Chapter 01: She's Back

189K 2.2K 45
                                    

“Manong pakibilisan naman po. Malapit na akong malate eh.” Pangungulit ko sa driver ng taxi.

Pano ba naman kasi, five minutes nalang at mahuhuli na ako sa first subject ko and to think na first day ng school ngayon. Sigurado akong bad impression ang makukuha ko sa teacher namin pag nangyari iyon.

“Ma’am binibilisan ko na po. Kung mas lalo ko pa pong bibilisan itong kotse eh baka mabangga na po tayo.” Sagot naman nong driver.

“Hay!” Napabuntong hininga nalang ako dahil sa sinabi ng driver. Tama naman kasi siya, sobrang bilis na ng takbo ng taxi tapos kinukulit ko pa siya. Siguro iniisip niya ngayon na gusto kong magpahatid sa kabilang buhay kaya ko siya kinukulit.

“Andito na po tayo Ma’am.” Sabi nong driver.

Kinuha ko iyong bayad sa wallet ko saka ako dali daling lumabas. Ni hindi nga man lang ako nakapagpasalamat sa taxi driver. ‘I’m sorry talaga Manong driver.’ Sabi ko sa isipan ko. Tumaktakbo ako sa hallway ng University namin ng bigla nalang akong napahinto.

Ilang buwan na ang lumipas simula nong nawala nalang akong bigla sa University na’to ng hindi man lang nakapagpaalam kahit kanino. Kahit na sa bestfriend kong si Mitchie. Alam ko sobrang tagal na non pero bakit unti unting bumabalik sa isipan at puso ko ang nakaraan? Ang nakaraan na gusto kong takasan.

“Girl bilisan mo dahil mahuhuli na tayo!!”

Saka lang ako bumalik sa ulirat ko pagkatapos kong mapansin iyong dalawang babae na nasa likod ko na nagmamadali. Tinignan ko iyong oras gamit ang relo ko. Fifteen minutes na akong late sa subject ko.

“Lagot!” Bulalas ko saka ako tumakbo papuntang third floor ng building. Kung mamalasin ka ba naman.

Pagdating ko sa room namin wala ng tao. Siguro nag check lang ng attendance iyong teacher namin saka siya nag dismiss.

“Hay!!” Napabuntong hininga ulit ako saka ako umupo don sa upuan malapit sa pinto ng classroom.

Pinatong ko iyong bag ko sa mga hita ko saka ko kinuha iyong wallet ko.

“Fifty pesos nalang meron ako.” Sabi ko sa sarili ko.

Binilang ko ang mga araw na natitira bago ko makuha ang sweldo ko sa part time job gamit ang mga daliri ko.

“Anim na araw pa. Pano ko kaya pagkakasyahin itong fifty pesos ko? Kung alam ko lang sana na mahuhuli parin ako kahit na magtaxi ako, nag jeep nalang sana ako. Sayang din iyong binayad ko sa driver kanina. Hay!” Napabuntong hininga ulit ako.

Kasalanan ko din naman kasi kung bakit ako nahuli sa klase. Naalala ko na naman iyong napanaginipan ko kagabi.

“Aissh!!” Ginulo ko iyong buhok ko gamit ang kanang kamay ko. Bakit ba kasi napanaginipan ko na naman siya?

“Shane? Shane ikaw ba iyan?”

Lumingon ako agad sa labas ng pinto pagkatapos kong marinig ang pangalan ko.

“Mitchie?” Bulalas ko saka ako tumayo para lapitan siya.

“Shane ikaw nga!!!” Bulalas din ni Mitchie saka niya ako niyakap ng mahigpit.

“I miss you Shane!! Grabeh!! Akala ko talaga.. Ahhh!!!” Sigaw niya saka niya ako niyakap ng mas mahigpit pa.

“Mitchie.. Hindi ako makahinga.” Sabi ko saka niya ako binatawan.

“hahaha/ hehehe” Sabay kaming nagtawanan pagkatapos ng madramang pagyayakapan namin.

“Oh my God Shane. Ilang buwan na ba ang lumipas nong huli tayong magkita? Pagkatapos mong mawala na parang bula, sobrang daming tanong sa isipan ko pero ngayon na nakita na kita ulit, hindi ko na alam kung san ako magsisimula.” Sabi ni Shane.

Hired Girlfriend, Hired Mommy (Completed)Where stories live. Discover now