Hired Girlfriend, Hired Mommy...

By loveorhatethisgurl

3.9M 59K 1.3K

Hired as a girlfriend, then hired as a mommy. How will everything turn out? More

Chapter 00: Prologue
Author's Note
Chapter 01: She's Back
Chapter 02: Personal Assistant
Chapter 03: Uno
Chapter 04: My Boss
Chapter 05: I like You
Chapter 06: Holding Hands
Chapter 07: Reunited
Chapter 08: Hired Girlfriend
Chapter 09: Emergency
Chapter 10: Trouble
Chapter 11: A little help
Chapter 12: Date
Chapter 14: Instant Parents
Chapter 15: Hired Mommy
Chapter 16: Baby Chan
Chapter 17: Daddy Uno
Chapter 18: Busy Days
Chapter 19: Fresh Morning
Chapter 20: Jealous Uno
Chapter 21: Friend Zone
Chapter 22: Uno's Dream
Chapter 23: Uno's Exotic Gift
Chapter 24: Uno's Unique Event
Chapter 25: Realizations
Chapter 28: It's a Yes
Chapter 29: Hired Girlfriend to Real Girlfriend
Chapter 30: 'She'
Chapter 31: Uno's fiancee
Chapter 32: Secret Revealed
Chapter 33: Jealous Shane
Chapter 34: BFF?
Chapter 35: Queeny's Past
Chapter 36: Jed's Favor
Chapter 37: Oplan Close
Chapter 38: Backstory
Chapter 39: Unexpected return
Chapter 40: Back together
Chapter 41: Kick out
Chapter 42: Problems
Chapter 43: Alliance
Chapter 44: Problems
Chapter 45: Engagement Party
Chapter 46: Offer
Chapter 47: Last Wish
Chapter 48: Goodbye
Chapter 49: Shane's Past
Chapter 50: Backstory
Chapter 51: Uno's Past
Chapter 52: Book 1 Finale
Author's Note
Announcement

Chapter 13: Confession

80.9K 1.2K 12
By loveorhatethisgurl

"Si Uno iyon diba?" Tanong ni Dennis sa'kin pagkatapos naming tumayo mula sa pagtatago namin malapit sa basurahan. Tinignan lang namin si Uno na tumatakbo papalayo sa'min. Wala man lang siyang kaalam alam na dinaanan na niya kami.

"Oo. Mabuti pa umalis na tayo dito bago pa niya tayo makita." Sagot ko saka ko siya hinila palayo.

"Bakit kayo magkasama Shane? At bakit naka pajama lang si Uno? Magkasama ba kayong natulog?" Nag-aalalang tanong ni Dennis habang naglalakad kami papalayo. Hindi ko alam kung san kami pupunta pero kailangan talaga naming makalayo kay Uno dahil nainis ako sa mukha niya.

"Ahh oo nga pala. Hindi ko pa nakukwento sa'yo. Iyog araw na hinatid mo ako sa malaking bahay. Sabi ko sa'yo diba nanagtatrabaho ako? Isa akong personal assistant a.k.a yaya or maid. Si Uno iyong boss ko. Alam mo Dennis hindi ko naman talaga akalain na si Uno pala iyong pagsisilbihan ko. Kung alam ko lang sana eh di na ako tumuloy." Pagkukwento ko sa kanya.

"Ahh ganun ba. Akala ko naman kung ano ng namamagitan sa inyong dalawa ni Uno."

"Onga pala. Bakit ka andito?" Tanong ko naman sa kanya.

"Pinuntahan kita dahil gusto ko sanang gumala kasama ka. Itetext sana kita pero wala ka namang cellphone." Sambit niya.

"Sorry ha. Mahirap lang kasi ako. Haha. Pero baka sa susunod na sweldo ka makabili na ako ng cellphone kahit iyong mura lang. Ang importante naman eh may pantawag at pangtext ako."

Pagkatapos kong sabihin iyon kay Dennis, may bigla nalang siyang kinuha mula sa bulsa niya saka niya iyon inabot sa'kin.

"Ano iyan?" Tanong ko sa kanya.

"Cellphone." Matipid na sagot niya habang nakangiti siya.

"Alam mo naman Dennis na hindi ko tatanggapin iyan."

Tinignan ko lang iyong cellphone na kulay itim ang casing. May samsung ding nakalagay sa ibabaw ng malaking screen nito. Wala akong masyadong alam sa mga cellphone kaya hindi ko alam kung anong unit iyong hawak hawak ni Dennis pero siguro akong bagong labas iyon.

"Alam ko namang hindi mo tatanggapin 'to. Kaya eto nalang ibibigay ko sa'yo."

Binalik niya iyong cellphone niya sa bulsa niya at dinukot sa isang bulsa niya ang isa pang cellphone na may puting casing. Mas maliit iyong cellphone na hawak niya kesa kanina at may gasgas nadin.

"Bakit andami mong cellphone?" Tanong ko sa kanya habang patuloy parin kami sa paglalakad.

