Chapter 14: Instant Parents

83.5K 1.7K 38
                                    

Para akong nabaliw pagkatapos kong marinig ang sagot ni Uno sa tanong ko. Ako iyong Mommy ng sanggol na hawak hawak niya?

"Ako ba niloloko mo?" Tanong ko sa kanya saka ko siya tinignan ng masama para iparating sa kanya na wala akong panahon sa mga kalokohan niya. Bigla namang nawala ang ngiti sa labi niya saka niya ako sinagot. "Di ka na talaga mabiro. Hindi ko alam kung kaninong anak 'to. Nakita ko lang 'to kanina sa labas ng bahay pagkatapos mong umalis. Hinanap kita kanina pero para kang bula na bigla nalang nawala sa paningin ko. Para ka ring kabayo sa sobrang bilis mong tumakbo. Pagbalik ko kaninang umaga, bigla ko nalang siyang nakita sa tapat ng gate. Umiiyak habang nasa loob siya ng isang basket."

Lumapit ako kay Uno saka ko siya sinapak ng malakas sa kanang balikat niya.

"Aray!! Para sa'n na naman iyon?" Tanong niya habang hawak hawak parin niya iyong batang sanggol. Hindi ko nga alam kung pano niya nalaman ang tamang pagkarga ng bata.

"Para sa katangahan mo!" Bulalas ko. "Bakit mo kinuha iyong bata? Sigurado akong may mga magulang iyan at baka hinahanap na iyan ngayon. Baliw ka talaga, kinuha mo naman agad agad!" Galit na sambit ko. Tinignan ko iyong batang sanggol na nasa mga bisig ni Uno, himbing na himbing siyang natutulog. Ang liit ng mukha niya, at ang liit liit ng katawan niya at ang kapal kapal ng buhok niya. Siguro nasa mga lima o anim na buwan na siya.

"Ikaw iyong baliw Shane. Alangan namang hayaan ko nalang iyong bata don sa labas ng gate eh umiiyak nga. Isa pa, hindi ka ba nanood ng TV? Ganun din iyong nangyari sa mga drama drama na napapanood ko, iniiwan iyong bata sa labas ng gate kaya malamang sinadya talagang iwanan ang batang ito ng mga magulang niya." Pagpapaliwanag ni Uno.

Tama nga si Uno, malamang iniwan sinadyang iwanan iyong bata ng mga magulang niya. Pero bakit kaya? Dahil ba hindi niya kayang buhayin ito? Hinimas ko iyong kaliwang pisngi ng batang sanggol gamit ang hintuturo ko. Sobrang lambot ng pisngi niya. Siguro inakala ng mga magulang niya na ma-aalagaa ng mabuti ang anak iya dito dahil ang laki ng bahay nila Uno. Akala siguro niya na mas makakabuting dito na ang anak niya para mabuhay siya kahit na masakit sa loob ng mga magulang niya.

"Anong gagawin natin sa kanya?" Tanong ko kay Uno.

"Hindi ko alam. Pero kargahin mo na muna siya. Kanina pa nangangalay ang mga braso ko." Sagot niya saka niya dahan dahang binigay iyong bata sa'kin.

"Bakit mo pa kinarga? Pwede mo namang ilagay sa kama." Sambit ko habang nakatitig lang ako sa batang sanggol na karga karga ko.

"Umiiyak siya pag di ko kakargahin. Onga pala bakti ba ang tagal mo? Kanina pa ako hintay ng hintay sa'yo." Tanong ni Uno saka siya umupo. Halatang halata sa itsura niya na pagod na pagod na siya at iyong suot niya kaninang umaga ganun parin. Hindi pa yata siya nakakaligo.

"Aisshh. Tanong ka ng tanong."

"Eh sa ako ang boss mo. Kung hindi lang talaga mahal baka sinumbong na kita kay Mommy."

Kung hindi ko lang sana hawak hawak ang bata baka binatukan ko na si Uno dahil sa sinabi niya. Ang sakit kasi nong salitang 'mahal' sa  tenga ko.

"Ipagluto mo nga muna ako. Kanina pa ako hindi nakakain ng maayos." Utos ni Uno sa'kin saka siya nahiga sa couch na inupuan niya kanina. Inabot niya iyong remote control malapit sa kanya saka siya nanood ng TV.

"Sige hawakan mo na muna 'tong baby." Sambit ko pero biglang kumunot ang noo niya.

"Aisssh! Sabi ko naman sa'yo nangangalay na iyong mga braso ko." Pagrereklamo niya.

"Kumuha ka na nga lang ng comforter sa taas at unan para maipagluto kita." Utos ko sa kanya. Ayaw pa niya sana pero ginawa din niya dahil wala din naman siyang choice. Tumayo na siya at umakyat sa taas. Pagkatapos ng limang minuto nakabalik na si Uno dala dala ang isang comforter at unan. Inayos niya iyong comforter sa ibabaw ng center table malapit sa kanya saka ko dahan dahang nilapag iyong baby. Tinabi ko din iyong unan sa gilid niya para hindi siya mahulog.

