nito. To accept the lost cause ...or fight! At nanalo ang lohikal na argumento ng utak nya. Napagpasyahan nya na iyon bago  pumasok, na kakalimutan na lang nya si Xian . Accept that she can never have him. Pero sa ginagawa nman nitong pagpapakita ng kahit konting concern sa kanya, mukhang nagbabago ang ihip ng hangin sa kanya...parang hindi nya kaya!

"Yung research papers pala natin nakapag-draft na ako kailangan lang na basahin mo ulit just in case na may idadagdag ka pa..."  wala pa ding reaksyon kay Kim. Dedmadela!

"Hey, galit ka ba?..." Na hindi na nasundan o nasagot at nanahimik na lang si Xian nang dumating ang Prof at nag-umpisa ang klase. Ang kaninang di maipaliwanag na saya dulot ng pagka-miss sa dalaga ay nahalinhan ng pagtataka at lungkot. 

Halos buong klaseng pasulyap-sulyap at nakikiramdam si Xian sa katabing si Kim na matigas ang leeg at parang hindi sya nakikita. Wala ang focus sa lectures ng instructor sa harapan. Halos buong klase nyang iniisip at binabalikan kung ano ba ang pwedeng maging dahilan ng tampo o galit ni Kim sa kanya.

Wala talaga syang maisip!

Nang tumunog ang hudyat ng pagtatapos ng klase ay mabilis na sinamsam ni Kim ang mga gamit at mabilis na naglakad palayo at palabas ng auditorium. Pero nagulat sya ng may kamay na humawak sa braso nya papigil.

"Kung galit ka sa akin sabihin mo. Huwag mo akong gawing tanga. Kung ano man yung kinagagalit mo. I'm sorry. I'm very sorry,Kim!" 

Naipikit na lang ni Kim ang mata. Hindi na kailangang hulaan kung sino. Si Xi.

Ayaw nyang tingnan ito.Paano ba sya magagalit dito? Lalong mas mahirap yata na gawin nya ang mga binalak nya na kalimutan na ito at mag-move on. Bakit ba kailangan nitong maging mabait at masyadong perfect para mahalin nya? Saan ka nakakita ng katulad nitong umamin sa pagkakamaling wala nman itong kaide-idea. Para ano ? Dahil ayaw nitong magalit sya. Shit! Bakit ba kailangan nitong maging ganito? Bakit ba hindi na lang ito naging asshole katulad ng ibang mga lalaki. Na hindi ka pagkakaabalahang suyuin kung nag-iinarte ka ng walang dahilan!

But on  the other hand, kapag nilingon nya ito at magpadala sa nararamdaman nya. Isa lang ang ibig sabihin. Kakalimutan nya ang naging unang desisyon at ipagpatuloy ang pakikipagkaibigan dito. Ang ending, lalala ang feelings nya. Magkakaroon sya ng ibayong lakas ng loob para ipakipaglaban ang nararamdaman dito .Ang tanong, kaya ba nyang manood sa sideline habang nakikita  itong masaya sa piling ni Erika. Kaya ba nyang pangatawanang maging isang 'kaibigan' na lang forever sa tingin nito? Hanggang kelan nya mahihintay na tumanghod at mag-abang sa butong pagsasawaan ng gf nito , kung darating nga ang panahong yun, kelan?

Ito na yata ang pinakamahirap na sitwasyong napasukan nya sa buhay nya!

                    Maulan ang gabing yun. Sa dinami-rami ng araw na pwedeng bumuhos ang ulan , kung kelan pa panggabi  ang klase ay dun pa naisipan na bumuhos yun na parang walang bukas. Mabuti at mabilis na nakasalubong ng payong ang driver nya at mabilis na naisakay sya sa kotse para huwag mabasa. Pero katulad ng ulan , buhos na buhos din ang kamalasan nya ng gabing yun. Dun pa naisipan ng kotse na madiskarga ang baterya at magpa-spoil na magpatulak. At sa oras at kondisyon na ito, malabong may tutulong para makitulak nman.