"Binilhan kasi ako ni Mommy ng bagong cellphone. Sayang din naman itong dati kong phone dahil magagamit padin naman kaya ibibigay ko nalang sa'yo." Pagkukwento niya

"Nakakahiya padin noh. Hindi ko padin tatanggapin iyan." Sambit ko.

"Ganun? Eh di itatapon ko nalang ito. Hindi ko din naman magagamit dahil luma na." Sambi niya. Bigla nalang siyang naglakad papalayo sa harapan ko at lumapit don sa basurahan na nakita niya. Aakma na sana siyang itapon iyong dati niyang cellphone pero tumakbo ako at pinigilan siya.

"Grabeh talaga kayong mayayaman kayo ha. Kahit hindi pa sira ang cellphone itatapon niyo na." Sambit ko.

"Kaya nga binibigay ko sa'yo para hindi masayang diba?"

Napangiti nalang ako kay Dennis saka ko kinuha iyong cellphone sa kamay niya.

"Thank you dito. Sa susunod na sweldo ko ililibre kita."

"Promise?"

Tumango ako at sinagot siya. "Promise."

Habang naglalakad kami, tinuruan ako ni Dennis kung paano gamitin iyong cellphone niya. May sim nadin pala iyong binigay niyang cellphone at tanging contact lang niya ang naka register sa phonebook.

"San pala tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya dahil sabi naman niya eh pumunta daw siya sa malaking bahay para puntahan ako.

"Mall nalang tayo. Manood tayo ng sine?" Tanong niya sa'kin. Gusto ko din sana para naman matanggal iyong stress ko kahit papano pero naalala ko na wala pala akong pera. 

"Huwag kang mag-alala Shane. Libre ko naman." Sabi niya sa'kin pagkatapos kong tumahimik. Napagtanto niya siguro na wala akong pera kaya nag volunteer na siya.

"Andami ko ng utang sa'yo. Nakakahiya na." Sambit ko.

"Huwag kang mag-alala. Ililibre mo naman ako sa susunod na sweldo mo diba?"

Dumeretso na kami ni Dennis sa mall para manood ng sine. Bumili na muna kami ng ticket sa catching fire saka  kami bumili ng popcorn at drinks. Dahil hindi ko napanood iyong unang part ng Catching Fire na Hunger Games daw ang title, nagtatanong ako lagi kay Dennis sa mga kinaguluhan ko sa movie.

-HGHM-

Pagkatapos naming manood ng Catching Fire, naglibot libot na muna kami sa mall. Pumunta kami ng arcade para maglaro at nag ikot ikot nadin sa mga shop. Hanggang window shopping lang ako dahil wala akong pera. Ganun din naman si Dennis kahit na madami na mayaman siya. Ayaw niya sigurong siya lang iyong mamili habang nakatingin lang ako. Hahaha.

"Oo nga pala Shane. May itatanong lang ako." Sambit ni Dennis habang naglalakad kami sa loob ng mall. Sobrang sakit na ng mga paa ko. Hindi ko alam kung ilang oras na ba kami naglibot.

"Ano iyon?" Tanong ko sa kanya.

"Iyon palang balita sa school na kayo na ni Uno. Totoo ba talaga iyon?"

Bigla nalang akong napatawa sa tanong ni Dennis. Sobrang dami na kasing chismis na kami ni Uno. Dahil naman iyon sa kagagawan ko. Pano ba naman kasi sinabi ko na girlfriend ako ni Uno dahil sa sobrang galit ko kay Silver. Idagdag pa don ang pagmamayabang ni Uno na kami na talaga kahit na 'Hired Girlfriend' lang ako.

"Bakit ka tumatawa? Kinikilig ka ba?" Tanong ulit niya.

"Ha? Hindi noh. Natatawa lang ako sa mga ginawa ko. May aaminin ako sa'yo Dennis.." Pagsisimula ko pero biglang pinutol ni Dennis iyon.

"May sasabihin din ako sa'yo Shane.."

"Sige. Pero mauuna na muna ako ha. Iyong tungkol sa'min ni Uno. Hindi totoo iyon. Haha. May hiniling kasi akong pabor mula sa kanya kaya in return iyon iyong hiniling niya mula sa'kin. Pero hindi talaga totoo na kami. Ilagay nalang natin sa ganito, isa lang akong 'Hired Girlfriend' ni uno." Pagkukwento ko sa kanya.

Continue Reading

You'll Also Like

12.6M 179K 99
Highest Rank #3 in romance (01/08/19) [Carrying the Billionaire's Heir ] Nakipag-One Night Stand si Andrea Sanchez sa hindi kilalang lalaki. Ngunit s...
200K 4.9K 17
The Cavaliers Book 1 “Hindi ako marunong umatras sa laban, lalo na kapag pag-ibig ang usapan.” Kung kalian nag-aagaw-buhay, saka naman tumibok ang pu...
528K 10.2K 83
What will you do if your life is almost perfect eventhough your not rich, then one day you found out that your getting married and the worst thing is...