"Bantayan mo muna iyang baby habang nagluluto ako." Sambit ko kay Uno. Tumango lang siya saka siya humiga ulit sa couch para manood ng TV. Dumeretso naman ako sa kusina para ipaghanda si Uno ng makakain. Sigurado akong kumakalam na iyong sikmura niya dahil hindi niya maiwan iyong baby.

Pagkatapos ng kalahating oras na paghahanda tinawag ko naman si Uno para makakain na siya. Ako naman iyong nagbantay tumabi sa baby para magbantay. Nakatitigl ang ako sa kanya habang natutulog siya.

"Kawawa ka naman. Iniwan ka ng mga magulang mo dito pero sigurado naman akong ginawa lang nila iyon dahil mahal ka nila. Pero huwag kang mag-alala baby baka naman kasi ilang araw ka lang dito tapos babalikan ka pa nila. Aalagaan nalang muna kita habang wala pa ang mga magulang mo."

-HGHM-

"Ano ng plano natin?" Tanong ni Uno pagkatapos niyang kumain. Nakabalik na ulit siya sa pwesto niya. Hawak hawak niya iyong remote control ng TV habang palipat lipat siya ng channel para maghanap ng magandang papanoorin.

"Ikaw? Total ikaw naman iyong nakakita." Pabalik na tanong ko sa kanya.

"Hay." Napabuntong hininga lang si Uno. "Kung pwede lang sanang itapon ang batang iyan. Bakit ba kasi dito pa iyan iniwan? Eh pwede namang sa kabilang bahay."

"Eh kasi bahay niyo ang pinakamalaki sa subdivision na'to kaya malamang dito iniwan. Onga pala, anong pina inom mo sa baby?" Tanong ko kay Uno.

"Malamang gatas. Anong klaseng tanong iyan?"

"Bobo mo! Tinatanong ko kung anong brand ng gatas."

"Hindi ko na maalala basta binili ko nalang don sa pinakamalapit na mini mart. Tinapon ko na rin iyong kahon. Baka kasi dumating si Mommy at magalit dahil may bata dito pero may konti pa namang natitira baka pwede na 'to hanggang bukas." Tumayo si Uno saka niya kinuha iyong baby bottle na may lamang tirang gatas ng baby na di naubos at isang pack ng diaper.

"Pano mo binili 'to?" Tanong ko sa kanya dahil hindi ko talaga ma imagine iyong itsura ni Uno na naka pambahay lang at bumili ng gamit ng baby.

"Hindi mo lang alam kung ano ang pinagdaanan ko para lang mabili iyan. Kilala pa nama nako ng may-ari ng mini mart at tinanong ako kung para sa'n daw iyong binili ko. Sinabi ko nalang na para sa aso ko."

"Hahaha. Para sa aso eh wala ka namang aso."

"Eh sa allergic ako sa balahibo ng aso."

"Bitbit mo ba iyong baby habang binili mo 'tong gamit?" Tanong ko kay Uno.

"Hindi noh baka mapagkamalaman pa akong batang ama hindi naman ako si Agelito. Pinahawak ko muna don sa babaeng nasa labas ng mini mart."

"Buti naman di niya tinakbo iyong bata." Sambit ko.

"Mabuti sana para naman hindi na ako namroblema. Sinadya ko ngang magtagal sa loob ng mini mart para naman maisipan nong babae na itakbo iyong bata pero paglabas ko andun parin siya. Ang malas ko talaga."

"Hahahah. Nakakatawa ka talaga. Pero Uno kailangan na nating bumili ng gatas ng bata dahil hindi na ito magkakasya. Sigurado ako pagkagising niya iiyak na iyan at manghihingi ng gatas."

Kumunot ulit ang noo ni Uno. Napapagod na yata siya sa baby pero pagkatapos ng ilang minuto tumayo nalang siya bigla at pinatay iyong TV.

"Tara na nga. Pero don tayo sa malayo bibili. Don sa lugar na walang nakakakilala sa'kin. Magbibihis na muna ako."

Tumango lang ako saka umakyat si Uno sa taas para magbihis. Tinignan ko ulit iyong baby na nasa harapan ko. Kahit na tulog na tulog na siya, ang sarap parin niyang panoorin. Sino ba naman ang mag-aakala na bigla nalang kaming naging instant parents ni Uno sa isang ihip lang ng hangin?

----

Author's Note: Bakit konti lang iyong nag cocomment at nag vovote? Hindi niyo ba gusto 'to? Hmm. Baka hindi na ako mag uupdate pag konti lang talaga ang votes at comment next time. Baka maisipan kong i on-hold ito. T_T

Hired Girlfriend, Hired Mommy (Completed)Where stories live. Discover now