Chapter 30: 'She'

59K 833 48
                                    

Shane's POV

"Bakit ang tagal mo?" Tanong ni Uno sa'kin habang hinihintay niya ako sa labas ng pinto ng bahay. Karga karga niya si Baby Shan na naglalaro ng rubber duck.

"Sorry. Naaksidente kasi iyong taxi na sinakyan ko. Mabuti nalang talaga at hindi masyadong malakas ang pagkakabangga." Pagpapaliwanag ko.

"Hindi ka ba nasaktan?" Nag-aalalang tanong ni Uno.

"Hindi naman.."

"Ikaw naman kasi!! Sinabi ko naman sa'yong sasama na kami. Pano kung may nangyari sa'yong masama? Sa tingin mo hindi ako masasaktan? Sa tingin mo makakaya lahat na ako lang?" Galit na sumbat ni Uno. 

"Sorry na. Hindi na mauulit." 

"Tss. Pumasok ka na nga lang. Mabuti nalang talaga at walang nangyaring masama sa'yo."

Inilabas ko na iyong mga binili ko pagdating ko sa kusina para makapag simula na sa pagluluto ng dinnrer namin ni Uno. Si Baby Chan naman, gatas lang naman iniinom niya at iyong baby food na banana flavor.

"Ako na magluluto.." Sambit ni Uno na biglang nalang sumulpot sa likuran ko.

"Haa? May lagnat ka ba?" Nalilitong tanong ko sa kanya.

"Gusto ko kasi kahit na sinagot mo na ako, liligawan pa rin kita. Habang buhay kitang liligawan. Ganyan kita kamahal.."

Bigla akong natameme sa sinabi ni Uno.

"Ahh? Ehhh.. Ehh.."

Ang akward dahil hindi ako sanay sa Uno na kaharap ko ngayon. Mas sanay ako na parang laging siyang galit, laging mataas ang boses. Hindi naman sa ayaw ko sa Uno ngayon, parang naninibago lang ako.

"Shane.."

Parang biglang tumayo ang mga balahibo ko sa mga braso ko dahil sa kakaibang pagtawag ni Uno sa pangalan ko. Napakalumanay nito..

"Haa? Ba-keet?"

Lumapit si Uno sa'kin at dahan dahan naman akong lumalayo sa kanya. Hindi naman sa natatakot ako ha. Pero kasi, kahit na kami na ayoko pa rin na umabot kami ni Uno sa 'ganong' level lalo na at kami lang dalawa dito sa malaking bahay na'to.

"Iyong isang gabi kasi... diba hindi natuloy iyon?.. kaya baka.."

Mas lalo pang lumapit si Uno sa'kin at mas lalo naman akong lumalayo sa kanya hanggang sa naramdaman ko na sa likod ko ang pader sa kusina. Wala na akong mapupuntahan. Alam ko namang hindi ako mara-rape dahil mahal ko si Uno pero kasi.. hindi pa ako handa.. Ipinikit ko nalang ang mga mata ko dahil sa alam ko na ang susunod na mangyayari. Hahalikan ako ni Uno. Gusto kong sumigaw na ayoko. Hindi ko magawa. Dahil siguro gusto ko rin ang mangyayari.

"Uwaaaaa! Uwaaa!"

Bigla nalang kaming napatigil ni Uno dahil sa narinig naming iyak ni Chan. Binuksan ko ang isang mata ko para tignan si Uno. Hindi ko mabasa ang ekspresyon sa mukha niya.

"Ahh.. Ano..Diba sabi mo ikaw magluluto? Kaya pupuntahan ko muna si baby Chan baka kasi gutom na siya eh. Sige.. alis na ako.." Mahinang sambit ko kay Uno habang nakayuko ako. Hindi ko siya matignan ng deretso dahil sa sobrang kahihiyan.

Hindi na nakasagot si Uno kaya dumeretso nalang ako sa taas para puntahan si baby Chan. 

"Bakit ka ba umiiyak? dahil ba sa gutom ka na or dahil ayaw mong halikan ako ng daddy mo?" Tanong ko kay Chan habang kinakarga ko siya para patahanin.

"Ohh!! Ang cute cute talaga ng baby namin.."

Sinayaw sayaw ko muna si Chan hanggang sa tumigil na siya sa pag-iyak. Ibinaba ko muna siya sa crib niya bago ako nag timpla ng gatas niya.

Hired Girlfriend, Hired Mommy (Completed)Where stories live. Discover now