"Kim, hija. Pwede mo bang upuan ang manibela at susubukan kong itulak baka aandar." pakiusap ng matandang driver nila sa kanya. Mabilis nman na sumunod sya dito. Kahit paano marunong syang mag-drive di nga lang nya magamit dahil ayaw ng Papa nya.

Lumabas ito na di alintana ang buhos ng ulan. May awang lumukob sa kanya para sa matandang driver nila kahit pa kanina, gusto nyang mainis dahil inamin nitong hindi nito pinansin na mahina na ang battery ng kotse . Naisip nyang baka mag-taxi na lang sila at tumawag ng tow truck kung hindi aandar yun. Nagmental note din sya sa sariling, magrerequest sya ng bagong kotse sa ama. Hindi nya kse gusto ang dulot na stress ng mga ganitong bagay. 

Kinatok sya ulit ng matanda "Subukan mo ulit!" sabi nito na ginawa nman nya pero wala pa din. Umigik lang ang makina pero walang pagbabago. May ilang segundo lang ay kinabog ulit ng matanda senyales na pinasusubukan ulit sa kanya lalo at naramdaman nya ang pag-abante ng sasakyan na mukhang may tumulong dito. At di nga nagmintis , sa ikalawang subok nya ay nag jumpstart ang kotse at saka nya nirebolusyon ng kaunti ang silinyador para magpump ang gasolina nito. Nakahinga sya ng maluwag para lang mabitin sa hangin ng makita ang taong tumulong sa kanila.

Walang iba kundi si Xian. Maski ito nagulat pa na parang di inaasahan na sya ang sakay ng kotse.Could it be his random act of goodness. Kung nalaman kaya nito na sya ang sakay nun, tutulong pa kaya ito matapos nyang iwan ito at talikuran ng minsang mag-usap sila? Ni hindi nga sila nagkikibuan pa nito eh.

Katulad ng matandang driver, basang-basa ito ng ulan ng pinasilong ito ng matanda papasok sa loob ng kotse. Mabilis na kumilos sya papunta sa passengers seat at naalala ang bag na laging nasa sasakyan lang para kung sakaling kailangan nyang magpalit ng damit at hinugot ang isang towel. Walang imik na inabot nya dito ang hawak na pamunas pero mas umawang ang bibig nya na imbis gamitin ay sa matanda nito ibinigay yun. 

Nakaramdam sya ng pagkapahiya at paghanga para dito. Bakit ba kailangan nya pang makita ang magandang katangian nito. Ang kabutihan. Paano pa ba sya lalo makaka-move on o saan pa ba sya makakahanap ng katulad nito? Humahaba ang listahan ng mga dahilan para ipaglaban nya ang nararamdaman . Hinihipo nun ang puso nya para lumambot at umamo lalo dito.

"Salamat sa tulong mo  ha,hijo!" umpisa ng driver. "Naku basang-basa ka rin. Saan ka ba umuuwi?" 

"Sa Kamuning ho." 

"Eh Kim, pwede bang isabay na natin itong si ...?" mula kay Kim ay bumaling ulit kay Xian.

"Xian ho!" nakatitig ito kay Kim na parang hinhintay na magsalita sya at sabihing magkakilala sila.

Na hindi nman nagawa ni Kim na ibuka ang bibig dahil sa pagkabigla, hiya at pinaghalong pagka-miss dito. Basta hindi nya maexplain ang naghalo-halong feelings ng makita ito. Palibhasa halos dalawang linggong hindi nya ito pinapansin at kinakausap bilang pagsunod sa itinakda nyang daan/solusyon para sa sarili at sa nararamdaman dito. 

"Idaan na lang natin sya tutal malapit lang naman ang Kamuning . Mukhang mahihirapan na mag-commute  at hindi na pasakayin ng driver. Basang-basa eh."

Tumango lang si Kim sa suggestion ng matanda at piniling manahimik at makinig sa buong duration ng byahe nila pahatid kay Xian. Madaldal at makwento ang matandang driver nila kaya hindi gaanong nahalatang may ilang sa pagitan nilang dalawa ni Xian.

"Kailangan ko hong i-maintain ang grades ko dahil hindi ho pwedeng mawala ang scholarship ko. Yun lang ho kase ang inaasahan ko para makatapos ng pag-aaral."

"Eh bakit, nasaan ang magulang mo?" usisa ng matanda.

HIndi nakaligtas sa paningin ni Kim nang bahagyang nanigas at gumalaw ang panga ni Xian kahit sideview bago sumagot sa tanong ng driver.

"Nanay lang ho. Wala nman akong nakilalang tatay..." Mabuti at tumango lang ang kausap nito at hindi na nagtanong pa.

"Dito na ho!" bigay  huling  instruction ni Xian . 

Nasa tapat sila ng isa sa pinto ng hilerang mga lumang apartments. Luma na iyon base sa kupas at bakbak na kulay ng pintura . May munting gate na hanggang bewang na nagsilbing parang munting terrace at bakod  na din. Makitid ang callejon na halos isang sasakyan lang at tricycle ang pwedeng magsalubungan.

"Mang Charlie, baba na ho muna kayo. Para makapagpalit man lang kayo ng pangitaas. Para din ho maka-inom kahit isang tasa ng kape" kausap nito sa matanda pero kay Kim nakatingin. Mukhang inaabangan kung tatanggi sya at kung sa wakas kakausapin na nya  ito. 

At dahil naawa sya sa matandang driver eh minabuti nyang isantabi muna ang pagiwas kay Xian. Dahil napaka-pangit din nman na maiwan sya sa sasakyan. 

Inalalayan pa sya ni Xian pababa ng kotse na parang babasaging prinsesa. Hindi nya pwedeng itanggi ang dulot sa kanya ng simpleng pag-alalay sa kanya. Nagsusumigaw dun ang tindi ng pagka-miss nya dito kahit pa tinging kaibigan lang ang turing nito sa kanya at wala nang iba pa. 

"Thank you!" mahinang nasabi lang nya at agad na bumitiw dito.

"My!?" tawag ni Xian ng buksan nito ang pinto. 

Mula sa kusina ay lumabas ang isang ginang na maganda at may maamong mukha. Malaki ang kahawigan kay Xian . Pero mukhang may kulang sa emosyon ng mukha . Malungkot na ngumiti ito ng makilala ang tumawag. Saka ang pagtatanong ng mapadako ang tingin sa kanila.

"Kaklase ko po si Kim, isinabay na ho ako dahil basang-basa ho ako ng ulan. Pati ho si Mang Charlie dahil nagkaproblema sa sasakyan nila eh.'" Paliwanag nito sa ina matapos bumati ng halik dito. "Kim, Mang Charlie. Mommy Mary Ann ko!" with pride na pakilala nito sa ina. Mukhang mahal na mahal nito.

"Ah ganun ba? Upo ho kayo. Pagtitimpla ko kayo ng kape ." anyaya ng babae pero nasa boses ang pagkailang o hiya , kung bkit  hindi alam ni Kim.

"My, kukuha lang ako ng ipapahiram kay Mang Charlie na t-shirt . Kayo na po muna ang bahala sa kanila "

Nang maiwan si Kim at Mang Charlie ay gumala ang tingin nya sa kabuuan ng bahay. Katamtaman ang luwang pero malinis iyon kahit simple ang gamit . Ang inuuupuan nila ay isang set ng sulihiyang upuan na may  bulaklaking pundang mga throw pillows katerno ng kurtina at natatanaw nyang mga sapin kung saan may mga framed pictures sa ibabaw . DIY siguro lalo na at may sewing machine sa isang sulok . Malamang gawa ng nanay ni Xian. 

Di napigilang tumayo ni Kim para usisain ang mga naka-frame nang mapag-isa matapos magpaalam si Mang Charlie na magyoyosi lang daw sa labas.  Mukhang picture ng batang Xian at ng mommy nito ang ilan sa naka-display . Meron noong batang-bata pa ang ginang habang may kalong na baby,recognition day photo at may kuha naman sa isang park. Nakakatuwa ang isang picture dahil ang sarap kurutin ng pisngi ng batang Xian. Chubby cheeks.

"Ang cute nya ano?" tanong na nagpagulat kay Kim at muntik pa nyang mabitiwan ang hawak. Ang mommy ni Xian. Matamang nakatingin sa kanya ito . Para syang binabasa matapos sigurong maipatong ang tinimpla nitong kape. 

"Oo nga ho , ang sarap kurutin ng cheeks...cute!" nailang na iniwas ni Kim ang tingin at dahan-dahang ibinaba ang hawak na frame sa kinalalagyan nun.

"Napakabait na bata. Matalino . Responsable.Kung wala siguro ang anak kong yan di ko na alam kung paano na ang buhay ko..." mas mukhang sa sarili nito sinasabi iyon. 

Nagtataka man si Kim kung bakit parang matagal na silang magkakilala kung kausapin sya ng ginang ay nakinig pa rin sya at hindi umimik. 

"Magkaibigan ba kayo ng anak ko? Ikaw ba yung nababanggit nyang Kim na kaklase nya sa isang subject nya?" tanong usisa na nito. 

Nagulat si Kim na malamang naikwe-kwento sya ni Xian sa nanay nito. Sana maganda ang nakarating na kwento tungkol sa kanya dito.

"H-ho?! ...A-ano bang naikwento nya? Sana hindi nman ho pangit ang impression nyo sa kin sa mga naikwento nya." mejo may kaba sa parte ni Kim. Malay ba nya kung ano ang alam nito. Mabuti nang handa kung sasabunutan sya ng ginang!

"Mabait ka daw! Masarap kang kasama! HIndi daw nya nararamdamang magkaiba ang estadong kinabibilangan nyo..." tumigil ito ng bahagya at saka matiim na nmang tiningnan si Kim derecho sa mata. "...Mahal mo ba ang anak ko?"

Parang gustong mapugto ang paghinga ni Kim ng marinig yun. Wala man lang busi-busina. Pakiramdam ng na hit and run! 

"Gusto kita! Unang tingin ko pa lang sa'yo alam kong mamahalin mo ang anak ko katulad ng kung ano ang hihingin ng isang ina para sa anak na makatagpo nya. Ayoko ng babaeng ambisyosa katulad ng girlfriend nya. Nakikita kong iiwan din nya ang anak ko kung may darating na oportunidad na maganda sa kanya..." mahina lang ang tinig nito pero andun ang disgusto sa pinatutungkulan nito.

'Lord agad-agad talaga!? Sign na ba ito!? Gusto mo ba talaga akong malulong sa kaadikan kay Xian?'

"...kahit hindi mo sabihin...alam ko na ang sagot mo. Salamat Kim! " walang anumang niyakap sya nito ni hindi nya nakuhang magdeny o umamin man lang.Na eksenang nadatnan ng kabababa lang ng hagdan na si Xian.

Gulat ang reaksyon nito . Hindi makapaniwala kung para saan hindi rin matukoy ni Kim bago nagkaporma ng ngiti ang labi nito. Clueless na din sya sa bilis ng mga nangyari. 

"My, mukhang magaan ang loob nyo kay Kim ah!" sabi nito . Nakapagpalit na ito ng damit. Puting  T-shirt at jersey shorts. Kahit ganoon ka -simple ang suot nito walang pinagbago sa kagwapuhan nito.

Hindi nman umimik ang matanda. Basta itinuro lang kay Kim ang kape na nasa center table bilang paanyaya nito na  tikman ang hinanda nito. Mabilis nman na nai-connect ni Kim ang behaviour ng ginang sa comment ni Xian na mukhang hindi mabilis makuha ang loob nito. 'Ganun din kaya si Erika...hmmm naku mukhang badshot yata sya sa byenang hilaw ah' intriga ng utak nya.

                        Matapos makapagkape at makapagpalit ng damit ni Mang Charlie ay hindi na sila nagtagal pero mas pinasaya pa lalo ng mommy ni Xian ang gabi nya bago sila umuwi. 

"Hija bumalik ka ha...dalawin mo ako minsan para makapagkwentuhan pa tayo!" nakangiting bilin nito.

"Oo nman ho Tita ...dadalawin ko ulit kayo . Promise yan! " itinaas pa nya ang kamay na nangangako .

Nang pasakay na sya sa kotse ay inalalayan sya ni Xian pero may ibinulong ito sa kanya. 

"Totoo ba yung sinabi mong dadalawin mo ang mommy ko?...Alam mo hindi mo nman kailangang ma-obligang gawin yun kung hind nman talaga yun ang gusto mo. Sabihin mo na lang ngayon para at least makagawa tayo ng excuse paghinanap ka na..." titig na titig ito kay Kim na parang sinusukat ang katotohanan ng pangako nya sa nanay nito.

"Kapag nangako ako, tinutupad ko. Sinabi kong dadalawin ko ang Mom mo , yun ang gagawin ko. Yun eh kung okay lang sau..." nakipaglaban din ng titigan si Kim. 

May ilang segundong dead time bago mahinang sumagot si Xian "Salamat Kim. She likes you so much. Na bihira at madalang na mangyaring magustuhan nya ang isang tao sa unang pagkikita pa lang...Salamat ng marami ngayon pa lang!" 

"Walang problema, maliit na bagay lang yun. Sige goodnight ...thanks for the help and ...sa coffee"  si Kim na ang nagkusang magsara ng pinto dahil baka hindi nya pa mapigilan ang sarili at baka maabot pa nya ang leeg nito for a goodnight/thank you kiss.  Sapat na at makuntento na sya sa moments na ganito,pwede?! 

"So, ibig bang sabihin nito, bati na tayo!?" nakakaloko ang ngiting pinipigil ni Xian.

Nagkibit lang ng balikat si Kim pero nasa mukha ang pinipigilang ngiti "Goodnight!" bago sinara ang pinto ng kotse. Nakita nya pa at narinig ang may tunog na tawang pinakawalan ni Xian. Yung klaseng masarap ibote sa ganda ng moment.

Nag-umpisa na nman syang humabi ng magandang daydream na parang walang kinadalaan. Sa isipin kaseng napapalapit sya ng hindi nya sinasadya...tadhana na ang gumagawa ng paraang mapalapit sya sa taong mahal nya...

Nabuhay ang pag-asa nya na huwag sumuko at isuko ng ganun na lang ang nararamdaman kay Xian...Hindi na sya makakakita pa ng katulad nito kung palalampasin pa nya ito sa buhay nya.Binigyan sya ng pagkakataon. Might as well grab it. Sign yun! Huwag hayaang makawala pa! Sayang at baka magtampo!

Umpisa pa lang ito at alam nyang hind magiging madali ang lahat . Pero dahil dito, maiiba ang game plan. Tama ang kaibigan nyang si Monique.Hindi pwedeng hintaying mahulog ang bunga sa kandungan nya tulad ng ginawa ni Juan Tamad...dapat action at utak samahan din ng konting diskarte(pera at charm!) ...

Voila!

Magiging kanya si Xian!

Thank you for reading!!!

Pls vote & comment ...let me know what do you think of the story.

You can follow me on twitter @AlingAudreyH or on Facebook alingaudreyh@yahoo.ca

for updates

< 3 KIMXI

Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 33.5K 32
HIGHEST RANKING: #1 Vampire [Published under Bookware's Pink & Purple] Rica Allona Nicolas Sevilla had a dream that she was lost into a strange place...
135M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
107M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
36.6K 1.3K 98
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"